Ilang hakbang din ang nagawa ko bago ako huminto upang lingunin si Rusca. Nagkasalubong ang mga mata namin dahil sinundan niya pala ako ng tingin. Lalo kong tinamisan ang pagkakangiti... iyong klase nang tamis na putol agad ang binti dahil sa tindi! "May isang araw ka na hindi mo ako makikita," pasigaw kong sabi. "Pero isang leave me alone mo pa at mamanhikan na ako sa inyo," may pagbabanta kong dugtong habang hindi pa rin nawawala ang matamis na pagkakangiti. Hindi ko maipaliwag ang ekspresyong lumitaw sa mukha niya dahil sa pinahayag ko. Paniwalang-paniwala siguro talaga siya roon sa una kong sinabi na titigilan ko na siya kaya ngayon ay hindi ma-spelling ang mukha niya! Ang laki na ng hirap ko sa panunuyo sa kanya tapos bibitiw lang ako? Sayang naman iyong mga gumamelang pinaghir