Chapter 8

1279 Words
Chrylei Criox’s Pov   Dalawang araw na din ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente kung saan sinabihan ako ni Zeal na layuan si Red. At hanggang ngayon ay hindi pa din kami nag-uusap.   Magkasama pa din naman kami sa iisang grupo. Sabay kaming nagpupunta sa aming silid-aralan, nanananghalian at umuuwi ngunit pareho naming hindi man lang tinitingnan ang isa’t-isa.   Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit hindi mapakali sina Faero at Aimur.   “Hanggang kailan kayo hindi mag-uusap ni Zeal?” tanong ni Faero.   Nandito kaming dalawa sa library upang tapusin ang ilan sa aming mga asignatura ngunit wala yatang plano si Faero na gawin ang kanya sa ngayon kaya sinimulan ko nang ipunin ang mga libro na kanyang kakailanganin mamaya.   “Alam nyo bang ramdam namin ang tensyon sa pagitan niyo?”   “Hindi ako galit sa kanya kaya nasisiguro ko sa iyo na hindi sa akin galing ang tensyon na iyong nararamdaman,” sambit ko. “At wala akong sasabihin sa kanya kaya hindi ko siya kinakausap.”   Bumuntong hininga siya at itinungo ang kanyang ulo sa mesa. “Alam mo naman siguro na nag-aalala lang siya sayo kaya niya nasabi iyon.”   Tumigil ako sa aking ginagawa at tumingin sa kanya. “Alam ko iyon, Faero. Kaya nga sinasabi ko sayo na hindi ako galit sa kanya dahil naiintindihan ko ang nais niyang ipabatid sa akin.”   “Then, why don’t you talk to him?”   “Dahil wala akong kailangang sabihin sa kanya,” ulit ko.   Sumimangot siya pagkuwa’y muling bumuntong hininga. “Iyan din ang sinasabi niya kay Cali. Hindi siya galit sayo dahil wala naman daw siyang karapatang magalit. At wala din daw siyang karapatang pagbawalan ka na lumapit kay Red.”   “At wala din naman siyang sasabihin sa akin kaya hindi niya ako kinakausap?”   Tumango siya. “But I know that guy since we are still young kaya alam kong binabagabag din siya ng naging reaksyon mo. At sigurado akong iniisip din niya na galit ka sa kanya.”   Hindi ako nagsalita dahil hindi ko din naman alam ang aking sasabihin.   Kung tutuusin ay ito ang unang beses na nagkaroon ako ng di-pagkakaunawaan sa isang kaibigan kaya hindi ko din alam ang aking gagawin.   Gusto kong magkaayos kami ni Zeal nang hindi sumasama ang tingin niya kay Red. Ayokong isipin niya na masamang nilalang nga ito ngunit hindi ko alam kung paano.   Ayoko din namang sirain ang pagkakaibigan namin ni Red dahil lang sinabi ni Zeal na lumayo ako sa kanya.   Kailan pa nga lang kami nagkakilala pero malaki na ang tiwala ko sa kanya kaya alam kong hindi din siya gagawa ng ikapapahamak ko.   Hindi ko alam kung paano ko iyon nasasabi pero pinaniniwalaan ko kung ano ang aking pakiramdam.   “Chrylei…”   Muli akong tumingin kay Faero.   “Can you make up with Zeal?” Hinawakan niya ang aking kamay. “Please?”   Tinitigan ko siya at bumuntong hininga matapos kong makita ang kanyang pagpapa-cute. “Okay. Makikipag-ayos na ako sa kanya.”   Lumiwanag ang kanyang mukha at binalot ng saya ang kanyang mga mata.   Mukhang maging sila ay talagang naapektuhan ng di-pagkakaunawaan namin ni Zeal kaya nararapat lamang na ayusin ko na ito sa lalong madaling panahon.   “Aasahan ko iyan, huh.”   Tumango ako. “Pero…”   Natigilan siya at tumingin sa akin. “Pero?”   “Kung ipagpipilitan pa din niya na layuan ko si Red, hindi ko nasisiguro kung tuluyan nga ba kaming magkakaayos.”   “Nag-aalala lang siya para sayo.” aniya. “Lalo na’t hindi pa din kami nabibigyan ng pagkakataon na makilala iyang si Red. At hindi sa minamaliit ka namin pero malinaw naman sa iyo na ang Antlers ay tinitirhan ng mga makapangyarihang Knights at hindi lahat ng narito ay mabuti at masama.”   “Tulad ng sinabi ko, naiintindihan ko kayo,” sabi ko. “Alam ko ang pag-aalala nyo pero kaya kong ipangako sa inyo na kailanman ay hindi ako magagawang saktan ni Red. Mabuti siyang nilalang.”   Hindi siya sumagot pagkuwa'y hinawakan ang magkabilang balikat ko at tinitigan akong mabuti. Ilang sandali pa ay bumuntong hininga sya at ginulo ang aking buhok. "Fine. If that's what you believe, then I will trust that guy. I also trust you, okay?"   Ngumiti ako at tumango. "Ipinapangako kong hindi ako masasaktan upang mabawasan ang pag-aalala nyo sa akin."   "Then, let's go and find Zeal." Agad niyang iniligpit ang mga gamit namin. "Mas mabuti nang magkaayos agad kayo dahil hindi na namin kaya pang sikmurain ang awkardness na dinadala nyong dalawa."   Gustuhin ko mang tumutol dahil hindi pa ako tapos sa aking asignatura ay wala na akong nagawa lalo pa't mabilis niyang nahawakan ang kamay ko at hinila palabas ng library.   Hindi ko naman siya magawang pigilan dahil alam kong sila ang higit na naaapektuhan sa naging alitan namin ni Zeal kaya hinayaan ko nalang.   Hanggang makarating kami sa garden at nakita kong naroon din sina Cali, Aimur at Zeal.   "Nauna pa pala kayo dito," sambit ni Faero nang tumigil kami sa kanilang harapan.   "We are just nearby when we recieve your message." Bumaling sa akin si Aimur at ngumiti. "You can do it, Chrylei."   Kumunot ang noo ko at akmang magtatanong pero agad silang lumayo at naiwan kaming dalawa ni Zeal.   Ah, mukhang pinlano na din ni Faero ang pag-uusap namin ni Zeal.   "Did Faero forced you to go here?" tanong ni Zeal habang nakayuko.   "Hindi," mabilis kong sagot. "Ahm..."   "Sorry." aniya pagkuwa'y tumingin sa akin. "I shouldn't have said that."   Umiling ako. "Ako ang dapat humingi ng tawad dahil sa naging reaksyon ko."   "Naiintindihan ko kung bakit ganoon mo siya ipagtanggol." sabi nya. "This is the first time that you had friends so you wanted to treasure everyone of them but you are way too trusting and it worry not only Faero but also Aimur, Cali and me."   "Alam ko iyon." Huminga ako ng malalim at diretsong tumingin sa kanya. "Ngunit kaya kong ipangako na hindi niya ako sasaktan."   "That this was not for you to decide." aniya.   Tama sya. Hindi nga naman ako ang makakapagsabi kung sasaktan ako ni Red o hindi para maniwala nalang silang bigla.   Bumuntong hininga siya. "As you can see, I am not just your classmate. The king put me in charge on protecting you and Faero so having you meeting someone that I know made my job really hard."   "Kung ganoon ay magbabago ba ang tingin mo kay Red kung makikilala mo siya ng personal?" tanong ko.   "Does he have any intention to meet us?" balik nya sa akin. "From what I can see, he doesn't want to meet us dahil lagi siyang umaalis agad sa tuwing darating kami sa lugar kung saan ka niya tinuturuan."   Ah, ngayong nabanggit niya ang tungkol doon. Madalas kaming magkita ni Red sa harap ng estatwa ni Snow White. At tuwing hapon ay doon ako pinupuntahan nila Faero at bago pa man tuluyang makapasok doon ang mga kaibigan ko ay mabilis na naglalaho si Red na para bang iniiwasan niyang makita ng ibang nilalang.   "Did you just realize it now?" aniya. "Iniiwasan niyang makaharap sinuman sa amin kaya sa tingin mo ay haha—"   "Sorry for putting you in this kind of situation, Lei."   Nanlaki ang mga mata ko at bumaling sa lalaking bigla na lamang sumulpot sa gilid ko. "R-red!"   Bumaling siya sa akin at ngumiti. "I will handle this one so you can calm down now." Ginulo niya ang buhok ko pagkuwa'y muling nawala ang emosyon sa kanyang mga mata nang bumaling siya kay Zeal. "Can I have a word with you?"   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD