Chapter 27 - Welcome home

1363 Words

Kaagad nilanghap ni Shalanie ang simoy ng hangin nang makababa na siya ng eroplano. Na-miss niya ang hangin sa Pinas. “Welcome home,” anya niya sa kanyang sarili. Hindi pa man siya nakakalabas ng airport ay ramdam na niya ang klima dito sa Pilipinas. Summer ngayon kaya mainit at ito naman ang hinahanap hanap ng katawan niya. Sa Canada kasi kahit na maaraw ay malamig pa rin ang temperatura. Noong una niyang salta doon ay nagkasakit siya dahil sa paninibago ng katawan niya sa klima lalo na kapag-winter doon dahil sa sobrang lamig pero hindi nagtagal ay nasanay din ang katawan niya. Hindi na nga niya naisipan pang dalhin ang makakapal niyang mga coat na palagi niyang isinusuot. Wala namang snow sa Pilipinas kaya tiyak na hindi niya ang mga iyon magagamit. Nagpatuloy siya sa paglalakad pal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD