Chapter 29

1180 Words
Chrylei Criox’s Pov Ramdam ko ang antok nang magsimula na kaming maglakbay muli. Hindi kasi talaga ako nakatulog kagabi at ayoko din namang matulog ngayon dahil gusto kong makita ang bawat lugar na aming madadaanan. At para makita ko ng mabuti ang mga dadanan naming tanawin ay inaya ako ni Zeal na umakyat sa ibabaw ng karwahe. Kaya manghang-mangha ako sa kung ano ang aking nakikita ngayon. “Iyon ang bundok ng Sumeria.” Itinuro ni Zeal ang pinakamataas na bundok na binabalot ng puting yelo ang kalahati hanggang tuktok. “Diyan naninirahan ang mga ice dragon.” “Eh?” Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. “Hindi ba’t ayon sa balita ay matagal nang walang nakikikitang mga ice dragon sa kahit saang parte ng Attila.” “Hindi totoo ang balitang iyon.” sabi niya. “May ilan pang natitira sa kanila na matatagpuan sa tuktok ng bundok na iyan. Pero may mga knights na nakatalaga sa ibaba ng bundok upang wala nang mangangahas na gumambala sa mga ito.” Hindi agresibo ang ice dragon. Sa lahat ng mga dragon, sila ang pinakakalmado at nakikisama ng matiwasay sa mga knights pero dahil mataas ang kalidad ng kanilang mga kaliskis ay may mga bandidong grupo ang pumapatay sa kanila. At iyon marahil ang dahilan kung bakit pinalabas nilang wala nang mga ice dragon at pinoprotektahan ang mga knights ang ibaba ng bundok. “Ano naman ang bundok na iyon?” Itinuro ko ang isang bundok na pinalilibutan ng itim na ulap. “Tanaw ang isang iyan sa Allura ngunit noon pa man ay hindi na sinasabi sa akin ng mga kapatid ko kung ano ang pangalan ng bundok na iyan at kung ano ang mayroon diyan.” “Tinatawag iyang Aku Mountain.” sagot niya. “Ang alam ng nakararami ay diyan naglagi ang evil god na si Akuma nang mapadpad siya dito sa ating mundo.” “Evil god?” “Isa din siya sa lumikha ng mundo natin at kasamahan ng mga Elemental Guardians.” aniya. “Ngunit nagkaroon sila ng malaking pagtatalo na naging dahilan kung bakit humiwalay si Akuma sa kanila.” Hindi nabanggit sa akin ni Ama ang tungkol sa evil god na iyon kaya wala akong nalalaman tungkol sa kanya. Wala din naman akong nakitang tungkol sa bahay na ito sa mga librong aking nabasa sa library at research facility. “Sinasabi ng mga naninirahan sa ibaba ng bundok na iyan na may sumpa ang tuktok nito at ang mga nangangahas na umakyat doon ay hindi na muling nakakababa pa.” dagdag niya. “At sinasabi din na si Akuma ang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga magical at sacred beast sa mundo natin. Siya ang lumikha sa kanila upang sakupin ito.” Pero sabi-sabi pa lamang iyon. Walang kasiguraduhan kung totoo iyon dahil wala silang nagawang record para patunayan ang lahat ng iyon. “Noong unang panahon pa iyon naganap. Noong hindi pa nag-e-exist ang mga knights. O kahit ang Kiseki University.” sabi niya. “Iyon ang pagsisimula nang ating mundo.” sabi ko habang nakatitig sa bundok na iyon. Malayo-layo na din pala ang panahong narating ng aming mundo. At marami sa mga pangyayari noon ang hindi man lang naitala kaya bulag ang lahat ng knights sa kasaysayan ng aming mundo. Nakaramdam ako ng kagalakan habang iniisip kung paano ko matutuklasan ang ibang kwento ng aming mundo. Alam kong may makikita ako sa paglalakbay na ito at sisiguruhin ko na sa pagbalik namin ng Antlers ay ibabahagi ko agad ang aking mga malalaman sa paglalakbay na ito. Sigurado naman kasing marami din talaga ang gustong makaalam sa mga nangyari noon. May iba pang curious sa iba pang bahagi ng aming kasaysayan at ako ang aalam ng lahat ng iyon. “Sa tingin mo kaya ay may ibang paraan para maakyat ang bundok na iyon?” Ang tinutukoy ko ay ang Aku Mountain. Pakiramdam ko ay marami akong malalaman doon tungkol sa pinakasinaunang panahon ng Attila. “Tanging ang may kapangyarihan lang ng Shield ang may kakayahang makaakyat at bumaba ng ligtas sa bundok na iyon.” sabi niya. “Pero kahit sabihing may shield spell ang singsing na suot mo ay hindi pa din iyan magiging sapat. Masyadong malakas ang negative energy na nasa bundok na iyan kaya alisin mo sa isip mo ang pag-akyat dyan.” Hindi ako sumagot dahil hindi niya basta mababago ang isip ko. Pero agad akong napasimangot at masamang tingin ang ibinigay sa kanya matapos niyang pitikin ang aking noo. “Bakit ka namimitik?” “Alam ko ang iniisip mo.” singhal niya. “At sinasabi ko sayo, hindi magandang ideya iyan. Ikakapahamak mo lang ang pagpunta doon..” “Pero doon nagsimula ang kasaysayan ng Attila.” “Alam ko.” ismid niya. “Pero hindi ako makakapayag na ipapahamak mo ang sarili mo para lang doon.” “Pero--” “Hoy!” Napalingon kami sa kabilang karwahe kung nasaan si Faero. Kumakaway ito at may itinuturo sa direksyon ng dadaanan namin. Agad naming nilingon iyon at mula sa kasalukuyan naming posisyon ay natatanaw na ang mataas na pader na siyang nagsisilbing harang sa pagitan ng Lapis Region at Zeki Region. “Kailangan na nating maghanda.” sabi ni Zeal. “Puno na ng panganib ang likod ng pader na iyan.” Ang Zeki Region ang sinasabing pinakadelikadong rehiyon na alam namin. Dito naninirahan ang lahat ng klase ng sacred beast na talaga namang umaaktake sa sinumang nilalang na makikita nila. Malalakas ang mga iyon at hindi nagpapatinag sa sinumang kaharap. Karamihan sa mga knights na naninirahan doon ay napilitang lumipat dito sa Lapis Region upang makaiwas sa panganib. Maliban doon, karamihan sa mga grupo ng bandido ay dito naninirahan. At ang pangunahin nilang binibiktima ay mga knights na naglalakbay. Hindi maiiwasan ang rehiyong ito sa tuwing pupunta ang mga taga-Lapis Region sa Stom Region na pangunahing pinagkukunan ng asin. “Bumalik ka na sa loob.” Inalalayan ako ni Zeal na makatayo. “But first, can you make a shield so even if someone or something attacks the carriage, no one will get hurt?” Tumango ako. “Susubukan ko.” “Thanks.” Inalalayan niya akong makababa at makapasok ng karwahe. Naupo ako sa tabi ni Zenia. “You can use the shield power but you have to make sure that you will focus on all the carriage.” sabi ni Zenia pagkuwa’y hinawakan ang aking kamay. “And while you are using that I will slowly fill the ring with energy so you won’t be exhausted by it.” Tumango ako. “Thanks.” Huminga ako ng malalim at itinuon ang aking isip sa mga karwaheng sinasakyan namin. At ilang sandali lang ay umilaw ang singsing na aking suot at binalot ng transparent shield ang mga karwahe. “Don’t even make a sound so we will be able to pass the most dangerous part of the Zeki Region.” Huling paalala ni Zeal bago kami tuluyang makalagpas sa border.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD