Chapter 31

1158 Words
Chrylei Criox’s Pov   Hindi ko magawang magsalita matapos ang mga narinig mula kay Zenia.   Hindi ko din naman alam ang aking sasabihin dahil sa sunod-sunod na pangyayari sa buhay kong hindi naman ganito noon.   Isa lamang akong knight na walang kapangyarihan noon na walang iniisip kundi ang aking sarili lamang.   Ngunit ngayon ay maliban sa hinaharap ng aming mundo, maging ang kinabukasan ng mga naninirahan dito, knights, magical at sacred beast, kahit ang mga maliliit na hayop ay nakasalalay na din sa akin.   “Bakit naman biglang nagkaganito ang lahat?”   Inis kong ginulo ang aking buhok habang nakatingin sa mga kasama kong naghihintay ng aming matutuluyan.   Hinayaan din kasi nila akong makapag-isip dahil hindi din naman madali ang gustong mangyari ni Zenia.   Kung tatanggapin ko ang kapalaran ko, isang malaking responsibilidad ang kailangan kong harapin. Marami akong pagdadaanan na siguradong magpapagulo sa nakaigsnan kong buhay at susubok sa tatag ng aking sarili. At inaamin kong hindi pa ako handa sa ganoon.   Kailan lang ba ako na-expose sa ibang nilalang? Kailan lang ba ako nagkaroon ng kaibigan? Kailan lang ba ako nagdesisyon gawin ang mga bagay na gusto kong gawin? Masyadong mabilis ang mga pangyayari.   Tapos ngayon ay may hawak akong kapangyarihan na maaaring pumrotekta sa mga kaibigan ko. At may dumagdag pang mga nilalang na handang magpagamit upang mapaglingkuran lamang ako.   Nagugulantang nalang ako sa mga nangyayari.   At alam ko naman sa sarili ko na hindi ko din naman kayang kitilin ang sarili kong buhay. Hindi ngayon kung saan nararanasan ko ang mga bagay na mahigpit na ipinagbawal sa akin noon ng pamilya ko.   At gusto ko ding malaman ang lahat tungkol sa dalawang pamilyang aking pinagmulan. At kung ano ang kinalaman nila sa pagiging sentro ko ng mundong ito.   Bumuntong hininga ako.   Sa tingin ko ay wala din naman akong ibang pagpipilian kundi tanggapin kung ano ang nakatadhana sa akin.   Muli akong bumuntong hininga at tumingin sa mga kaibigan ko.   Isa sila sa dahilan kung bakit niyayakap ko ang mga pagbabago sa buhay ko. Isa sila sa mga gusto kong protektahan kaya pinili kong gawin ang mga bagay na tingin ko ay makakatulong sa kanila.   Kaya sa tingin ko ay isa din sila sa magiging dahilan kung bakit ko tatanggapin ang kapalarang naghihintay sa akin.   “Mukhang nakapagdesisyon ka na.” sambit ni Zenia na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin.   Tumango ako at tumayo. “Sa totoo lang ay wala din naman akong ibang pagpipilian kundi ang magpatuloy at tanggapin ang kapalaran ko.”   “Sa totoo lang, hindi din naman option na kitilin mo ang buhay mo upang masiguro ang kinabukasan ng Attila.”   Kumunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?”   Bumuntong hininga siya. “I just realized this recently and after I talked to the furry earlier, it confirmed the information I had in mind about you.”   “Hindi kita maintindihan, Zenia.”   “Ikaw ang kahuli-hulihang knight na nabubuhay na galing sa ancient family na itinalaga ng mga diyos at diyosa na mamuno sa mundong ito at ng pamilyang nakatalo kay Akuma.”   Nanlaki ang aking mga mata.   “Iyon ang dahilan kung bakit sayo naka-sentro ang lahat ng nangyayari sa panahong ito, Chrylei.” paliwanag niya. “At ito ang kapalaran mo bilang bahagi ng dalawang pamilyang iyon. Ang iligtas ang Attila sa nalalapit nitong pagkawasak.”   ___________   Kaunting impormasyon palang ang ibinibigay sa akin ni Zenia. Siguro ay alam din niyang hindi ko basta makakayanang i-process sa akin isip ang lahat ng sinabi niya kanina kaya muli niya akong iniwang mag-isa.   At hindi pa din naman talaga akong makapaniwala na ang dalawang pamilyang pinanggalingan ko ay parte ng mga angkang may malaking papel sa mundo ng Attila.   Bumuntong hininga ako at nahiga sa damuhan.   Tama nga ang hinala ko.   Wala din talaga akong pagpipilian sa kapalarang maaari kong harapin. At wala akong ibang magagawa kundi tanggapin at panindigan dahil kung hindi ay hindi lamang buhay ng mga kaibigan ko ang nakasalalay dito.   Buhay ng lahat ng naninirahan sa buong Attila.   Bakit naman binigyan ako ng ganitong pasanin?   Tinitigan ko ang nagliliwanag na kalangitan dahil sa dami ng mga bituin.   Ang dating knight na walang silbi sa mundong ito dahil sa kawalan ng kapangyarihan ay siya ngayong sinasabing huling salin-lahi ng dalawang pamilyang unang namuno sa aming mundo.   Iba din talaga maglaro ang tadhana.   “Chrylei.”   Bumangon ako at nakita si Faero na palapit sa akin.   At base sa mga mata niya ay siguradong nabanggit na ni Zenia sa kanila ang sinabi nito sa akin kanina.   “Totoo ba?” tanong niya nang tuluyang makalapit sa akin.   Nagkibit-balikat ako. “Iyon lang ang sinabi ni Zenia. At wala naman akong nakikitang dahilan para magsinungaling siya sa akin.” Mas makakabuti nga sana na hindi nalang niya sinabi sa akin ang katotohanang iyon ngunit sa tingin ko ay talagang nasa delikadong sitwasyon na ang Attila.   Bumuntong hininga siya at naupo sa harap ko. “You are the rightful leader of this world, Chrylei. That was your fight by birth kaya gusto kong malaman mo na oras na makarating ang ganitong impormasyon sa iba, lalo na sa mga Elders ay hindi sila magdadalawang-isip na habulin kay at patayin. You are a threat for their power.”   “Fae.” Hinawakan ko ang kamay niya. “Alam mong wala akong intensyon na agawin sa inyo--”   Umiling siya. “I don’t really care about the throne, Chrylei. At alam kong handa si Daddy na isuko ito at ibigay sayo. Gusto ko lang na maging aware ka sa kung ano ang magiging kapalit ng pagtanggap mo sa responsibilidad na ito.”   “Wala naman akong ibang pagpipilian.” mahina kong sambit at bumuntong hininga. “Tulad ng sinabi ni Zenia, ako ang kahuli-hulihang salin-lahi ng dalawang pamilya kaya nakasentro sa akin ang lahat. Kung hindi ko tatanggapin ang kapalarang ito, buhay ng lahat ang posibleng manganib.”   “So, are you ready to put your life on the line to save the world?”   Hindi ako nagdalawang-isip na tumango.   Tinitigan niya ako pagkuwa’y bumuntong hininga. “Just like what Zeal espected. Nasa pamilya nyo nga ang pagiging selfless.”   “Hindi iyon pagiging selfless, Fae.” sabi ko. “Pagiging makasarili ito dahil nagdesisyon akong gawin ito nang sa gayon ay hindi ko na muling maranasan ang maiwan. Ayokong maulit sa akin ang nangyari noon sa Allura. Naiwan akong nag-iisa.”   Ngumiti siya at niyakap ako. “Don’t worry. Hindi mo na mararanasan iyon. Gagawin namin ang lahat upang tulungan kang harapin ang kapalarang ibinigay sayo ng tadhana.” Kumalas siya ng yakap sa akin at hinawakan ang aking kamay. “Pero sa ngayon, kailangan muna nating lumikom ng mga impormasyon tungkol sa dalawang pamilyang pinanggalingan mo nang sa gayon ay magkaroon tayo ng ideya kung ano ang dapat mong gawin upang mailigtas ang Attila sa nalalapit nitong pagkawasak.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD