Chapter 8.a

1219 Words
Chrylei Criox's Pov   Hindi ko napansin na nakalayo na pala sa akin sina Zeal at Red. Natauhan na lamang ako nang akbayan ako ni Faero at Aimur na muli na palang nakalapit sa akin.   "Iyon ba si Red?" tanong ni Faero habang tinatanaw ang dalawang lalaki na hindi kalayuan sa amin at seryosong nag-uusap.   Tumango ako.   "Woah! Ang gwapo naman pala niya." ani Aimur. "At mukha ngang harmless kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon ang pagtatanggol mo sa kanya."   "Well, you cannot judge the person base on their looks." Bumaling sa akin si Faero at ngumiti. "Pero dahil sa ginawa niyang pagsulpot dito upang tulungan kang ayusin ang hindi nyo pagkakaunawaan ni Zeal, masasabi kong mabuti nga siyang nilalang."   "Is he also a student here?" tanong ni Cali na nakatitig din kay Red. "He is actually familiar but I don't know where I did see him."   "Hindi siya estudyante dito pero nabanggit niyang malapit siyang kaibigan ng headmistress kaya nakakapasok siya dito anumang oras niya gustuhin."   "Kaibigan siya ni Yumei?" ani Faero. "I didn't know that Yumei is actually capable of having a friend."   "Eh?" Naguguluhan akong tumingin sa kanila. "Anong ibig mong sabihin?"   "Well, Yumei is actually known for being a stict and heartless woman." sabi ni Aimur. "Kaya walang nagtatangkang makipaglapit sa kanya at lahat ng estudyante o kahit mga teacher ng HKU ay takot sa kanya."   "Kaya nakakagulat na malamang mayroon din pala siyang kaibigan." dagdag ni Cali. "Pero hindi ba parang nakakapagtaka."   "Ang alin?"   "Yumei is the Knight of Immortality at base sa alam nating lahat, ilang dekada na din siyang naninirahan dito sa HKU." sambit ni Faero. "At ito ang unang pagkakataon na nalaman natin na may kaibigan pala siya gayong hindi din naman siya lumalabas ng school."   "Ibig mo bang sabihin—"   Tumango siya. "Isa lang ang paliwanag kung paano sila naging magkaibigan ni Yumei." Muli siyang bumaling kay Red. "Isa din siya sa mga nilalang na itinuturing Thrylos."   Kumunot ang noo ko. "Thrylos?"   "Iyon ang tawag sa mga nilalang na biniyayaan ng mahabang buhay." ani Cali. "They are not immortal because they can still be killed but they have long life span than can reach twice or even time five of normal knight's."   Ibinalik ko ang tingin kay Red.   Seryoso pa din itong nakikipag-usap kay Zeal at ngayon ko napagtanto ang lahat ng mga napag-usapan namin.   "Siguro ay iyon ang dahilan kung bakit napakarami niyang nalalaman sa kasaysayan ng Attila na hindi makikita sa kahit na anong libro." sambit ko. "Marahil ay naging bahagi din siya ng kasaysayang iyon."   __________   Matapos mag-usap nila Zeal at Red ay mukha namang nagkasundo silang dalawa. Hindi na din ako binawalan ni Zeal na makipagkita kay Red at naging magiliw din naman sina Faero, Aimur at Cali nang ipakilala ko sila sa mga ito.   At dahil may training pa ang mga ito, naiwan kaming dalawa ni Red sa garden.   "Ahm, Red?"   Bumaling siya sa akin. "Bakit?"   "Gusto ko lang magpasalamat," sambit ko. "Kung hindi ka dumating ay nasisiguro kong ipagpipilitan pa din ni Zeal na layuan kita."   "To be honest, you should have done what they said." aniya. "Mas makakabuti iyon sa iyo pero..." Ngumiti siya. "I am happy that you choose to trust me."   "Hindi ba't natural lang sa kaibigan ang pagkatiwalaan ang isa't-isa?"   Tumango siya. "That's why I am feeling guilty about things because I am not completely being honest with you."   "A-anong ibig mong sabihin?"   Bumuntong hininga siya. "You already know that I am friends with Yumei, right?"   Tumango ako.   "But I didn't tell you how we became friends to begin with."   Muli akong tumango.   "Just so you know, I am actually a Thrylos."   Ah, tulad ng sinabi nila Cali kanina. Isa nga siyang nilalang na nabiyayaan ng mahabang buhay kahit hindi siya ang Knight of Immortality.   "And I know Yumei way before the merging of Unmei and Mirai Kingdom." aniya. "And yes. What you are thinking is right. Nabuhay ako ng mga panahong nabubuhay si Snow white."   Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.   "I can't blame you for giving me that kind of reaction since Thrylos are quite rare in this era." natatawa nyang sabi.   "Kung ganoon, ang pagiging Thrylos mo ang dahilan kung bakit marami kang nalalaman tungkol sa kasaysayan ng Attila."   Tumango siya. "After the merging of two kingdoms, I became observer around the world that's why no one really knows about me."   Minsan nang nabanggit sa akin ni Ama na maliban sa Knight of Immortality, may mga nilalang na nabubuhay ng higit sa normal na haba pero ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa kanila.   At hindi ko inaasahan na ako pa mismo ang makakakilala at makakaharap ng isang tulad nya.   "After some years, I decided to stay and live a peaceful life." sabi nya. "But something happen to the province where I used to live three years ago so I was actually forced to wander again around the world."   "At nagdesisyon kang bumalik dito?"   "I don't really have anywhere to go after they disturb my peaceful life so I had no choice but to go here." Nag-inat sya. "Though I don't have any plan to stay any longer. Being in the same place as those bastard makes me p**e but I had to endure as long as I don't have the information I need."   "Eh?"   Bumaling siya sa akin.   "Aalis ka din dito?"   Tumango siya. "Thrylos like me are actually not welcome here so before anyone could notice about my existence, I should go somewhere."   "Pero alam na din ng mga kaibigan ko na isa kang Thrylos."   Ngumiti siya. "See? Nagsisimula na silang maging aware sa existence ko and if the public knows about me, some knights will surely come after me."   "Why?"   Nagkibit-balikat siya. "Maybe some of them will try to kill me because a Thrylos like me is more powerful than all the knights living in this era. I can become threat to this world."   Ang mga thyros ang tinuturing na unang tagapangalaga ng mga kapangyarihang pinaghahawakan ng mga knights sa panahong ito.   Hindi ko alam kung anong kapangyarihan ang hawak ni Red pero base sa sinasabi niya, nasisiguro kong isa siya sa pinakamalakas na knight noong unang panahon.   Kaya't hindi nga naman nakakapagtaka kung ituturing silang mapanganib para sa mga nabubuhay ngayon.   "But there might be some who will try to find me and recruit in their group that is not contented on how Attila works today so they will be able to destroy the current system and build their own ideal kingdom."   "Kung ganoon ang sitwasyon, mas makakabuti pa ngang umalis ka sa lugar na ito at muling lakbayin ang buong Attila."   Kumunot ang noo niya. "Bakit bigla yata ang pagsang-ayon mo sa akin?"   Tumayo ako at humarap sa kanya. "Kaibigan kita, Red. At hindi ko kakayanin kung makikita kitang ginagamit ng iba para sa sarili nilang ikakikinabang."   At sabihin man niya o hindi, alam kong pinahahalagahan niya din ang kapayapaang tinatamasa ng Attila dahil isa ito sa mga bagay na ipinaglaban ni Snow white, ang babaeng nasisiguro kong tinitingala nya.   Kaya kung ang paglayo niya sa lugar na ito ang makasisiguro na hindi mawawala ang kapayapaang ito, nakahanda akong tanggapin na sandaling panahon lang ang aming pagkakaibigan.   Nakahanda akong tanggapin na hindi na dumaan lamang siya sa aking buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD