Chapter 3.b

1003 Words
Chrylei Criox's Pov   Nandito na kami sa loob ng aming unang klase at kahit nagawa ko nang ipakilala ang aking sarili sa harapan ay nananatiling nakatingin sa'kin ang aming mga kaklase.   "Chrylei, huwag mo nalang pansinin ang mga iyan." bulong ni Cali na katabi ko sa upuan. Sa unahan nakaupo sina Faero at Zeal habang nasa bandang gitna si Aimur. At kami ni Cali ay nandito sa likuran. "Ngayon nalang kami nagkaroon ng bagong kaklase after 3 years tapos idagdag pa na walang nakakaalam sa kanila kung anong kapangyarihan mo kaya nasisiguro kong curious lang sila sayo kaya ganyan sila makatingin."   "Hindi lang ako sanay. Nabanggit ko naman sa inyo na halos limang taon akong nabuhay ng walang kinakausap na kahit sino. Kaya nga kahit ang atensyon at pag-aalalang ibinibigay nyo sa akin ay nakakapanibago."   "Well, dapat ay simulan mo nang masanay. Lalo na kay Faero dahil nakikita kong sobra kang mahalaga sa kanya."   "Iyon din ang iniisip ko pero hindi ko maiwasang magtaka dahil ang sabi ni Aimur ay hindi madaling makipagkaibigan si Faero." sabi ko. "Siya nga ay naghintay pa ng limang taon bago sila naging magkaibigan pero kami, mula nang magkita kami nitong nakaraang linggo ay magiliw na siya sa akin at labis-labis ang pag-aalagang kanyang ginagawa para sa akin."   "Do you know the qoutes 'love at first sight?'" tanong nya na tinanguan ko. "Hindi lang iyon nag-aapply sa love between two opposite s*x. It can also apply in two person with the same gender because love has so many definition at sa sitwasyon nyo ni Faero, na-love at first sight sya sayo as friend. Or pwedeng kapatid since mas espesyal ang trato nya sayo. Wala din kasi siyang kapatid at mukhang may nakita siya sayo kaya ganito agad ang tiwala, pag-aalala at pagmamahal na ibinibigay nya sayo."   "Nakakatuwang isipin na may nilalang na tulad nyo na kahit galing sa mataas na pamilya ay nagiging mabuti sa tulad kong mas mababa." sabi ko. "Sa Alura at sa lugar na tinirhan ko, walang nakatanggap sa akin dahil sa pagiging kakaiba ko sa lahat."   "Hindi kasi nila nakikita kung ano ang nakikita namin sayo." nakangiti nyang sabi na ikinakunot ng aking noo.   "Ano bang nakikita nyo sa akin?"   "Isang espesyal na babaeng bagama't walang kapangyarihan at lampa ay may malaking papel na gagampanan sa buhay namin."   Naguluhan ako sa kanyang sinabi. Ano kaya ang papel ko sa buhay nila?   Hindi ko na nagawang magtanong pa dahil sa pagpasok ng amng guro kaya itinuon na namin ang atensyon sa harap ng klase.   "So, I heard na may bago kayong kaklase. At dahil hindi pa siya sanay dito sa university ay hinihiling ko sa lahat na i-guide nyo siya sa mga dapat niyang matutunan." sambit ng guro pagkuwa'y nakangiting tumingin sa akin. "Welcome to Holy Class, Ms. Criox."   Tumayo ako at iniyuko ang aking ulo bilang paggalang. "Maraming salamat po," At muli akong naupo.   Muli syang humarap sa mga kaklase ko. "So, nakuha nyo na siguro ang mga identification card nyo, right? Sino ang nangunguna sa level?"   "Nothing change, Miss Faeo and Zeal got the highest level." sambit ng isa sa kaklase ko. "At tie pa din sila."   Halatang malakas sina Faero at Zeal pero hindi ko inasahan na sila ang nangunguna. Ibig kayang sabihi ay sila ang pinakamalakas sa school?   "Actually, ang mga unang anak ng 13 Royal Families ay kasama sa top 15 sa buong school pero hindi sila ang itinuturing na pinakamalakas sa buong Attila." sabi ni Cali kaya napatingin ako sa kanya. "May dalawang ancient powers pa ang hindi pa nakikitaan ng tagapangalaga at iyon ang pinakamalakas. Kahit kasi walang training ay hindi iyon kayang talunin ng sinuman."   "Ano ang ancient power na iyon?" tanong ko.   Nagkibit balikat sya. "Hindi ko alam. Tanging mga Elders at ang Initia Family lang ang nakakaalam kung ano iyon."   Akala ko noon, ang elements na ang pinakamalakas na kapangyarihan dito sa Attila. Meron pa palang mas malakas sa mga ito.   Muli kong ibinaling ang tingin kay Miss.   "Oh, so hindi nyo pa din pala sila natalo." naiiling na sambit ni Miss. "At tulad ng napag-usapan natin 3 years ago, ang nagunguna sa level ang bibigyan ko ng tig-dalawang special request."   "Ang first request ko ay mag-change tayo ng seat plan?" sabi ni Faero. "At dahil alam kong hindi gagamitin ni Zeal ang special request nya, kukunin ko iyon and ire-request kong ako ang mag-aayos ng seat plan."   "Wala akong sinabi na hindi ko gagamitin iyon kaya magtigil ka." ismid ni Zeal na ikinanguso ni Faero tsaka siya bumaling kay Miss. "But fine, ibibigay ko sa kanya ang isa."   Napangiti si Faero at tumayo. "So, Miss? Pwede ba iyon?"   "Alam mo kung sino ang hindi dapat pagtabihin, right?"   "Yes po." masayang sagot ni Faero at yumuko. "Thank you po." Tumayo sya tsaka humarap sa amin. "So classmates, doon muna kayo sa likod."   Bakas man ang pagtutol sa mukha ng mga kaklase namin ay hindi na sila nagdalawang isip pang tumayo dala ang mga gamit at tumayo sa likuran.   Kahit kami ni Cali ay tumayo na din at lumapit pa sa amin si Aimur.   "Umaarangkada ang pagiging match maker ni Fae." naiiling na sabi nito.   "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.   "Si Faero ay madalas maging tulay ng mga knights na nagkakagustuhan. Kaya mas kilala siya dito sa school bilang Love Princess." kwento nya. "Tingin ko, kaya gusto nyang baguhin ang seat plan ay dahil may mina-match na naman sya sa klase natin."   "Maliban dyan, gusto nyang makatabi si Chrylei." dagdag ni Cali.   Sinimulan na ni Faero ang pagtawag sa pangalan ng mga kaklase ko at itinuturo nito kung saan ang upuan nito. At tulad nga ng inaasahan ni Cali, magkakatabi kami nila Faero at Aimur. Nasa pinakagitna ako ng amin silid -aralan. Sa aking kanan si Faero, sa aking kaliwa si Aimur. Sa aking harapan naman si Cali at sa likuran ko si Zeal.   "Ayan, Miss. Okey na ang seat plan na ito." ni Faero.   Tumangu-tango si Miss habang inililibot ang tingin sa buong silid.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD