Chapter 11.a

1178 Words
Chrylei Criox’s Pov   Hindi ko alam kung ano ang nagtutulak sa akin upang alamin ang tungkol kay Snow White, sa nakaraan ng Attila at sa Kiseki Nine pero pinili kong sundin kung ano ang kagustuhan ng pakiramdam ko dahil ito lang naman ang unang pagkakataon na nagkaroon ako ng isang bagay na gustong gawin.   At ngayon nga ay naging abot kamay ko ito dahil hindi lang pala ako ang naghahangad ng ganitong kaalaman.   “Maraming mahahalagang pangyayari sa nakaraan ang wala sa mga librong matatagpuan sa mga library sa buong Attila.” panimula ni Decia.   Ito ang unang araw ko bilang panibagong miyembro ng pasilidad na ito. Binigyan ako ni Decia, sa tulong ni Deccan, ng kalayaang maglabas-pasok dito kapalit ng kasiguraduhang wala akong pagsasabihan ng mga nalalaman ko sa loob nito at sa mismong lugar.   Hindi naman iyon mahirap dahil hindi din naman masyadong nagtatanong sa akin sina Faero kung saan ako nagpupunta tuwing nasa training sila. Alam din kasi nila na si Deccan ang kasama ko.   Hindi din sila nagtatanong sa mga dagdag kaalaman na aking nakukuha. Hindi ko alam kung sadyang wala silang interes o alam din nilang hindi ako basta pwedeng magkwento sa kanila.   “At hindi malinaw sa lahat kung sadya ba iyong itinatago ng mga Elders, wala silang makuhang dagdag kaalaman dahil sinasabing tuluyang nawasak ang Kiseki University o talagang wala na silang pakialam sa kung anuman ang nangyari sa nakaraan at nagbigay sa atin ng kapayapaang tinatamasa natin.” dagdag ni Decia. “But my father always told us this story about the Kiseki Nine and it made me curious about it.”   “At iyon ang naging simula nang pangangalap mo ng impormasyon tungkol sa Kiseki?”   Tumango siya. “Una akong dinala nito sa probinsya ng Allura.” Ngumiti siya nang makita ang panlalaki ng aking mga mata. “Oo, sa probinsya kung saan ka nanggaling.”   “Bakit sa Allura?”   “Well, may nakapagsabi kasi sa akin na marami sa naninirahan doon ang may librong kanilang nakuha sa nawasak na isla.” aniya. “Madali ko naman silang natagpuan at hindi ako nagdalawang isip na bilhin ang lahat ng kanilang libro.”   Tumigil kami sa isang babasaging lalagyanan kung saan may mga librong naka-display.   “Sa daang libro na aking binili, tanging ang mga ito lang ang may direktang impormasyon tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa Kiseki University.” Itinuro niya ang nag-iisang libro na may pulang balot. “At ang isang iyan ay personal na gamit ni Snow White.”   Nanlaki ang mga mata ko. “Si Snow White?”   Tumango siya pagkuwa’y binuksan ang lagayan tsaka kinuha ang libro. “There are a lot of names written on it so we are thinking that this is some kind of list of the students that studied at Kiseki University.” Iniabot niya iyon sa akin.   Agad ko iyong tinanggap at tinitigan. Medyo kinakabahan ako habang nakatingin dito kaya huminga muna ako ng malalim tsaka binuksan ang unang pahina nito at bumungad sa akin ang pangalan ni Snow White at tingin ko ay sariling sulat kamay ito ng babae.   Snow White C.   “C?”   “That’s the initial of her surname.” aniya. “At sa ilang taon kong pagre-research para malaman ang buo niyang malaman ay bigo pa din ako. Sa lahat ng libro at records na nakuha ko, wala doong nagpapakita kung ano ang last name niya kaya hindi ko din alam kung may iba pa ba siyang kamag-anak na nabubuhay sa panahong ito.”   Pero sinabi ni Red sa akin na walang naging anak ni Snow White dahil namatay ito at ang lalaking minahal sa digmaan.   “It is always Snow White C. Well, even the other members of Kiseki Nine. Initial lang ng kanilang surname ang alam namin.” dagdag niya.   Inisa-isa ko ang mga pangalang nakasulat sa librong iyon. Ilan sa mga pangalan dito ay matunog din sa iba’t-ibang larangan.   Ngunit natigil ako sa isang pamilyar na pangalan. “Astra Initia?”   “Yes, Astra Initia. The first King of Attila after the war.” ani Decia at iniharap sa akin ang isang litrato. “This is him. Faero’s great grandfather.”   Malaki ang pagkakahawig nito kay Faero. Maliban pa doon ay mayroon din itong aura na tulad ng apo. Isang aurang hindi gugustuhing harapin ng mga nilalang na magtatangkang kalabanin siya.   “He is a great king in his time and he really made sure that the peace and order that Kiseki fought for will remain.” Bumuntong hininga siya. “Ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unting humina ang kapangyarihan at impluwensiyang hawak ng mga Initia kaya’t sa kasalukuyan ay higit tayong pinamumunuan ng mga Elders.”   May dalawang kapangyarihang pinanghahawakan ang pamilya Initia kaya ganoon nalang sila sundin at pagsilbihan noong unang panahon. Maliban sa pamilya nila nanggagaling ang Knight of Elements, sa kanila din isinisilang ang Knight of Lightning na itinuturing ding isang ancient power.   Pero nag-iisang anak lamang ang kasalukuyang hari sa pamilya ng Initia kaya’t pinaniniwalaang nawala na ang ancient power at doon nagsimulang kumilos ang mga Elder upang lumakas ang kanilang impluwensiya at kapangyarihang magdesisyon sa palasyo.   Maliban sa Knight of Lightning, may dalawa pang itinuturing na ancient power na pinaniniwalang hawak noon ni Snow White. Ang Shield at Creation.   At maging ito ay tila naglaho na din sa mundo ng Attila dahil walang naging anak si Snow White. Pero may mga haka-haka na nagawa itong ipasa ng babae sa ibang nilalang ngunit walang makapagsabi kung sino dahil hindi na muling lumutang ang kapangyarihang iyon.   “Pero alam mo ba na ang pamilya Brann ay sinasabing nanggaling din sa pamilya ni Snow White.”   Bumaling ako sa kanya. “Talaga?”   Tumangu-tango siya. “Maliban sa Creation at Shield, napag-alaman ko na hawak din noon ni Snow White ang Spell. At nasa pamilya Brann ang Knight of Spell mula pa noon.”   “Ibig sabihin ay posible ngang nagkaroon ng anak si Snow White.”   Muli siyang tumangu-tango. “Pero posible ding ang ninuno ng pamilya Brann ay ang kakambal ni Snow White na si Flame Red, ang pinakaunang tagapangalaga ng apoy.”   Wala akong nabasa sa anumang libro sa library na bangggit ang pangalang iyon kaya muli kong ibinalik ang tingin sa librong aking hawak.   Flame Red C. (Holder of Fire. Half-blood.)   Tinitigan ko ang pangalang iyon dahil parang pamilyar pero agad nalipat ang aking tingin sa isa pang pangalan.   Knight S. (Holder of Air)   “Ah, Yes. They said that our ancestor is Knight dahil siya ang tagapangalaga ng hangin which runs in our family.” ani Decia. “Pero may nabasa akong isang libro na naging magkasintahan sina Snow White at Knight kaya hindi din malinaw kung tama ang inaakala namin. At sa pangalan din niya nanggaling ang tawag sa ating mga naninirahan dito sa Attila dahil isa din siya sa naging tagapagtanggol ng kapayapaan sa kabila ng pagiging prinsipe niya ng Mirai Kingdom.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD