Chapter 28.a

1120 Words
Chrylei Criox’s Pov “Iyan din ang iniisip ko ngayon.” sabi ko. Napatingin siya sa akin. “May malakas na kapangyarihan ngayon sa kamay ko na maaari kong gamitin sa lahat ng bagay na naisin ko.” dagdag ko. “Kapangyarihang ipinagkait sa akin ng tadhana. Nabuhay ako nang malayo sa ibang nilalang at laging pinoprotektahan dahil wala ako ng bagay na ito. At ngayon, ang bagay na lagi kong inaasam ngayon ay hawak ko na.” “Chrylei…” “Masaya ako.” sabi ko at hinawakan ang kamay niya. “Hindi ko itatanggi iyon. Pero ang saya ko ay hindi dahil may kapangyarihan akong magagamit para sa sarili ko.” Kumunot ang noo niya. “Masaya ako dahil mayroon akong hawak na kapangyarihan na makakatulong sa mga kaibigan ko sa oras na kakailanganin.”  Noon, lagi kong iniisip na kapag nagkaroon ako ng kapangyarihan ay sisiguruhin kong gagamitin ko iyon para sa pansarili ko. Para sa ikadadali ng buhay ko. At para ipaghiganti ang mga knights ng Allura na namatay dahil sa pandemyang usap-usapang sinadyang dalhin sa aming lugar. Ngunit nakilala ko ang mga kaibigan ko. Ang mga knights na siyang tumanggap sa akin sa kabila ng pagiging iba ko. Sa mga nilalang na ginawa ang kanilang makakaya upang masiguro na magtatagal ang aking buhay. At sa mga knights na pinahahalagahan din ako at itinuturing din akong kaibigan. “Gusto kong gamitin ang lahat ng mayroon ako ngayon para protektahan ang lahat ng malapit sa akin.” sabi ko. “Pero gusto kong hingin ang tulong mo.” “Tulong?” Tumango ako. “Bago ang lahat ng ito sa akin at aaminin kong hindi ko pa din alam kung tama ba ang mga magiging desisyon ko kaya maaari ba na kung makikita mong mali na ang mga gagawin ko ay agad mo akong pigilan at lagi mong ipaalalala sa akin kung bakit mo ipinahiram sa akin ang kapangyarihang ito.” “Do you think I can still stop the power of that ring if it evolves to its full capacity?” tanong niya na mabilis kong tinanguan. “It is still your creation and I believe that you can stop it with everything you can.”  sabi ko. “You just have to believe in yourself just like how you make me believe in myself so let me borrow this one.” Matagal niya akong tinitigan. At sa totoo lang, sa kabila ng pagiging masayahin at makulit ni Zenia ay hindi ko pa din makita kung ano ang totoo niyang nararamdaman. Para din siyang si Faero na nagagawang itago ang sariling emosyon gamit ang ngiti at kakulitan. Bumuntong hininga siya tsaka inilahad ang kanyang kamay. “Then, we had a deal.” Ngumiti ako at tinanggap iyon. “Salamat.” __________ “We will camp here for tonight.” sambit ni Zeal matapos naming makababa sa karwahe. Hindi pa namin nararating ang border ng Lapis Region kung nasaan ang Antlers at nasa bukana pa lamang kami ng isang gubat. “Zenia will make some precautions in our surroundings but I advise you not to go far enough here.” dagdag niya. “We already reach the Canyon Forest and as you all know, this is where Furry is always seen for the last months.” Isang magical beast ang Furry. Isa itong nilalang na binabalot ng asul na apoy at tinutupok nito ang anuman o sinumang lumapit dito. “Ako na ang bahala sa makakain natin.” sambit ko at agad pumunta sa isa sa karwahe kung nasaan ang mga baon naming makakain. “We will help.” Sumunod sa akin sina Milan at Erie. “We overheard what you said to Zenia.” sabi ni Erie habang namimili kami ng mga sangkap sa lulutuin namin. “Do you think you can get consumed by greed after having powers?” “Walang makakapagsabi kung ano ba ang mangyayari sa hinaharap.” sabi ko. “At alam ko sa sarili ko na malaki ang pagbabago ko mula nang dumating ako sa Antlers. Kung ano ako ngayon ay malayong-malayo sa kung ano ako noon kaya’t hindi ko dapat ipagsawalang bahala ang lahat ng posibleng mangyari sa hinaharap.” “Don’t you think that you are being hard on yourself?” tanong ni Milan. “Okay lang naman na maging makasarili ka dahil matagal na panahon ka ding pinarusahan ng mga diyos at diyosa sa mga bagay na hindi naman ikaw ang may hawak.” “Hindi porket hindi naging maganda ang kapalaran ko noon ay mabibigyan ko ng hustisya ang anumang gawin ko dahil sa pagiging makasarili.” sabi ko. “Ang mali ay mali. Kailan man ay hindi iyon magiging tama. At ang Chrylei na umalis ng Allura at napadpad sa Antlers ay pipiliing manatili sa tama kahit anong mangyari.” “Nagbago na ba iyon ngayon?” Umiling ako. “Iyon pa din naman ang paniniwala ko pero hindi ako sigurado kung hanggang kailan mananatili iyon sa akin.” Tinitigan ko ang hawak kong sangkap ng pagkain. “Pero wala akong tiwala sa aking sarili. Kaya ayokong dumating ang panahon na ang mga pinahahalagahan ko ngayon ay masasaktan ko sa hinaharap.” Mas mabuti nang maging handa sa lahat ng posibleng mangyari. Lalo na ngayon na sinasabi nilang nakasalalay sa akin ang kinabukasan ng Attila. Hindi ko kakayanin na lamunin ng kasamaan dahil nasisiguro kong ang buong mundo ang magdudusa doon. “Then, count on us.” sabi ni Milan na ikinalingon ko sa kanya. “Hindi ko sigurado kung makakayanan naming tapatan ang kapangyarihan ng singsing na iyan pero sisiguraduhin ko sayo na gagawin namin ang lahat para pigilan ka kung sakali mang lamunin ka ng kasamaan.” Ngumiti ako. “Salamat.” Umiling sila. “Kami ang dapat magpasalamat sayo.” Kumunot ang aking noo. “Anong ibig nyong sabihin?” “Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaroon kami ng dahilan para gawin ang mga bagay na gusto talaga namin.” sabi ni Erie. “At ikaw ang dahilan kung bakit nagkakasundo-sundo na ang mga susunod na leader ng bawat angkang naninirahan sa palasyo.” “We all have the same goal.” sambit ni Milan. “Kaya sa tingin ko ay magiging isang maayos at payapa ang buong Attila sa hinaharap.” Hinawakan ni Milan ang aking mga kamay. “Please stay what you are right now. Ang tulad mo lang ang makakasiguro sa bagay na iyon.” Ngumiti ako. “Hindi ako mangangako dahil tulad ng sinabi ko, maging ako ay hindi nagtitiwala sa sarili ko dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa akin pero susubukan ko.” “That would be better than nothing.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD