Chapter 3.c

1148 Words
Chrylei Criox's Pov   "Tss. Ikaw lang ang masaya sa bagong seat plan na ito." dinig kong sabi ng isang lalaki na nasa upuan ni Cali kanina.   "Shut up, Nevis." mataray na sabi ni Faero dito at masamang tiningnan.   Iyon pala yung Nevis na tinutukoy nila noon na nag-iisang hindi kasundo ni Faero. Ang kwento ni Cali, parang aso't pusa ang dalawang ito na sa tuwing nagkikita ay nagbabangayan.   "Why would I shut up?" taas kilay nitong balik kay Faero. "I'm just saying what I want to say."   "Well, I don't give a damn. Hindi mo ako nagawang talunin sa leveling kaya wala kang karapatang magreklamo sa request ko." akma pa sanang tatayo si Faero pero hinawakan ko na ang kamay nya. May napansin lang kasi ako sa mga mata ng lalaking iyon habang nakatingin dito.   Kunot noo silang tumingin sa akin at alanganin akong ngumiti sa kanila bago bumulong kay Faero.   "Pwede ba akong mag-request?"   Mas lalong kumunot ang noo nya pero agad din namang tumango.   "Pwede bang sa tabi mo maupo yung lalaking yun?"   "What?" Nanlaki ang mga mata nya. "Ba-bakit gusto mong ipatabi sa'kin ang gunggong na yun? Gusto mo bang magkagulo lalo dito sa room?"   Ngumiti ako sa kanya. "Tingin ko nga, mas matatahimik ang klase kung magkatabi kayo eh."   "At paano mo nasabi?" tanong ni Aimur na nakikinig pala kaya bumaling ako sa kanya at ibinulong ang hinala ko na ikinagulat nya. "For real?"   Tumango ako. "Sinanay ako noon ng aking ina na basahin ang emosyon ng isang nilalang sa pamamagitan ng pagtingin sa mata nila at masasabi kong hindi ako nagkakamali sa mga nakikita ko.. Iyon lang kasi ang nag-iisang bagay na kaya kong gawin na hindi ako pumapalpak."   "Hindi kaya emphat ka?" Umiling ako sa kanyang tanong. "So, napag-aaralan talaga ang ganun?"   Tumango ako."At sigurado ako sa nakita ko samata ng lalaking iyon." Sabay na kaming tumingin ni Aimur kay Faero. "Pwede ba, Faero?"   Hindi ko kayang basahin ang mga mata ni Faero dahil lahat ng kanyang emosyon ay nagagawa nyang takpan ng kanyang pagiging magiliw kaya hindi ko alam kung anoang tunay nyang nararamdaman sa lalaking iyon.   "Fine." Bumaling sya kay Nevis. "Hoy, Mork. Lumipat ka dito sa tabi ko. Request ni Chrylei."   "Are you sure about that, Fae?" nag-aalangang tanong ni Miss.   "Miss." Naagaw ko ang atensyon nya. "Kung sakaling magkagulo silang dalawa dahil sa pagiging magkatabi, nakahanda po akong maparusahan."   "Chrylei!" Ngumiti lang ako kay Faero. Malakas kasi ang kutob ko na mas mabuting maging magkatabi ang magkaaway kaysa magkalayo. "Fine. I won't do anything just to make sure na hindi ka mapaparusahan."   "Fae, don't use her as your reason." natatawang bulong ni Aimur.   Matapos makalipat ng upuan ni Nevis sa tabi ni Faero ay nagsimula na sa pagtuturo ang aming guro. At tulad ng aking inaasahan, nagbago ang emosyong nakikita ko samata ni Nevis. Hindi din nakaligtas sa aking paningin ang simple nyang pagngiti habang pasimpleng sumusulyap sa mukha ni Faero at kahit sina Aimur at Cali ay nakita iyon.   Matapos ang pang-umagang klase ay dumeretso kami sa kantina upang makapananghalian. At kasalukuyan kaming nakaupo ni Aimur sa aming pwesto habang hinihintay sina Zeal, Faero at Cali na bumili ng pagkain.   "Gosh! Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala sa nakita ko kay Nevis kanina. He just smile while looking at Faero's face." kinikilig nitong sabi. "Tama ka nga sa sinabi mo kanina. Kaya nagagalit si Nevis sa bagong seat plan ay dahil malayo sa kanya si Faero."   Oo, iyon ang naisip kong konklusyon sa lungkot na nakita ko sa mata ni Nevis at hindi naman ako nagkamali dahil napalitan ng kasiyahan ang mata nya nang makalipat sa tabi ni Faero.   "Good job ka dyan, Chrylei." tinapik-tapik pa nito ang aking balikat. "Mukhang hindi lang pala si Faero ang match maker."   "Nako, hindi ko sila inilalapit sa isa't-isa. Naisip ko lang na matitigil ang kanilang bangayan kapag nagkatabi sila. Tingin ko kasi, kaya inaaway nito si Faero ay para mapansin pero ngayong magkatabi na sila, nakita ko sa mata ni Nevis ang pagiging kuntento sa pagkakataong iyon kaya siguradong hindi na nya aawayin si Faero." paliwanag ko.   "Ikaw pala ang dahilan." Sabay kaming napalingon ni Aimur sa likuran at nakita si Nevis. "Ikaw ang dahilan kung bakit katabi ko si Faero."   "Oo, kaya dapat lang na magpasalamat ka sa kanya." ani Aimur.   Pinakatitigan ako nito pagkuwa'y bumuntong hininga tsaka ngumiti. "Yeah, thanks for that. I don't know how you manage to see me through but it doesn't matter. Ang mahalaga ay napalapit sa akin si Faero." Naupo ito sa katapat kong upuan. "Anyway, I'm Nevis Mork, Knight of Dark."   "Nice to meet you, Nevis."   "Pero, Nevis." agaw ni Aimur sa atensyon nito. "Sabihin mo, kaya mo ba laging inaaway si Faero ay para mapansin ka nya? At nagpapapansin ka sa kanya dahil gusto mo sya?"   Ang pamumula ng mukha ni Nevis ay sapat na senyales upang masagot ang tanong ni Aimur. May gusto nga ang lalaking ito sa Prinsesa ng Attila at dahil wala syang lakas ipagtapat ang nararamdaman ay idinadaan nalang nya sa pang-aaway dito.   "Ay nako, torpe ka pala." naiiling na sabi ni Aimur. "Alam mo, ngayong nakalapit ka na kay Faero, dapat tigilan mo na ang pang-aaway sa kanya at simulan mo nang maging mabait nang sa gayon ay magbago na ang expression nya sayo. Sige ka, kapag nalaman nya yang nararamdaman mo, basted agad ang abot mo."   Tumangu-tango ako bilang pagsang-ayon. Hindi naman sa marami akong alam tungkol sa pag-ibig pero may mga ganitong pangyayari na din kasi akong nasaksihan noong ako ay nag-aaral pa sa Alura.   "Wala akong planong manligaw dahil hindi nya magugustuhan angtulad ko, maging mabait man ako o masama. Kuntento na din ako na makatabi sya." aniya. "At isa pa, alam nyo naman na marami ang pwedeng tumutol sa pag-iibigan ng isang Initia at Mork."   "Oo nga pala."   Kumunot ang noo ko. "Bakit bawal?"   "No one knows. Basta, ang sinasabi nila, tanging mga Brann, Luft, Jord, Lys at Vanne lang ang pwedeng makatuluyan ng isang Initia." malungkot nitong sambit. "At sa henerasyon ngayon, mukhang ang Brann ang posible nyang makatuluyan."   "Imposible." alma ni Aimur. "Magkaibigan lang sila at siguradong hindi papayag si Honaira dyan. Kaya baka sina Deccan, Yaren at Ilium lang ang makaagaw mo. Pero dahil may girlfriend na si Yaren habang si Ilium ay head over heels kay Savaii, baka si Deccan nalang ang makaagaw mo sa kanya."   "At alam mong wala akong laban sa isang iyon. Ni hindi ko magagawang manalo kapag nagduel kami."   "Eh di kawawa ka nga."   "Hindi talaga sya mapapasayo dahil ngayon pa nga lang ay wala ka nang lakas ng loob ipaglaban sya paano pa kaya kapag nagkagusto na din sya sayo." seryoso kong sabi. "Kaya dapat ngang makuntento ka nalang na makatabi sya at huwag mo nang tangkain pang manligaw dahil sa bandang huli, siguradong si Faero lang ang higit na masasaktan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD