Chapter 33

1152 Words
Chrylei Criox’s Pov   Muli na kaming nagpatuloy sa paglalakbay. Ilang village din ang aming nadaanan kaya nakapamili kami ng mga dagdag na pagkain na aming mababaon dahil malayo-layo pa din ang aming lalakbayin upang makarating sa dulo ng Atlas Region.   Ang sunod na rehiyon kasi na aming pupuntahan ay hindi pa naisusulat sa mapa at hindi pa din napupuntahan ng kahit sino.   Wala pa din kaming kahit anong impormasyon tungkol doon at ang tanging knight na sumusubaybay doon mula sa border ay doon na namin kikitain upang malaman ang mga bagay na dapat naming asahan.   At ngayon nga ay nagpasya kaming tumigil muna sa syudad ng Agon.   Hindi nalalayo ang itsura ng Agon sa Antlers. May nagtataasan din itong mga gusali at iba’t-ibang establisyemento ngunit hindi ganoon kadami ang naninirahan dito.   Maliban pa doon ay payapang naninirahan din sa loob ng syudad ang mga magical at sacred beast. Hindi sila itinuturing na kalaban dito ay tahimik na namumuhay ang dalawang lahi.   Ngunit hindi maikakaila na hindi ito perpektong syudad dahil base sa usap-usapang aming narinig sa huling village na aming nadaanan ay mayroong grupo na naninirahan dito ang nakahuli sa isang magical beast na hinihinalang nagmula sa rehiyong hindi pa pinapangalanan.   At iyon ang dahilan kung bakit kami nasa syudad na ito.   Nagbabakasakali na makita namin ito ay baka may maibigay itong impormasyon na maaaring makatulong sa amin sa pagpapatuloy ng paglalakbay namin.   Sa paglilibot ko kasama si Zeal ay nakasagap din kami ng impormasyon tungkol sa isang templo na hinihinalang dating silid aklatan dahil sa mga punit na pahinang nagkalat sa labas nito.   Kaya naman doon kami unang nagtungo at tama nga ang usap-usapan.   Sa paligid ng templo na matatagpuan sa masukal na bahagi ng gubat na nasa kanlurang bahagi ng syudad ay nakakalat ang mga pahina ng libro.   Punit-punit na ang mga ito at hindi na din nababasa ang mga nakasulat. Tingin ko ay matagal na panahon na mula nang ikalat ito dito. At wala ding nagtangkang kunin ang mga ito sa pag-aakalang wala itong silbi.   “Ngayon mo lang nalaman ang tungkol dito?” tanong ko kay Zeal habang nililibot namin ang paligid ng templo.   Tumango siya. “Hindi na namin tinangka pang pasukin ang gubat na ito dahil masyadong excited ang mga kasama ko noon na makabalik ng Antlers dahil sinabi ng hari na hindi na muna namin pupuntahan sa susunod na rehiyon.”   Tinitigan ko ang bukana ng tempo.   “At ipinaubaya na namin sa mga sumunod na grupo ang pagche-check sa parteng ito ng gubat.” dagdag niya.   “Sa tingin mo ba ay may makukuha tayong paki-pakinabang na bagay o impormasyon kapag pinasok natin ang lugar na iyan?”   “Well, I can’t say anything rather than if there is nothing important in this place, why they put a lot of magic spells just to protect it.”   Bumaling ako sa kanya.   May pinulot siyang bato at itinapon iyon papunta sa entrance ng templo.   At tulad ng inaasahan ay nakapalibot na pananggalang sa buong lugar.   “Paano natin matatanggal ang pananggalang na iyon?”   Bumaling siya sa akin. “That would be your job.”   Kumunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?”   “The shield that you are using to protect everyone of us has the same magic sequence that the shield that this temple has.” paliwanag niya. “So you just have to hold that shield and undo it like how you undo the shield that you are using to us.”   “Paano kung hindi iyon tumalab?” tanong ko.   Nilapitan niya ako at ipinatong ang kamay sa ulo ko. “Just believe in yourself and think that it will work.”   Tinitigan ko siya pagkuwa’y bumuntong hininga. “Okay.”   “Good.” Inalis niya ang kamay sa ulo ko tsaka tumango. “I will be right here. If something feels not right, go back here as soon as you can, okay?”   Tumango ako at bumaling sa bukana ng templo. Huminga muna ako ng malalim at nagsimulang maglakad hanggang marating ko ang tamang distansya kung saan nakalagay ang shield nito.   Muli akong huminga ng malalim at dahan-dahang hinawakan ang shield.   At tama nga si Zeal. Katulad ito ng shield na aking ginagamit.   Ibig kayang sabihin nito ay isa din sa mga parte ng angkang pinanggalingan ko ang lumikha ng templong ito?   Hmm. Hindi namin malalaman kung hindi namin ito mapapasok.   Pinikit ko ang aking mata at sinimulang pakiramdaman ang shield.   At napuno ako ng pagkamangha nang mapag-alamang hindi lamang ito nakapalibot sa ibabaw na parte ng templo na aming nakikita. Aabot ang shield nito hanggang sa pinakamababang parte ng lupa na naaabot ng templo.   Kaya’t hindi na nga nakapagtataka na hindi ito basta mapasok na lamang ng kahit sino dahil sa lakas at tindi ng pananggalang nito.   Maliban pa doon, ang pananggalang na ito ay hindi nangangailangan ng enerhiya mula sa katawan ng knight o sa mga magical items dahil kusa itong nakakonekta sa enerhiya ng aming mundo kaya’t tumagal ito ng mahabang panahon habang pinoprotektahan ang anumang laman ng lugar na ito.   Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at unti-unti ding nawawala ang shield na nakabalot dito mula sa ilalim hanggang sa pumasok ang lahat ng enerhiya nito sa loob ng aking singsing.   “I told you.” sambit ni Zeal at agad akong nilapitan. “You can do it.”   Tumingin ako sa kanya at ngumiti.   Bigla akong napahawak sa aking ulo nang bigla akong makaramdam ng pagkirot. Kasunod ng paglakas ng t***k ng puso ko.   “Chrylei?” Agad akong hinawakan ni Zeal at inalalayang maupo sa damuhan. “Okay ka lang ba?”   Tumango ako ngunit lalong tumitindi ang sakit na aking nararamdaman.   Ngunit hindi ko ito ikinababahala dahil hindi ito ang unang beses na naramdaman ko ang ganitong klaseng sakit. At alam ko na kung ano ang kasunod ng mga ganitong sintomas.   Ipinikit ko ang aking mga mata at doon nagsimula ang pagpasok ng mga hindi pamilyar na imahe sa aking isip.   “Chrylei?”   Idinilat ko ang mga mata ko at bumaling kay Zeal.   Bakas sa kanyang mukha ang matinding pag-aalala kaya naman ngumiti ako upang maibsan iyon. “O-okay lang ako.”   “Sigurado ka?”   Tumango ako at dahan-dahang hinilot ang aking ulo. “Siguro ay masyado lang malakas ang enerhiyang hinigop ng singsing kaya maging ako ay naapektuhan.” pagdadahilan ko.   Pero alam kong hindi iyon ang totoong dahilan.   Nangyayari ang bagay na ito sa tuwing nagkakaroon ako ng contract sa mga bagay o pangyayaring may kinalaman sa kung sino man ako sa dati kong buhay.   Well, iyon ang una kong iniisip.   Ngunit pagkatapos ng mga imaheng nakita ko kanina ay unti-unting naging malinaw sa akin ang lahat.   Ang mga imaheng pumapasok sa aking isip ngayon ay parte ng mga memoryang nawala noon sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD