chapter 7

2017 Words
Kakatingin ko sa oras ay lalo yata bumagal ang galaw nito. Mas lalo akong naiinip dahil Math ang kasalukuyang dinidiscuss ng instructor namin. Basta numero talaga ay sa pagbibilang ng allowance lang gumagana ang utak ko pero kapag ganitong statistics ang usapin ay parang biglang napaparalisa ang brain cells ko at ayaw magsigana. Hindi ko na naiintindihan ang pinagsasabi ng instructor sa harapan ng klase... Alien language na yata gamit nito! Gusto ko nang hilain ang oras para bumilis at nang makalayas na ako palayo sa lintik na statistics table. Nang tumuntong sa eleven twenty-nine iyong oras ay nangunguna na ako sa pagtayo kahit may huling binilin pa ang guro namin ay nasa labas na ako ng classroom eksaktong eleven thirty. Akala nito ay makakahirit pa ito ng ilang segundo mula sa'kin? Asa! On time yata ako palagi basta break time! Tuwina ay para akong hinahabol ng sampung demonyo sa bilis ng kilos ko makalayo lang sa mga numero. Pakiramdam ko ngayon ay punong-puno ang ulo ko kahit wala namang pumasok sa mga tinuturo sa'kin kanina. Puro hangin lang yata ang laman nito dahil malapit ako sa ceiling fan. Lulungo-lungo at parang sabog na papalapit na ako sa entrance/exit ng building namin nang mapansin kong may pinakukumpulan sa isang bahagi ilang hakbang mula rito. Lutang pa ako dahil sa pinagdaanang pakikipagbakbakan sa mga numero kaya lumihis ako ng daan upang maiwasan ang ingay mula sa kumpulan. I need peace and quiet as of the moment! "Lucring!" Ipinilig ko ang ulo dahil naririnig ko ang pagtawag sa pangalan ko ng boses ni Migoh. Resulta na siguro ito ng mga numero kanina. Hallucinations! "Lucring!" Pati sina Menggay at Tokning ay naririnig ko na rin! Masama na ito! Kailangan ko na sigurong mag-shift ng course doon sa walang Math! Dahil muling naulit ang pagtawag sa pangalan ko ay napilitan akong lumingon doon sa kumpulang pinanggagalingan ng mga tumatawag sa'kin. Ang plano kung pagsulyap ay nauwi sa paninitig na may kasama pang pag-awang ng bibig dahil nakatayo sa gitna ng kumpulan iyong dalawa kong kaibigan at katabi ng mga ito si Migoh na kumaway-kaway pa sa direksiyon ko. "Anong ginagawa-" Napahampas ako sa sariling noo nang maalala ang huli naming usapan. Kasalanan talaga ito ng Math at muntik ko nang makalimutang ililibre kaming magkakaibigan ni Migoh ng lunch! Saktong at nag-uumapaw ako sa stress kaya kailangan kong kumain ng manok na inaalagaan sa stress-free environment kahit ang totoo ay gusto kong maging manok na lang! "Migoh! Bayaw!" malakas kong sigaw habang patakbong lumapit sa kanila. Gusto ko sanang magsumbong sa dinanas na pang-aapi mula sa mga numero pero napahinto ako dahil malakas na singhapan mula sa mga nasa paligid. "Oh bakit? May problema kayo?" mataray kong baling sa mga ito. Karamihan sa mga nandito ay ka-batch ko. Freshmen pa kaya pa-chill-chill lang at hindi katulad no'ng mga nasa higher level na hindi na yata marunong ngumiti dahil pasan na ang buong daigdig sa dami ng mga ginagawa. Handa ko pa sanang ipaglaban ang karapatan ko bilang hipag ni Migoh kung sakaling may magpoprotesta pero may humila na sa'kin palayo sa kumpulan. Tinaasan ko ng makapal kong kilay ang mga natulalang mga naroon na hindi ko alam kung mga estudyante pa ba o mga chismosa lang na ngayon ay inggit na inggit sa'kin dahil si Migoh lang naman ang humila sa'kin. Hindi makapaniwala ang mga inggitera na hawak-hawak ni Migoh ang kamay ko ngayon habang sinasabay ako sa paglalakad nito. Bawat nadadaanan namin ay napapahinto talaga at maang na napapatitig sa magkahugpong naming mga kamay kaya feel na feel ko ang pagiging kabogera habang papasok kami sa bonggang cafeteria ng university. Buong building ito kung saan ay may pwesto iyong ilang commercial fastfood chains kaya hindi na kinakailangang lumabas iyong mga estudyante. Nasa itaas ang pakay naming kainan kaya kinakailangan pa naming dumaan sa ilang pasilyong walang gaanong tao dahil under renovation ang ilang stalls para sa bagong uukopa rito. Di bale na basta maganda ako at mahaba ang kulot kong buhok sa mga oras na ito. Mabuti na nga lang at naunang naglalakad sina Tokning at Menggay kaya hindi nila ito matatapakan. "Migoh." Parang biglang tumigil ang mundo ko dahil sa narinig kong boses na tumawag sa pangalan ni Migoh at kasabay rin niyon ay ang pagtigil namin sa paglalakad. "Rusca." May nahihimigan akong pang-aasar sa paraan nang pagbigkas ni Migoh sa pangalan ng kapatid. "Pauwi ka na?" Guni-guni ko lang yata iyon dahil muli ay bumalik na sa normal ang tono nito nang muling magsalita. "May gusto sana akong sabihin sa'yo," walang kangiti-ngiting tugon ni Rusca. Diretso lang talaga siyang nakatingin kay Migoh at ni hindi man lang aksidenteng naligaw sa direksiyon ko ang tingin nito. Nakakatampo naman... katabing-katabi lang ako ng kausap niya pero parang hangin lang akong lampas-lampasan ang tingin niya! Hindi niya ba ako kayang tingnan dahil baka hindi niya makontrol ang sariling mahulog sa'kin? Maiintindihan ko naman iyon! "As you can see, I'm with someone." Pasimple akong inakbayan ni Migoh at bahagya ako nitong kinabig palapit upang pagtuunan ng pansin ng kausap. "Ayaw mo bang batiin ang manliligaw mo?" udyok pa nito sa kapatid. Nang tumutok sa'kin ang asul na mga mata ni Rusca ay malakas na kumabog ang puso ko. Malakas ngang talaga ang tama ko sa kanya! Tingin pa lang iyan mula sa kanya pero para na akong maloloka! "Hi, Rusca," nakangiti kong bati sa kanya. Ako na iyong nagkusang unang bumati at baka nahihiya lang siya. Walang kaso sa'kin iyon dahil makapal ang mukha ko at mahal ko na yata talaga siya! Noong una ay medyo-medyo pa pero ngayon ay sure na sure na! "Don't talk to me," mahina pero masungit niyang sagot sa'kin. Madrama akong napatakip kunwari ng bibig gamit ang malaya kong palad. "Grabe ka naman!" eksaherada kong pahayag. Nilakasan ko iyong boses ko upang marinig no'ng mga chismosang nakikisagap sa tabi-tabi at kinwari ay napapadaan lang. "Huwag mo nang pagselosan itong kapatid mo. Friends lang kami kahit parang ayaw na niyang pakawalan ang kamay ko." Ang mensaheng iyon ay para sa mga nasa paligid namin na lantaran na ang pang-uusyuso at tulad ng inaasahan ko ay umugong ang bulong-bulungan mula sa mga ito. Ang daming audience namin kaya magana akong mag-drama... malay natin baka makuha akong extra sa teleseryeng may babaeng lumilipad! Hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Migoh at baka ito ang sasabotahe sa'kin pero mukhang hindi naman mangyayari iyon dahil narinig ko ang mahina nitong tawa at halatang aliw na aliw sa mga nangyayari habang iyong kapatid nito ay hindi maipinta ang mukha. Tumalim ang tingin ni Rusca sa'kin pero nginisihan ko lang siya. Pahirapan kasi siyang suyuin eh, kaya heto tuloy at nauwi kami sa eksenang paspasan. "Wala kang dapat alalahanin dahil para sa'kin ay ikaw pa rin ang bebe ko!" Sinundan ko ng kindat ang sinabing iyon na lalong ikinapula ng mukha niya. "Oy, nagba-blush siya... kinikilig!" Pareho naming alam na hindi dahil sa kilig ang pamumula niya pero hindi iyon alam ng mga chismosa sa paligid kaya sinamantala ko. Sa mga nagaganap ay si Migoh lang ang tanging nakakaalam na puro kalokohan lang ang mga lumalabas sa bibig ko at mukhang konting tulak na lang at tuluyan na itong gugulong sa kakatawa. May future pala ako sa pagiging komedyante. Aliw na aliw kasi ito sa bawat banat ko o sadyang pareho lang kami na gustong-gusto na nakikitang naaasar itong si Rusca. Sa ganitong paraan lang kasi ako nakakakuha ng reaksiyon mula saseryoso niyang mukha. At tulad ng inaasahan ko ay hindi na siya mukhang seryoso at malamig ngayon dahil namumula na siya at halatang nag-iinit sa galit at malapit nang sumabog. "One word... just one word and you're done." Naitikom ko ang bibig hindi dahil sa natatakot ako sa nakikita kong pagbabanta sa matatalim na tingin ni Rusca sa kabila nang nalumanay niyang pagsasalita kundi ay dahil- "Gutom na ako," paanas na bulong ni Migoh sa mismong tapat ng tainga ko. - ito iyong dahilan nang bigla kong pagkatameme! Napansin kong sobrang lapit na sa'kin ni Migoh at nararamdaman ko ang pagtama ng mainit niyang hininga sa leeg at gilid ng mukha ko. Nakalimutan kong akbay-akbay pala ako nito kaya isang kabig pa at halos nakayapos na ito sa'kin. Gusto kong mapalunok pero bigla yata akong natuyuan ng lalamunan kaya tanging nagawa ko ay salubungin ang mga tingin ni Rusca. Talo ko pa ang tumirik sa kinatatayuan! Ayaw kong balingan si Migoh dahil sobrang lapit pa ng mukha niya sa'kin at tiyak maling galaw ko lang ay may mangyayaring higit pa sa aking inaasahan... malakas lang pala ang loob ko at magaling lang ako sa salita pero hindi ko pala kayang panghawakan ang wari'y pagkakabuhol-buhol ng mga bituka, atay, at balumbalunan ko dahil sa intensity nang pagkakadikit ko sa katawan ni Migoh. Masarap mang pagnasahan si Migoh kahit nasa malayo ay iba pa rin talaga kapag ganitong damang-dama ko ang mainit niyang hininga at matigas niyang katawan dahil bigla ay para akong nauubusan ng lakas. Partida may iba pang mga nasa paligid na nakatingin sa'min niyan pero itong senaryong nabubuo sa utak ko ay nakakapanginig na ng mga tuhod. Ini-imagine ko na ang future kung saan ay hindi na pang-minor iyong mga kaganapan. Kung saan ko man nahugot ang mga eksenang nakakahingal at nakakapawis ay wala akong ideya. Napasinghap ako at mabilis na nabalik sa reyalidad nang biglang mula sa pagkakaakbay ni Migoh ay natagpuan ko ang sariling napasubsob sa matigas at mabangong dibdib ni Rusca. Kanina ay hindi lang pang - minor iyong mga eksena... ngayon ay full blown porn na talaga! Bakit naman kasi walang pasabi kung manghila itong si Rusca? Ayan tuloy... halos nakayakap na ako sa kanya! Sinisigaw ng utak ko na samantalahin ko ang pagkakataon pero hindi na kailangan iyon dahil mas advance ang mga kamay ko... in split seconds ay nagawa na ng mga itong pasimpleng pumisil sa pwedeng pisilin. "Don't touch her!" mahina pero paangil na pahayag ni Rusca. Bigla tuloy akong natigil sa ginagawang pag-touch-touch. "Why?" natatawang tanong ni Migoh. "She's soft..." Masyado akong guilty kaya kahit hindi naman pala para sa'kin ang naunang pahayag ni Rusca ay natatamaan ako nang kusa! Isang nagbabanta at galit na ungol ang tugon ni Rusca sa sinabi ni Migoh kaya napatingala ako sa mukha niya. "f**k you!" nagtatagis ang bagang na mura ni Rusca sa kapatid habang nakatuon dito ang galit na mga mata. Kanina lang ay sa'kin siya galit pero ngayon ay mas galit yata siya kay Migoh. Naguguluhan na ako! May saltik pa yata itong lalaking balak kong pikutin! Change plan na ba? Abort mission and change target? Nang sulyapan ko si Migoh ay nagsalubong ang tingin namin. Isang ngiti ang ibinigay nito sa'kin na nagpatibok-t***k sa magulo kong puso. Sa kakatingin ko yata 'to kanina sa mga numero kaya hindi lang utak ko iyong apektado kundi pati puso. Target lock! "Damn!" Mabilis din agad akong napabaling hay Rusca dahil sa muli ay malutong niyang pagmumura. Sumalubong sa'kin ang nanunumbat niyang tingin na para bang ang laki ng nagawa kong kasalanan sa kanya. Hindi ko pa naman siya napikot pero bakit parang sinusumbatan na niya ako? "Babawiin ko na!" natitilihan kong bulalas na ikakunot ng noo niya at lalong ikinasalubong ng kanyang mga kilay. "Hindi na kita liligawan," mabilis kong dugtong. "What?" Gusto kong mapangiwi sa dumadagundong niyang tanong. Lalo ko yata siyang ginalit. Nang suyurin ko ang paligid ay tsaka ko lang napagtantong wala nang mga taong nakikiusyuso... kaming tatlo na lang ang natira sa hallway. Pati iyong dalawa kong mga kaibigan ay biglang nawala! Imposible namang iwanan ako ng dalawang iyon! "Para kumalma ka na ay hindi na ako aakyat ng li-" Napahinto ako sa pagsasalita at napangiwi dahil muli ay dumadagundong sa paligid ang sunud-sunod na mura ni Rusca... in different languages! "Minura mo na nga ako tapos wala pang translation," pabuntong-hininga kong reklamo. Malakas na tawa mula kay Migoh ang sunod na bumulabog sa paligid. Wala akong nakikitang nakakatawa! Magkapatid nga sila... ang lala ng trip! Pareho naman kaming nagugutom na nitong si Migoh pero mabilis agad bumigay ang turnilyo nito sa utak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD