Chapter 9

1012 Words
Chrylei Criox's Pov   Matapos ang huling pag-uusap namin ni Red ay ilang araw din siyang hindi nagpakita sa akin.   Hindi ko malaman kung dinamdam niya ang sinabi ko o sadyang abala lang siya sa mga bagay na kailangan niyang gawin habang narito siya sa Antlers.   "Ilang araw ka nang hindi nagagawi sa garden, huh." ani Faero. "Don't tell me, si Red naman ang nakaalitan mo?"   Narito kami ngayon sa amin silid aralan. Kakatapos lang ng aming pang-umagang klase at naisipan naming dito na lamang kumain kaya sina Cali at Zeal ang bumili ng makakain namin.   Nagkibit-balikat ako pagkuwa'y bumuntong hininga. "Hindi ko din alam."   Naupo siya sa tabi ko. "Ano bang napag-usapan nyo?"   Ipinagtapat niya sa akin na isa nga siyang Thrylos." panimula ko. "At sinabi din niya na hindi magtatagal ang pananatili niya sa lugar na ito."   "Well, iyon nga ang dapat niyang gawin dahil oras na malaman ng publiko ang tungkol sa kanya ay nasisiguro kong pagkakaguluhan siya." sambit nito. "May mga knights na ituturing siyang banta dahil ang kapangyarihang hawak niya ay diretsong nagmula sa langit habang ang sa amin ay pinagpasa-pasahan na lamang ng bawat henerasyon kaya ito'y unti-unting humina kumpara sa orihinal."   "At may mga grupo din na gustong sirain ang kasalukuyang pamamahala sa palasyo." dagdag ni Aimur. "At maaari siyang gamitin ng mga iyon."   "Iyan nga din ang sinabi niya."   "Oh? Anong pinag-awayan nyo?" tanong ni Faero.   "Sinabi kong mas makakabuti nga kung umalis siya." Muli akong bumuntong hininga. "Dahil hindi ko kakayanin kung ang isa sa mga kaibigan ko ay gagamitin lamang ng kung sino para sa sarili nilang kapakanan." Bumaling ako sa kanila. "Alam nyo ba, sa tuwing nababanggit niya ang mga nangyari sa nakaraan, nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Pero kasabay noon ang pagiging kuntento sa mga nangyayari kaya alam kong hindi din niya gugustuhin na masira ang kapayapaang ibinigay sa atin ng mga kasamahan niya noon."   "Baka naman gusto din niya na pigilan mo siyang umalis." ani Aimur. "You know baka na-feel niya na hindi siya mahalaga sayo."   "Ganoon ba kababaw ang tingin mo kay Red?" balik sa kanya ni Faero. "Ang mga tulad nila ay matured mag-isip kaya imposible iyan. Beside, nasisiguro kong nakita niya kung paano siya ipinagtanggol ni Chrylei kay Zeal kaya hindi niya iisipin ang ganoon."   "Ibig sabihin ay abala nga lang siya?"   Tumango si Faero. "Iyon ang pinakaposibleng dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita sayo."   "Kaya huwag ka na munang masyadong mag-alala diyan." ani Aimur at ginulo ang aking buhok. "Siguradong magpapakita din siya sayo pagkatapos ng mga pinagkakaabalahan niya."   "Hey." Bumaling kami sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok sina Cali at Zeal. Naroon din sina Nevis at Illium.   "Anong ginagawa ng dalawang iyan dito?" tanong ni Faero habang nakataas ang kilay sa mga bagong dating.   "Nagkakagulo kasi sa cafeteria kaya sumabay na silang bumalik dito." ani Cali saka ibinaba ang mga pagkain namin.   "Bakit?" ani Aimur. "Anong nangyayari doon?"   "Nagpang-abot ang magkapatid na Himmel at hindi na nakapagtimpi si Honaira." sambit ni Hevis.   "Sa wakas, pinatulan din ang kapatid." nakangiting sabi ni Aimur pagkuwa'y bumaling kay Faero. "Pero posibleng si Honaira ang pag-initan ng mga Elders, hindi ba?"   Tumango ito. "Don't worry. Uuwi ako sa palasyo mamaya para siguruhin na hindi siya ang parurusahan ng mga Elders." Bumaling ito kay Cali. "Pero bakit ba pinatulan ni Honaira ang kapatid niya? Hindi ba't alam naman niya ang posibleng mangyari sa kanya?"   Isa sa ibinigay na regulasyon ng mga Elders sa pagpayag na mag-aral ang mga panganay na anak ng mga kabilang sa 13 royal families ay ang pag-iwas ng mga ito sa gulo kaya't ginagawa ng mga nasa Holy class ang kanilang makakaya upang magtimpi.   Isa marahil iyon sa dahilan kung bakit pilit din talagang pinapatid ng ibang estudyante ang pasensya nila. Maaari nilang mapaalis ang isang holy class nang walang kahirap-hirap.   Dahil posible silang pabalikin sa palasyo at hindi na muling makatapak pa sa HKU.   "Si Savii talaga ang pino-provoke ni Honari." ani Cali. "And that's for accepting Chrylei on their cafe."   "Eh?"   "Someone is leaking an information about a certain knight that manage to study here in HKU and Honari is actually assuming that it was Chrylei." sabi ni Zeal. "And they are confirming it to Savii."   "And Honaira notice it kaya pinili niyang patulan ang kapatid niya." Bumaling sa akin si Faero. "I think we don't have any choice but to tell them the truth."   "You don't know what they will do to Chrylei if they will learn the truth." sabi ni Aimur. "A knight like her is not common to our world so I am sure that they will be the one who will report to the Elders."   "Don't you trust our classmate?" tanong ni Illium. "Sa tingin mo ba ay makikialam ng ganoon si Honaira kung wala siyang pakialam kay Chrylei?"   "Honaira is still a b***h and part of Himmel." matigas na sambit ni Aimur. "Sooner or later, sigurado akong mas pipiliin pa din niyang gawin ang gusto ng pamilya niya kaysa sa kung ano ang tama kaya huwag ninyong kwestyunin ang tiwala ko sa babaeng iyon."   "Aimur..." Hinawakan ko ang kanyang kamay upang kahit paano ay kumalma siya. "Isang malaking hakbang ang ating gagawin sa oras na ipagtapat natin sa kanila ang tunay kong katauhan pero hindi naman maaaring habang buhay natin itong itago sa kanila."   "Chrylei,"   "Tinanggap nila ako kahit pa wala silang nalalaman tungkol sa akin kaya tingin ko ay may karapatan silang malaman ang tungkol sa akin."   Isang bagay na natutunan ko sa relasyon ng pakikipagkaibigan ay ang pagsasabi ng mga bagay tungkol sa aking sarili. At isa iyon sa magpapatunay kung kaibigan nga ang turing nila sa akin.   Nakahanda ako sa anumang maging desisyon nila oras na ipaalam namin ang tunay kong pagkatao.   Kung pipiliin nilang isuplong ako sa mga Elders o iiwasan dahil hindi ako katulad nila o tatanggapin pa din sa kabila ng aking mga pagkukulang.   "Have some faith in our class, Aimur." ani Zeal. "We are not called the Holy knight for nothing and I want you to remember that."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD