Chapter 10.b

1196 Words
Chrylei Criox’s Pov   “What is this book?”   Nilingon ko ang librong itinuro ni Deccan at napakunot ang aking noo nang makita ang kakaiba nitong itsura.   Hindi ko matandaan na may ganitong libro akong kinuha kanina habang namimili ako ng aking mga babasahin.   Kinuha ko iyon at binuksan. “Kiseki Nine?” Ah, nabanggit na ito sa akin ni Red noon.   Kiseki Nine ang tawag sa mga nilalang na siyang lumaban upang makamit ang kapayapaang aming tinatamasa ngayon.   “Hindi ba’t ang Kiseki Nine ang tawag sa mga nilalang na nakasama ni Snow White noong unang digmaan na nagresulta ng pagsasanib pwersa ng dalawang sinaunang kaharian?” aniya. “Don;t tell me, maging ang tungkol sa kanila ay gusto mong malaman?”   “Ahm.” Itinabi ko ang libro. “Ang totoo niyan ay nakatutok ako sa pag-alam ng mga bagay tungkol kay Snow white.”   “The president of Sacred Cross.”   Kumunot ang noo ko. “S-scared Cross?”   “Wait.” Tumayo siya at pumunta sa pinakadulo ng library. Nang makabalik siya ay may bitbit na siyang malaking libro pagkuwa’y ipinatong iyon sa harap ko. “This is the rarest book that I know and everything  here is only the eyes of the royals.”   “Bakit mo ipapakita ito sa akin?”   “Because you said that being a historian of Attila is the only thing that you really decided for yourself.” aniya. “So, I am giving you a favor on adding information about the past.” Binuklat niya ang unang pahina ng libro.   At bumungad sa akin ang larawan ng siyam na mga dalaga at binata. Blanko din ang mga mukha nila sa larawang ito na para bang sinadya na hindi iguhit upang hindi sila makilala ng sinuman.   “This is Snow White.” Itinuro niya ang babaeng nasa gitna ng siyam na iyon. May pula itong kulot at mahabang buhok. “And they are the Sacred Cross pero mas kilala sila bilang Kiseki Nine sa panahong ito.”   Isa-isa kong binasa ang kanilang mga pangalan.   Leaf… Dream… Nightmare... Knight… Snow White… Flame Red… Aivy… Sunny.... Laira   “Hundred years ago, may dalawang kaharian ang namumuno sa Attila.” panimula niya. “Ang Mirai Kingdom at Unmei Kingdom.”   “Alam ko ang tungkol doon.” sambit ko. “Mula pa lamang nang maitatag ang dalawang kaharian ay agad sumiklab ang digmaan sa pagitan nila dahil sa paghahangad nilang makuha ang lupain ng isa’t-isa.”   “Right.” aniya. “Pero hindi lahat ng mamamayan ng parehong kaharian ay masaya sa nangyayaring digmaan kaya’t may mga pagkakataon kung saan ipinapanganak ang mga half-blood.”   Literal na half-blood ang tawag sa mga nilalang na naging bunga ng bawal na pag-iibigan ng isang taga-Mirai Kingdom at isang taga-Unmei Kingdom. At sinasabing wala silang puwang sa parehong kaharian.   “Dito naman pumapasok si Yumei na siyang nagtatag ng lugar na tumanggap sa mga half-blood. Tinawag ang islang ito na Kiseki.” Muli niyang binuklat ang sunod na pahina at ipinakita doon ang itsura ng sinaunang Kiseki.   Isa itong lumulutang na isla na sagana sa lahat ng pangunahing pangangailangan ng bawat nilalang na naninirahan dito. At narito din sa islang ito ang nag-iisang paaralan na may kakayahang makapagbigay ng mataas na kalidad ng edukasyong wala sa anumang kaharian kaya’t napipilitan ang mga taga-Mirai at Unmei Kingdom na ipadala ang kanilang mga anak upang makapag-aral dito.   “Sa lugar na ito nakakapamuhay ng maayos ang mga half-blood at dito din nagtitipon ng matiwasay ang mga kabataang galing sa magkabilang kaharian para mag-aral.” dagdag niya. “At upang masigurong mananatili ang katahimikan sa buong isla, itinatag ni Snow White, isa sa mga half-blood at pinagkakatiwalaang lubos ni Yumei ang Sacred Cross.”   “Parang student council ng isang paaralan?”   Tumango siya. “At silang lahat ang naging miyembro nito.” Muli niyang ibinalik ang unang pahina at isa-isang itinuturo ang bawat miyembro habang binabanggit ang pangalan at posisyon nito. “Snow White, the heartless president. Aivy, the smiling vice president. Leaf, the strict secretary. Nightmare and Dream Cerise, the naughty treasurer and auditor. Flame Red, Knight, Sunny and Laira, the peacemakers.”   Isa-isa kong binuklat ang mga pahina ngunit kakaunti lamang ang detalyeng nakasulat doon tungkol sa Sacred Cross.   Kaunting impormasyon tungkol sa kanilang personal na buhay at ilang bagay na kanilang ginawa upang matapos ang alitan sa dalawang kaharian na tuluyang nagbigay sa kapayapaan ng buong Attila.   Iyon lamang ang binanggit sa librong ito.   “Bakit ito lang ang nakasulat tungkol sa kanila?” Bumaling kay Deccan. “Hindi ba’t parang kulang ito para sa mga bayaning naging dahilan kung bakit may tinatamasa tayong kapayapaan ngayon?”   Nagkibit-balikat siya. “They said that all the records about them got burned when the Kiseki University was destroyed and that’s all the information they got from the people who knew them.”   Malaking panghihinayang ang aking naramdaman nang marinig iyon at hindi ko alam kung bakit nagsisimula na din akong magkaroon ng interes na alamin hindi lamang ang tungkol kay Snow White kundi maging sa buong Kiseki Nine.   “It looks like they got your curiosity too.” natatawang sambit ni Deccan. “Do you have free time tomorrow?”   “Ah, wala naman akong ibang gagawin kundi manatili dito.” sabi ko. “Bakit?”   “May ipapakilala ko na baka makatulong sayo.” aniya. Ibinalik na niya agad ang libro sa kung saan man niya iyon nakuha at nang makabalik sa aking tabi ay muli niya akong tinanong. “So? Pwede ka bukas?”   Tumango ako.   Ngumiti siya ng malawak. “Good. Sabihan mo na agad si Faero na ako ang makakasama mo bukas para hindi sila mag-alala sayo, okay?”   Muli akong tumango. “Okay.”   “Great.” Tumingin siya sa kanyang relo. “Anyway, kailangan ko nang bumalik sa training room at siguradong kanina pa ako hinahanap ng trainor ko.” Bumaling siya sa akin. “Magiging okay ka lang ba dito?”   “Syempre naman.” Ipinakita ko ang singsing na bigay ni Zenia sa akin. “Protektado ako kaya hindi ako basta masasaktan ng kahit sino.”   Ngumiti siya pagkuwa’y ginulo ang aking buhok. “Okay. See you later.” Agad siyang tumakbo palabas at muli akong naiwan.   Ako lang din naman ang mag-isang gumagamit nitong library. Walang ibang estudyante ang nagtatangkang pumasok dito upang mag-aral habang ang taga-pangalaga ng library ay abala sa kanyang sariling pagbabasa.   Muli kong itinuon ang atensyon sa mga librong nasa aking harap.   Tatapusin ko muna ang mga ito pagkuwa’y magsisimula na akong maghanap ng iba pang libro na may kinalaman naman sa Kiseki Nine.   Hindi ako sigurado kung may makikita nga ako dahil sinabi ni Deccan na wala ding masyadong record tungkol sa mga ito ngunit aasa ako.   Gusto kong mabigyan ng satisfaction ang aking sarili para sa mga bagay na ako mismo ang nagdedesisyon kaya’t hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman ang mga bagay na gusto kong malaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD