Chapter 10

1079 Words
Chrylei Criox’s Pov   Matapos ang pag-uusap sa aming silid noong nakaraan ay napagkasunduan ng lahat sa holy class na itago ang tungkol sa pagiging powerless knight ko.   At maliban pa doon, napagkasunduan din nila na protektahan ako kung kakailanganin kaya’t halos hindi ako nawawalan ng kasama sa buong maghapon, araw-araw.   Ngunit dahil din sa kasunduan nilang ito, nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala at makasama isa-isa ang bawat kaklase ko.   Ngayon nga ay kasama ko si Yaren dito sa library dahil sa hindi niya pagpasok sa kanyang training.   “Since you don’t have any power to train and you are physically weak, ang pag-aaral sa kasaysayan nalang ang ginagawa mo sa mga ganitong oras.” sambit ni Yaren habang nakatingin sa akin.   “Iyon lang ang tanging magagawa ng isang tulad ko.” Ibinaba ko ang libro at tumingin sa kanya. “Sa totoo lang, nang dumating ako dito, hindi ko alam kung ano ba ang maiaambag ko sa mundo ng Attila. Wala akong kapangyarihan upang protektahan ang sinuman.”   “Kaya naisip mong ang pagiging historian ang magiging papel mo sa mundo ng Attila?”   Tumango ako. “Base sa mga history books na narito sa library, maraming pangyayari noon ang hindi naitatala sa mga libro at iyon ang gusto kong alamin.”   “Are you always that curious about the past?” tanong niya na inilingan ko.   “Nagsimula lang ang pagkagusto kong malaman ang lahat ng nangyari sa nakaraan nang makita ko ang estatwang walang mukha garden.”   Kumunot ang noo niya. “That faceless statue?”   Tumango ako. “Mula pagkabata ay nanatili lamang akong nakakulong sa probinsya ng Allura. At limitado lang din ang mga lugar na napupuntahan ko dahil sa takot ng pamilya ko na malaman ng iba na isa akong knights na walang kapangyarihan kaya limitado lang din ang nalalaman ko sa Attila at hindi na ako naghangad ng dagdag pa dahil alam kong sariling buhay ko na ang malalagay sa panganib kung naging mapaghangad pa ako.”   “But the situation right now is quite different now so you choose to learn everything you can.”   Muli akong tumango. “Tulad ng sinabi ko kanina, ito lang ang magagawa ng isang tulad ko.” Itinuro ko ang sentido ko. “Dahil ito lang naman ang maipagmamalaki ko.”   Wala akong kapangyarihan. Hindi din ganoon kalakas ang sarili kong katawan para sa mga pisikal na labanan o anumang trabaho. Tanging ang utak ko lamang ang aking maipagmamalaki kaya’t ito ang gagamitin ko para sa aking hinaharap.   “Oh!” Tinitigan niya ako. “Now I know why they are trying to protect you, especially Faero, despite the fact that you can actually give the whole palace a lot of trouble just by existing.”   “Anong ibig mong sabihin?”   “You are innocent and pure.” Tumayo siya at nag-inat. “A rare knight who will give a bright future to this world. The knight that will help us get the freedom that we deserved.”   Kumunot ang aking noo. Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi.   Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. “You will understand what I just said when you finally reach the topic about Snow White’s prophecy.”   “Eh?”   “For now, just don’t forget it.” Tinalikuran niya ako at naglakad palayo sa akin.   Hinabol ko na lamang siya ng tingin at bumuntong hininga nang tuluyan siyang makalabas ng library.   Ipinagsawalang bahala ko nalang din ang sinabi niya dahil napakaimposible ng mga iyon.   Kahit pa sabihing kakaiba ako sa lahat, kailanman ay nasisiguro kong wala akong maitutulong sa mundong ito kundi maging isang taga-kolekta lamang ng mga nangyayari sa paligid.   Muli akong bumuntong hininga at inayos ang aking buhok tsaka ipinagpatuloy ang aking pagbabasa.   Ngunit hindi pa man nagtatagal ay nakaramdam ako ng kakaiba sa paligid.   Agad akong tumayo at iginala ang aking paningin hanggang sa mahagip ng aking paningin ang isang anino na mabilis na lumabas ng library.   Tumakbo ako papunta doon ngunit hindi ko na ito naabutan nang sumilip ako sa labas.   Ngunit isang identification card ang aking nakita sa sahig na agad kong pinulot at napabuntong hininga na lamang ako nang mabasa ang pangalan ng nagmamay-ari dito.   “Mukhang magsisimula nang maging magulo ang bawat araw ng buhay ko.”   __________   Tulad ng inaasahan, nakita ko agad ang aking pakay pagpasok pa lamang sa cafeteria.   Masaya itong nakikipag-usap sa mga nakapalibot sa kanya ngunit pare-pareho silang natigilan nang tumayo ako sa kanilang harapan.   “A-anong kailangan mo?” Bakas ang takot sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Ah, mukhang napag-utusan lamang siya kanina.   Ngumiti ako at ibinagsak ang kanyang identification card sa mesang nasa harap niya. “Nahulog mo iyan kanina sa library nang tangkain mo akong gamitan ng iyong kapangyarihan.”   Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita iyon.   Siya si Akane Chuyori, ang Knight of Control. May kakayahan siyang kontrolin ang lahat ng bagay o nilalang na kanyang magiging target.   Tinangka niya akong kontrolin kanina ngunit sa tulong ng singsing na aking suot ay hindi ako tinablan nito at bumalik lamang iyon sa kanya. At dahil nasa ilalim siya ng sariling kapangyarihan ay agad siyang tumakbo palabas at umiwas sa lahat hangga’t hindi humuhupa ang epekto ng kapangyarihang kanyang ginamit.   Pero isang malaking pagkakamali na nahulog niya ng hindi namamalayan ang kanyang identification card kaya’t napagtanto ko agad ang lahat ng nangyari.   “H-hindi ako--”   Unti-unti akong inalis ang ngiti sa aking labi at seryosong tumingin sa kanya. “Huwag kang mag-alala. Wala akong planong gumanti.”   Ilang beses siyang lumunok ng sariling laway habang nakatingin sa akin.   “Pero sa susunod na may gagawin kayo laban sa akin, siguraduhin nyong hindi kayo mahuhuli.” sambit ko. “Dahil baka sa susunod, hindi ako ang makalaban nyo.”   Nagdesisyon ang Holy class na protektahan ako at base sa kani-kanilang ugali na aking na-obserbahan sa mga nakalipas na araw, nakahanda silang turuan ng matinding leksyon ang sinumang magtatangkang manakit sa akin.   At nais ko iyong iwasan hangga’t maaari.   Ayokong ako ang pagmulan ng gulo sa loob ng eskwelahang ito dahil maaaring malagay sa alanganing sitwasyon ang mga nasa Holy class.   “Uulitin ko, huwag kayong magpapahuli sa susunod na tatangkain nyong saktan ako.” muli kong sabi. “Dahil kapag naulit ito, hindi ko maipapangakong hindi kayo masasaktan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD