Chapter 30.a

1268 Words
Chrylei Criox’s Pov Nagsimula na kaming maglakbay. At habang binabagtas ang daan palayo sa pader na naghihiwalay sa dalawang rehiyon ay unti-unting bumibigat ang aking pakiramdam sa paligid. Ramdam ko ang takot at pangamba ng bawat nilalang sa paligid. Tingin ko ay hindi lamang knight ang namamatay sa lugar na ito. “Maliban sa mga knights na nagbubuwis ng buhay upang makadaan dito ay hindi din nakakaligtas ang mga maliliit at mahihinang nilalang na nagtatangkang pumunta sa Lapis Region.” sambit ni Jeden na ngayon ay nasa tabi ko. Ang gamit niyang mukha ay ang kapatid kong sumunod sa akin. Si Clar, ang dating Knight of Tame. Nasa kabilang karwahe si Dva kasama ni Faero habang si Tri naman ay nasa kwarwahe kung nasaan ang mga dala naming pagkain. Gamit ng dalawang iyon ang itsura ng kambal kong kapatid na sina Cena at Ceno, ang mga dating Knight of Shrinking. “Kaya naman ganito ang panganib na iyong mararamdaman.” dagdag ni Jeden. “At ramdam ito sa kabuuan ng Zeki Region.” “Pero may mga knights pa din ang naninirahan dito?” Tumango siya. “Sila iyong mga knights na bumubuo ng mga village dito at nagtatayo ng mga inn upang may matuluyan ang mga beast hunter.” “Paano nila nagagawang hulihin ang magical or sacred beast?” tanong ko. “Hindi ba’t higit na malakas ang mga iyon kaysa sa mga knights?” “They have magic items.” sabi niya sabay lingon kay Zenia at doon ko napagtanto na marahil ay kabilang iyon sa mga gamit na nilikha ni Zenia noon na hindi na niya nagawa pang bawiin. Kakaiba talaga ang mga magic item na nililikha niya. Hindi lamang ito nakapagbibigay ng kapangyarihan sa tulad ko, nagagamit din ito upang mahuli ang mga magical at sacred beast kahit pa hindi sila mga tamer. “Cali.” Naalerto ang lahat nang tawagin ni Zeal si Cali. “Use your trees so we can know where we are going.” “Bakit?” “They are awake.” sabi nito at sa hindi kalayuan ay nakikita ko ang mga anino ng mga baboon na nagpapalakad-lakad. “Turn off all your lights.” Agad nagpatay ang lahat ng kani-kanilang ilaw habang si Cali naman ay binubulungan ang mga kabayong humahatak sa aming mga karwahe kung saan sila dapat dumaan. Bumaling sa akin si Zeal. “Just to be sure, can you use your shield again to protect all the carriage?” Tumango ako at agad ginawa ang sinabi niya. Nang masiguro kong may pananggalang na ang lahat ng karwahe ay muli akong bumaling sa direksyon kung saan nagtitipon ang mga baboon. “Bakit ba hindi na lang natin sugurinang mga iyon?” mahinang tanong ni Savii. “Not that I want to kill them but if they will threaten us, we should do something.” “Despite them being this kind of danger to every knight who uses this route, they are an important part of nature.” sambit ni Cali. “They are the very reason why the Zeki Region still has so many forest and green fields, unile Lapis Region.” “At inaatake lang naman nila ang mga knights dahil nakikita nilang isa tayo sa mga rason kung bakit unti-unting nasisira ang kalikasang kanilang pinangangalagaan.” dagdag ni Zenia. “So attacking them will only give us more trouble.” Bumuntong si Savii. “Fine. Sorry for saying such inconsiderate things. I didn’t know that they also have this important role in our world.” “It’s okay.” nakangiting sabi ni Cali pagkuwa’y ginulo ang buhok ni Savii. “Ngayon ka palang nakarating dito at ito lang din ang unang pagkakataon na nakakita ka ng mga magical beast.” “Well, yeah.” Kulang-kulang din naman kasi ang mga impormasyon sa mga libro tungkol sa mga sacred o magical beast kaya hindi lahat ng taga-Antlers ay alam ang lahat ng tungkol sa mga ito. “And as for now, we should do what we can to avoid getting into a fight.” dagdag ni Zeal. “This is an expedition team, not a raid team.” Nakahinga ng maluwag ang lahat nang tuluyan kaming makalayo sa kinalalagyan ng mga baboon. Saglit na nagmanman sina Zeal sa paligid at nang masigurong ligtas na ang lahat ay agad niya akong sinenyasan at doon ko inalis ang mga pananggalang nakabalot sa mga karwahe namin. Pagkuwa’y huminga ako ng malalim. Sa pagkakataong ito kasi ay hinayaan lang ako ni Zenia. Ang sabi niya ay para masanay din ako dahil hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi ko siya. Nakakapagod din ang pagpapanatili ng shield na iyon kaya inalalayan muna ako ni Jeden na mahiga sa kanyang mga hita. “Salamat.” Ngumiti ako pagkuwa’y sinilip ko ang singsing. “Bakit parang hindi yata nabawasan ang enerhiya nito?” Kapag kasi nababawasan ang enerhiya sa singsing ay nawawala ang ilaw sa isa o dalawang bato nito ngunit nananatili pa din ang ilaw sa tatlong batong mayroon ito. Hindi naman sumagot si Zenia ngunit napakunot ang aking noo nang mapansin ang marka ng kontrata namin ng mga furry sa aking palad. Ang isa dito ay nagliliwanag. “Anong nangyayari.” Bumuntong hininga si Jeden at hinawakan ang palad ko pagkuwa’y itinuro ang isa sa markang nagliliwanag. “Iyan ang marka ng iyong kontrata kay Tri. At ang enerhiyang ginamit mo para mapanatiling may malakas na pananggalang ang mga karwahe ay hindi galing sa singsing kundi sa kanya.” “Eh?” Napatayo ako at bumaling sa karwahe kung nasaan si Tri at bakas sa kanyang mga mata ang pagod. “Ang mga familiar ay nagsisilbi mo ding energy source.” dagdag ni Zenia pagkuwa’y bumuntong hininga. “And to be honest, sinabi nilang huwag kong sasabihin ito sayo dahil sigurado daw na hindi ka papayag na pumasok sa isang kontrata.” Bumaling ako kay Jeden at ngumiti lamang ito. “Bakit?” “Ang lahi ng mga furry ay nilikha lamang upang paglingkuran ang iyong pamilya.” sabi niya. “At iyon ang dahilan kung bakit wala kaming sariling anyo. Maaari mo kaming gamitin sa anumang paraan mo gusto.” “Hindi iyon maka--” Umiling siya. “Ang pamilya mo ang nagbigay ng dahilan sa aming existence sa mundong ito. Kung hindi kami maglilingkod sa inyo, isa lamang kaming walang kwentang nilalang na gagawing abo ang anumang bagay o sinumang nilalang na aming malapitan.” “Chrylei.” tawag sa akin ni Zenia kaya bumaling ako sa kanya. “Hindi lamang hinaharap ng Attila ang nakasalalay sa iyong mga kamay ngayon. Maging ang mga nilalang na naninirahan sa mundong ito. Kung hindi mo ito kayang panindigan, iminumungkahi kong ngayon palang ay kitilin mo nalang ang iyong sarili.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Zenia!” sigaw ng mga kasama namin. “Chrylei’s existence is such a danger and blessing to all of us.” sigaw niya. “Kung mananatili siyang buhay pero hindi niya naman kayang pasanin ang itinakdang tadhana para sa kanya, hindi lamang tayo ang magdudusa. Maging ang mga susunod pang henerasyon ay dadalhin ang lahat ng problema dito hanggang sa tuluyang mamatay ang mundong ito.” “Pero lalong manganganib ang mundo natin kung mamamatay--” “Hindi mangyayari iyon kung may papalit agad sa kanya.” pagpuputol niya sa akmang sasabihin ni Zeal. “Someone out there will surely be born once Chrylei decides to kill herself.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD