Chapter 21.b

1165 Words
Chrylei Criox’s Pov   “You will first need to learn how to hold a sword.” sambit ni Zeal pagkuwa’y iniabot sa akin ang isang kahoy na espada. “You will use that for the whole training. And I will let you hold the real one if you pass all my tests.”   Tumango ako at hinawakan ng mahigpit ang dulo ng espada.   “First, make sure that your hand is in the middle of the sword’s handle.” Ipinakita niya sa akin kung sana nga ba dapat hinahawakan ang espada na agad ko namang ginawa. “Second, don’t grip it too tight. You will just hurt your hand. Pero huwag ding masyadong maluwag ang pagkakahawak mo. Just enough grip so you will not drop it on the floor.”   Tumangu-tango ako habang ginagawa ang mga sinasabi niya.   “For us, we are infusing some of our mana to our weapon. At isa iyon sa dahilan kung bakit hindi namin agad nabibitiwan ang espada namin.” dagdag niya.   “Nagsisilbing pandikit ang kapangyarihan nyo para hindi iyon basta maalis sa kamay nyo?”   Tumango siya. “And as for you, Zenia will handle that one.”   “Naiintindihian ko.”   “Anyway.” aniya. “Ang mga espada ng Knight ay pangdalawahang kamay dahil masyado iyong mabigat. Kung hindi mo--”   “Sa tingin ko ay sa ganito ako mas kumportable.” Tanging kanang kamay ko lang kasi ang nakahawak sa espada habang ang kaliwang kamay ko naman ay nasa likuran ko.   Naalala ko ang ganitong estilo nang minsang makita ko ang aking ama na nagsasanay gamit ang kanyang espada.   “Okay.” sabi niya. “Now, sundan mo lang ang galaw ko.”   Bawat wasiwas na ginagawa niya ay ginagaya ko lang.   Wasiwas sa kanan, sa kaliwa, iikot at muling iwawasiwas ang espada. Maging ang bawat hakbang ng kanyang mga paa ay sinusundan ko din.   Pero alam ko na ang mga ganitong kilos.   Napapanood ko noon ang mga kapatid kong sinasanay ng aking mga magulang at natatandaan ko ang lahat ng kanilang mga kilos.   Tumigil si Zeal kaya’t tumigil din ako at tumingin sa kanya.   “That was only a warm up.”   “Eh?”   “Sa hilig mong mag-aral, alam kong may ideya ka na sa mga kilos na ipinakita ko kanina.” sabi niya. “At wala din naman tayong mahabang oras para simulan ang pagsasanay mo sa pinakabasic kaya naman itutuloy natin ito sa tunay na laban.”   “H-hala!” Agad akong umatras nang itabi niya ang kanyang espada at kinuha ang isa pang espadang gawa sa kahoy. “Te-teka…”   “This is the best way, Chrylei.” sabi niya. “Aatakihin ko ang espadang hawak mo at siguraduhin mo lang na may sapat kang hawak sa espada mo para hindi ito tumalsik.”   “Ibig sabihin ay kailangan ko lang higpitan ang hawak ko dito?”   Tumango siya. “Hindi mo kailangang dumepensa dahil alam kong hindi mo pa kaya iyon. Sasanayin lang muna natin ang mga braso mo sa pwersang posible mong matanggap oras na nag-duel na tayo.”   Tinitigan ko ang espada ko pagkuwa’y bumuntong hininga at tumango. “Okay.” Saglit akong nag-inat tsaka inihanda ang sarili ko dahil alam kong hindi siya magdadalawang isip na gamitin ang bilis niya para biglain ako.   At tulad ng inaasahan ko ay isa isang kisap mata ko ay nawala na siya sa kinatatayuan niya kanina.   Mabilis kong iginala ang tingin ko sa paligid habang mahigpit na nakahawak sa espada ko at nanlaki na lamang ang aking mga mata nang bigla siyang sumulpot sa aking harap kasabay ng malakas na pwersang tumama sa espada ko.   Bahagya akong napaatras ngunit hindi naman ako natumba.   “That was a good reaction for someone who just held a sword for the first time.” nakangiti niyang sambit tsaka hinawakan ang aking kamay at kinuha ang hawak kong espada. “Let’s take a break for now. Alam kong nanginginig ang kamay mo dahil sa lakas ng pwersang natanggap ng espada.”   Tama siya. Nanginginig nga ang aking kamay dahil sa pwersang natanggap ko kanina at sa totoo lang, dapat ay nakakaramdam ako ng takot dahil posible akong masaktan sa ginawa niyang iyon ngunit hindi.   Tanging pagkamangha lamang ang aking nararamdaman habang nakatitig sa aking mga kamay.   “Hindi ka ba natakot sa ginawa ko?” tanong niya na agad kong inilingan. “Tell me, did you feel the excitement after that?”   Tumingin ako sa kanya at tumango. “Hindi ko alam kung bakit pero parang nabuhay ang aking dugo at nais kong muling humawak ng espada.”   Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. “Then, you are really a knight.”   “Eh?”   “Sinasabi nilang natural sa isang knight ang maghangad na makahawak ng espada kaya iyon ang una kong ginawa sayo.” paliwanag niya. “Dahil kung natakot ka pagkatapos noon ay ititigil natin ang pagsasanay na ito dahil nangangahulugan lang noon na wala ka talagang kakayahang humawak at gumamit ng espada.”   Muli kong tinitigan ang aking kamay.   “Siguro ay sadyang pinagbawalan ka lang na humawak ng espada ng mga magulang mo kaya hindi nila nakita na kahit wala kang kapangyarihan ay may kakayahan ka pa ding humawak ng espada.”   “Natatakot kasi sila na baka masaktan ako kaya hindi nila ako pinapahawak ng kahit anong matatalas na metal.” sabi ko.   Pansamantala muna kaming naupo sa ilalim ng isang puno upang magpahinga.   “At hindi din nila ako tinuturuan dahil natatakot silang tumulad ako sa mga kapatid kong mahilig makipag-duel sa mga kaklase nila noon.”   “Oh.” Tumangu-tango siya. “Naiintindihan ko sila.”   Napasimangot ako. “Hindi naman ako ganoon kapasaway noh.”   “I can’t say that.” Bahagya siyang natawa na lalo kong ikinasimangot.   “Zeal naman.”   “Sorry.” aniya. “Base kasi sa mga kilos mo kanina ay nag-e-enjoy ka din talaga sa pagsasanay na ito kaya hindi na ako magtataka na kapag magaling ka na sa paghawak ng espada ay ayain mo ng duel ang mga kaklase natin bilang dagdag pagsasanay mo.”   “Hindi noh.” tanggi ko. Pero sa totoo lang ay naisip ko na ang bagay na iyon kanina habang nagwa-warm up kami.   Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay may libreng oras si Zeal para tulungan ako.   “But to be honest, you have potential on wielding a sword.” aniya. “But it will not be easy for you because you don’t have any power that can give you the guarantee on using all that potential.”   “Kung may potensyal niya ako, gagawin ko ang lahat upang mailabas ito.” sabi ko. “Maging mahirap man ay sisiguraduhin kong kakayanin ko naman.” Alam kong isa itong dahilan upang mabawasan ang pag-aalala sa akin ng mga kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD