Chapter 3.a

1010 Words
Chrylei Criox's Pov   "Chrylei, always remember na hindi required sabihin sa lahat kung may kapangyarihan ka o wala. It's your choice kung sasagutin mo o hindi." ani Aimur na katabi ko sa upuan.   Nasa loob na ng machine sina Faero, Cali at Zeal para ma-scan ang kanilang level kasabay ng pagpa-process ng identification card. "Pero tulad ng sinabi ni Zeal, mabuti na din kung hahayaan nating sila ang makaalam ng totoo para maiwasan ang maagang komprontasyon. Siguradong gagawa ng eksena si bruhang Honaira kapag nalaman iyon."   Tumango ako. "Pero sino ba iyon Honaira na sinasabi mo?"   Itinuro nya ang babaeng nakaupo sa pinakaunahan at inip na naghihintay. "She's Honaira Himmel, Knight of Sky. Isang bruhang na kung makaasta ay parang prinsesa. b***h at psychopath loser na feeling girlfriend ni Zeal."   "Sobra ang iyong pagkakalarawan sa kanya."   "You have to believe me dahil iyon talaga ang ugali nya. Masyadong mataas ang tingin nya sa sarili. She even likes to bully those knights na wala namang ginawang masama sa kanya. At kapag may napabalitan siyang umaaligid kay Zeal, talagang pinagtatangkaan nya ang buhay ng mga iyon. Dumarating lang kami sa tamang oras kaya sila naliligtas sa tiyak na kamatayan."   Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Aimur. Hindi kasi halata sa itsura ni Honaira ang pagiging ganoon. Maganda ito. Maamo ang mukha, elegante at sopistikadang babae.   "Kaya ikaw, hangga't maaari, sa amin ka lang didikit ni Faero para hindi masyadong halata na close din kayo ni Zeal. Mas mabuti nang nag-iingat tayo dahil matalas din ang pakiramdam ng bruhang iyan." sabi pa nya. "Ayaw kong mapahamak ka dahil siguradong malulungkot si Faero."   Muli akong tumango.   Tama sya, mas mabuting gawin na lamang ang mga bagay na makaiiwas sa gulo. Narito ako upang mag-aral kaya iyon ang dapat kong pagtuunan ng pansin.   "Princess Honaira, Princess Aimur, Princess Milan at Chrylei Criox. Pumasok na kayo sa mga bakanteng machine." sambit ng tagapamahala at agad na kaming nagtungo sa harap kung nasaan ang mga machine.   "Pagpasok mo, manatili ka lang na nakatayo. Hintayin mong kusa itong bumukas bago ka lumabas." bilin ni Aimur bago pumasok sa machine.   "Sige, salamat." Tuluyan na akong pumasok at nang makatapak ako sa gitna nito ay unti-unting sumara ang pintuan.   Para lang itong isang maliit na silid na kasya ang tatlong knights at ang dingding nito ay may maliliit na bumbilya na nakalagay.   "Manatili kang nakatayo at hayaan mong daanan ka ng liwanag." dinig ko ang boses ng tagapamahala.   Ilang sandali ay umilaw ang mga bumbilya sa ibabang hilera pagkuwa'y saglit na namatay at umilaw naman ang mga bumbilya na nasa ikalawang hilera. At ganoon ang nangyari sa mga sumunod na hilera hanggang sa tuluyan akong madaanan ng liwanag at umabot sa pinakataas na hilera ang umilaw.   Matapos mamatay ng ilaw ay unti-unti nang bumukas ang pintuan at bumungad sa'kin si Aimur na bakas ang pagkagulat.   Lumabas ako at kunot noong tumingin sa kanya. "Aimur?"   "Wala ka ba talagang kapangyarihan?" bulong nya sa akin.   Umiling ako. "Wala talaga. Bakit mo naitanong?"   Hinawakan nya ako sa braso pagkuwa'y hinila ako sa pinakagilid ng silid kung nasaan sina Faero, Zeal at Cali. "May itinatago ba kayo sa amin?"   Tulad ng reaksyon ko kanina ay kumunot din ang noo nila Zeal at Faero sa tanong na iyon ni Aimur.   "Walang kapangyarihan si Chrylei pero bakit ganito ang nakuha nyang level?" Ipinakita nito ang aking identification card at nakasaad doon na ang aking level ay 35.   "What the hell?" Hindi makapaniwala si Cali sa nakita habang walang reaksyon ang dalawa. "Paano nangyari iyan? Level 30 ang pinakamahina sa klase natin at si Asumi iyon na kahit sabihing walang pakinabang ang kanyang kapangyarihan sa combat ay may kapangyarihan pa din sya samantalang si Chrylei ay wala pero level 35."   "Hi, guise."   Napalingon kaming lahat sa bumati at isang babaeng nakasalamin ang bumungad sa amin.   "She's the reason." simpleng sabi ni Zeal.   "What? Ginamit ni Zenia ang kapangyarihan nya para maging ganito ang level ni Chrylei?" naguguluhang tanong ni Aimur. "You've gotta be kidding me? Kinaya nyang i-by pass ang security ng machine na iyan?"   "Yes, of course naman." magiliw na sambit ng babaeng bagong dating tsaka ito tumingin sa akin. "Ikaw si Chrylei, right." Hinawakan nya ang kamay ko. "Ako nga pala si Zenia Prowler, bunsong kapatid ni Kuya Zeal at dahilan kung bakit nasa level 35 ka."   Kung tutuusin ay hindi maipagkakaila na magkapatid sila dahil malaki ang pagkakahawig ng dalawa ngunit kung pagbabasehan naman ang ugali ay pagdududahan pa din dahil magiliw itong si Zenia habang tahimik at laging seryoso naman si Zeal.   "Humingi kasi ng tulong si Kuya at Ate Faero para gawin iyon. Alam ko din ang tungkol sayo pero huwag kang mag-alala. Hindi ko iyon ipagsasabi sa kahit na sino at dahil masyado akong mabait," Saglit nyang binitiwan ang aking kamay at may kinuha sa bulsa tsaka iyon ipinakita sa akin. Isang singsing. "Ibibigay ko ito sayo para kapag nasa panganib ka at ramdam mong hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo ay may darating para iligtas ka."   "At sino naman ang naka-link sa singsing na iyan?" tanong ni Cali.   "Mararamdaman ng sinumang nagpapahalaga kay Ate Chrylei ang signal ng singsing na ito at mabibigyan kayo ng ilang minuto para puntahan sya at iligtas. Ito na din ang magsisilbing tracking device nya para alam natin kung saan sya hahanapin." paliwanagni Zenia tsaka isinuot ang singsing sa akin. "Ayan, bagay sayo."   "Teka, isinuot mo agad iyan kahit hindi pa sumasang-ayon si Chrylei." ani Faero. "Paano kung ayaw nya pala nyan."   At sa pagkakataong iyon ay pare-pareho silang tumingin sa akin at naghihintay ng aking sagot.   "Ayos lang dahil para na ito sa aking kabutihan." Ang totoo ay gusto ko itong tanggihan dahil sobra na ang kanilang ginagawa ngunit alam kong gusto lamang nilang masiguro ang aking kaligtasan.   Pero kung isa ito sa mga paraan upang mabawasan ang pag-aalala sa akin ay sino ba naman ako upang tanggihan pa ito?   Tutal ay ayoko din naman silang mag-alala lalo na si Faero.   "Oh, ayan na. Chill na kayo at huwag masyadong protective sa kanya."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD