Chapter 3

1347 Words
Chrylei Criox's Pov   Sumapit ang lunes at ito ang unang araw sa paaralang aking papasukan.   Kasalukuyan na akong nakatayo sa harap ng malaking gate nito at namamangha sa angking ganda. Ito ang sikat na paaralan sa buong Attila, ang Holy Knight University. Dito nag-aaral ang karamihang knight sa aming mundo at isang malaking karangalan ang maging estudyante dito.   "Chrylei, let's go." Kumapit sa braso ko si Faero at iginiya ako papasok sa nasabing paaralan. "Alam mo ba, pumayag si Principal na maging magkaklase tayo kaya huwag kang mag-alala huh. Iga-guide kita para maging pamilyar ka sa lahat ng dapat mong malaman tungkol sa HKU."   "Fae, hindi ba parang sobra na yata ang ginagawa mo para sa kanya." sambit ni Aimur na kasama din namin ngayon. "Ang klase natin ay para sa mga knights na may malakas na kapangyarihan at kabilang sa mga kilalang pamilya tapos gusto mo syang maging kabilang sa atin. Hindi mo ba iniisip ang iisipin ng iba sa ginagawa mo."   Alam kong ayaw sa akin ni Aimur at pinakikisamahan lang nya ako dahil kay Faero pero tama din sya sa sinabi nyang ito. Hindi nga naman ako dapat mapabilang sa klase nila.   Napasimangot si Faero sa sinabing iyon ng kaibigan at akmang magsasalita ngunit inunahan na sya ni Cali.   "Ai, alam kong concern ka sa posibleng mangyari kay Chrylei pero alam mo na hindi kumikilos ang dalawang ito nang walang sapat na dahilan." sabi nito at nakangiting tumingin sa'kin. "Hindi man sya kabilang sa kilalang pamilya o wala man syang malakas na kapangyarihan, alam kong kabilang sya sa klase natin."   Bumuntong hininga si Aimur. "Oo na, wala na akong sinabi. Ikaw na ang nagsalita eh." Tumingin sya sa akin. "Alam kong iniisip mo na ito pero ipapakiusap ko pa din. Pwede bang gawin mo ang lahat ng makakaya mo para hindi maging pabigat sa mga kaibigan ko?"   Mabilis akong tumango. "Ayokong maging pabigat sa kahit sino kaya makakaasa kang gagawin ko ang lahat para hindi iyon mangyari."   Hinawakan nya ako sa braso at hinila upang makalayo kami ng kaunti kina Faero. Muntik pa ngang humabol si Faero kung hindi lang sya pinigilan ni Cali at Zeal.   "And please, kahit anong mangyari, hindi mo sana isipin na umalis dito at iwan si Faero." Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. "As you can see, sobra ang pagiging clingy nya sayo kahit pa isang linggo palang ang nakakaraan ng magkakilala kayo at unusual iyon para sa babaeng yan kaya masasabi kong sobra ka na nyang pinahahalagahan. Ayoko syang masaktan kaya sana, huwag na huwag mong iisipin na umalis dito sa University o kahit dito sa Antlers at sa buhay ni Faero."   Siguro kaya ayaw nya sa'kin ay dahil sa atensyong ibinibigayni Faero. Mas matagal silang magkaibigan pero dahil dumating ako sa buhay nito ay nabawasan ang atensyon nito sa kanya pero nakakabilib na kahit ayaw nya sa'kin ay sya pa ang gustong manatili ako sa buhay ng kaibigan.   Huminga ako ng malalim at diretsong tumingin samata nya. "Hindi ko ipapangako na hindi papasok sa isip ko na huwag umalis dito. Ayokong magsalita ng isang bagay na maaari kong hindi matupad."   "Chrylei Criox." bakas ang pagbabanta sa kanyang boses dahil siguro hindi nya nagustuhan ang aking sinabi pero ipinapahayag ko lang ang laman ng aking isip at puso.   "Aimur, biglaan ang aking pagpunta dito sa Antlers. Hindi ko inaasahan at kahit kailan ay hindi ko inisip o pinangarap na manirahan dito kaya alam kong mahihirapan ako sa pagbabagong ito. Maaari kong maisip ang maraming bagay at isa doon ang pagbabalik sa probinsya kung hindi ko makayanan ang hirap." Muli akong huminga ng malalim at sinalubong ang masama nyang tingin sa akin. "Pero gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang manatili dito." Unti-unting nabawasan ang masamang tingin nya sa akin. "Maaaring isipin kong umalis ngunit ito ang aking ipapangako sayo, kahit anong mangyari ay hindi ko iiwan si Faero. Mananatili ako sa buhay nya kahit pa ayaw mo sa akin."   Nag-iwas sya ng tingin matapos marinig ang huli kong sinabi. "H-hindi sa ayaw ko sayo. Nag-nagseselos lang ako dahil sa unang linggo mo dito sa Antlers ay nagawa mong makuha ang buong atensyon ni Fae. Habang ako ay inabot ng limang taon bago kami tuluyang naging magkaibigan."   Ngumiti ako at hinawakan ang kanyang kamay. "Hindi mo kailangang magselos. Alam kong pareho ang pagmamahal sa atin ni Faero bilang kaibigan. Nagkataon lang siguro na hindi ako taga-rito at sya ang naggagabay sa akin para makayanan ko ang pamumuhay dito."   Bumuntong hininga sya at nakangiting tumingin sa'kin. "Tama ka. Hindi dapat ako magselos. Magkaibigan kami kaya walang dapat ikaselos." Bumitaw sya sa aking kamay at kumapit sa bras ko. "At dahil kaibigan ka ng kaibigan ko, ibig sabihin ay magkaibigan na tayo." Sya na ang humila sa'kin pabalik kina Faero na bakas ang pagtataka. "Bff na kami."   Doon ngumiti ng malapad si Faero at kumapit sa kabilang braso ko kaya napagitnaan nila akong dalawa. "So, bff na tayong tatlo mula ngayon."   "Told you, kailangan lang nilang mag-usap." dinig kong sabi ni Cali kay Zeal. "Let's go. Baka ma-late pa tayo sa scanning."   Nagpatuloy kami sa paglalakad nang hindi bumibitaw sa'kin ang dalawa.   "Ahm, ano iyong scanning?" tanong ko.   "Dahil first day ngayon, iyon ang unang pupuntahan natin bago ang mga klase natin. Doon tayo ii-scan ng isang machine para malaman ang level ng kapangyarihan natin. At doon mapa-process ang identification card natin." paliwanag ni Aimur. "Teka, isang linggo ka na naming nakasama pero hindi pa namin alam kung ano ang kapangyarihan mo."   "Ang totoo—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumingit ni Zeal.   "Alam nyo ang kaso ngknight na hindi biniyayaan ng kapangyarihan, right?" tanong ni Zeal na tinanguan nila. "She's that knight."   "What?" gulat na sambit ng dalawa.   "Dude, bakit hindi nyo agad sinabi." Bumakas ang matinding pag-aalala sa mukha ni Cali. "Tama pala na mag-alala itong si Aimur sa posibleng mangyari kay Chrylei kapag nalaman ito ng iba. Siguradong hindi sya matatanggap ng iba nating kaklase lalo na si Honaira."   "Iba ang pag-iisip ng bruhang iyon at tanda nyo naman ang sinabi nya ng minsang mapag-usapan ang tungkol sa knight na walang kapangyarihan." dagdag ni Aimur na mas lalo yatang nag-aalala.   "Just like what Cali said earlier, hindi kami kumikilos ni Zeal ng walang dahilan." mahinahong sambit ni Faero. "At lalong hindi kami gumagawa ng mga bagay na hindi napagpa-planuhan kaya huwag kayong mag-alala. Zeal and I make sure na walang makakapanakit kay Chrylei, nasa tabi man nya kami o wala."   "At paano nyo magagawa iyon?" sabay pang tanong nila Cali at Aimur.   "Secret." sabay ding sabi nila Faero at Zeal kaya napasimangot ang dalawa sa kanila tsaka tumingin sa akin.   "Bakit parang hindi ka nababahala na baka masaktan ka ng mapagmatas na knights? Aware ka naman siguro na hindi normal ang case mo dahil nag-iisa ka lang sa mundong ito na walang kapangyarihan." ani Cali.   "Alam ko ang maaaring mangyari sa kalagayan kong ito dahil naranasan ko iyon noong nasa Alura kami ng pamilya ko. Walang tumanggap sa'kin maliban sa pamilya ko kaya nang mawala sila ay nabuhay akong mag-isa nang hindi nakikipag-usap sa kahit sino sa loob ng limang taon. At hindi ko kailangang mabahala dahil saktan man nila ako at hiyain, alam kong may mga nilalang pa din ang makakatanggap sa'kin sa kabila ng kawalan ko ng kapangyarihan." Ngumiti ako kina Faero at Zeal na syang unang mga nilalang na tumanggap sa akin sa kabila ng pagkataong meron ako.   "Hmp, ako ang kinakabahan sa inaakto mo." ismid ni Cali. "Pero, sige. Tutulungan kita para hindi ka masaktan ni Honaira. Ang babaeng iyon lang naman ang inaalala ko eh."   "Pero, Zeal. Sasabihin ba natin sa kanila o hahayaan nalang natin na sila ang makatuklas na wala syang kapangyarihan?" tanong ni Faero.   "Hayaan nating sila ang makaalam. Doon natin makikita ang tunay na ugali ng mga knights." sagot nito.   Gusto ko sanang tumutol sa gusto nilang mangyari ngunit naisip ko, may maganda ding maitutulong ang planong iyon ni Zeal. Sa ganitong paraan ko malalaman kung may nilalang pang handang tanggapin ang tulad ko.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD