Chapter 5

1603 Words
Chrylei Criox's Pov   Tulad ng inaasahan ng mga kaibigan ko, palihim akong binu-bully ng ibang class pero dahil simpleng attacks at spell ang ginagamit nila ay nagba-bounce back iyon at sila ang napapahamak sa sariling kagagawan.   Malaki ang tulong ng singsing na bigay ni Zenia at ang tanging ginagawa ko nalang ay umiiwas kapag sinusubukan nila akong saktan ng harapan. Buti, hindi sumusumpong ang pagkalampa ko nitong nakaraang araw eh.   "Aish! Naiinis na talaga ako sa mga iyon. Lalo na kay Honari na hindi yata marunong magtanda!" gigil na sabi ni Aimur pagdating palang nya.   Siguradong nakarating na sa kanya ang tangka na namang p*******t at pagpapahiya sa akin ni Honari pero hindi naman ito nagtagumpay.   "We need to do something, Zeal." ani Faero. "Hindi naman pwedeng lagi nalang iiwas si Chrylei sa mga iyon."   "Si Honaira lang ang makakapagpatigil sa kapatid nya." ani Zeal. "Pero alam nyong hindi din madaling kausap ang babaeng iyon."   "At sa iyo lang din nakikinig ang babaeng yun." sabi ni Cali.   "Pero kung si Zeal ang kakausap kay Honaira para sa isang pabor na may kinalaman kay Chrylei, hindi kaya lalong magkaproblema sa magkapatid na Himmel?" tanong ni Aimur. "You know that b***h. Baka si Honaira naman ang mam-bully kay Chrylei at alam nyo rin na malala ang tama sa utak ng babaeng iyon."   "Aish!" Inis na ginulo ni Faero ang buhok tsaka inilapat ang pisngi sa mesa namin. "Hindi na talaga ako natutuwa sa mga Himmel na iyan. Kahit sa palasyo, isa sila sa nagpapasakit ng ulo ng Hari."   "Ahm." Napalingon silang tatlo sa'kin. "Alam kong nag-aalala kayo para sa akin pero ayos lang ako. Ayoko nang makadagdag sa problema nyo at isa pa, hindi naman mahirap iwasan ang mga iyon."   "Pero--"   "Ang totoo nyan, mas nababahala ako sa pag-aalala ninyo kaysa sa mga ginagawa ng mga iyon." Lumunok ako tsaka umiwas ng tingin. "Lubos kong ikinagagalak ang lahat ng ginagawa nyo para sa akin. Iyon nga lang, hindi ko maiwasang isipin na siguro, talagang mahina ang tingin nyo sa akin kaya ganito nyo nalang ako protektahan."   "C-Chrylei."   "Tatlong taon mula nang mamatay ang pamilya ko dahil sa epidemyang kumalat sa Alura. Sa totoo lang, sa aming barangay ay ako lang ang nakaligtas kaya inisip ng nakararami na ako ang dahilan ng sakit na iyon. Natakot sila kaya lumalayo sila habang ang iba ay sinusubukan akong saktan. Iyon ang dahilan kung bakit malayo sa baryo ang tinitirhan ko sa Erima." Muli akong tumingin sa kanila. "Namuhay akong mag-isa nang tatlong taon pero kahit noong kasama ko ang pamilya ko ay hindi nila pinaramdam sa akin na kailangan nila akong protektahan dahil lang sa wala akong kapangyarihan."   "Su-sumobra kami?" tanong ni Faero na agad kong tinanguan. Ayokong magsinungaling sa kanila sa kahit na anong bagay.   "Naiintindihan kong nag-aalala kayo sa posibleng mangyari pero tulad ng sinabi ko noong unang araw ko kayong makaharap, ayokong maging pabigat sa kahit anong dahilan." paliwanag ko. "At kung patuloy kayong mamomroblema ng dahil sa'kin, gugustuhin ko pang bumalik sa Erima."   "Chrylei Criox!" marahas na inihampas ni Aimur ang kamay sa aming mesa pero hindi ako nagpatinag at nananatiling nakatingin sa kanila.   "Iyon ang tanging paraan para hindi na kayo mag-alala." matapang kong sabi. "Ayokong pati kalusugan nyo ay maapektuhan. Nakikita nyo ba ang sarili nyo sa salamin? Bakas sa inyong mukha ang kulang sa pagtulog. Sa tuwing kumakain tayo, mas pinagtutuunan nyo ng pansin ang pag-iisip sa kung paano matitigil sa ginagawa nila sa'kin kaysa sa pagkain. Madalas ko ding mapansin ang inyong pananahimik. Ayokong nahihirapan at namo-mroblema ang mga kaibigan ko nang dahil sa akin."   "Sumobra tayo." sambit ni Cali. "Nag-aalala tayo kay Chrylei pero pinag-aalala din natin sya. Pero ganoon kahalata na kulang kami sa tulog?"   Tumango ako. "At may nakapagsabi din sa'kin na madalas nya kayong makita na nagpapalipas ng gabi hindi kalayuan sa tinutuluyan ko." sabi ko na ikinalaki ng mga mata nila. "Umuuwi lang kayo kapag nasisiguro nyong wala nang mga knights na gumagala sa gabi."   "Sinong nagsabi sayo?" tanong ni Zeal na inilingan ko.   "Hindi na mahalaga kung sino ang nagsabi. Ang mahalaga ngayon ay kailangan nyong tigilan ang labis na pag-aalala. Alam kong wala akong kapangyarihan pero para saan pa itong singsing na ibinigay ni Zenia? Hindi ba't para protektahan ako?"   "Pero hindi sapat ang singsing na iyan kapag malakas na spell ang ginamit sa iyo." ani Faero.   Bumuntong hininga ako at hinawakan ang mga kamay nya. "Fae, maaari bang pagkatiwaaan mo ako?"   Natigilan sya at agad nag-iwas ng tingin.   "Mahina at lampa ako. Idagdag pa na wala akong kapangyarihan pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ko kayang protektahan ang aking sarili." sabi ko. "At mas lalong hindi ko hahayaang masaktan ako dahil alam kong mag-aalala kayo. Kaya maaari ba iyon? Magtiwala kang hindi ako mapapahamak kahit hindi nyo ako protektahan?"   "Ano bang kaya mong gawin?" tanong ni Aimur. "Aaminin ko, iniisip kong mahina ka kaya ganito ang pag-aalala ko. Ayokong mapahamak ka dahil ayokong malungkot si Fae. Idagdag pang ngayon lang kami naka-encounter ng isang knight na walang kapangyarihan. Anong laban mo sa mga knight na nagtatangkang saktan ka?"   "Maraming maaaring gawin upang maiwasang masaktan ang tulad ko."   "At isa na doon ang paggamit sa kahinaan ng magtatangkang manakit sa kanya." Napalingon kami sa nagsalita at bumungad si Nevis. Naupo sya sa tabi ko tsaka ginulo ang aking buhok. "You don't really need to worry because this girl is not actually nice just like what you all knew."   "What do you mean?" tanong ni Aimur.   Napalingon ako kanan nang may isa pang naupo at nakita ko si Savaii.   "Ginagamit nya ang epidemyang kumalat sa Alura." sambit nito. "She told them that she's the only survivor which is true. Pero pinangatawanan nyang sya ang nagsimula ng sakit na iyon at kung susubukan pa nilang lumapit sa kanya ay hahawaan nya ang mga ito."   "You've gotta be kidding me." Bakas sa kanilang mata ang pagkabigla.   "Kaya nga hindi nyo kailangang mag-alala sa akin. Sapat na ang singsing na ito upang pangalagaan ako." sabi ko.   "Fine. Just make sure na hihingi ka ng tulong kapag alam mong hindi mo na sila kaya, okay." bilin pa ni Faero na tinanguan ko.   "Good." ani Savii. "Tama na ang dramang ito. At umpisahan natin ang plano para sa welcome party para kay Chrylei."   "Eh?"   "Oo nga pala." ani Faero. "Dahil masyado kaming busy sa pag-aalala, nakalimutan na naming bigyan ng welcome party si Chrylei."   "T-teka." pigil ko. "Hindi nyo naman kailangang—" Natigilan ako nang lumapit din sa table namin ang iba pa naming kaklase.   "You are part of our class, Miss Chriox." ani Erie Hav, ang Knight of Sea at kabilang sa 11th royal family. "And even if we don't know anything about you, we need to welcome you properly."   "Yeah." pagsang-ayon ni Ilium Lys, ang Knight of Light at kabilang sa 4th royal family. "And you're our class representative."   "At isa pa, ayaw naming isipin mo na matapobre at walang manners ang mga taga-Antlers dahil mula yata ng dumating ka dito sa school ay hindi nawawala ang mga taong gustong mambully sayo." dagdag pa ni Yaren Jord, ang Knight of Earth at kabilang sa 7th royal family.   "Let us show you the different kind of Knight here in the capital." ani Honaira Himmel, ang Knight of Sky, kabilang sa 12th royal family at kapatid ng nangunguna sa pagtatangkang pambu-bully sa akin. "At para simulan ito, kinausap ko si Honari. I made sure that she'll stop bullying you. But I just want you to know that you don't have any right to steal Zeal from me, okay? He's mine and mine alone."   "He is not yours." alma ni Faero. "And he's not a thing na pwede mong angkinin kaya umayos ka dyan. Baka hindi ako—"   "Tama na." natatawang awat ni Savii kay Faero. "Hindi ka na nasanay kay Honaira. Beside, naging mabait na sya this past few months dahil kahit may lumalapit nang babae kay Zeal ay hindi na nya ito binu-bully."   "Na-realise ko lang na ginagawa ko din pala kung ano ang ginagawa ni Honari sa klase natin so I decided to stop." Nag-iwas sya ng tingin sa amin. "Besides, hangga't wala namang ipinapakilalang girlfriend si Zeal, masisiguro kong may pag-asa pa ako sa kanya."   Napailing nalang ang mga kasama namin.   "You're really a straightforward girl." ani Cali. "Hindi mo ba naisip na baka ma-turn off si Zeal sayo dahil ikaw ang naghahabol sa kanya?"   "Alangang wala akong gawin noh." aniya. "Kaysa tumunganga ako at maghintay kung kailan nya ako magugustuhan. And please, stop talking about this as if wala sya dito."   "Mukhang wala naman tayong mapagkakasunduan ngayon." ani Savii. "Pumunta nalang kayo sa cafe mamaya."   "Ibig sabihin, you will close the entire cafe for this?" tanong ni Aimur.   "Yup." Tumayo na ito. "Hindi na ako a-attend ng afternoon class."   "Huh." Napatayo din ako. "T-teka lang."   Nginitian nya ako at ginulo ang buhok ko. "Don't worry, magpapaalam ako kay Miss para hindi na sya magtanong." Bumaling sya sa kasama namin. "Later, guys." At umalis na nga sya.   "Madalas talaga syang hindi um-attend ng afternoon class." ani Yaren.   "Bakit naman?" Muli akong naupo. "Pwede ko bang malaman?"   "Iyong history class ang iniiwasan nya." ani Faero. "And it is something to do with the history of the first knight of moon."   "Ah." Iyon nalang ang aking nasabi dahil alam ko ang tinutukoy nilang kasaysayan ng Knight of Moon. Ang totoo nyan ay hindi lang ito ang may hindi magandang kasaysayan. Kahit ang iba pang kapangyarihang hawak ng ibang mga kaklase ko kaya't ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganoon sila tratuhin ng ibang klase.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD