Chapter 7

1285 Words
Chrylei Criox's Pov   Dahil hindi kami magkasama kahapon ay inaasahan ko na ang pagiging clingy sa akin ni Faero pagdating palang nya sa university.   Hindi naman ito ang unang beses na naging ganito siya kaya nasasanay na din ako.   "Alam mo, nagseselos na talaga ako sa inyong dalawa," ani Aimur habang masama ang tingin sa aming dalawa ni Faero na ngayon ay nakayakap sa akin mula sa likuran. "Hindi ka naging ganyan sa akin noon, Fae."   "At paano ako magiging ganito sayo? Eh hindi ka naman kumportable na niyayakap kita." sambit ni Faero. "Sa tuwing hahawakan pa nga lang kita, ramdam ko na agad ang tensyon sa katawan mo kaya hindi ko na itinutuloy."   Isa din iyon sa napansin ko sa kanya. Hinahawakan man nya ako paminnsan-minsan at yumayakap sa braso ko ay sandali lang. Ramdam ko din ang tensyon sa katawan nya tuwing gagawin iyon na halatang hindi sya kumportable pero pinipilit nyang gawin.   "Eh?"   Tumangu-tango pa ito. "Habang itong si Chrylei ay relax lang."   "Ah." Napakamot ako ng ulo. "Clingy din kasi sa akin ang mga kapatid ko at mahilig silang mangyakap kahit nasaang lugar pa kami." Nasanay ako sa ganoong gawain ng mga kapatid ko kaya't baliwala para sa akin ang mga gesture ni Faero lalo na't itinuturing ko na din siyang kaibigan.   "At hindi naman ako sanay nang hinahawakan dahil lumaki akong malayo ang loob sa pamilya ko." Bumuntong hininga si Aimur at ipinatong ang kanyang ulo sa mesang nasa harap namin.   Nandito pa kasi kami sa garden at nagpapahangin habang hinihintay ang iba pa naming kasama.   "Naiilang lang talaga ako sa physical contact."   "And I respect that, Aimur." Bumitaw sa akin si Faero at ipinatong ang kamay sa ulo ni Aimur. "I don't mind if you don't want me to hug you. Hindi naman iyon ang basehan ng friendship natin noh. Ang importante ay kung anong nararamdaman natin para sa isa't-isa."   Unti-unting nagliwanag ang mukha ni Aimur at nakangiting tumingin kay Faero.   "Though there are times that I really wanted to hug you."dagdag ni Faero. "Ang lambot-lambot mo kasi eh."   Bahagya akong natawa nang sumimangot si Aimur dahil sa sinabi nito.   Malaman ang pangangatawan ni Aimur kaya't alam kong pinanggigigilan sya ni Faero. Maging ako man ay nais ding pisilin ang pisngi nito ngunit pareho kaming nagpipigil ng prinsesa dahil alam naming hindi sanay sa ganoong kilos si Aimur.   "But all in all, don't let it bother you," dagdag ni Faero. "I love you even though I am not hugging you. I just respect what you want and avoid anything that will give you discomfort around me."   "At huwag mong pilitin ang sarili mo na gustuhin ang bagay na hindi ka kumportable." sabi ko. "Siguradong sapat na kay Faero ang maramdamang nasa tabi ka nya anumang oras."   Sunod-sunod na tango ang ibinigay ni Faero habang nakatingin dito. "Kaya huwag kang mag-alala, okay?" Ginulo niya ang buhok nito. "Kaibigan kita, anuman ang mangyari."   "Anong nangyayari dito?"   Napalingon kami sa entrance ng garden at nakita si Cali at Zeal na palapit sa amin.   "Bakit mukhang nagda-drama yata si Aimur?" Agad nilapitan ni Cali si Aimur at inakbayan ito. "Don't tell me, nagseselos ka pa din sa dalawang ito?" Bumaling sya kay Aimur at itinuro kaming dalawa ni Faero.   Nanatiling tahimik si Aimur kaya bumaling sa amin si Cali.   "Huwag nyong masyadong pansinin ang kaartehan ng babaeng ito, okay?" ani Cali pagkuwa'y ginulo ang buhok ni Aimur. "Hindi lang din kasi siya sanay na may ibang nilalambing si Faero maliban sa kanya."   "I understand," ani Faero. "But she's kind of cute when she is jealousy." Agad nya itong nilapitan at niyakap. "Kaya swerte ng magiging boyfriend nito eh."   "Faero!"   "What?" Inosenteng syang tumingin dito. "I am just saying the truth."   At nagsimula silang magkulitan.   Napalingon ako kay Zeal nang maupo ito sa tabi ko.   "Pagpasensyahan mo na ang mga iyan," sambit nito. "Kapag talaga nagsimula ang kakulitan, hindi na napipigilan."   Ngumiti ako. "Nasasanay na naman ako sa kaingayan at kakulitan nila. Malayo sa kinalakihan ko pero hindi naman masama para sa pagbabagong nagaganap sa buhay ko."   "I am glad that you are starting to like in here."   Wala namang dahilan upang hindi ko magustuhan ang lugar na ito.   Oo nga't sa lugar na aking kinagisnan ay tahimik samantalang dito ay maingay ngunit kung papalarin akong mabigyan ng pagkakataon na tuluyan nang manatili dito ay lubos ko iyong ikasisiya.   Dahil sa lugar na ito, narito si Faero, Aimur, Cali at Zeal na siyang aking naging kaibigan sa kabila ng pagiging isang Knight na walang kapangyarihan.   Hindi nila ako hinusgahan at buong puso pa akong tinanggap. Idagdag pa ang kanilang mga ginagawa upang maprotektahan ako sa ibang Knights na nagtatangkang manakit sa akin.   Kaya't paano nga ba ako mag-iisip pang umalis sa lugar na ito?   Ah, idagdag na din pala natin si Red na bagaman ramdam ko ang pagiging misteryoso ay mayroon ding malaking tulong na naibibigay lalo na sa patuloy nyang pagku-kwento ng tungkol sa kasaysayan ng Attila.   “Chrylei?” Bumaling ako kay Faero na siyang bumanggit ng aking ngalan. “Ngayon ko lang nakita ang suot mong kwintas. Binili mo?”   Umiling ako at hinaplos ang pulang bato na mayroon ito. “Hindi ba’t nabanggit ko na ang tungkol kay Red?”   Tumango siya at muling naupo sa tabi ko.   “Sinong Red?” tanong ni Cali.   “I actually never met him but this Red is helping Chrylei on her history class.” ani Faero. “At mukha ngang hindi lang history ang naituturo niya kay Chrylei dahil maging sa ibang subjects natin ay nakakasabay na siya.”   “Nakilala ko si Red sa garden at naging magkaibigan din kami.” sambit ko. “At siya ang nagbigay nito sa akin.”   “Bakit ka niya bibigyan ng ganyan?” tanong ni Aimur. “Hindi kaya--”   Umiling ako. “Kung anuman ang iyong iniisip ay sinisigurado kong nagkakamali ka.”   “Wala pa akong sinabi.” Ngumuso ito na ikinangiti ko.   “Wala siyang gusto sa akin at ibinigay niya ang kuwintas na ito dahil naaalala daw niya ang kanyang kapatid sa akin.”   “Oh.” Tumangu-tango sila.   “Na-sister zone ka na pala agad.” ani Cali.   “Huwag nga kayong malisyosa,” ismid ni Faero pagkuwa’y muli akong niyakap. “Walang panahon si Chrylei sa mga ganyang bagay noh. Masyado siyang abala sa trabaho niya at pag-aaral. Siya ang mangpi-friendzone sa sinumang magtangkang manligaw sa kanya.”   “Hay nako, Faero.” naiiling na sabi ni Aimur. “Hindi mo mapipigilan kapag ang puso na ang tumibok kaya huwag kayong magsasalita ng tapos. At hayaan mo si Chrylei sa lovelife niya.”   Tumango si Cali bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Aimur.   “Stay away from him.”   Kumunot ang noo ko nang sabihin iyon ni Zeal.   “Zeal?” Maging sina Aimur, Cali at Faero ay nataka din sa sinabi nito.   “A-anong ibig mong sabihin?”   Diretso siyang tumingin sa akin. “Stay away from that Red. He will only bring danger to you.”   “Kilala mo ba siya?”   Umiling siya.   “Kung ganoon ay huwag mong sasabihin na layuan ko siya.” Tumayo ako. “Mauuna na ako sa ating silid.”   Hindi na ako nag-abala pang hintayin ang kanilang kasagutan at agad na lamang akong tumakbo.   Alam kong walang masama sa gustong iparating ang mga sinabi ni Zeal. Siguro ay nag-aalala lamang siya para sa aking kaligtasan kaya niya nasambit ang mga katagang iyon.   Lalo’t kailan ko palang din naman nakilala si Red.   Ngunit hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang aking naging reaksyon.   Isang bagay iyon na alam kong hindi ko basta maipapaliwanag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD