Chapter 25.a

1178 Words
Faero Initia’s Pov (Knight of Element)   Sa isang malaking arena gaganapin ang tournament kung saan mammimili ang hari ng mga makakasama sa expedition march.   At dahil ngayon nalang uli isinapubliko ang ganitong event, hindi na nakakapagtaka na marami ang pumunta dito upang makapanood.   Kaya naman punong-puno ang arena at pare-parehong excited sa mga magaganap na laban.   “Matagal na panahon na din ang nakalipas nang huling napuno ang lugar na ito.” sambit ni Daddy habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng arena. “Sa tingin ko ay kailangan nating dalasan ang mga event dito sa kabisera para naman maka-enganyo tayo ng mga turista galing sa ibang syudad.”   “Maganda din itong panimula bilang pagpapakilala sa mga susunod na tagapagmana ng bawat pamilya ng palasyo.” dagdag ni Mommy. “Sa tingin mo ba ay haharangin ito ng mga Elders?”   “Alam mong wala silang interes sa mga ganitong bagay kaya hindi na nila ito pakikialaman pero kung sakali ay kailangan pa din nating ilihis ang kanilang atensyon nang sa gayon ay muling maibalik sa palasyo ang tiwala ng mga mamamayan ng Attila.” paliwanag ni Daddy pagkuwa’y bumuntong hininga.   Dahil sa kapabayaan ng dating hari ng Attila, which is my dad’s older brother, unti-unting bumagsak ang ekonomiya ng buong mundo. Nakaranas ng taggutom ang rehiyon ng Lapis. Naapektuhan din ang kalakalan sa bawat syudad ng bawat rehiyon dahil sa dumaraming bandido na hindi na kinayang pigilin ng mga kawal.   At lahat ng problemang iyon ay naipasa nang mapiling kapalit si Daddy dahil walang asawa o anak si Tito Ferry.   Hindi naging madali ang paglutas sa mga problemang iyon kaya unti-unting nawala ang tiwala ng mga knights sa palasyo.   At sinamantala iyon ng mga Elders.   Palihim silang nagbibigay ng tulong sa mga mamamayan upang makuha ang tiwala ng mga ito habang abala naman ang palasyo sa pagtugis sa mga bandido.   At nang tuluyan nang natapos ang mga problema ay tuluyan na ding napunta sa mga Elders ang halos kalahati ng mga sumusuporta sa palasyo kasama na doon ang ilang matataas na opisyales na namumuno sa ibang syudad.   Kaya naman ganoon nalang ang paghina na impluwensya ng Initia sa buong Attila at lahat ng desisyong ginagawa ng aking ama ay kailangang dumaan muna sa mga Elders.   “Sa tingin mo ay makakatulong sa’tin kung ang mananalo sa tournament na ito ay hindi kabilang sa mga prinsipe at prinsesa?” tanong ko.   “Sinasabi mo bang kaya ni Chrylei na talunin ang lahat ng kalahok?” kunot noong tanong ng aking ina. “Imposible ang iniisip mo, Faero. Alam mong matagal nang sinanay ang lahat ng kalahok habang ang iba ay miyembro ng iba’t-ibang mercenary groups. Habang si Chrylei--”   “Ay kailan lang nagsimula sa pagsasanay?” pagputol ko sa kanya. “I know that, Mom. Pero hindi ko naman ipagyayabang ang kakayahan ni Chrylei kung hindi ko iyon nasaksihan. May talento siya sa paghawak ng espada at nasisiguro kong mataas ang chance na manalo siya dito.”   “Kung pipilitin niyang manalo, makakatulong iyon sa palasyo.” sambit ni Zeal. “Pero magiging dahilan iyon upang lalong malagay sa panganib ang buhay ni Chrylei.”   Natigilan ako. Hindi agad iyon pumasok sa isip ko.   Kapag nanalo siya ay nasisiguro kong hindi basta iyon matatanggap ng mga Elders ay pipilitin nilang alamin ang katauhan nito. At kapag nalaman nila ay siguradong hindi sila magdadalawang-isip na paslangin ito lalo na kung mabubunyag na wala pa siyang kapangyarihan.   “Hayaan na muna natin ang mga mangyayari ngayon.” sambit ng hari. “Marami pa tayong maaaring gawin upang bawiin ang tiwala at suporta ng buong Attila kaya hindi tayo dapat magmadali.”   “Right.” sabi ko. “We can still do something at hindi kasama doon ang anumang ikakapahamak ni Chrylei.”   “Pero sa tingin nyo ba ay makakapasok siya sa Top 20?” tanong ni Mom na mabilis kong tinanguan.   “Iyon ang kaya kong siguruhin.” sabi ko. “I’ve seen her fight and with her natural talent, she can win without any problem.” Bumaling ako kay Zeal. “Right?”   Bumuntong hininga siya at tumango. “I won’t deny it but she will really be a great swordswoman in the future if she continues to train herself. And she might even surpass my skills in no time.”   Napalingon kami kay Daddy ng bigla itong tumawa.   “Dad?”   Umiling-iling siya at ginulo ang buhok ko. “I just remember her father. Hindi din kasi siya masyadong tinuturuan ng mga magulang noon bata siya kaya naman ako ang naturo sa kanya ng mga nalalaman niya sa larangan ng espada.”   “And he surpass you””   Tumango siya. “Kahit isang buwan palang ang lumipas nang turuan ko siya ay nagawa na niya akong matalo sa aming duel.”   “Nasa dugo talaga nila ang pagiging swordsman.”   “Ganoon na nga.” aniya pagkuwa’y bumaling sa ibaba ng arena kung saan umaakyat na ang lahat ng kalahok. “Pero gusto ko pa ding masaksihan kung gaano nga ba kagaling ang anak niya. Sa huling sulat niya kasi sa akin ay mahina at walang kahit anong kakayahan si Chrylei kaya hindi ako makapaniwala na ganito kataas ang kumpyansa niyong makakapasok siya sa top 20.”   “Well, let’s just wait and see.” sabi ko. “Dahil kahit ako ay hindi na makapaghintay kung paano lalabanan ni Chrylei ang lahat ng makakaharap niya.”   I’ve seen her moves when she was still in training kaya alam kong magagawa niyang manalo pero hindi ako sigurado kung magagawa ba niyang mag-adjust agad dahil pabago-pago ang kakahayaan ng mga kalabang kanyang haharapin.   Nitong mga nakaraan kasi, si Zeal lang ang madalas niyang kalaban kaya hindi imposible na nakabisado lang niya ang mga kilos nito at iyon ang ginamit niya para makatapat dito habang nagdu-duel.   “Even though you are confident on her skills, halata pa ding nag-aalala ka sa kanya.” ani Zeal.   “Well, this is the first time na haharap siya sa maraming kalaban kaya hindi pa din talaga maiiwasan ang mag-alala.” sabi ko. “She is still Chrylei. You know, the innocent and pure Chrylei.”   “The weak and fragile Chrylei.”   Bahagya ko siyang pinalo sa braso. “Hindi naman siya ganoon kahina noh.Though, aminado naman siyang lampa siya.” sabi ko. “Pero kasali din kasi sina Honari sa tournament na ito kaya hindi imposible na hindi niya gamitin ang pagkakataong ito para saktan si Chrylei. At alam mong wala siyang proteksyon ngayon dahil hindi pa binibigay ni Zenia ang singsing.”   Eh cheater pa man din ang isang iyon kaya hindi na ako magtataka kung gagamit siya ng anumang bagay at paraan para masaktan si Chrylei.   “Ipagdasal nalang natin na magawang lampasan ni Chrylei ang lahat ng tricks ng mga makakalaban niya.”   Bumuntong hininga ako at bumaling kay Chrylei na nasa gilid lang.   Sana nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD