Naririnig ko ang malakas ng t***k ng sarili kong puso habang lulan ako sa sasakyan ni Rusca. Nagpresenta siyang ihatid ako matapos ang kissing session namin kanina. Hanggang ngayon ay parang panaginip lang ang lahat. Damang-dama ko pa rin ang iniwang sensasyon ng mga labi ni Rusca sa sarili kong mga labi. Kahit napakakomportableng maupo rito sa mabango niyang sasakyan habang katabi ko ang taong pangarap kong pikutin ay hindi pa rin ako mapakali. Pinapangunahan na kasi ako ng mga eksenang naglalaro sa utak ko. Iniisip ko kung ano ang gagawin ko kung sakaling bigla ay magyaya itong kasama ko na sasaglit muna kami sa malamig na lugar? Hindi ko alam kung papaano sumang-ayon nang hindi masyadong halatang atat na atat akong makasama siya sa ganoong klaseng lugar! Dumagdag pa sa mga isipin