Chapter 28

1176 Words
Chrylei Criox’s Pov   Hindi porket mabilis akong matuto at mag-improved ay magagawa ko nang talunin ang mga kaibigan ko. Tingin ko nga ay sinwerte lang ako nang makalaban ko si Yaren kaya nagawa ko siyang talunin.   Dahil sa mga sumunod kong laban kina Milan, Erie, Deccan, Nevis at Savii ay ako ang mabilis nilang natalo. Ni hindi nga umabot ng higit limang minuto ang laban namin.   Pero kahit na ganoon ang nangyari ay may natutunan pa din ako habang kaharap sa kanila kaya tama din ang sinabi ni Zeal na mas mag-iimprove sa set-up na ito.   At ngayon ang araw ng pagsisimula ng aming paglalakbay.   Hindi naman ganoon kalaking grupo ang ipinapadala ng hari para sa ekspedisyon. Sapat na ang tatlumpung knights. Kabilang ang dalawampung nanalo sa pagsusulit na ginanap sa arena, sina Zeal at Faero, at ilan pang royal guards na ang hari mismo ang pumili upang masiguro na sa kanya mismo didiretso ang lahat ng impormasyong aming makakalap bago ito makarating sa iba.   At sinisiguro din ng hari na ang bawat kasama dito ay may kakayahang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.   Pero hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi sa akin kanina bago kami tuluyang umalis.   “Ingatan mo ang iyong mga kasama. Alam kong ikaw lang ang maaasahan ko sa bagay na iyon.”   Higit na malakas sa akin ang mga kasama ko kaya bakit sinasabi niya na ako lang ang maaasahan niya sa bagay na iyon?   Iniling-iling ko ang aking ulo pagkuwa’y bumuntong hininga.   Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin kaya ibibigay ko na lamang ang aking makakaya upang hindi maging pabigat sa kanila.   “Pwede mo nang alisin ang taklob mo sa ulo.” sabi ni Zenia nang tuluyan na kaming makalayo sa kabisera.   Agad kong ginawa ang sinabi niya at inayos ang aking buhok. “Akala ko ay matatagalan pa bago ko maaaring alisin ito.”   “Hindi na abot ng kapangyarihan ng Elders ang distansyang ito kaya safe na talaga.” sabi niya pagkuwa’y hinawakan ang kamay ko kung saan nakasuot ang singsing. “At dahil doon, pwede ka na ding magtanong tungkol dito.”   “Ah.” Humarap ako sa kanya. “Natural ba na mayroong pananggalang singsing na ito na siyang pumrotekta sa akin nang mapasailalim ng ilusyon sina Faero?” mabilis kong tanong.   Ayon sa nabasa kong libro, may kakayahan ang Knight of Spell na gawin ang lahat ng kapangyarihang nag-e-exist sa mundo ng Attila ngunit kakailanganin niya ng mga akmang salita upang gawin iyon.   Ngunit ang mga kapangyarihang naglaho na sa mundong ito kasabay ng mga dati nilang tagapangalaga ay hindi na din niya magagawa kaya nagtataka ako na mayroong pananggalang ang singsing na ito gayong nawawala pa ang Knight of Shield.   “Ang totoo niyan, nang gawin ko ang singsing na iyan ay basta ko na lamang inilagay ang lahat ng defensive spell na alam ko.” panimula niya. “At kasama na doon ang shield na siyang poprotekta sayo sa mga piercing attack pero hindi ko alam na gagana iyon dahil alam naman natin na nawawala pa ang Knight of Shield.”   “Pero nag-activate ang spell.”   Tumango siya. “Ibig sabihin ay muli nang isinilang o nagising ang Knight of Shield at dahil sa spell ko ay maaari mo iyong magamit upang protektahan ang sarili mo.”   “Pero hindi lang iyon ang nangyari.” sabi ko. “Noong nilalabanan na nila Faero ang ilusyon at namimilipit sila sa sakit ay bigla kaming binalot ng malaking pananggalang na kahit ang tubig ulan ay hindi bumabagsak sa kinakakayuan namin noon.”   “That is one part of the secret of this ring. Though, I think I accidentally put that kind of spell pero hindi ko inaasahan na malaki pala ang maitutulong noon sayo” sabi niya. “Nakikinig ito sa kung ano ang ninanais ng may suot nito at kung may sapat na enerhiya ay hindi ito magdadalawang isip na ibigay ang anumang hilingin mo.”   “Ibig sabihin--”   Tumango siya. “You wanted to protect them and the ring granted it to you. At dahil masyadong malakas ang shield power ay tuluyang na-drain ang energy na inilagay ko diyan na maaari sanang tumagal ng isang taon. At dahil sa nangyari, this ring was upgraded on its own and it can now be used to store some offensive spells.”   “Eh?”   “Kaya naman hindi na lamang ito magre-response sa energy na inilagay ko diyan.” dagdag niya. “It will also response on your will power at sa kung ano ba talaga ang nilalaman ng puso mo na gusto mong gawin.”   Tinitigan ko ang singsing. Hindi ko akalain na ang simpleng bagay na noon ay ginawa lamang upang protektahan ako ay magiging paraan upang magawa kong protektahan ang mga knights na malapit sa akin.   “But--”   Muli akong tumingin sa kanya.   “Since you first use it with a clear and clean intention, it will only respond to that.” sabi niya. “Tanging sa kabutihan mo lang ito magagamit. Example ay kung po-protektahan mo ang sarili mo o ang mga malalapit sayo. Pero kung gagamitin mo ito upang manakit ng ibang nilalang na wala namang masamang ginagawa sayo, then it will not give you any power.”   Tumango ako. “Naiintindihan ko.”   At wala din naman akong balak gamitin ito upang manakit ng iba.   Kumunot ang aking noo nang hawakan ni Zenia ang dalawa kong balikat at seryosong tumingin sa akin. “B-bakit?”   “May isang bagay pa akong gustong linawin sayo.” sabi niya.   Napalunok ako dahil sa tindi ng kanyang tingin sa akin.   “This power you have right now is only limited kaya huwag kang mao-overwelmed sa paggamit nito.” aniya. “Gamitin mo lamang kung kinakailangan. At tandaan mo din na hiram lang ito kaya huwag kang masyadong dedepende sa kapangyarihan ng singsing.”   Tumango ako. “Hindi ko nakakalimutan iyon.”   Bumuntong hininga siya at binitiwan ako. “Pasensya ka na. Hindi ikaw ang unang nilalang na ginawan ko ng ganyang klaseng gamit na may kakayahan. Ang iba ay naging sakim at ginamit ito sa kasamaan kaya naman hindi ko maiwasang kabahan lalo pa’t sa tuwing gagamitin mo ang singsing na iyan ay patuloy siyang mag-e-evolved.”   “Ano?”   Naikwento na sa akin noon ni Zeal na karamihan sa mga magic items na nagkalat sa buong mundo ay gawa ni Zenia. At karamihan din sa mga ito ay ginagamit ng mga mersenaryo at bandido habang ang iba ay ginagamit ng mga kawal ng bawat syudad.   “Ngayon lang ako nakagawa ng magic item na may kakayahang mag-evolve at kumonekta sa puso ng isang knight kaya kinakabahan ako sa posibleng kahantungan nito.” sabi pa niya. “At hindi sa hinuhusgahan kita pero nabuhay ka ng maraming taon na walang kapangyarihan kaya natatakot ako na baka lamunin ka ng negative emotion na magiging dahilan para abusuhin mo ang kapangyarihan ng singsing.”   “Iyan din ang iniisip ko ngayon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD