Chapter 29.b

1110 Words
Chrylei Criox’s Pov Gumawa kami ng kampo sa mismong ilalim ng arko na siyang naghihiwalay sa dalawang rehiyon. Sa ganitong paraan ay magiging madali para sa amin ang makabalik sa Lapis Region kung sakali mang atakihin kami ng anumang magical o sacred beast dahil hindi sila makakapasok sa naturang rehiyon. May spell kasing nakapalibot sa buong Lapis Region at ang tanging nakakalabas-pasok lamang dito ng walang problema ay mga knights. Ang mga magical beast o kahit ang mga sacred beast ay hindi kayang lampasan ang spell na iyon kaya naman madalas silang maglagi sa mga rehiyong nasa paligid ng Lapis Region. Sa pagkakaalam ko ay tanging ang mga furry lamang at mga dragon ang nakakapasok ng Lapis Region dahil doon nakabase ang kanilang tahanan. Ngunit oras na lumabas sila sa naturang rehiyon ay hindi na sila muling makakapasok pa. Habang abala ang iba sa pag-aayos ng aming makakain at pagmamasid sa paligid, dinala ko naman sa isang banda ang mga furry at masinsinan silang kinausap. Alam kong sinabi na nila kanina na hindi din nila maipapaliwanag kung bakit nila ako tinawag na tagapagmana pero gusto ko pa ding magtanong ng mga bagay-bagay at baka sakaling may malaman pa ako tungkol sa pamilyang pinaglingkuran nila na maaaring parte ng pamilya ko. “May mga pangalan ba kayo?” unang tanong ko sa kanila. Medyo nakakalito na nga ang itsura nila dahil pare-pareho sila ng itsura.. “Ipagpaumanhin mo kung hindi kami nakapagpakilala agad.” sambit ng kanina pa nakikipag-usap sa akin. Siguro siya ang may mataas na antas sa kanila kaya parang siya ang namumuno sa kanila. “Tawagin mo na lamang akong Jeden. Ang nasa kanan ko ay si Dva at ang nasa kaliwa ko naman ay si Tri.” Tumangu-tango ako. “Jeben, Dva at Tri.” Itinuro ko sila isa-isa habang binabanggit ang kanilang mga pangalan. “Ngayon naman ay maaari mo bang sabihin sa akin kung sino ang pamilyang inyong pinaglingkuran noon?” Umiling ito. “Hindi na naman?” Bumuntong hininga siya. “Ang mga furry na direktang naglilingkod sa pamilyang may kaparehong dugong dumadaloy sa iyong katawan ay naninirahan sa loob ng Lapis Region. Sila lamang ang makakapagsabi kung sino ang kanilang pinaglilingkuran habang kami ay binigyan lamang ng kapangyarihan upang makilala ang sinumang parte ng pamilyang iyon nang sa gayon ay hindi dumating ang anumang pagkakataon na may masaktan kami sa kanila.” Ibig sabihin ay posibleng ang pamilyang Criox nga ang kanilang tinutukoy. O maaari din ang pamilyang pinanggalingan ni Ina dahil sa aking pagkakakaalam ay may kakayahan siyang magpaamo ng mga magical beast. Kung ganoon ay wala silang masasabi sa aking impormasyon tungkol sa dalawang pamilyang aking pinanggalingan. “Ma--” “Hep!” pigil ko sa kanya. “Mas gugustuhin kong tawin mo na lamang ako sa aking pangalan. Chrylei. Iyan ang itawag nyo sa akin.” “Per--” “Ayokong pagtalunan natin ang bagay na ito.” sabi ko. “Isa pa, hindi pa din naman tayo sigurado kung kabilang nga ako sa sinasabi niyong pamilya kaya mas makakabuti kung iiwasan natin ang pagiging pormal.” Tinitigan nila ako pagkuwa’y bumuntong hininga. “Hindi maaaring makamali ang aming pakiramdam, Chrylei.” sambit ni Jeben. “At dahil sa iyong sinabi ay higit mong pinatutunayan na isa ka sa dapat naming paglingkuran dahil kabilang ka sa pamilyang iyon.” “Pero kung iyon ang iyong nais ay hindi ka na namin tatangkain pang kontrahin.” sabi ni Tri. “Chrylei ang aming itatawag sa iyo.” Ngumiti ako. “Salamat.” “Maaari ba naming malaman kung saan ang inyong patungo?” tanong ni Dva pagkuwa’y bumaling sa aking mga kasama. “Bihira lamang mapadpad sa ganitong lugar ang mga nasa ikaapat na hanay ng dugong bughaw ng mundong ito.” “Nasa isang paglalakbay kami upang marating ang iba pang lugar dito sa mundo ng Attila na hindi pa nararating ng mga nasa henerasyong ito.” paliwanag ko. “Pero ano ang ibig nyong sabihin na ikaapat na hanay?” “Nang likhain ng mga diyos at diyosa ang mundo ng Attila ay may itinalaga silang pamilya na siyang mamumuno at magpapanatili ng kaayusan dito. Sila ang itinuturing na unang hanay ng dugong bughaw. Kilala sila sa tawag na ancient family sa henerasyong ito.” paliwanag ni Jeben. Iyon ang pamilyang pinanggalingan ng shield power. “Ang ikalawang hanay ng dugong bughaw ay ang ikalawang pamilya na nabigyan ng kapangyarihan upang daigin si Akuma nang mapadpad siya sa mundong ito.” sambit ni Dva. “Sila ang pamilyang aming pinaglilingkuran ngunit kailanman ay hindi sila nabanggit sa kasaysayan ng mundong ito.” “Sila din ang ikalawang pamilya na namuno sa mundong ito nang magsimulang  bumagsak ang ancient family. Ngunit hindi nagtagal ang kanilang pamumuno dahil sa mga haka-hakang ang isa sa kanila ay nagkaroon ng anak kay Akuma at hindi totoong namatay ang evil god sa kanilang mga kamay.” dagdag ni Tri. “Ang ikatlo ay ang mga dugong bughaw na siyang namuno sa Mirai at Unmei Kingdom.” At ang ikaapat na hanay sa mga royal blood ay ang mga pamilyang kasalukuyang naninirahan sa palasyo at namumuno sa buong Attila. “Ang dami pa palang hindi nalalaman ng henerasyong ito sa kasaysayan ng ating mundo.” sabi ko. “Hindi pa naman ganoon katagal ang kasaysayan ng Attila ngunit tila walang interes ang henerasyong ito na malaman ang nakaraan.” ani Jeben. “Tanging mga magical at sacred beast lamang ang may kaalaman sa mga pangyayari doon.” “Pero tanging mga sacred beast lamang na naninirahan sa loob ng Lapis Region ang nakakaalam ng buo at detalyadong pangyayari sa mga nagdaang panahon.” dagdag ni Dva. Kung ganoon ay kung gusto kong alamin ang lahat ng nangyari mula nang magsimulang mabuo ang Attila ay kakailanganin kong humarap sa mga sacred beast na nasa Lapis Region. “Chrylei.” Bumaling ako kay Zenia na palapit na pala sa amin. “Pwede ko ba silang makausap?” tanong iyan habang itinuturo ang tatlong furry. “Nang kami lang sana.” Bumaling ako sa tatlo. “Sagutin nyo kung ano ang itatanong niya at ibigay nyo kung ano ang impormasyong alam nyo sa kanya.” Yumuko ang mga furry. “Masusunod, Chrylei.” Tumayo ako at bumaling kay Zenia. “Ikaw na ang bahala sa kanila. Babalik na ako kina Faero at mukhang kanina pa nag-aalala sa akin.” Tumango siya. Tinapik ko nalang siya sa balikat at tumakbo ako pabalik kina Faero. Kanina pa kasi bakas sa mga mata nito ang pangamba at pag-aalala kaya naman kailangan ko na siyang pakalmahin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD