Chapter 15.b

1189 Words
Zeal Brann’s Pov (Knight of Fire)   Naghahanda na ang lahat sa pagalis namin dito sa Sulli Mountain dahil mahaba-haba din ang lalakbayin namin papunta sa dagat ng Lemry.   We only have one week for this trip at nasisiguro kong agad magpapadala ng tauhan ang mga Elder kapag hindi kami nakabalik agad sa Antlers nang eksakto sa araw at oras.   Kaya kahit alam kong gusto pang manatili dito ni Chrylei at Yaren ay hindi ko mapagbibigyan ang kagustuhan nila.   Isa pa ay posibleng manganib ang lugar na ito kapag nagtagal pa kami lalo na’t may panganib na nakasunod sa buhay ni Chrylei.   Hindi ko maaatim na malaman sa publiko na may mga Thrylos pang nabubuhay sa panahong ito. Thrylos na kabilang pa sa Kiseki Nine.   Malaking gusto ang posibleng mangyari at siguradong hindi iyon basta maaayos ng palasyo.   Dahil alam kong mabagal kumilos ang mga kasama ko, lalo na ang mga babae ay naisipan kong tumambay muna dito sa labas ng bahay ni Lara.   Ang ganitong tawanin ay dapat ding nilalasap kahit sandali dahil wala nang ganito sa Antlers.   At ang ganitong pakiramdam na payapa ang paligid at tahimik ay hindi na din makikita sa kabisera.   Agad akong dumilat at bumangon nang maramdaman kong may palapit sa akin. Nang lingunin ko kung sino ito ay nakita ko ang nakangiting si Lara.   “Hi.” bati nito nang tuluyang makalapit sa akin. “Can I?” Itinuro niya ang pwesto sa tabi ko na tinanguan ko lang. Agad naman siyang tumabi sa akin. “Alam mo ba ang kwento ni Snow White?”   “Yeah.” sabi ko. “Despite her having a missing heart, she manage to love someone deeply that made her choose to die to ensure her love’s future together with their friends.”   “Oh,” bahagya siyang natawa. “Hindi ko akalain na may mga nakakaalam pa din ng tungkol sa bagay na iyan gayong unti-unti nang kinakalimutan ng mga knights ang tungkol sa kanya.”   “My father said that we should always remember her even if the whole world chooses to forget her.” I said. “Iyon ang una’t huling bilin ng dating tagapangalaga ng apoy na pinanghahawakan namin.”   I know everything about Snow White dahil na rin sa mga kaalamang ipinapasa sa panganay na anak ng mga Brann.   Maliban sa responsibilidad naming pangalagaan ang angkan ng Initia, sinisiguro din ng bawat nakatatanda sa amin na maipapasa ang lahat ng kanilang nalalaman tungkol kay Snow White.   They said that as long as someone in Attila remembers her well, the peace that we all have now will remain.   Initia also knew about Snow White because she is the one that chose them to be the ruler of this world but only the current ruler of their clan knows all the details about that so Faero doesn’t really have an idea about her aside from the basic information that the school teaches to us.   “Being part of Kiseki Nine, can I have a word with you?” she said. “As much as possible, don’t go near her.”   Kumunot ang noo ko. “Her?”   “Chrylei.”   “Why?”   “I know that her life is in danger as of now at sa mga susunod na araw o buwan ay lalong titindi ang bawat pagtatangka sa buhay niya.” aniya. “Alam kong inatasan ka ng hari na protektahan nya at hindi ko pipigilan ang responsibilidad mong iyon pero hangga’t maaari ay huwag mong ilalapit ang loob mo sa kanya.”   “Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong dumistansya sa kanya?”   “Nakikita kong ikaw ang magiging dahilan kung bakit aalis siya sa Antlers.”   Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.   “Ikaw ang magiging dahilan kung bakit mapipilitan siyang lumayo.” Hinawakan niya ang kamay ko. “At ang kamay na ito ang mismong kukuha sa buhay niya.”   Umiling ako. “Hindi ko magagawa sa kanya iyon.”   “Hindi natin alam kung bakit iyon ang ipinakita sa akin ng hawakan ko ang kanyang kamay pero hindi din ako maaaring magkamali.” sambit niya habang nakatitig sa mga kamay ko. “Hahawakan ng nag-aapoy mong kamay ang puso niya na siyang magiging dahilan ng kamatayan niya.”   “Kung alam mo palang mamamatay si Chrylei sa mga kamay ko, bakit sinasabi mong kailangan pa naming puntahan ang kaibigan mo?” tanong ko at hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.   “Dahil gusto kong malaman mo ang buong detalye ng araw ng kanyang kamatayan.” aniya. “Nang sa gayon ay magkaroon kayo ng pagkakataong baguhin iyon kung nanaisin nyo.”   Tinitigan ko ang mga kamay ko.   Paanong nakasalalay sa mga ito ang buhay ni Chrylei? Bakit biglang naging ganito ang tadhana namin?   “Alam kong nagiging malapit na ang loob mo sa kanya at isang malaking hadlang iyon sa kung anuman ang magiging tadhana nyo kaya kung gusto mong makapagdesisyon ng rasyonal kapag dumating ang araw na iyon ay mas mabuting wala kang nararamdamang espesyal para sa kanya.” Tumayo siya at naramdaman ko ang pagtapik niya sa aking balikat. “Nasa iyo pa din ang desisyon. Binibigyan lang kita ng impormasyong alam kong magagamit mo sa hinaharap.”   “Bakit mo tinanong sa akin ang tungkol kay Snow White?” tanong ko bago pa man siya makalayo. Tumayo ako at bumaling sa kanya na ngayon ay nakatalikod na sa akin.   “Dahil ang kapalaran ni Chrylei ay hindi nalalayo sa kapalaran ni Snow White.” Bahagya siyang lumingon sa akin. “Mas nanaisin niyang mamatay para masiguro ang hinaharap ng kanyang mga kaibigan at ng lalaking kanyang mamahalin.” At tuluyan na niya akong iniwan.   Bumuntong hininga ako.   I know that Chrylei’s situation is rare in this world. The Elders might be scared of her because they don’t know what she can do. Someone in the palace might get interest in her and choose to study her. And the king will surely choose to protect her because she is his bestfriend’s daughter.   But I don’t believe that our future will be placed on her shoulder.   Eksaktong lumabas si Chrylei sa tahanan ni Lara dala ang kanyang mga gamit. Kasunod nito sina Faero, Aimur at Cali.   Nagku-kwentuhan sila at nagtatawanan pa.   Ilang sandali pa, sumunod na din ang iba pa naming kasama at masayang nakikipag-usap kay Chrylei na para bang hindi ito naiiba sa kanila.   Hindi ito ang unang beses na nagkaroon kami ng kaklaseng hindi kabilang sa Royal Family. Hindi ito ang unang beses na nagkaroon kami ng kaklaseng mahina.   Pero ito ang unang beses na nagkasundo-sundo ang panganay na anak ng labing tatlong pamilya na nakatira sa palasyo.   At dahil iyon sa isang babaeng hindi kabilang sa royal family at mahina.   Ikinuyom ko ang aking mga kamao at bumuntong hininga.   Hindi ko alam kung totoo ang mga binitawang salita ni Lara kanina ngunit isa lang ang sisiguraduhin ko.   Hindi haharapin ni Chrylei ang kapalarang hinarap ni Snow White.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD