Chapter 25.c

1103 Words
Chrylei Criox’s Pov   Dahil sa nararamdaman kong inis at pagkasabik na magkaroon ng panibagong kaalaman tungkol sa aking lola ay napipilitan akong mas bilisan ang aking kilos upang matapos agad ang bawat laban na aking hinaharap sa ikalawang level ng tournament.   Tulad ng sinabi nila, isang malaking advantage sa akin ang bilis ng aking kilos at iyon ang aking ginagamit upang matapos agad ang laban.   At kung kanina ay leeg ang aking unang inaatake at tinututukan ng hawak kong kahoy na espada, ngayon naman ay ang kanilang kamay na mismo na humahawak ng kanilang espada.   Mas madali kasi iyon lalo na’t kahit inaasahan nilang aatake agad ako pagkatapos ng signal ng referee ay hindi pa din sila nakakakilos agad upang sanggain ang atake ko o makalayo man lang sa akin.   Ngayon nga ay nasa ikatlo at huling level na kami ng tournament.   Limang laban ang aking kailangang lahukan at ipanalo sa level na ito para masiguro ang pwesto ko sa top 20. At ipinagpapasalamat ko na wala sa mga kaibigan ko ang kailangan kong kalabanin para masiguro iyon.   Ngunit alam kong hindi iyon magiging madali dahil ang lahat ng nakapasok sa level na ito ay talagang malalakas at mahuhusay.   Maliban sa mga kaibigan ko, mayroong mga mersenaryong nakapasok na talagang sinaktan at pinilayan ang kanilang mga nakalaban.   Hindi naman kasi labag iyon sa regulasyon ng event. Ang tanging bawal lang ay ang paggamit ng kapangyarihan at pagpatay sa kalaban.   “Kamusta?” tanong ni Deccan matapos niyang maupo sa tabi ko.   Napagpasyahan ko kasing manood ng bawat laban upang makaisip ng gagawin para manalo sa mga susunod kong laban. Sigurado kasi akong hindi basta magpapatalo ang makakalaban ko.   At nasisiguro ko din na alam nila ang mga posible kong gawin kaya’t hindi ko magagamit na advantage ang bilis ko.   Sa pagkakataong ito, kailangan ko ding pagtuunan na pansin ang lakas ng bawat atakeng aking gagawin.   Bumuntong hininga ako. “Hindi ako maayos.”   “At bakit naman?”   “Pine-pressure kasi ako ni Zeal.” sambit ko. “May isang bagay siyang sinabi sa akin na talagang nakakuha ng aking atensyon at sasabihin niya lang ang detalye sa akin kapag nasiguro ko na ang pwesto ko sa top 20.”   “That sounds like Zeal.” sabi niya na ikinakunot ng noo ko. “Well, he really does everything to get what he wants. Even if giving such pressure to someone and using something in exchange of everything.”   “Bakit? Bakit ginagawa niya iyon?”   “To make sure that his goal will be achieve.” aniya. “Hindi naman siguro sa wala siyang tiwala sa kakayahan mo. Ang hindi niya pinagkakatiwalaan ay ang will mong manalo kaya napilitan siyang gamitin ang nalalaman niya to push you on the edge where you don’t have any choice but to fight with all you have.”   “Pero ginagawa ko naman ang lahat.”   “Sa kakaharapin mo ngayon?” Itinuro niya ang arena kung saan may nagaganap na laban. “Hindi sasapat ang mga ipinakita mo kanina para matalo ang isang iyan.”   Ang nasa arena kasi ngayon ay isang lalaking may malaking katawan at malaking sandata pero sa kabila noon ay may angking bilis na tingin ko ay kapareho ng akin.   Siya ang kakalabanin ko maya-maya lamang pagkatapos nilang alisin sa arena ang walang malay at bugbog na katawan ng nakalaban nito.   “Maaari kang masaktan ng matindi sa magiging laban nyo kaya naman gumagamit na si Zeal ng ibang paraan para masiguro na gagawin mo ang lahat para manalo at maiwasang masaktan ng husto.” dagdag niya. “Lalo na ngayong wala kang kahit anong proteksyon.”   Napatingin ako sa aking daliri.   Hindi pa din kasi ibinabalik ni Zenia sa akin ang singsing kaya naman wala akong ibang maaasahan upang hindi masaktan kundi ang aking sarili lamang.   “Marami ang nakataya sa magiging laban mo, Chrylei.” aniya. “Kaya pag-isipan mong mabuti kung ano ang dapat mong gawin nang sa gayon ay makuha mo ang lahat ng iyon gamit ang sarili mong kakayahan.”   Bumuntong hininga ako.   Marami ngang nakasalalay sa bagay na ito.   Ang pagkakataon kong personal na makita ang mga makasaysayang lugar sa buong Attila na hindi pa naisusulat sa mga libro.   Ang posibilidad na may malaman ako sa pinagmulan ng aking angkan.   Ang masigurong hindi na muling magtatangkang magpatayan ng aking mga kaibigan at hindi din sila gumawa ng kahit anong gulo habang nasa paglalakbay kami.   Makasama sila ng mas matagal pa sa iba’t-ibang parte ng mundong ito.   At ang mga impormasyon tungkol sa aking lola na hawak ni Zeal.   Tinitigan ko ang kahoy na espadang aking hawak pagkuwa’y muling bumuntong hininga.   “Mukhang wala naman akong ibang pagpipilian kundi siguruhing matatalo ang lahat ng haharapin ko.” Tumayo ako at nag-inat. “Hindi ako maaaring matalo sa kahit anong laban dito.”   Tumayo din siya at tinapik ang balikat ko. “Then, good luck. Manonood kaming lahat at lagi mong aalalahanin na nakasuporta kami sayo.”   Tumango ako at nagsimula nang maglakad papunta sa arena.   Iginrupo ang mga natitirang maglalaban sa dalawampu at ang bawat grupong iyon ay tuloy-tuloy na maglalaban hanggang isa na lamang ang maiwang panalo at may malay.   Ang bawat panalo sa bawat grupo ay ang siyang makakapasok sa top 20.   May labing lima ang bawat grupo at dahil ako ang pang sampung lalaban ay lima na lamang sa grupo ko ang haharapin ko. Habang ang naunang siyam ay nagpapalit-palit na ng panalo hanggang sa ang lalaking nasa harap ko ngayon ang naiwan upang aking makaharap.   Matira-matibay ang ika nila sa bawat grupo.   “Nakita mo naman siguro ang nangyari sa kalaban ko kanina, hindi ba?” nakangisi nitong sambit. “Mas mabuti pang umatras ka na at sumuko. Hindi nararapat sa isang tulad mong bata ang ganitong laban.”   “Pasensya na.” Inilabas ko ang espada ko. “Pero hindi ko maaaring gawin iyon. Masyadong maraming bagay at imporasyon ang nakasalalay sa labang ito.”   “At sa tingin mo ba ay matatalo mo ako?”   Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko din sigurado.”   “Kung ganoon--”   “Pero kahit ganoon, hindi iyon nangangahulugang basta ko nalang isusuko ang bagay na ito nang hindi lumalaban.” Huminga ako ng malalim. “Kaya mas mabuti pang tumahimik ka nalang at hintayin ang magiging resulta ng labang ito.”   Hindi ako sigurado kung mananalo ako dito. Pero hindi ako susuko ng ganoon na lamang.   Kung kailangan kong manakit ng husto para mangyari iyon ay hindi ako magdadalawang isip na gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD