Chapter 25.b

1134 Words
Chrylei Criox’s Pov   Alam kong hindi magiging madali ang bawat labang haharapin ko dahil hindi naman baguhan sa larangan ng paggamit at paghawak ng espada ang mga lumahok sa event na ito.   Ako nga lang yata ang baguhan dito pero nakakatuwang isipin na nagawa kong makalagpas sa unang level ng pagsubok kung saan halos kalahati ng kalahok ang nabawas.   At ang lahat ng kabilang sa holy class ay makakatungtong sa susunod an level ng tournament.   “Ang galing mo talaga, Chrylei.” masayang sabi ni Aimur habang nagpapahinga kami sa itinakdang silid para sa klase namin.”Hindi ko akalain na sa ilang araw mong pagsasanay ay magagawa mong talunin ang ilan sa magagaling na mercenary knights at ilang HKU students.”   “Ginawa ko lang ang mga itinuro sa akin ni Zeal.” sambit ko.   Ang turo kasi sa akin ni Zeal ay sa oras na magbigay ng signal ang referee, agad akong sumugod bago pa ako maunahan ng kalaban at ang una kong aasintahin ay ang leeg nito.   Matitigil ang laban kung hindi na aatake pa ang kalaban ko pero kung lalaban pa ito ay sunod ko namang aasintahin ang likod ng tuhod nito upang mapaluhod pagkuwa’y sisipain ang kamay nitong may hawak ng espada dahil ang sinumang manatiling nakahawak sa espada ay siyang tatanghaling panalo sa bawat laban.   At iyon ang mga ginawa ko sa halos labing limang laban na aking nilahukan.   Pero sa tingin ko ay hindi na iyon uubra sa susunod na level dahil alam na nila kung ano ang aking mga posibleng gawin.   “Mukhang alam mo na kung ano ang magiging problema kapag ipinagpatuloy mo ang ginagawa mo kanina.” ani Honaira. “At kung plano mong umangat hanggang top ten, ibig sabihin ay kakailanganin mo kaming labanan.”   Mabilis akong umiling. “Hindi ko kakayanin iyon.” sabi ko. “Baguhan pa din ako at hindi ko kakayaning tapatan ang galing nyo sa espada. Nakalamang lang naman ako sa laban dahil wala silang nalalaman tungkol sa akin.”   “At sa bilis mong kumilos.” dagdag ni Nevis. “Pero alam mo ba na ang bilis ng pag-atake mo ay posible ding magbigay ng disadvantage sa amin?”   “Eh?”   “Your speed can actually match up with Zeal.” sabi ni Deccan. “At maaari mo iyong magamit laban sa amin. Though, hindi na nakakapagtaka iyon dahil siya ang nagturo sa iyo.”   Bumuntong hininga ako. “Wala akong plano doon.”   “Bakit? Dahil iniisip mong hindi kami worth it kalaban?” sabi ni Savii.   “Hindi.” Bigla akong nataranta nang marinig iyon. “Hindi iyon ang iniisip--” Natigilan ako nang bigla silang tumawa.   “Savii was just kidding.” Inakbayan ako ni Cali pagkuwa’y ginulo ang aking buhok dahil inalis ko muna ang talukbong ko sa ulo at ang mast na aking suot kanina nang makapasok dito. “Alam namin na hindi iyon ang iniisip mo at wala ka ding confidense sa sarili mong kakayahan pero--” Kusa siyang tumigil sa pagsasalita at bumaling sa mga kasama namin.   “Pero?”   “Gusto naming malaman kung hanggang saan ang kakayahan mo sa paghawak ng espada.” pagpapatuloy niya.   Tumango si Aimur. “Isa iyon sa magbibigay sa amin ng ideya kung kakailanganin ka ba naming protektahan habang naglalakbay tayo o magtitiwala kaming makakayanan mong protektahan ang sarili mo kaya hindi namin kailangang mag-alala.”   “Ibig sabihin ay kakailanganin kong labanan ang bawat isa sa inyo?”   Sabay-sabay silang tumango.   “You can’t do that.”   Napalingon kaming lahat sa pinto nang bumukas ito at bumungad sina Faero at Zeal.   “Hindi nyo pwedeng labanan si Chrylei sa tournament.” sabi ni Faero. “Mas mabuting manatili siya sa top twenty para makaiwas sa gulo.”   Kumunot ang noo naming lahat.   “Gulo?”   “Well, kung lalabanan mo ang mga iyan…” Itinuro niya ang mga kasama namin. “And they end up losing, nasisiguro kong gagawin ng Elders ang lahat para malaman ang pagkatao mo at ilalagay ka noon sa panganib.”   “Kung gusto niyong malaman ang kakayahan ni Chrylei, I can arrange a different place.” dagdag ni Zeal. “Pero sa tournament na ito, huwag nyo munang isipin ang bagay na iyon para na rin sa ikapapanatag ng pagpili ng hari ng mga makakasama sa expedition march.”   “Kung ganoon pala kadelikado ang sitwasyon, then, we wil just wait for the right time para malaman ang kakayahan ni Chrylei.” sambit ni Cali.   “Wala namang problema since kailangan nating panatiling lihim ang anumang may kinalaman kay Chrylei.” dagdag ni Erie. “But you have to make sure that we will have that chance to fight with her dahil hindi kami mapapakali kapag nagsimula na ang paglalakbay natin.”   “Huwag nyong masyadong alalahanin ang bagay na iyan.” sabi ni Faero. “Plano ko din naman ang bagay na iyan kaya ako mismo ang magpapaalala kay Zeal para masigurong makaka-duel natin si Chrylei.”   “Eh?”   Naiintindihan ko ang gusto nilang mangyari. Alam kong hindi ganoon kadali ang gagawin naming paglalakbay dahil maaari kaming makasalubong ng mga Sacred beast at iba pang halimaw na naninirahan sa mga lugar na aming mararating.   Kaya naman nais nilang maging kampate na hindi ako basta mapapahamak sa paglalakbay.   Pero hindi ko maintindihan kung bakit lahat sila ay kailangan kong labanan?   “Magkakaiba sila ng kakayahan.” sabi ni Zeal habang pinapanood namin ang mga kasama naming nagtatalo kung sino sa kanila ang una kong makaka-duel. “Kaya naman gusto nilang malaman kung sino sa kanila ang makakaya mong talunin.”   “Sa tingin mo ba ay magagawa ko iyon sa isa sa kanila?” tanong ko. “Lahat sila ay sinanay mula pa pagkabata habang ako ay nitong nakaraan lang nakahawak ng espada.”   Tumingin siya sa akin at ipinatong ang kanyang kamay sa ulo ko pagkuwa’y ginulo ang aking buhok. “Just trust yourself. If you want to beat them and win, you can do it.”   Umiling ako. “Imposible iyon.”   “Walang imposible sa isang Criox.”   Kumunot ang aking noo. “Anong ibig mong sabihin? May nalalaman ka ba tungkol sa pamilya ko?”   “Well, I happened to tell my father about you and he said that he met your grandmother.” sabi niya.   “Ang aking lola?” Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makilala ng aking lola pero sinabi ng aking ama na tulad ko ay wala din itong kapangyarihan. Iyon lang ang tanging alam ko sa kanya.   Tumangu-tango siya. “And he told me things about her. And I will tell you everything I know if you manage to get into the top twenty.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD