Chapter 27.a

1177 Words
Chrylei Criox’s Pov   Ang sabi ni Zeal sa akin noong unang araw ng aming pagsasanay, masyadong magaan ang aking katawan at isa iyon sa dahilan kung bakit madalas akong madapa o matumba agad kahit kaunting sagi lang sa akin.   At iyon din ang dahilan kung bakit naging madali sa akin ang matutunan ang bilis at tamang pag-atake.   Madali ko ding natutunan ang bawat kilos na kanyang itinuro kaya ang tanging pinagtuunan na lamang namin ng pansin ay ang lakas ng aking atake na mangagaling sa aking mga balikat, braso at kamay.   At ngayon ko higit na nakikita ang bunga ng pagsasanay na iyon dahil nagagawa kong sanggain ang espada ni Yaren kahit pa masyadong malakas ang mga atakeng ibinibigay niya sa akin.   “Ah, hindi ba limitado lang ang oras na kayang makipaglaban ni Chrylei?” sabi ni Faero. “Paano niya kami lalabanang lahat?”   “You will only fight her once a day.” dinig kong sabi ni Zeal. “Iyon lang din naman ang pagkakataon upang makalaban nyo siya nang nasa tamang estado siya ng kanyang lakad.”   Sinangga ko ang espada ni Yaren at bumaling sa kanila. “Ibig sabihin ay kahit nasa paglalakbay na tayo ay lalabanan ko pa din siya?”   Tumango ito.   Agad akong umatras nang muli akong atakihin ni Yaren. Iniwasan ko ang espada nitong habang pasimpleng bumabaling sa iba naming kasama. “May oras pa ba tayo para sa ganoon?”   “Aabutin ng tatlong linggo hanggang isang buwan ang lalakbayin natin bago marating ang border ng Anres region kung saan magsisimula ang panganib na maaari nating harapin.” sabi niya. “Kaya may pagkakataon ang lahat na makalaban ka. At isa pa, dagdag training ito sayo dahil hindi ka basta mag-i-improve kung ako at ako lang din ang makakalaban mo.”   Napasimangot nalang ako at muling sinangga ang espada ni Yaren.   Alam kong ginagawa lang nila kung ano ang makakabuti sa akin pero hindi ko inaasahan na magpapatuloy ang pagsasanay nila sa akin kahit pa tapos na ang pagsusulit.   Akala ko ay hanggang doon nalang itutulong nila sa--   “You should at least know how to protect yourself.” nakangiting sabi ni Yaren pagkuwa’y itinabi ang espada niya tsaka bumuntong hininga. “Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay darating kami agad sa tabi mo para protektahan ka. At posible ding maulit pa ang nangyari sa kweba kung saan kami pa mismo ang muntik makapanakit sayo.”   “Pero hindi nyo naman--”   “Ginusto man namin iyon o hindi, malinaw pa din na may mga nilalang sa paligid ang may kakayahang kontrolin kami upang saktan ka.” dagdag ni Faero. “At higit iyon magiging masakit sa ating lahat kaya mas mabuti nang maihanda ka namin.”   Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi ko din naman inaasahan na ganito na pala ang kanilang iniisip.   Parang noon lang ay lagi nilang iniisip na manatili sa tabi ko upang masigurong walang makakapanakit sa akin. Na para bang hindi sila nagtitiwala sa akin na kaya kong protektahan ang sarili ko.   Pero ngayon ay bagaman nag-aalala pa din sila ay nakikita kong nagsisimula na silang magtiwala na may kakayahan din akong pangalagaan ang aking sarili.   “But first you need to--”   Mabilis kong inilabas ang hawak kong espada at itinutok sa leeg ni Yaren na tahimik na umatake sa akin.   At bakas ang matinding pagkabigla sa kanilang mga mukha dahil sa nasaksihan habang nakangisi naman si Zeal.   Ngumiti ako at bumaling kay Yaren. “Pasensya na pero isa iyan sa mga unang itinuro sa akin ni Zeal. Na kahit anong mangyari, kailangan kong asahan na aatake pa din ang kalaban ko hangga’t walang opisyal na pagtanggap ng pagkatalo.”   “Seriously?”   Tumangu-tango ako at itinutok naman ang espada ko sa tiyan niya pagkuwa’y tinusok-tusok iyon. “Sinabi niya kasing madali akong ma-distract at isa din iyon sa dapat kong pagtuunan ng pansin dahil madalas iyong gamitin ng mga kalaban.”   “Fine.” Bumuntong-hininga ito at binitiwan ang kanyang espada pagkuwa’y itinaas ang dalawang kamay sa ere. “I give up.”   Nakahinga ako ng maluwag at binitiwan na din ang espada ko tsaka naupo sa damuhan.   Ubos na din ang enerhiya ko at tingin ko nga ay kung hindi pa agad kumilos si Yaren, sigurado nang ako ang matatalo.   Bukas ay si Milan naman ang aking sunod na kakalabanin at kakailanganin kong paghandaan iyon lalo pa’t wala din akong masyadong alam sa kung paano ba ito makipaglaban.   Kahit pa sabihing wala akong laban sa galing nila, ang bilis ko at ang katotohanang hindi pa din nila alam ang buong kapasidad ng kakayahan ko ay advantage para manalo ako o makuntento sila sa labang ibibigay ko sa kanila. Kaya kailangan ko pa ding gawin ang lahat ng aking makakaya.   “That would be enough for today.” sabi ni Zeal. “Chrylei also reach her limit so hindi nyo din siya makakalaban kahit pa magpilit kayo ngayon.”   “She really has her limit, huh.” ani Honaira. “But I guess, this is better than before kung saan wala siyang magawa hintayin lang na may magligtas sa kanya.”   “And she is not that kind of knight anymore.” ani Deccan.   “I know.” Tinalikuran kami ni Honaira. “And she better improve fast. Alam nyong hindi madali ang naghihintay sa kanya sa hinaharap.” At tuluyan na itong umalis.   “Don’t take her words--”   “Tama siya.” putol ko sa akmang sasabihin ni Savii. “Hindi nga madali ang hinaharap na aking haharapin at kung mananatili ako sa kung ano lang ang kaya kong gawin ngayon ay nasisiguro kong hindi ako makakatagal.” Tumayo ako at diretsong tumingin sa kanila. “Gusto ko pang mabuhay ng matagal at makasama kayong lahat. Kaya gagawin ko ang lahat para mangyari iyon.” At hindi ako magpapapigil sa kung anumang tadhanang itinakda para sa akin.   Kung kinakailangan kong maging malakas upang labanan ang tadhanang iyon ay hindi ako magdadalawang isip. Ibibigay ko ang buong makakaya ko para manatili sa tabi ng mga nilalang na tumanggap sa’kin bilang ako.   “Then, let’s all be friends forever.” Mabilis akong niyakap ni Faero. “And we will be by your side as you fight for your own destiny.”   Hindi ko kailanman inakala na magkakaroon ako ng kaibigan.   Mula nang mamatay ang buong pamilya ko ay tinanggap ko nang mabubuhay akong mag-isa hanggang sa araw ng aking pagkamatay.   Pero nagbago ang lahat ng iyon at may natatawag na akong kaibigan.   Maliban pa doon, nabigyan ako ng pagkakataon na makapaglakbay hindi lamang sa isang rehiyon kundi sa mga kabilang parte ng mundo na hindi pa nadidiskubre ng kahit sino.   Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa pagpapatuloy ng kwento ng aking buhay ngunit sisiguruhin ko na hindi ako magpapadala sa agos ng tadhana.   Ako mismo ang huhulma sa buhay na aking tatahakin anuman ang mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD