Chapter 11

1172 Words
Chrylei Criox’s Pov   Matapos ang klase ay agad akong hinila ni Deccan palabas ng aming silid-aralan. Hindi ko na nga nagawang makapagpaalam kina Faero dahil sa ginawa nito kaya siguradong mainit ang ulo niyon pagbalik namin.   Pero nakapagsabi na din naman ako sa kanya na may pupuntahan kami ni Deccan kaya hindi na siya mag-aalala sa akin.   “Saan ba tayo pupunta, Deccan?” tanong ko habang patuloy pa din ang kanyang paghila sa akin. “Kanina pa tayo naglalakad eh.”   “Huwag kang mainip.” aniya. “I am sure that you will like where we are going.”   Ang tinatahak naming daan ay papunta sa pinakalikurang bahagi ng Holy Knight University. Hindi ko pa nararating ang bahaging iyon at wala din iyon sa mapa ng paaralan kaya wala akong ideya kung ano ang aming dadatnan doon.   Pero dahil si Deccan naman itong kasama ko ay hindi ako kinakabahan. Matagal na panahon man kaming hindi nagkita ay alam kong hindi siya gagawa ng ikakapahamak ko.   Kumunot ang aking noo nang tumigil kami sa harap ng isang abandonadong gusali. Nasa bungad lamang ito ng gubat na nasa likuran ng paaralan at ipinagbabawal ang pagpunta dito.   “Anong ginagawa natin dito?” tanong ko.   “Narito ang mga nilalang na ipapakilala ko sayo. Nasisiguro akong malaki ang maitutulong nila sayo.” aniya at muli akong hinila. Sa pagkakataong ito ay papasok naman ng gusali.   Hindi na ako nag-abala pang magtanong. Mukha naman kasing sigurado talaga siya sa kanyang sinasabi kaya hihintayin ko na lamang kung saan at kailan ko makikilala ang sinasabi niyang makakatulong sa akin.   Magulo, sira-sira at maalikabok na paligid ang unang bumungad sa amin nang tuluyang makapasok sa gusali.   Madilim din ang paligid dahil may telang nakatakip sa mga bintana na siyang pumipigil sa liwanag na makapasok.   Ngunit hindi ininda iyon ni Deccan at patuloy lang siya sa paglalakad. Humawak nalang ako nang maigpit sa kanya upang hindi ako mapahiwalay sa kanya.   At ilang sandali lang ay tumigil sila sa paglalakad pagkuwa’y may binuksang pintuan.   Maliwanag sa dulong bahagi ng pasilyong bumungad sa amin at mayroon doong isa pang pintuan. Tingin ko ay naroon na ang mga nilalang na gustong ipakilala sa akin ni Deccan kaya hindi na ako nagtanong pa nang muli niya akong hinila papunta doon.   Bahagya na akong nakaramdam ng kaba habang papalapit kami sa dulo ng pasilyo.   At lalong lumakas ang pintig ng aking puso nang tumigil kami sa harap ng pintuang iyon.   “This place is actually secret and only a couple of knights know about this place so I am expecting that what you will see here will remain here.” Tumingin siya sa akin. “Can you promise me that?”   Mabilis akong tumango. “Makakaasa ka.”   Ngumiti siya at pinihit na niya ang sedura ng pintuan pagkuwa’y dahan-dahang itinulak ang pinto.   Huminga muna ako ng malalim hanggang sa tuluyan ko nang makita ang nasa likod ng pintong iyon. At hindi ko naiwasang mamangha habang tinitingnan ang kabuuan nito.   “Welcome to Attila’s historical research facility.”   Historical Research Facility? Ibig sabihin ay hindi lamang mga libro na tungkol sa nakaraan ang narito.   Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng lugar at hindi nga ako nagkamali dahil may mga gamit na nakalagay sa mga salaming kahon at kung hindi ako nagkakamali ay mga sinaunang gamit iyon na nakuha sa iba’t-ibang lugar sa buong Attila na ginamit ng mga sinaunang nilalang.   “Sinimulan ng aking ina ang pagtatayo nito dahil tulad mo ay naging interesado din siya sa mga nangyari sa nakaraan ng Attila.” ani Deccan. “My mother found a book that has Snow White’s name and that was basically the reason why she started finding and collecting everything that has related to the past of Attila. Hanggang sa lumaki na ng ganito ang simpleng grupo na kanyang binuo at dumami na ng ganito ang mga gamit at libro na kanilang natagpuan.”   Akala ko bibihira lang ang mga nilalang na nagkakaroon ng interes na alamin ang nakaraan ng aming mundo. Ngunit ngayon ay napatunayan kong isang magandang bagay din talaga ang pag-alam sa lahat ng pangyayari noon.   “Sa ngayon, naka-focus sila sa pagkilala sa Kiseki Nine.” dagdag ni Deccan na ikinatingin ko sa kanya. “At kaya kita dinala dito dahil alam kong dito mo malalaman ang mga bagay na nais mong malalaman.”   “Deccan!” Isang babae ang biglang yumakap kay Deccan. Matangkad ito at mukhang sopistikada. Nakasuot ito ng puting laboratory coat at doon ko napansin ang kanyang nameplate. Decia Luft.   Kapatid kaya ito ni Deccan?   Ah, iba nga pala ang surname na ginagamit ng mga ikalawa hanggang sa bunsong anak ng mga nasa royal families. Tanging mga panganay na anak o tagapagmana lamang ang maaaring gumamit ng royal surname kaya imposibleng ito ay kanyang kapatid.   Hindi kaya--   Bumaling ito sa akin at ngumiti. “Ikaw si Chrylei, hindi ba?”   Tumango ako. Paano kaya niya nalaman ang aking pangalan?   “Don’t be surprise, lady. Madalas ka kasing ikwento nitong si Deccan mula nang pumasok ka ng HKU. Anyway, nice to meet you.” Bumitaw siya kay Deccan pagkuwa’y inilahad ang kamay. “I am Decia Luft. Deccan’s mother.”   Agad kong tinanggap ang kanyang kamay. “I-ikinagagalak ko din po kayong makilala.”   Bahagya siyang tumawa. “Just treat me as if I am at your age. And just call me Decia.”   “Po?”   “Just do what she said.” ani Deccan. “Nagpapa-bagets kasi iyan kaya gusto niyang ituring siyang ka-edad lang natin.”   Hindi ko akalain na kakaiba din pala ang ina niya. At kahit kabilang sa royal family ay nakikisama sa mga tulad kong walang katayuan sa aming lipunan.   Hindi na nga nakakapagtaka kung bakit mabait si Deccan.   “Ahm.” Napakamot ako ng aking ulo at tumango. “Okay po.”   “Good.” Bumaling siya kay Deccan. “Bakit mo nga pala siya dinala dito?”   “Well, she is starting to get interested in Snow White and Kiseki Nine.” sabi nito. “At wala naman siyang masyadong makukuhang information sa library kung saan siya madalas tumambay kaya dinala ko na siya dito.”   Muling hinawakan ni Decia ang aking mga kamay at may kinang sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. “Really? Are you also interested in Sacred Cross and Kiseki University?”   “Ahm.” Tumango ako. “Ang totoo niyan ay mga impormasyong may kinalaman kay Snow White pa lamang ang aking kinasasabikang malaman ngunit kahapon ay may nakita akong libro tungkol sa Kiseki Nine at iyon ang nagbigay sa akin ng interes na alamin din ang tungkol sa kanila.”   “Then, hindi nagkamali ang aking anak sa pagdadala sayo dito.” masaya niyang sabi. “Dahil sa lugar na ito, makikilala mong mabuti ang bawat miyembro ng Sacred Cross o mas kilala ngayon sa tawag na Kiseki Nine.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD