Nakatitig lang ako sa batang kaharapan ko habang hawak ang kamay ng kanyang kapatid. Lalapit na sana ako sa kanya ng bigla siyang maging bula. Tumitig na lang ako sa kisame dahil doon.
Isang beses ko pa lang naman siya nakita noon pero tumatak na siya sa isip ko ng ilang taon. Sobrang nakuha niya ang atendyon ko.
Gising na gising na ako at nakahiga lang sa kama habang iniisip ang plano ko ngayong araw na to, madami pa akong aasikasuhing trabaho. Yun lang ang naiisip ko simula pa kahapon.
Pero matagal ko ng gusto si Genesis kahit nung bata pa siya pero sa tamang panahon. Ang tagal kong naghintay para sa araw na to.
Gusto kong malaman kung may nagbago ba sa kanyang itsura. Sana ay mahaba pa din ang kanyang buhok at morena pa rin kagaya noong bata pa siya.
Natagalan na ako sa pagbangon kakaisip tungkol kay Genesis. Matagal na akong obsess sa kanya simula pa noon. Pero nag leave ako ng isang linggo sa trabaho.
“Senyorito!” magalang na pag tawag sakin ni Manang Hilda at marahan ding kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Alam niya kasing oras na para mag - asikaso para pumasok sa trabaho.
Parang tunay na magulang na rin ang trato sa ko kay Manang Hilda, isang bagay na matagal ko ng hinihiling.
Bumangon na ako para makapag asikaso na at mamaya ay sisimulan ko na ang balak ko ngayong araw na to. Pagkalabas ko ng kwarto ay amoy ko na ang nilulutong almusal ni Manang.
Nagsalin na muna ako ng tubig at umupo sa lamesa. Naglagay na din ako ng kanin at itlog sa plato ko. Nilagyan naman ni Manang ng niluto niyang cornbeef ang plato ko at nilagay ang iba sa isang platito.
“Manang, tawagin mo na din si Yna at kakain na tayo,” utos ko kay Manang at pinagmasdan ko lang siyang umalis papunta sa kwarto nila.
"Naku, madaling araw na naman umuwi yang babaeng yan," reklamo ni Manang sa akin pero bumalik siya dahil gising na ang anak niya at pumupungay pa amg mata.
"Ayusin mo nga muna ang sarili mo bago ka kumain. Nakakahiya ka," maagang sermon ni Manang sa kanyang anak. Normal na umaga na lang ito para sa akin. Sa tinagal tagal ko na silang kasama ay nasanay na lang ako.
Maya maya pa ay lumabas na ang mag ina. Ayos na ayos si Yna ng lumabas siya ng oras na yon pero hindi ko na lang pinansin ang ginagawa niya.
“Goodmorning, Aero,” bati niya sakin at akmang hahalikan ako sa pisngi pero hinila siya ng kanyang ina.
“Yna, ano ba!” saway nito sa anak niya at umupo siya malayo sa akin. Nasa gitna namin si Manang Hilda at masama pa rin ang tingin sa kanyanh anak.
"Anak, tigilan mo na si Aero at hindi kayo pwede sa isa't isa," sabi niya ulit sa anak niya at inabot na ang kanin at ulam.
Hindi na maipinta ang pagkainis ni Yna ng oras na yon at walang gana na siyang kumain pero sinamaan lamg siya ng tingin ni Manang ay kumain na lang siya ng kakaunti.
"Kailangan niyo na po umalis dito pansamantala, Manang. Ngayon ko po sisimulan ang plano ko," sabi ko sa kanila at tumango lang si Manang.
"Yna, hindi mo ba nasabi?" tanong ko sa kanya at umiling lang siya.
"Tulog na siya pagkauwi ko galing kila Ace," sagot niya sa akin at tumango na lang ako.
Matagal ko ng plano ang lapitan si Genesis at mapalapit sa akin ang kanyang loob. Simula ng makita ko siya, limang taon na ang nakakaraan. Gustong gusto ko makilala siya at mapasakin.
Pero hinintay ko rin ang pagdating niya sa tamang edad dahil limang taon ang agwat niya sa akin. Labing anim na taon lang siya ngayon at High School pa lang. Pero kung titingnan ay hindi nagtutugma ang edad niya sa kanyang katawan.
Nagpaalam na muna ako kay Uno na hindi ako magtatrabaho ng dalawang buwan at gusto ko magbakasyon. Agad naman siyang pumayag at tutulungan ko na lang siya kapag wala akong ginagawa.
Nagsho shower na ako ng oras na yon at tingnan ko sa salamin ang katawan ko. Kitang kita pa rin ang peklat ko sa noo at sa tadyang.
Ang iba ay natatakot kapag nakikita nila ang peklat ko sa noo, ang iba naman ay naakit.
Marahan kong hinaplos ang mga ito at inaalala na naman ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng peklat sa aking tadyang.
Isang taon bago mamatay ang mga Jaime ng mangyari ang krimen na iyon ay naging biktima ako ng holdap.
Isang gabi, nag overtime ako sa trabaho ng oras na yon. Paglabas ko ng opisina ay agad akong naglakad papunta ng parking lot pero may tatlong lalaki ang humarang sa daanan ko at tinutok sakin ang isang kutsilyo.
Lahat sila ay nakatago ang mukha at naka jacket ng itim. Mata lang ang kita sa kanila. Halatang tinataguan ang CCTV.
Inakbayan ako ng isang lalaki at hinihila ako habang naglalakad siya. Iyon ang ponakamatangkad sa kanila at dinala ako sa isang liblib na lugar. Alam kong may masama na silang pakay sa akin, sana naman ay makita ng mga guard ito.
"Akin na wallet at cellphone mo," sabi sa akin ng lalaking umakbay sa akin matapos niya akong itulak at napasandal ako sa pader at iniharap niya ako sa kanila. Nakapalibot sila sa akin at inilabas ang balisong na hawak nila. Panay ang paglinga linga ng isa nilang kasamahan sa paligid at natataranta na talaga.
"Bilisan na natin," mahinang sabi niya sa mga kasamahan niya.
Nakatutok pa rin ang kutsilyo sa akin pero may distansya na sila.
Itinaas ko lang ang mga kamay ko at hindi pa rin ako kumikilosdahil baka saktan nila ako. Kinapkapan na lang ako ng isa sa kanila at kinuha ang wallet sa bulsa ko.
"Nasaan cellphone mo?" pasigaw na tanong sa akin pero umiling lang ako dahil wala akong cellphone ng mga panahong iyon.
"Tara na. Wala na tayo mapapala dyan. Tara na!" sigaw ng isa at tumitig ng masama sa akin.
Lumapit siya sa akin at pinagsasaksak ako hanggang sa mawalan ako ng malay.
Pasalamat ako at nakarecover ako. Simula ng insidenteng yon ay nag - training na ako ng self defense at sa bahay na lang ako nagtatrabaho, advice na rin ni Uno. Iniuuwi niya na lang ang iilan sa mga iyon at doon ko na tinatapos.
Kasalukuyan na ako nagdadrive papunta sa school ni Genesis. Nasa labas lang ako at pinagmamasdan ang likod ng nila. Bumaba na muna ako at pumunta sa pwesto ko sa school nila at tumambay sa tindahan.
Kabisado ko na ang paligid ng school niya dahil ilang beses na akong nagpapaikot ikot dito.
Maswerteng araw ko ngayon at pag tingin ko sa bintana, kitang kita ko si Genesis. Unang beses kong puntahan ang mismong room sa school nila ay saktong nakita ko siya agad.
Ilang minuto ko lang siyang tinitigan uli at bumalik na ako ng apartment ko. Dahil tinawagan ako ni Uno para umattend ng meeting. Walang nagbago sa itsura niya at mas gumanda pa siya lalo ngayon.
Pinalipas ko na din muna ang oras at araw. Sapat na makita ko na muna siya.
"Yna, kailan ko makikilala yung schoolmate ni Genesis?" tanong ko sa kanya at nag aalmusal kami kasama si Manang. Kahit may gusto sa akin si Yna ay sinusuportahan niya pa rin ako sa pagkahumaling ko kay Genesis.
"Bukas, foundation week nila. Pwede pumasok ang outsiders, pupunta ako," sagot niya sa akin at ngumiti lang siya sa akin at parang binabasa ang nasa isip ko. Ngumiti ako pabalik sa kanya at pinagpatuloy na ang pagkain. Parang may kung ano sa loob ko dahil makikita ko ng muli si Genesis.
"Mag shopping tayo mamaya, Manang, sumama ka na din po," sabi ko sa kanya pagkatapos ko kumain at iniwan ko na ang mag ina.
Simula ng mamatay sila Don Jaime ay kinupkop ko na sila Manang Hilda at Yna dahil may kanya kanyang katulong na sila Uno at hindi na nila kailangan ng bagong katulong.
Hindi na rin naman bago sa akin sila Manang. Matagal ko ng alam na may gusto sa akin si Yna pero mas pinili kong maging mag kaibigan kami. Pangalawang ina na din ang turing ko kay Manang Hilda.
Lumaki akong walang magulang at pa lipat lipat lang ako ng bahay dahil kinukupkop lang ako nila Tito Marc at Tito John. Pero mas tumagal ako sa puder ni Don Jaime.
Hinayaan ko lang ang mag ina na kunin ang kahit anong gusto nila ng oras na yon. Namili na din ako ng mga stock namin sa bahay dahil sa pagpapaalala sakin ni Manang.
Kinabukasan, maaga ako ginising ni Yna dahil plano namin pumunta sa school nila Genesis. Normal na outfit lang ang suot namin. Pants at tshirt.
Tinawagan ni Yna si Ace at sinalubong niya kami sa entrance ng school at pinagpaalam sa guard.
Madaming tao ng araw na yon at may mga ilang tent din, lahat ay nasa covered court.
"Aero, three o' clock," bulong sa akin ni Yna at agad ako lumingon. Kita ko si Genesis na may buhat na mga upuan at kasunod ang isang lalaki na may buhat din ng upuan.
Pupuntahan ko sana siya pero inawat ako ni Yna at tinuro ang kanyang kamay para sabihin may tamang oras.
Sunod lang ako ng sunod sa kanya. Simula pagpunta niya sa nagtitinda ng mga candy hanggang sa makita kong nilapitan siya ng isang lalaki at pinosasan.
Agad kong nilapitan ang lalaki at sinabing hulihin niya rin ako at isama sa kung saan dadalhin si Genesis. Nag abot ako sa kanya ng pera at sumunod naman siya sa akin. Magkasama kami ni Genesis sa loob ng tent at kaming dalawa lang ang nandoon.
Nakatitig lang sa akin si Genesis at lumayo ng kaunti kaya naisip kong ilabas ang mp3 ko kunyaring nakikinig ako.
Matapos ang isang oras ay pinalabas na kami at mabilis siyang nawala sa landas ko. Alas dos pa lang ng hapon kaya niyaya ko si Yna para umuwi na muna pero mag hinintay daw siya mag uwian sila Ace at mag iinuman.
Umalis na lang ako mag isa at iniwan ko na si Yna. Susunduin ko na lang siya mamaya.
Pagdating ko sa bahay, sinabi ko kaagad kay Manang ang tungkol kay Yna at nagbugtong hininga na lang siya habang nagdidilig ng halaman.
Nanood na lang muna ako ng ilang movie hanggang sa mag alas syete na. Hindi na ako nag hapunan at nagbilin na lang ako kay Manang na mag order na lang siya sa labas.
Nag abang ako ng halos isa't kalahating oras para sa pag labas nila at sinundan lang ang sinakyan nilang tricycle papunta sa isang kilalang fast food.
Pinagmamasdan ko lang sila na masayang kumakain hanggang sa humiwalay na siya at nagpaalam sa kanyang teacher. Agad niya sinagot ang tawag sa kanyang cellphone.
Sa oras na yon ay nilakasan ko ang loob ko para makuha siya sa kanyang guro.
Pagbalik niya at tinawag ko siya saka ako nag pakilala na kapatid niya sa kanyang guro.
Hinila ko siya lalabas ng fast food at hindi naman siya lumalaban sa ginawa ko.
"Sino ka ba!?" tanong niya sa akin at pilit ng inaalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Sumunod ka na lang," sagot ko sa kanya at inilabas ko ang cellphone saka binuksan ang flash light dahil alam kong di siya nakakakita sa dilim.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin kaya mas minabuti ko ilawan ang daananan namin.
"I'm Aero. 25 years old," pag - papakilala ko sa kanya at hawak pa din ang kamay niya.
Natanaw ko na malapit na kami sa lugar nila dahil ilang minuto lang na pag lalakad iyon.
Pero hinila ko siya at isinandal sa isang pader at kinulong sa mga braso ko.
Kitang kita ko ang ekspresyon ng mukha niya. Ang kulay ng kanyang mata. Nakayuko lang ako ng kaunti habang tinititigan ko siya.
"Magkikita pa tayong muli," sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya. Labag sa kanya iyon at pilit niya akong inilalayo sa kanya pero binaliwala ko iyon at mas diniin pa ang halik ko sa kanya.
Hanggang sa naramdaman kong kusa na siyang bumibigay kaya unti unti kong binuksan ang kanyang mga labi at mas inayos ko ang pag halik ko sa kanya.
Naramdaman kong napayakap na siya sa akin habang hinahalikan ko siya kaya mas tinagalan ko pa ng kaunti.
Bumitaw ako sa halik na yon ng dahan dahan at pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Nang aantay ako na sa sampalin niya ako pero wala siyang ginawa. Dinampian ko muli ang labi niya ng halik ng may napansin ako mga lalaki na papalapit sa amin.
"Wow, chicks! Baka naman pwedeng makishare sayo, brader," sabi sa akin ng isang lalaki at akmang hahawakan na si Genesis ng lumingon ako sa kanya.
"May tiwala ka naman sa akin diba?" tanong ko sa kanya at alam kong nagdadalawang isip pa siya sa isadagot niya sa akin pero tumango na lang siya.
Hinihila na ng mga kasamahan niya ang lalaki pero ayaw magpaawat.
"Pare, tara na. Hayaan mo na sila. Pasensya na kayo ha," pagpapaumanhin na sabi ng lalaki pero nakabitaw siya sa kapait ng kasamahan niyanat talagang nay balak siya kay Genesis. Hindi niya talaga mapigilan ang tawag ng laman kapag lasing, sige. Ibibigay ko ang gusto niya.
"Halika na, iuuwi na kita," bulong ko kay Genesis at tumango naman siya sa akin. Naglakad na kami pasalubong sa lalaki ng bigla na naman itong nag - amok papunta sa amin.
Hinawakan ko ang braso ni Genesis at itinulak siya sa mga lasing na lalaki. Agad kong kinuha ang nakita kong dos por dos sa isang gilid.
Nung akmang hahawakan na ng mga ito si Genesis ay isa isa kong pinaghahampas ang likod at braso nila ng hawak kong kahoy.
Narinig kong sumigaw na si Genesis at hawak ng isang lalaki ang ulo niya at inaalis ang kamay ng lalaki sa pagkakasabunot sa kanya.
Hinablot ko ang isang lalaki at pinagsusuntok ang mukha nito at inihagis sa sahig. Pinakita ko iyon sa lalaking nakahawak kay Genesis at kusa na itong bibitawan si Genesis at tumakbo papalayo.
Nilapitan ko si Genesis para tulungan siyang tumayo. Iyak lang siya ng iyak ng oras na yon dahil sa takot at inaayos niya na ang ganyang gamit ng iabot ko ang kamay ko sa kanya pero hinawi niya ito.
Dahan dahan siyang tumayo at lumayo sa akin habang inaayos ang kanyang itsura at buhok. Ilang beses niya akong sinampal ng oras na yon at hinayaan ko lang siya.
Wala sa plano ko ang mapahamak siya. Ang gusto ko lang ay mapalapit sa kanya pero ito ang unang nangyari.
Ngumiti na lang ako para ipakitang ayos lang ang ginagawa niyang pananakit sa akin.
Lumalakad na siya papalayo sa akin at pinagmasdan ko lang siyang makauwi sa bahay nila.
Hinawakan ko ang mukha ko na masakit dahil sa mga sampal niya sa akin. Habang nasa kotse ako. Tinawagan ko si Yna para sunduin na siya at nag aalala na si Manang.
Pagdating ko sa lugar kung nasaan siya ay lasing na lasing na siya at inaalalayan siya ni Ace. Isinakay na siya sa kotse at agad na akong umuwi.
Binuhat ko na lang si Yna papasok ng bahay at sa kwarto nila ni Manang. Inihiga namin siya sa kama.
"Salamat, Aero. Anong nangyari sa mukha mo?" tanong sakin ni Manang at hinaplos ang pisngi ko.
"Sinampal po ako ni Genesis," sagot ko kay Manang at ngumiti lang ako sa kanya.
"Naku, bakit ka naman sasampalin? Sinaktan mo ba siya anak?" tanong niya sa akin at umiling lang ako saka kinuwento ang nangyari sa kanya.
"Ikaw na bata ka. Masyado ka kasing mapusok. Hinalikan mo agad. Ligawan mo na muna," payo sa akin ni Manang at hinawakan ang kamay ko. Nasa sala na kami ng oras na yon dahil tulog na tulog na si Yna at ayaw niyang nagigising siya.
"Anak, kung gusto mo talagang mapasayo si Genesis, paghirapan mo. Kalimutan mo na ang nakaraan. Nakaganti na tayo. Tama na yon. Wag na natin pang dagdagan. Kung gusto mo talaga siya mapasayo, alam kong alam mo ang dapat gawin. Nandito lang kami susuporta sayo. Wag mo na isipin yang si Yna. Hindi kayo para sa isa't isa, " sabi sa akin ni Manang at umalis na siya sa harap ko.
Pumasok na din ako sa kwarto ko at agad na akong naglinis ng katawan.
Habang nasa shower, pumapasok pa din sa isip ko ang itsura ni Genesis habang takot na takot siya. Ang pag galaw ng mata niya. Lahat. Hindi matigil sa utak ko ang pag paulit ulit ng lahat.
Pati ang malambot niyang labi ay nararamdaman ko pa rin kahit may oras na ang lumipas. Tinitigan ko ang mukha ko sa salamin at kaunti na lang ang pamumula nito.
Nagbihis na ako at nahiga. Hanggang sa panaginip, naiisip ko pa rin si Genesis.