Chapter 29.a

1118 Words
Chrylei Criox’s Pov Tahimik ang lahat. Nakikiramdam sa kung ano ang magaganap ngayong tinatahak na namin ang daan ng Zeki Region. At hindi kalayuan sa amin ang bukana ng gubat na sinasabing tinitirhan ng ilang mapanganib na sacred beast. Nasa itaas pa din ng karwahe si Zeal at nagsisilbing taga-bantay kung sakaling may sasalakay sa amin. At kahit nakakaramdam na din ako ng kaba ay sinisiguro kong hindi ako mawawalan ng concentration para sa shield na bumabalot sa amin. Medyo mahirap din gumagalaw ang pinoprotektahan ng shield. Sa tingin ko nga ay kung hindi ako tinutulungan ni Zenia ay siguradong kanina pa naubos ang enerhiya na nasa singsing ko. “Here they come.” mahinang sambit ni Cali. Sa tulong ng mga puno sa paligid ay kanina pa niya binabantayan ang paligid namin. “s**t! It’s furry!” Nanlaki ang mga mata namin sa narinig. “Hilahin nyo si Zeal papasok dito!” sigaw ni Cali. Agad namang lumabas si Deccan at marahas na hinila si Zeal papasok. “What the he--” “Tatlong furry ang papunta sa direksyon natin.” ani Cali. “And we all know that you cannot fight them.” “But we will all die if we let them near us.” sabi ni Zeal. “You don’t need to fight them.” sambit ni Zenia. “We just need to strengthen the Chrylei’s shield.” “Will it work against the furry’s fire?” “I don’t know.” sagot ni Zenia. “Ngayon ko palang din naman nakita ang shield na ito kaya naman hindi ko din masasabi kung gaano kalakas ang depensa nito. Pero wala tayong magagawa kundi ang subukan ito.” “How about we join our energy with you?” tanong ni Savii. “In that way, mas masisiguro natin na kakayanin ng shield ang apoy ng furry.” “We cannot do that.” sabi ko. “Chrylei’s right.” sabi ni Zenia. “The only energy that the ring will accept is mine. Mawawalan ng bisa ang shield spell.” Originated ang shield power sa pamilyang pinaggalingan ni Snow White at ayon kay Zenia, ganoon din ang pagiging Knight of Spell niya kaya naman mula nang magising muli ang Knight of Shield ay mas madali para sa aking ang i-cast ang sheild. “And don’t do anything.” dagdag ni Zenia. “Furry only reacts harshly when they sense power that could hurt them so suppress your powers let us handle this.” “Are you sure you can handle this situation?” tanong pa ni Deccan na inilingan ni Zenia. “But this is the only thing we can do.” sambit niya. “Let’s just hope that everything will work on our advantage.” Ang mga napag-usapan dito ay agad nilang ipinaalam sa iba pang karwahe gamit ang hangin ni Deccan. At nang masigurong alam na ng lahat kung ano ang dapat at hindi dapat gawin ay hinintay na lamang namin ang pagpapakita ng kinatatakutang nilalang. “Nandito na sila.” sambit ni Cali. At doon lumabas sa kagubatan ang mga furry. Tatlong nilalang na siyang kinatatakutan ng lahat. Isa itong nilalang na may apat na paa na tila hugis lobo ngunit hindi iyon ang tunay niyang anyo. Sa katunayan niyan, wala talaga itong anyo dahil isa lamang siyang espirito ng asul na apoy. At naiiba ito sa normal na apoy na hawak nila Zeal at Faero. Wala itong basbas ng Fire Goddess na si Kasai. Dahil direktang nanggaling ang apoy nito sa evil god na ni Akuma. Sa ipinapakita nitong mukha ay masasabi kong hindi pa sila nababahala sa presensya namin ngunit bakas ang pagiging alerto nila. At alam kong hindi sila magdadalawang-isip na sugurin kami kapag may naramdaman silang hindi maganda. Dahan-dahan silang naglakad palapit sa amin. Halos lahat kami ay pigil hininga dahil sa kabang aming nararamdaman. Lalo na nang tumigil ang tatlong furry sa paligid ng karwahe kung nasaan ako. Pinalibutan nila kami at hindi ko maintindihan kung bakit para bang sa akin sila mismo nakatingin. Kaya dumoble ang kabang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi ay binabasa nila ang buong pagkatao ko gamit ang pula nilang mga mata. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit hindi ko man lang maiiwas ang tingin ko sa kanila. Nagagawa ko pang makipagtitigan sa kanila kahit balot na balot na ako ng takot at kaba. At dahil doon ay naalerto na din ang mga kasama ko. Alam kong hindi sila magdadalawang isip an sumugod kung sakali mang may gawing hindi maganda ang mga furry. Ngunit napakunot na lamang ang aming mga noo nang biglang yumuko ang mga ito na para bang nagbibigay pugay sila. Napatingin sa akin ang mga kasama ko pero hindi ko din naman maintindihan ang nangyayari. Muling nag-angat ng ulo ang isa at diretsong tumingin sa akin. “Ikinagagalak kitang makilala, mahal na tagapagmana.” “Tagapagmana?” “Chrylei?” “Huwag kang mag-alala.” dagdag ng Furry. “Hindi namin sasaktan ang sinuman sa iyong kasama. Ngunit nais sana naming maglingkod sa iyo.” “Chrylei.” Bumaling ako kay Zenia. “Naririnig nyo ba siya?” Itinuro ko ang furry na kumakausap sa akin. Tumango sila. “At tinawag ka niyang tagapagmana.” dagdag ni Deccan. “Alam mo ba ang ibig sabihin noon?” Umiling ako. Posible bang isa ito sa mga bagay tungkol sa pamilya ko na hindi man lang pinagkaabalahang sabihin sa akin ni Ama? “Sa ngayon ay hindi na mahalaga kung bakit siya tinawag na tagapagmana ng furry.” sabi ni Zenia pagkuwa’y binitiwan ako. “At least nakakasiguro tayo na hindi sila banta sa atin.” Unti-unting nawala ang shield na bumabalot sa mga karwahe namin. “Nasa paligid ang mga Baboon kaya iminumungkahi kong magpahinga muna kayo dito hanggang sa sumapit ang paglubog ng araw.” dagdag ng furry kaya mabilis akong bumaling kay Cali. Na agad tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ng furry. “We will go back to the border wall.” sabi ni Zeal at doon natin hihintayin ang paglubog ng araw.” Bumaling siya sa furry. “Maaari ba kayong sumunod sa amin at ipaliwanag kung bakit nyo tinawag na tagapagmana ang babaeng iyan?” Hindi ito sumagot. Tumingin muna ito sa akin na para bang humihingi ng pahintulot na magsalita kaya agad ko siyang tinanguan kaya muli siyang bumaling kay Zeal. “Ipagpaumanhin mo ngunit hindi ko din kayang ipaliwanag kung bakit tagapagmana ang tawag namin sa kanya. Sadyang ramdam lang namin na nananalantay sa kanyang mga ugat ang dugo ng pamilyang pinagsilbihan namin noon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD