Chapter 5.a

1029 Words
Chrylei Criox's Pov   Matapos ang pangtanghaling klase ay naatasan ako ng aming guro na dalhin sa kanyang opisina ang mga papel ng aking mga kaklase sa aming pagsusulit. Kaunti lang ito kaya hindi na ako nagpasama kay Keiv.   Isa pa, pagkakataon ito para malibot ang ilang parte ng paaralan. Dahil kasi sa mga pagtatangkang pambu-bully sa'kin ay hindi ko iyon nagawa nitong nakaraan kaya nang madala ko ang papel ay nag-iba ako ng daan.   Hanggang marating ko ang malawak na garden kung saan may isang malaking fountain ang narito. Sa gitna ng fountain ay may statue kaya nilapitan ko ito para matingnan ng maayos.   Isang babae. Blanko ang mukha nito pero may mahaba at kulot na buhok. Nakabestida at walang suot na sapin sa paa. May hawak itong kalasag at sa kaliwang kamay ay may markang nakaukit na hindi pamilyar sa akin.   "Do you know her?"   Napalingon ako sa gilid at nakita ang isang lalaki na nakatingin sa statue. Hindi sya estudyante kaya marahil ay isang guro o kawani ng paaralan.   "She's the symbol of this school." aniya at bumaling sa'kin tsaka ngumiti. "You must be new here."   "Isa po ako sa bagong mag-aaral dito. Ako po si Chrylei."   "Oh." Tumangu-tango sya. "Ikaw ang transferee sa Holy Class."    "Kilala nyo po ang babaeng ito?" tanong ko at bumaling sa statue. Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Para bang kilala ko kung sinuman ang babaeng pinaggayahan sa estatwang ito.   "Yes." sabi nito. "Everyone knew her pero sa paglipas ng panahon ay kinakalimutan na sya. At ikaw ang patunay na dahil hindi mo sya kilala."   Muli akong napatingin sa lalaki. "Hindi naman po siguro. Ngayon nalang ako nakabalik sa pag-aaral matapos ang tatlong taon kaya wala po akong masyadong kilala sa naging bahagi ng kasaysayan ng ating mundo."   "Ganoon ba?"   Mabilis akong tumango. "Pangunahing kaalaman tungkol sa kasaysayan ang aking alam sa ngayon kaya huwag nyong isipin na kinakalimutan na sya ng Attila. Pero maaari ko po bang malaman kung sino sya?"   Naupo sya sa gilid ng fountain. "You said that you're Chrylei, right?"   "Opo."   "Kung nais mo syang makilala, maaari kang bumalik dito." aniya. "Lagi akong narito ng ganitong oras. I can teach you a lot about Attila's history that you can't see in the school books."   Nakaramdam ako ng tuwa sa kanyang sinabi. "Talaga po?"   Tumangu-tango sya. "Pero maaari ba akong humingi ng pabor sayo?"   "Oo naman po." sagot ko. "Ano po ba iyon?"   "Can you bring some snacks with you?" nakangiti nyang tanong. "You know, mas masarap mag-aral kung busog ang ating tiyan."   Ngumiti ako. "Wala pong problema. Magdadala ako bukas pagbalik ko."   "Thank you, Chrylei."   "Walang anuman po, Mister—" Napakamot ako ng ulo. Hindi ko pa nga pala natanong ang kanyang pangalan.   "Just call me Red. And hindi nagkakalayo ang edad natin kaya huwag ka nang gumamit ng po o opo. Nakakailang eh."   "P-pasensya na. Hindi ko kasi alam."   "Nice to meet you, Chrylei." aniya. "Sige na. Bumalik ka na sa classroom nyo at baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo."   Doon ko naalalang naghihintay pala sina Faero sa'kin. "Ikinagagalak din kitang makilala, Red. Hanggang sa muli nating pagkikita." Bahagya akong yumuko at agad tumakbo pabalik sa aming silid-aralan.   At pagdating ko doon ay agad kong ipinaliwanag kina Faero na napadaan lang ako sa garden at nasiyahang manatili doon kaya ako natagalan.   Hindi na sila nagtanong pa at inaya nalang akong pumunta na sa Sai Cafe kung nasaan na ang iba pa naming kaklase na nauna nang umalis.   Pagdating doon ay agad sinimulan ang salu-salo ng buong klase namin at hindi ko maiwasang makaramdam ng kagalakan.   Naiiba man ako at hindi man nila iyon alam ay tinanggap pa din nila ako bilang parte ng aming klase.   Kailanman ay hindi ko inasahan na mararanasan ko ito. Ang pagtanggap na kailanman ay hindi ibinigay sa akin sa noong nasa Alura at Erima ako.   Ama, ito ang sinasabi, hindi ba? Na darating ang araw na makikilala ko ang mga nilalang na nakahandang tanggapin ang pagkatao ko.   Huwag po kayong mag-alala. Aalagaan ko ito at hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa mga nilalang na ito.   **********   Yumei's Pov (Holy Knight University's Headmistress)   "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa lalaking nakaupo sa gilid ng fountain na narito sa garden ng aking paaralan.   "Hindi ba ako pwedeng bumalik dito?" Tumingin sya sa akin at ngumiti. "Mukhang inalagaan mong mabuti ang lugar na ito."   "Ito lang ang magagawa ko para maalala sya ng mundong ito." sabi ko. "Sagutin mo ang tanong ko. Anong ginagawa mo dito? Bakit bumalik ka pa dito kung nagpasya ka na noong manirahan sa probinsya ng Alura?"   Nawala ang ngiti sa labi nya at bumakas ang matinding kaseryosohan sa kanyang mukha. "Sa tingin mo ba ay may interes pa akong bumalik dito pagkatapos ng pagtataksil mo sa kanya? Bumalik lang ako dito dahil sa mga nilalang na sumira ng tahimik kong buhay sa Alura."   Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. "Anong ibig mong sabihin?"   "Isang insidente lang ang nangyari sa Alura at tatlong taon ang nakalipas mula noon." aniya. "Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol doon."   "Wala akong alam sa nangyaring iyon."   "I know. Pero siguradong alam mo kung bakit iyon nangyari." Tumayo sya at naglakad palapit sa akin. "Ibigay mo ang lahat ng impormasyong alam mo. Huwag na tayong maglaro pa, Yumei. Wala ka nang pinangha-hawakan kaya alam mong kaya kong gawin ang lahat ng kinakatakutan mo." Inilapit nya ang bibig sa tenga ko. "Do what I said kung gusto nyong manahimik ang halimaw na nabuo ng dahil sa katrayduran nyo."   Nagsimula akong makaramdam ng takot. Alam ko kung ano ang kayang gawin ng nilalang na ito at maling galitin sya.   Tinapik-tapik nya ako sa balikat at bahagyang umalis. "You know where you can see me, Yumei. Doon mo nalang ipadala." At umalis na sya.   Nang tuluyang mawala ang presensya nya ay doon bumigay ang tuhod ko at napaupo nalang ako sa lupa.   Tama sya. Isa ako sa dahilan kung bakit nabuo ang halimaw na iyon kaya kailangan kong gawin ang lahat upang hindi ito magising at manatiling tahimik. Hindi kakayanin ng Attila na labanan ito kapag nagkataon.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD