Chapter 4.a

1087 Words
Chrylei Criox's Pov   Natapos ang meeting ng mga class representative nang walang nangyayaring masama sa akin kaya agad na kaming bumalik ni Kiev sa classroom namin at agad akong sinalubong nila Faero at Aimur.   "Naramdaman naming nasa panganib ka pero agad ding nawala bago pa kami lumabas ng room." ani Faero. "Anong nangyari?"   "Dumating si Kiev para iiwas ako sa tangka nilang pagpapahiya."   "Buti sinipag si Kiev na um-attend ng meeting." sabi ni Aimur. "Noong naramdaman kasi namin na nasa panganib ka, pupuntahan ka sana namin kaso pinigilan kami ni Zeal."   "Mabuti ding hindi kayo nagpunta dahil wala namang nangyari sa'kin."   "Pero nakakapagtaka ang nangyari kanina." ani Kiev. "Sigurado akong sayo ikinast ang spell na iyon pero bakit nag-bounce back sa kanya ang spell?"   "Hey, hey, hey."   Napalingon kami kay Zenia na palapit sa amin.   "Nabalitaan ko ang nangyari kanina sa meeting ng Class Representative huh." aniya tsaka inakbayan ako. "Praise me, guys."   Kumunot ang mga noo nila habang nakatingin dito.   "At bakit?" taas kilay na tanong ni Aimur.   "Geez! Obvious naman siguro na ako ang may gawa kung bakit nag-bounce back kay Honari ang spell na ginamit nya na para sana kay Chrylei." sabi niya at naupo sa tabi ng kapatid.   "Eh?"   Tumangu-tango sya at itinuro ang singsing na suot ko. "May spell akong inilagay dyan to make sure of her safety. Kaya nga sinabi ko na may ilang minuto kayong palugit para puntahan siya kung sakaling manganib ang buhay nya dahil kaya siyang protektahan ng singsing na iyan." paliwanag nya. "Pero simpleng spell lang iyon na tatagal hanggang seven minutes at simpleng attacks lang din ang kaya nitong i-hold kaya mas mabuting talasan nyo ang pakiramdam nyo sa mga mananakit sa kanya."   "Ang galing mo, Zenia." Inakbayan sya ni Cali tsaka ginulo ang buhok.   "Salamat, Zenia." Marahil dahil dito ay mababawasan kahit paano ang pag-aalala nila. Ayokong lagi silang naaabala dahil sa akin dahil hindi naman maaaring ako nalang ang lagi nilang isipin.   May kanya-kanya din silang dapat pagtuunan ng pansin lalo na't kabilang sila sa royal families. Masyado na nilang ibinibigay ang oras nila sa akin kaya malaking tulong din talagaa ang singsing na ito.   "I know that I am smart so you should praise me for doing that but it's actually Kuya Zeal's idea." sabi nito at itinuro ang nakatatandang kapatid.   Napatingin kami kay Zeal na natigilan sa pagkain at masamang tumingin sa kapatid pero tinawanan lang siya nito.   "Sorry for telling that even though you made me promise not to tell anyone, Kuya. But you know that I love being praised but not for something that you actually did. Alam mo din namang mataas ang pride ko for that so I will give you the credit for this one." Tumayo na sya tsaka tinapik sa braso ang kapatid. "Anyway, gusto ka nga palang kausapin ni Lolo kaya umuwi ka sa palasyo mamaya."   Sa akin naman sya bumaling tsaka pinisil ang pisngi mo. "You should do your best, Ate Chrylei. I know that you are not like those damsels in distress type so don't let those bitches bully you, okay?"   Tumango ako at ngumiti. "Salamat uli."   "No worries." Bumaling sya sa mga kasama namin. "See you around, guys." At tuluyan na syang umalis.   Ngayon ko lang napagtanto na para siyang isang kabuti na bigla nalang lilitaw lalo na sa tuwing may kinalaman sa kanya ang usapan. At agad din naman syang aalis.   Napailing nalang ako at doon ko napansin na ang atensyon ng lahat ay nakatuon kay Zeal.   "Magsalita ka, Zeal. Ano pa ang kayang gawin ng singsing na ibinigay nyo kay Chrylei?" tanong ni Cali. "Para alam namin kung kailan dapat mag-alala."   "Oo nga." ismid ni Faero. "Kahit ako na kasama mo noong ipinagawa mo iyan kay Zenia ay hindi alam ang kayang gawin ng singsing na iyan."   "Ang dami nyo talagang tanong." naiiling na sabi nito tsaka bumuntong hininga. "Fine. Tulad ng sinabi ni Zenia, kaya nitong magbigay ng sign kapag nasa panganib si Chrylei. Ang mga minor spell na ika-cast sa kanya ay magba-bounce back sa nag-cast. Kaya din nitong harangin ang mga minor attacks gamit ang kahit anong kapangyarihan at magagawa din nitong itago ang presence nya, iyon ay kung gugustuhin nya. Pero ang lahat ng iyon ay may limitadong oras."   "Woah. Total defence na pala ang nasa singsing na iyan eh." manghang sabi ni Keiv. "Hindi na nga natin kailangang mag-alala. Protektado siya kahit wala tayo sa tabi niya."   "Pero hindi pa din siya ligtas sa mga physical attack." ani Faero.   "Faero, alam kong lampa ako pero hindi ka dapat mag-alala ng sobra sa akin." singit ko sa kanilang usapan. "Maaari bang kumalma ka?"   "Chrylei, natural na mag-alala ako sayo dahil kaibigan kita. Maliban pa doon, inihabilin ka ng daddy mo sa amin kaya siguradong mag-aalala din ang parents ko kapag may hindi magandang nangyari at isa iyon sa iniiwasan ko." aniya. "Ayokong masaktan ka at ayokong mabahala ang magulang ko."   Tumango ako at hinawakan ang kanyang kamay. "Naiintindihan ko. Pero tulad ng lagi kong sinasabi, ayokong makaabala. Sobra na ang mga nagawa nyo para sa akin at ayoko nakakadagdag pa sa problema nyo. Magiging maayos lang ako kaya kalma ka na."   "Bakit mahinahon ka pa kahit muntik kang mapahiya?" tanong ni Cali.   Ngumiti ako. "Tulad ng sinabi mo, muntik lang kaya bakit kailangan ko pang isipin iyon? Tayo lang din ang mahihirapan kung magsasayang pa tayo ng oras para sa isang bagay na hindi naman nangyari sa akin. Mas gugustuhin ko pang ilaan ang oras na iyon para sa makabuluhang bagay."   "I don't really get your way of thinking, Chrylei." naiiling na sabi ni Aimur. "But anyway, past is past na nga naman. Ipagpasalamat nalang natin na walang nangyaring masama sa kanya at bawas-bawasan na din ang pag-aalala. Tayo lang din ang nagpapahirap sa mga sarili natin."   "Oo nga." ani Keiv. "Chill na, Faero."   "You can relax, Fae." ani Zeal tsaka ginulo ang buhok ng prinsesa. "I promise walang masamang mangyayari sa kanya."   Bumuntong hininga si Faero. "Fine. Just make sure of that."   Buong akala ko, magiging mahirap para sa akin ang mga pagbabagong magaganap sa paglipat ko dito sa kabisera lalo na't biglaan ang lahat ng pangyayari pero mukhang nagkamali ako dahil hindi iyon ang nangyayari ngayon.   Ah, paano nga ba magiging mahirap kung sa paglipat ko palang dito ay may tulad ng mga nilalang na ito na handang tumulong at gumabay sa'kin.   Labis-labis na ang pasasalamat ko at hinihiling ko nalang na sana ay magawa kong makabawi sa lahat ng kabutihang ibinibigay nila sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD