Chapter 4

1227 Words
Chrylei Criox's Pov   Hindi ko inaasahan na dahil sa pagbabago ni Faero ng aming seat plan ay magkakaroon ako ng responsibilidad na kailanman ay hindi ko nagawa.   Nang mag-umpisa kasi ang aming pangtanghaling klase ay nagtalaga ang aming guro ng magiging class representative at dahil ako ang pinakabago sa klase at nakaupo sa pinakagitna ng silid ay ako ang ginawa nitong Class Representative habang ang lalaking nagngangalang Kiev Sol naman ang Assistant class representative.   "Ayos lang iyan, Chrylei." nakangiting sabi ni Aimur. "Malaki din ang maitutulong sayo ng pagiging class representative para malaman mo ang mga dapat mong matutunan dito sa loob ng school."   "Pero hindi ko alam kung makakayanan ko ba ang responsibilidad na kaakibat nito." Bumuntong hininga ako. Malaking pagbabago na talaga ang nagaganap sa aking buhay dahil sa pagtungtong ko dito sa Antlers.   "You don't have to worry, Chrylei. Iga-guide ka pa din naman namin at tutulungan kaya chill ka na huh." masayang sambit ni Cali.   "Oo nga naman." ani Faero. "Kaming bahala sayo kaya huwag kang masyadong mag-isip dyan."   "And as of now, huwag mo na munang isipin yan. Focus on your work."   Napalingon kami sa likuran at bumungad ang nakangiting si Savaii.   Agad itong lumapit sa amin at kumapit sa braso ni Cali tsaka tumingin sa'kin. "Hindi naman mahirap maging representative ng Holy Class dahil madali kaming pagsabihan. We are all responsible of being on that class. Ang tanging magbibigay lang naman sayo ng stress ay ang pagharap sa ibang representative."   Kumunot ang noo ko nang sabay-sabay silang tumango. "Bakit?"   "Kahit kaming taga-Holy Class ay nakakatanggap din ng diskriminasyon. Iniisip ng lahat na kaya kami nasa klaseng ito ay dahil kabilang kami sa matataas na pamilya sa Attila. Na ginagamit namin ang koneksyon ng pamilya namin para makakuha ng special treatment kaya medyo hindi maganda makitungo ang ibang representative sa amin." paliwanag ni Savaii. "Lalo na yung representative ng Special Class."   "Malamang. Puro mayayabang ang nasa Special Class. At sa pangunguna ng inggiterang kapatid ni Bruhang Honaira." sabi ni Aimur. "Aish, tama na ang usapang Himmel. Pumasok na tayo nang makapagmiryenda at makapagsimula na sa trabaho iyang si Chrylei."   Pumasok na kami sa cafe at dumeretso kami ni Savaii sa locker room tsaka nya ibinigay sa akin ang apron na gagamitin ko para sa trabaho.   "Anyway, may mga times na nagkakagulo dito sa cafe dahil sa pagiging mainitin ng ulo ng pinsan ko." sabi ni Savaii habang itinuturo ang mga gagawin ko. "My cousin, Deccan is the most hot-headed guy here in Antlers kaya kapag may nagloloko dito, ayun, pinapatulan nya agad."   "At walang pumipigil sa kanya?"   "No one can stop him. He's the Knight of Air, after all." naiiling nyang sabi. "Pwede ka nang magsimula. Sabihan mo ako kapag may problema."   "Okey."   _________   Naging maayos naman ang unang araw ko sa klase maging ang trabaho ko. Apat na oras lang naman kasi ako sa cafe ni Savaii kaya bago mag-ika pito ng gabi ay nakauwi na ako ako sa apartment.   At ngayong ikalawang araw ko sa paaralan ay magaganap ang unang pagtitipon ng lahat ng class representative para sa taong ito kaya hindi ko maiwasang kabahan.   Una, dahil wala sina Faero sa tabi ko at pangalawa, nasa akin muli ang atensyon ng lahat ng narito. Ang kaibahan lang sa kasama ko ngayon ay masama ang tingin nila sa akin.   "Attention, please."   Nakahinga ako ng maluwag nang magsalita na si Miss Yuruza, ang Headmistress ng Holy Knight University. Nawala na kasi sa akin ang atensyon ng lahat at nabaling sa kanya. Hindi ko na kasi alam ang ikikilos kung nagtagal pa ang atensyon nila sa akin.   "This is the first meeting for all the class representative, this school year and as you all see, there are new faces here." sambit nito. "So, may I asked all new representatives to come here and introduce yourself."   Isa-isang tumayo ang mga new class representatives at kabilang ako doon pero pinili ko na lamang na magpahuli sa pag-akyat sa stage upang makaiwas sa atensyong kanina ko pa nakukuha sa kanila.   "Just introduce yourself and what class are you. It depends on you if you want to add something about yourself, okay?" bilin ni Headmistress na agad naming tinanguan. "Let's start with the girl from the Holy Class."   Nagitla ako sa narinig. Ako agad ang magpapakilala?   "Come here, young lady."   Huminga muna ako ng.malalim bago naglakad palapit sa gitna ng stage kung saan nakatayo si HeadMistress. "M-magandang umaga sa lahat. Ako si Chrylei Criox, representative ng Holy Class." Nagitla ako nang may biglang umakbay sa akin kaya agad ko itong nilingon. Bumungad ang nakangiting mukha ni Kiev Sol, ang Knight of Sun. Kaklase ko at sya ang assistant class representative namin.   "Kiev Sol, her assistant at sigurado akong alam nyong lahat kung ano ang kaya kong gawin so make sure na hindi nyo gagawin sa kanya kung anuman ang ginagawa nyo sa nakaraang representative ng klase namin." Bagaman nakangiti ito ay bakas ang madiin nyang pagbabanta sa mga kasama namin. "Hindi na mananahimik ang Holy Class sa mga palihim nyong kalokohan. I think I made myself clear."   Nag-bow sya at dahil nananatili syang nakaakbay sa'kin ay nadamay ako sa pagba-bow pagkuwa'y bahagya na nya akong hinila pababa ng stage.   "Ahm, Kiev." tawag ko sa kanya. "Bakit palabas tayo ng hall?"   Tumingin sya sa akin at ngumiti. "Don't worry, kahit wala tayo dito ay malalaman natin ang pag-uusapan sa meeting. I just need to get you out of here bago pa mag-activate ang spell na inilagay sayo ng representative ng mga taga-Special class."   "Spell?"   "Marami ang may ayaw sa klase natin. Para sa kanila, unfair dahil may mga special privilege kaming nakukuha. At iniisip nila na kaya kami napabilang sa klaseng ito ay dahil galing kami sa matataas na pamilya." aniya. "Kaya madalas silang gumawa ng mga kalokohan sa sinumang nagiging representative namin at hindi kami makapalag dahil kami ang role model ng school kaya hangga't maaari ay pinagtitimpian namin sila. At nagsimula na silang gumawa ng kalokohan. Honari, representative of special class, cast some spell on you and it might activate any minute form now kaya dapat kitang mailayo sa kanila para wa--" Hindi nya naituloy ang sasabihin dahil nakarinig kami ng pagsabog na nagmumula sa meeting hall na pinanggalingan namin.   Nagtinginan kami at nagpasyang muling bumalik doon. Pagdating ay bumungad sa amin ang isang babaeng parang nasabugan pero wala namang kahit anong galos sa katawan nya.   Naging maitim lang ang kanyang balat, may sunog sa iba't-ibang parte ng damit nya at nagtayuan ang kanyang mga buhok.   Naghahagikgikan naman ang ibang narito habang nakatingin sa kanya.   "Aahhh! What the hell? Bakit sa'kin nangyari ito?" sigaw ng babaeng ito habang pilit inaalis ang itim sa katawan nya ngunit hindi ito matanggal.   "Pfft--" Bumaling ako kay Kiev na nagpipigil din ng tawa. "Naniniwala na ako sa karma. Mukhang palpak pala ang spell na ginawa nya dahil imbes na ikaw ang magkaganyan ay sa kanya nangyari."   "Ibig sabihin, sya yung sinasabi mong Honari na nais gumawa ng hindi maganda sa akin?" tanong ko na tinanguan nya.   "At mukhang nasa iyo ang swerte dahil nakaligtas ka sa kalokohan nila."   Bumaling akong muli sa babaeng iyon na mas lalo yatang nagagalit dahil hindi nya talaga maalis ang itim sa katawan nya.   Bumuntong hininga ako tsaka ipinagkibit balikat ang nangyari. Walang masamang mangyari sa akin kaya hindi ko na dapat isipin pa iyon.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD