Chapter 19

1378 Words
Chrylei Criox’s Pov “Mukhang hindi titila ang ulan at mananatili itong malakas hanggang mamaya.” sambit ni Aimur habang tinitignan ang maulap na kalangitan dahil sa malakas na bugso ng ulan. “Mas mabuti pa yatang pagpahingahin muna natin ang mga kabayo dahil maging sila ay hindi kakayanin suungin ang ganito bagyong ito.” “Kumakapal na din ang hamog.” dagdag ni Cali. “Baka maaksidente pa tayo kung itutuloy natin ang paglalakbay.” “Nasa bundok tayo kaya wala tayong madadaanang village dito.” ani Zeal pagkuwa’y bumaling kay Cali. “Find someplace where we can stay until the storm calms down.” Ginamit ni Cali ang kanyang kapangyarihan upang maghanap ng maaari naming masilungan. At ilang sandali lamang ay itinuro na niya ang daan kung saan may pinakamalapit na kweba. Nang marating namin iyon ay agad kaming pumasok. Agad gumawa ng apoy si Zeal dahil pare-pareho na kaming nilalamig. At nagsimula na din akong maghanda ng aming makakain dahil sa tingin ko ay dito kami magpapalipas ng gabi. “Medyo nagtataka ako sa biglang pagbuhos ng ulan.” ani Milan. “Hindi ba’t kanina lamang ay sobrang tirik ang araw tapos bigla-bigla na lamang binalot ng itim na ulap ang langit at biglang buhos ng ulan na ito.” “Iyon nga din ang napansin ko.” ani Aimur. “At nagsimula lang ang ulan noong pumasok tayo sa hangganan ng Eyen at Wina.” “This is normal in this region.” sambit ni Zeal. “Mabilis magpago ang panahon dahil nakadepende ang klima dito sa kung ano ang estado ng mga halaman at puno.” “Eh?” “Kaya nga ganito kalago ang mga halaman at puno dito dahil sila ang binabagayan ng klima dito at hindi ang mga naninirahan dito.” dagdag niya. “Kaya pala kanina ay iba ang pakiramdam ko nang tahakin na natin ang daan patungo dito.” sabi ni Cali. “Ramdam ko ang dobleng presensya ng kalikasan.” “So, don’t worry too much.” ani Zeal. “Titila din ang ulan bukas ng umaga kaya dito na tayo magpalipas ng gabi.” “Medyo kinakabahan ako.” sabi ni Faero na siyang nasa tabi ko at tumutulong sa pag-aasikaso ng aming makakain. “Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay may masamang mangyayari.” “Baka naman kinakabahan ka dahil dalawang araw nalang ang natitira sa permisong hiningi natin sa hari at kay Yumei.” sabi ko. “At dahil sa ulang ito ay siguradong mahihirapan tayong makabalik ng Antlers sa tamang oras.” Umiling siya. “May sapat tayong oras para makabalik kaya hindi iyon ang nagpapakaba sa akin.” Tumitig siya sa apoy. “Ang lugar na ito ang dahilan ng kaba ko.” “Eh?” Bumuntong hininga siya at bumaling sa akin pagkuwa’y ngumiti. “Siguro ay pagod lang ito kaya kung anu-ano ang sinasabi at nararamdaman ko.” Ginulo niya ang buhok ko tsaka tumayo. “Huwag mo nang alalahanin ang sinabi ko. Magpapahinga nalang muna ako.” “Sigurado ka?” Tumango siya.” “Okay.” sabi ko. “Tatawagin nalang kita kapag nakahanda na ang pagkain natin.” “Thank you.” Lumayo siya sa akin at naupo siya sa isang gilid pagkuwa’y pumikit. Tinabihan naman siya doon ni Aimur kaya ipinagpatuloy ko na ang aking ginagawa. “In two days, back to normal na naman tayo.” dinig kong sabi ni Erie. “Parang ayoko na tuloy bumalik sa Antlers.” “Sira ka ba?” singhal ni Honaira. “Baka gusto mong pagdiskitahan ng Elders ang pamilya mo.” “Eh hindi ko naman ginusto na maging panganay na anak noh.” ismid ni Erie. “Tsaka huwag kang umasta diyan na para bang hindi mo din iniisip na manatili nalang dito sa labas.” Bumaling ako sa kanila at nakita kong nag-iwas ng tingin si Honaira. “Lahat naman yata tayo ay ganyan ang iniisip.” sabat ni Savii. “Dahil dito sa labas, ramdam nating malaya tayo. At wala tayong kailangang isipin kundi ang sarili natin.” “Kahit nga siguro magbabad tayo sa ulan ay walang magagalit sa atin eh.” dagdag ni Milan. “Walang sisita sa mga ikikilos natin.” “Pero alam nyong imposible ang gusto nyo.” sabat ni Kiev. “You are holding one of the strongest power in the whole Attila kaya hindi nila kayo basta pakakawalan. At kahit gustuhin nyong ipasa sa iba ang kapangyarihang iyan ay imposible din dahil hanggang ngayon ay wala pa ding nakakakilala kung sino ang Knight of Extraction.” Ang alam ko, ang tinatawag na Knight of Extraction ay may kakayahang kunin ang kapangyarihan ng isang knight at ilipat ito sa ibang nilalang. Kahit ang cromium na siyang nakabaon sa bawat espada ng knights ay kaya din nitong alisin. Sa mga nagdaang taon, alam ng lahat na hawak din ng palasyo ang knight na iyon pero napabalitang bigla na lamang itong namatay nang hindi maipaliwanag. Kaya’t pinaniniwalaan ding nawala na ito. Pero may mga umaasa pa din na muli itong magbabalik kaya’t patuloy sa paghihintay ang mga nasa palasyo. Bumuntong hininga ang lahat. “May isa pang paraan para payagan kayong makalabas ng Antlers nang hindi na kinakailangang humingi ng permiso kahit kanino.” sabi ko na ikinatingin nila sa akin. “Seryoso ka dyan?” Tumango ako. “Nabasa ko sa isang libro na nakita ko sa library na tuwing sumasapit ang ikatlong araw ng ikatlong buwan, nagpapadala ang palasyo ng isang malaking hukbo patungo sa dulo ng Attila.” “The expedition march.” Muli akong tumango. “Iyon nga. Nakalagay din doon na ang ekspidisyong iyon ay maaaring pangunahan ng mga prinsesa at prinsipe ng palasyo.” Masyado pang malaki ang mundo ng Attila. Malinaw sa lahat na marami pang lugar sa mundong ito ang hindi pa nararating ng sinumang knights kaya naman nagsasagawa ang palasyo ng ekspidisyon upang makita at magkaroon ng impormasyon tungkol sa mga lugar na nasasakop nito. May nabasa din ako sa research facility ni Decia kung saan narating nila ang isang talon na tila dulo na ng mundo dahil sa sobrang lalim ng bagsak ng tubig at walang kahit anong lupa sa kabilang parte ng bangin. “Ginagawa pa ba ang expedition march na iyon?” tanong ni Illium kay Zeal dahil ito ang pinakamalapit sa hari. “Parang hindi na yata eh.” “They are still holding it.” ani Zeal. “Pero ang hari ang mismong namimili at maliit na grupo na lamang ang pinapadala niya dahil hindi din biro ang mga malalaking halimaw na nakakaharap ng expedition team.” “Then, tama nga si Chrylei?” tanong ni Nevis. “Pwede namin iyong gamitin para makalabas ng Antlers anumang oras namin gustuhin?” Tinitigan ako ni Zeal pagkuwa’y bumuntong hininga tsaka tumango at ibinaling ang tingin sa mga kasama namin. “Yes.” “Oh s**t!” At muli na namang nabalot ng saya ang mga kasama ko matapos marinig ang naging sagot ni Zeal. “Pero para mapasama kayo sa mapipili ng hari ay kailangan nyong ipasa ang limang pagsubok na siya mismo ang nagsasagawa.” dagdag ni Zeal. “Mahirap ba?” tanong ko. “Para sayo ay magiging mahirap dahil kabilang ang kapangyarihan at kakahayang humawak ng espada sa sinusukat ng hari.” sabi niya. “Kasama din ang talino, diskarte at tibay ng mental nyong kakayahan dahil ang isang expedition ay umaabot ng isang hanggang tatlong taon.” “Kailan kami pwedeng magpalista?” tanong ni Deccan. “Mukhang ito ang hinihintay naming pagkakataon para maipakita din namin ang kakayahan namin sa hari.” “Third day of next month.” ani Zeal. “Tatagal ang examination ng dalawang linggo at sa ikatlong linggo ng buwan ia-announce kung sino ang mga mapapasama sa expedition na mangyayari sa ikatlong araw ng ikatlong buwan.” “Then, we will participate in that examination.” Ngumiti ako nang makitang muli ang mga ngiti nila. “You have to participate too.” Gulat akong napatingin kay Zeal nang sabihin niya iyon. “A-anong ibig mong sabihin?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD