Chapter 15.a

1196 Words
Chrylei Criox’s Pov   “Then, there is no way we’re doing that way.” anas ni Faero matapos marinig ang sinabi ni Lara. “We went here to save Chrylei, not letting her die earlier than it should be.”   “Chrylei is already in danger.” ani Deccan. “And if we don’t do anything, she may not even reach her twenties.”   “But we are not going to risk something like this.” giit ni Faero. “I know that the earth spirits are the most gentle spirits that we all know but that doesn’t mean we should be risking her life. At least, not now.”   “Bakit hindi niyo subukang puntahan ang kabigan ko na naninirahan sa dagat ng Lemry.” suhestyon ni Lara. “Hindi ako ang makapagsasabi sa inyo kung magiging tagumpay ba kung gagawin nyo ang paggamit ng earth spirit upang pahabain ang buhay niya ngunit ang kaibigan kong si Mare ay may kakayahang malaman ang hinaharap ng isang nilalang.”   “Isa din ba siyang Thyrlos?” tanong ni Yaren na tinanguan ni Lara.   “You can asked her if she can read a particular event on Chrylei’s life beyond her thirties.” sambit niya. “If she manage to reach that age, it means that infusing earth spirits on her will have a positive result that allow her to live more than just thirty.”   “Legit ba iyon?” nagdududang tanong ni Nevis. “Well, hindi naman sa pinagdududahan ko ang kakayahan ng mga Thrylos pero kung hindi din naman maganda ang maririnig namin, kailangan pa bang pag-aksayahan natin ng panahon iyon? It is just giving us false hope that maybe we could save Chrylei when in fact, we don’t even have the power to do that.”   “Her ability is good as before.” sabi ni Lara. “At ang kakayahan niyang iyon ang naging dahilan kung bakit nananatili kaming buhay hanggang ngayon kahit pa nakasulat na sa kasaysayan ng Attila ang paglalaho ng existence namin matapos ang huling digmaan ng mundong ito.”   “But can you tell us if we are just wasting our time for this false hope that we are holding?” tanong ni Milan.   Hindi ko naman sila masisisi dahil maging ako ay pinanghahawakan ang pag-asa na hindi lamang hanggang tatlumpung taon ang buhay na aking tatahakin.   Marami pa akong nais gawin. Marami pa akong gustong makita na ipinagkait sa akin noon pa man. Marami pa akong gustong makasama at makilala. At nais ko pa ding alamin ang buong nangyari sa Kiseki University na alam kong aabutin ng maraming taon ang proseso.   Pero…   Tinitigan ko ang aking mga kasama.   Maging sila ay umaasa na magiging mahaba ang aking buhay.   Narito sila upang tulungan ako ngunit habang hinahawakan namin ang pag-asang wala naman palang kasiguraduhan at sa huli ay mabibigo lang din, alam kong ikasasakit iyon ng kanilang damdamin..   “Eh ano naman kung wala pa ding kasiguraduhan ang pupuntahan natin?” biglang singit ni Zeal na ikinalingon ng lahat sa kanya. “Are you going to give up just like that?”   “Zeal?”   “Hindi pa ba sapat sa inyo na ginawa natin ang lahat upang tulungan si Chrylei hanggang sa abot ng ating makakaya?” sabi pa nito. “Kung magtagumpay tayo, eh ‘di masaya. Kung hindi naman, eh ‘di igugol nalang natin ang mga natitira niyang oras para gawin ang mga bagay na nais niya. Mga bagay na ipinagkait sa kanya noong bata pa siya.”   “Ahm, hindi nyo naman--”   “Tama!” Naputol ang aking sasabihin nang tumayo si Honaira. “Whether we achieve what we seek for or not, ang mahalaga ay ginawa natin ang ating makakaya upang tulungan siya.”   “Right.” ani Aimur. “If we seek something, we should be ready to accept any result of what we are doing because in the first place, this is a rare situation and we don’t really have the power to control it.”   “You, working together after you hurt and almost killed each other is also a rare situation.” ani Lara. “Mula nang itatag ang Antlers ay hindi na magkakasundo ang bawat pamilyang naninirahan sa palasyo. Pare-parehong naghahangad ng posisyon at nagkukumpetensya upang makuha ang loob ng mga Initia. Pero ngayon ay magkakasama kayo at may iisang layunin.”   Napangiti ako nang makita ang pamumula ng mukha ng mga kasama ko.   “Ganoon ba ang epekto sa inyo ng babaeng ito?” tanong ni Lara at bumaling sa akin.   “I don’t know how to explain it but something is urging me to protect and make her happy.” sabi Faero. “Kaya nakahanda akong gawin ang lahat upang sundin ang nararamdaman ko.”   “I don’t really care if she is happy or sad but I don’t want her to die.” ani Honaira habang nakatingin sa malayo at namumula ang tenga niya sa hiya.   “Me too.” Itinaas nila Milan at Erie ang kanilang mga kamay.   “Besides, having her in our class feels so peaceful and I’d rather choose that than tension between us before.” ani Milan. “So, I will also go with you until we find the final result of this trip.”   “She may not have any power and her body is so fragile but she is still reliable on other things.” sabi ni Illium. “Someone like her really belong to the holy class.”   “Ibig bang sabihin nito ay handa kayong magpatuloy sa paglalakbay anuman ang maging resulta nito?” paniniguro ni Lara na mabilis na tinanguan ng lahat. Ngumiti ito pagkuwa’y ginulo ang buhok ko. “Then, I will let you take care of this woman. Please protect her.”   “You don’t need to tell us that.” sambit ni Zeal habang diretsong nakatitig sa akin. “We will protect her no matter what happens. She might not look strong but I believe that she has a great part in our lives.”   Madalas kaming magkasama ni Zeal dahil na rin kay Faero. May mga ilang beses na binibisita niya ako ng siya lang mag-isa sa aking tinitirhan ngunit kailanman ay hindi ko siya masyadong napagtuunan ng pansin.   Inialis ko ang aking tingin sa kanya at napahawak sa aking dibdib.   Hindi ito ang unang beses na tumibok ng ganito kabilis ang aking puso habang nakatitig sa kanya. Hindi ito ang unang beses na halos bumagal ang lahat ng nangyayari sa paligid ko kapag nagtatama ang aming mga mata. Matagal ko na itong nararamdaman at pilit na hindi pinapansin dahil alam ko ang magiging kapalit kung aalagaan ko ito.   “Chrylei.”   Bumaling ako kay Lara nang tapikin niya ang aking balikat.   “Kung nais mong mabuhay at manatiling nagkakaisa ang iyong mga kasama, pigilan mo ito.” Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa dibdib ko. “Ang nararamdaman mong ito ang maglalagay sayo sa panganib at tiyak na kamatayan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD