Chapter 10.a

1136 Words
Masaya akong naglakad pabalik ng library dahil naroon pa ang ilang mga gamit ko. Matapos ko kasing makiusap kay Akane ay agad din akong umalis dahil baka makita pa ako ng mga kaklase ko sa cafeteria lalo na’t patapos na din ang training nila. Ngunit natigil ako sa paglalakad nang makita ang estatwa na nasa gitna ng fountain sa garden. Bigla kong naalala si Red na ilang araw na ding hindi nagpapakita o nagpaparamdam sa akin. Gusto ko na nga siyang hanapin pero naisip ko na baka hindi pa din niya ako gustong makita. O baka masyado pa siyang maraming ginagawa at ayoko namang makaabala kung sakali. Nilapitan ko ang estatwa at tinitigan ang blangko nitong mukha. “Sino ka ba talaga? Bakit pakiramdam ko ay kilalang-kilala kita? Anong koneskyon mo sa akin.” Naisipan kong tumungtong sa gilid ng fountain upang magpantay ang mukha ko sa estatwa at tinitigan ito ng mabuti. “Anong ginagawa mo?” Bumaling ako sa nagsalita at isang bata ang bumungad sa akin. At kung hindi ako nagkakamali ay ito ang headmistress ng Holy Knight University na si Yumei, ang Knight of Immortality. Sinasabing gumagamit lamang siya ng anyo ng isang batang babae upang itago ang kanyang tunay na anyo dahil isa din siya sa mga itinuturing na Thrylos. At marami ang naghahangad na makuha ang kanyang kapangyarihan. At para magawa iyon ay kailangang nasa kanyang tunay na anyo siya kaya’t pinapanatili niya ang kanyang batang anyo upang pangalagaan ang sarili at ang buong HKU. Tumalon ako pababa at bahagyang yumuko bilang pagbati sa kanya. “Magandang araw, Headmistress.” “Ah. You are the new student of holy class.” Tumango ako. “What is your name again?” tanong niya. “Chrylei. Chrylei Criox.” Hindi ko alam kung bakit biglang nanlaki ang mga mata niya matapos kong banggitin ang pangalan ko. Nabakasan din ng matinding takot at pangamba ang kanyang mga mata at ilang beses din siyang humakbang paatras at palayo sa akin. “Ahm. May problema po ba?” “Si-sinabi mo bang Criox?” aniya na tinanguan ko. “Criox po ang aking apelyido.” sabi ko. “At galing ako sa probinsya ng Allura bago mapadpad dito.” “You’ve gotta be kidding me!” sigaw niya at mabilis na tumakbo palayo sa akin. At naiwan akong nakatanga dito habang hinahabol na lamang siya ng tingin. Hindi ko alam kung bakit naging ganoon ang naging reaksyon niya ngunit ipinagkibit balikat ko na lamang. Maaaring narinig niya ang mga balita tungkol sa epidemyang nangyari sa Allura kaya natakot siya na baka may dala akong sakit. Pero imposible din na matakot siya dahil isa siyang imortal. Ginulo ko ang aking buhok at bumuntong hininga. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya kaya wala akong dapat ipag-alala. Binigyan ko ng isa pang sulyap ang estatwa pagkuwa’y tuluyang umalis ng garden. Mas mabuti pang ipagpatuloy ko nalang ang pag-aaral sa kasaysayan ng Attila dahil iyon lang naman ang magagawa ko sa ngayon. __________ “Hindi ko akalain na pala-aral ka pala.” Inangat ko ang aking ulo at bumungad sa akin ang mukha ni Deccan. “Yoh!” Ngumiti siya at naupo sa harap ko. “Noong una tayong nagkakilala, hindi ka naman mahilig mag-aral, huh.” “Noong una tayong nagkakilala, abala ang lahat sa pagtulong sa mga nagkakasakit noon sa Allura kaya walang pagkakataon upang makapag-aral ako.” Tumangu-tango siya. “And I can see that you are still speaking a little deep.” “Hindi naman ito basta mawawala.” sambit ko. “Pero pinag-aaralan ko na din ang ibang lengguwahe nang sa gayon ay makasabay din ako sa mga nakakasalamuha ko, hindi lamang dito sa paaralan maging sa cafe. Ah!” Itinuro ko siya habang nanlalaki ang aking mga mata. “Isa ka nga pala sa may-ari ng aking pinagtatrabahuhan.” Tumango siya. “I actually saw you when you were with Zeal and Faero doing some shopping at the district market. And Savii mentioned your name once when she said that you will be part of the cafe.” “At hindi ka man lang nag-abalang magpakita sa akin?” tanong ko. “Ni hindi ka din pumapasok sa mga klase natin kaya hindi din kita nakikita.” Nagkamot siya ng kanyang ulo pagkuwa’y alanganing ngumiti. “Ang totoo niyan, nagdadalawang-isip talaga akong magpakita sayo dahil nahihiya ako.” Kumunot ang noo ko. “At bakit naman?” “Well, bigla nalang kasi kaming nawala kung kailan mas nangangailangan kayo ng tulong sa Allura.” aniya. “Pakiramdam ko ay inabandona kita.” “Eh?” “And after I learned that your family was also dead because of that epidemic, I don’t really have the courage to face you since we priority ourselves rather than helping you.” aniya. “Hindi mo kasalanan iyon.” sambit ko. “Natural lamang na unahin nila ang kaligtasan mo dahil kabilang ka sa mga taga-pangalaga ng kapangyarihan ng elemento. Kaya huwag mo nang isipin iyon. “Pero--” “Nasa nakaraan na ang lahat ng iyon kaya huwag mo nang masyadong isipin.” sambit ko. “Sakit ang kalaban noon at tingin ko ay tama na din ang naging desisyon mo noon dahil posibleng pati ikaw ay napahamak.” “Well, now that you mentioned it.” Dumungaw siya palapit sa akin at ginulo ang buhok ko. “Anyway, I am glad to see that you are okay. I am really glad.” Ngumiti ako. “Masaya din akong makita kang muli.” Muli siyang naupo ng maayos. “Anyway, mukhang nagiging abala ka sa pag-aaral ng kasaysayan ng Attila.” Tumangu-tango ako. “Hindi ko alam kung bakit ganito ang pagkagusto kong alamin ang lahat. Pero ayokong palampasin ang pagkakataong ito lalo na’t ngayon lang ako nagkaroon ng bagay na gusto kong gawin para sa sarili ko.” Mula pagkabata, nakakulong ako sa probinsya ng Allura. Kailanman ay hindi ako nangarap ng kahit ano dahil alam kong wala naman akong mararating lalo na’t sa katayuan na aking katawan at buhay. Ang lahat ng aking ginagawa ay nakabase sa kung ano ang sasabihin ng aking mga kapatid at magulang. Maging ang aking hinaharap ay nakadepende sa kung ano ang magiging desisyon nila dahil para sa akin, sila ang higit na nakakaalam kung ano ang makakabuti para sa akin. Kaya kahit alam kong hindi madali ang pag-alam sa lahat ng nangyari sa nakaraan dahil hindi lahat ng pangyayari ay naitatala sa libro at iilang nilalang lamang ang nananatiling buhay mula pa noong unang panahon na nabuo ang Attila ay nakahanda akong gawin ang lahat upang matupad ang aking kagustuhan. Isang bagay na nais kong gawin para sa limitado kong buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD