Isang linggo na ang nakakalipas simula ng makadaungang palad ko talaga sa personal si Genesis. Ang matagal ko ng pinapangarap ay natupad na rin. Gusto ko uli siyang makita pero hindi ko alam kung papaano at kung ano ang gagawin ko kapag kasama ko na siya.
Buong buhay ko, ngayon lang ako magkaganito dahil sa isang bata. Buong gabi akong nag - isip hanggang sa makatulog na ako.
Nagising ako dahil sobrang init ng apartment ko kaya naihilamos ang aking kamay sa mukha ko. Naaaala ko ang gabing hinalikan ko sya. I kissed a Monticello. Noon ay hanggang tingin lang ako sa kanya pero kagabi ay parang isang panaginip.
Wala akong balak halikan siya. Gusto ko lang magkaroon kami ng koneksyon dahil alam kong kakailanganin ko siya balang araw. Pero nung makita ko ng malapitan ang kanyang mukha.
Sobra sobra ang kilabot na dulot niya sa akin ng makausap ko siya, mahalikan at mahawakan.
Ang maamo niyang mata, ang matangos niyang ilong, ang bibig niyang sobrang pula at pumupula ang kanyang pisngi lalo na pag natatakot ito.
Matagal ko ng sinusundan sundan si Genesis Monticello. Sa tulong nila Manang at Yna, nakakakuha sila ng mga details tungkol kay Genesis.
“Diba may dalagang anak sila Anna at Fernan, Hilda?” tanong ko kay Manang noong mayordoma pa siya ni Don Jaime habang pinaghahanda ako ng tanghalian. Isang linggo pagkatapos ko unang makita sa isang party si Genesis kasama ang kapatid niya. Inimbitahan sila ni Don Jaime dahil malapit sila sa pamilya nito.
Abala noon na makipag - usap ang mga magulang niya sa ibang bisita ni Don Jaime kaya nasa sulok lang siya pero kapansin pansin talaga ang andang mayroon siya.
“Oho, senyorito. Minsan ay nagpupunta na yon sa bahay ng lolo niyo. Maganda po ito senyorito. Bakit niyo po naitanong?” sagot saken ni Hilda at patuloy sa pagsasandok ng kanin.
“Ah. Wala naman Manang. Nababalitaan ko lang naman," sagot ko sa kanya at nagsimulang na akong ayusin ang schedule ko sa trabaho at sa ibang lakad ko.
Every weekend ako tumatambay sa harap ng school nila hanggang sa makakilala ako ng mga taong pwedeng tumulong sa akin at nakuha ko ang kanyang number dahil sa kanila. Sikat siya sa kanilang eskwelahan dahil sa taglay na ganda at katalinuhan ni Genesis.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinatawagan ko siya. Isang ring lang ay binaba ko na ang tawag pero pagkatapos noon, tinawagan ko siya uli at sinagot niya ang tawag. Sinabi ko sa kanyang magkikita kami mamaya at matagal bago siya nakasagot. Naiimagine kong natatakot na naman siya at gusto kong makita ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Nag - ayos na ako dahil dalawang oras na lang ay uwian na nila. Malapit lang ang apartment ko sa school nila kaya naman tumambay na lang muna ako sa isang bilyaran at nanood sa mga naglalaro doon.
Twenty minutes na lang ay maglalabasan na sila Genesis kaya nagyosi muna ako at nakatayo lang sa isang kanto. Pagkatapos nun, kitang kita ko si Genesis na nagpapaalam sa mga kaklase niya at saka lumiko na sa direksyon papunta sa park.
Dahan dahan pa ang paglalakad niya at panay ang patingij sa cellphone niya.
Sinundan ko lang siya habang naglalakad at pinagmamasdan ko lang kung pano siya maglakad. Masyadong mahinhin.
Nakita ko siyang umupo na sa isang bench at palinga linga. Nakapatong ang dalawa niyang kamay sa kanyang tuhod at inililibot ang kanyang ulo sa paligid.
Umupo na ako sa kabilang bench at nakatitig lang sa kanya. Hindi ko pa magawang lumapit at baka matakot lang siya.
"H-hello.," bati sa akin ni Genesis ng makita niya ako sa kabilang bench. Tumayo ako at umupo sa bench kung san siya nakaupo at nakita kong umaatras siya ng kaunti.
Hindi ko na pinansin ang bati niya sa akin at hindi ko na rin mapigilan ang ngiti ko sa ginawa niyang pag atras, kitang kita ko sa mukha niya ang takot. Hinila ko na siya papunta sa balak kong pagdalahan sa kanya.
I want to be gentle to her but seeing her reactions is awesome.
"Sasama naman ako ng malumanay sayo, hindi mo ako kailangang kaladkarin. Sabihin mo lang sakin kung saan," sagot niya sa akin pero ramdam ko sa boses niya ang takot.
Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin lang siya sa akin at parang iiyak. Kaya binitawan ko na ang kamay niya at pinauna ko siyang maglakad habang nakahawak ako sa balikat niya dahil maliit naman siya.
Ayos lang sa kanya na ganun kami kalapit. Inosente siya masyado. Naive. Sumakay kami ng kotse papunta sa sementeryo dahil may kalayuan ito kung lalakarin.
Tahimik lang akong nagmamaneho at pinagmamasdan ko lang siyang tumitingin sa paligid.
Ilang minuto lang ang layo ng sementeryo sa bahay niya at medyo mataas pa ang araw kaya mainit pa din ng kaunti. Pero hindi man lang siya nag aalalalang umitim dahil sa araw hindi kagaya ng ibang babae.
“Wala ka bang payong? Ang init init eh,” sabi ko sa kanya pero umiling lang siya.
Hindi ko na pinilit iyon at tumingin na lang ako sa flowershop at bumili ng tatlong puting rosas.
"Para kanino ba yan? At sinong pupuntahan natin dito?" tanong sa akin ni Genesis pero hindi ko yon pinansin.
Dala dala ko lang ang bulaklak at hinanap ko ang puntod niya. Ang aking ina. Hindi naman mahirap hanapin yon dahil special ang lapida nito.
Nilapag ko lang ang bulaklak at pinagmasdan ang lapida at umupo sa damuhan.
Ang magulang ko na hindi ko man lang nakita at naranasan ang pagmamahal.
"Siya ba ang mama mo?" tanong uli ni Genesis sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin.
“Ok lang kung hindi mo masasabi yan sa akin. Pero sana masabi mo sa akin balang araw,” sabi niya uli sa akin at umupo na rin siya sa damuhan at tinitigan lang ako.
“What do you mean, balang araw? Umaasa ka bang magiging kaibigan kita?” tanong ko sa kanya at nakita kong nag kuyom na lang sya ng labi. Ilang minuto rin kaming nakaupo doon at alam kong pinahiya ko na naman siya.
"Alam mo bang wala akong masyadong kaibigan? I mean, madami akong kakilala pero wala akong matawag na totoong kaibigan sa kanila,” sabi niya sa akin. Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya at sa ganda niyang yan? Pero baka totoo rin naman at baka maraming babae ang naiinggit sa kanya.
Madami siyang nakakasap na ibang tao at madaming nakakakilala sa kanya pero hindi niya kilala ang mga yon. “Liar,” bulong ko sa sarili ko at hindi iya naman iyon narinig.
“Magulang ko lang ang nakakausap ko sa mga bagay bagay at nasasabi naman nila ang lahat sa akin," sabi niya uli at biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Ayaw ko marinig ang tungkol sa mga magulang niya.
Matagal na akong pinipigilan ni Manang Hilda dahil sa nakaganti naman na ako sa mga may kasalanan sakin pero hindi pa rin ako nakukuntento.
"Tama na pagsasalita mo tungkol sa mga magulang mo!" paulit - ulit na nagrereplay sa isip ko. Gustong gusto kong sabihin sa kanya yon para naman makita niyang dapat siyang matakot sakin.
Hinawakan ko ang kamay niya at sumakay ulit kami sa tricycle. Hindi ko sinabi sa kanya kung saan kami pupunta pero hindi rin naman siya nagtatanong kaya pinagpatuloy ko ang isama siya sa lahat ng gusto kong puntahan.
Hindi man formal na date ang ginagawa ko pero atleast, kasama ko siya sa paglilibang at hindi naman siya pumapalag sa akin.
Nagningning ang kanyang mata ng makita na sa isang perya kami pupunta. Para siyang bata pero bata pa naman talaga siya. She’s 16. Balak ko talaga tong gawin para makuha ko ang loob niya. Gustong gusto kong mapalapit sa kanya.
“Alam mo bang matagal ko ng balak pumunta sa perya pero hindi ako pinapayagan ng mga magulang ko,” sabi niya sa akin at dire diretso lang siya at nahahatak ako sa paglalakad niya ng mabilis.
”Masyado bang mahigpit ang mga magulang mo?” tanong ko sa kanya at lumingon siya sa akin at kitang kita ko ang sya sa mukha niya.
Mas maganda siya pag masaya at mukhang anghel ang dating niya sa akin. Kung may anghel man sa mundo, nasa harap ko na iyon at hinding hindi ko papakawalan ang nasa harap ko. Nakatingin lang ako sa kanya at sumunod habang pinagmamasdan ang pagkamangha niya.
Aaminin kong na nagagandahan talaga ako sa kanyang panglabas na anyo. No one can resist someone like her. Kaya nga madaming gusto siyang maging kaibigan eh. Pero hindi niya tinatatak sa isip niya ang itsura niya.
"Aero, may mga kapatid ka ba? Kung wala, ako na lang ang magiging kapatid mo. Pangarap ko magkaroon ng lalaking kapatid. Ako ang panganay," sabi niya sa akin at tumingin sa mga kamay namin na magka hawak ng oras na yon. Mas hinigpitan ko ang kapit sa kamay niya dahil doon.
“Hindi ko kelangan ng kapatid. And besides, siblings don’t do this kind of things," sabi ko sa kanya at iniangat ko ang kamay namin at inilapit ang bibig ko sa tenga niya.
"I want you to be mine,” bulong ko at naramdaman ko ang pagstatwa niya ng oras na yon. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa kanya. I really do want her. Only mine, alone.
Tahimik lang kaming naglibot libot sa perya at niyaya ko siyang maglaro. Dun ko nalaman na first time niya lang talaga sa perya dahil hindi siya marunong maglaro ng bingo at yung paghahagis hagis ng piso pero ang galing niyang manghula sa color game.
Nung nakita niya ang Ferris Wheel ay hinaktak niya akong sumakay doon at pinagbigyan ko naman siya.
Tumingin ako sa relo ko at napansin kong alanganing oras na. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa kanya.
"Hindi mo pa ba naiisip umuwi?" tanong ko sa kanya habang nasa Ferris wheel kami at magkahawak ang kamay. Kitang kita ko ang pagkamangha niya sa mga ilaw ng buildings. Kinuha niya ang cellphone niya at tiningnan ang oras.
“OMG! Oo nga. Tara na at baka magalit pa ang nanay ko,” sabi niya sa akin at hinintay na lang namin maubos ang oras ng Ferris wheel. Nag tricycle na lang kami uli at bumaba na kami sa isang kanto at naisip na maglakad na lang para mas mura ang babayaran.
Nung isang kanto na lang ang layo namin sa street nila ay bigla akong niyakap ni Genesis.
“Kung ano man ang nagawa ko sayo, patawad,” bulong niya sa akin at saka nagumpisang lumakad papunta sa bahay nila.
Hindi ko alam kung anong nasa isip niya at ginawa niya yon pero pakiramdam ko ay hinatak ako ng sarili kong paa at nakita ko na lang na nasa harapan ko na uli si Genesis.
“May nakalimutan ka ba?” tanong niya sa akin at nakita ko ang mapungay nyang mata pero hindi maalis sa paningin ko ang mapupula niyang labi. Maganda si Genesis kahit walang make up at isa yon sa nagugustuhan ko sa kanya.
I kissed her and she did like it this time. Nawala na ako sa wisyo at hinalikan ko sya ng marahan. Agad ko siyang inilayo sa akin at tinitigan ko sya. “Ako ba ang first kiss mo?” tanong ko sa kanya at namula na naman siya.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya tumalikod na lang ako at iniwan ko siya doon.
Nagpaikot ikot lang ako sa kama ng makauwi na ako. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang mas matimbang. Galit o ang makasama si Genesis?
Natigil lang ako ng biglang kumatok si Manang at niyaya akong kumain. Nagpabalik balik lang ang tingin ko sa kanila ni Yna dahil masyadong tahimik.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam.
Hindi ko masabi sa kanila na kasama ko si Genesis kanina at baka pagsabihan na naman ako ni Manang Hilda.
Pagkatapos kong kumain ay nag ayos na ako at dumiretso uli sa kwarto ko para mag asikaso ng sarili at magcheck ng ilang emails galing kay Uno.
Pero kahit anong pilit kong ituon ang atensyon ko sa trabaho ay mukha ni Genesis ang naiisip ko.
“Thank you kasi dinala mo ko sa perya. Sa uulitin,” text niya sa akin at hindi ko na sana sasagutin pero gusto kong magkaroon kami ng connection.
Nakahiga lang ako ng maayos at nakapat ang mga binti at kamay ko sa kama habang nakatingin ako sa kisame.
"Ok,” reply ko sa kanya at ibinaling ko na lang sa trabaho ko ang isip ko at itinago ko na ang cellphone ko.
Halik pa lang niya, nababaliw na ako. What more, kung maging akin talaga siya? Hindi na talaga ako mapakali kaya lumabas ako ng kwarto at uminom na lang ng alak.
Aalisin ko na talaga siya sa sistema ko at sana, hindi ako traydorin ng sarili kong katawan at pag iisip.
Dalawang linggo na simula ng makasama ko siya at pilit kong iniiwas ang sarili ko sa kanya. Pumasok na lang muna ako uli sa trabaho at naging abala na sa mga ilang bagay.
Hindi ko na siya sinasagot sa mga text niya sa akin dahil mas madalas computer na ang kaharap ko. Itinigil ko na din ang pagpunta sa school niya at ang pagbabasa ng mga text sa akin ni Ace tungkol sa mga ginagawa niya sa school.
Habang nasa meeting, Ipinasok ng secretary ang kakainin ng mga ka business partners namin. Isang pagkain na iniorder sa kilalang fast food.
Naaalala ko na naman ang unang araw na mahawakan ko si Genesis pagkakita ko sa pagkain.
Agad ako nag excuse at nag dial ng nag dial ng number niya pero hindi niya ito sinasagot.
Si Ace ang tinawagan ko at nalaman kong Prelim Exam pala nila ngayon at baka nag aaral ng maigi si Genesis kaya itinext ko na lang ang gusto ko sabihin sa kanya.
Naisip kong masasayang kapag nawala ang connection ko at ang hirap ko sa pagsubaybay kaya naman itinuloy ko na ang pakikipagkaibigan ko sa kanya.
“Meet tayo.”
“Where are you?”
“Magreply ka.”
“Let’s meet. Please reply. ASAP.”
“Sorry, busy ako. Saan, kelan at anong meron para magkita tayo, may okasyon ba?” tanong sa akin ni Genesis at hindi ko na hinintay ang reply niya ng oras na yon basta alam kong makakasama ko siya ulit. Bahala na kung anong maisip kong gawin.
Pagkalabas ko ng meeting room, tinawag ko ang secretary ko at hinila siya ng kaunti papunta sa walang tao na lugar.
"Lina, ano ba ang magandang gawin kapag may high school ka na kasama?" tanong ko sa kanya at gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha pero tumikhim siya bago ako sagutin.
"Sa mga playing center niyo po dalhin. Sa Time Zone o kaya, magtingin tingin kayo ng mga libro. Bigyan niyo ng stufftoy," sagot niya sa akin at tumango na lang ako sa kanya at nagpasalamat bago ko siya talikuran.
Mabilis natapos ang meeting pagkabalik ko sa room kaya niyaya ko si Uno para mag yosi break.
"Bro, may problema ba? Inaatake ka na naman ba?" tanong niya sa akin at umiling lang ako saka tinitigan lang siya.
“Naaalala mo ba yung batang nasa party noon at nag unahan pa tayo?" tanong ko sa kanya at humithit ako sa yosi saka tinitigan siya.
"Yes, Bro. Bakit? Don't tell me, kursunada mo talaga at pinahanap mo?" tanong sa akin ni Uno at tumango na lang at tinapon ang upos ng sigarilyo.
Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko dahil nag vibrate ito.
Tumalikod muna ako sandali kay Uno pero inagaw niya ang cellphone ko at nagpunta ng cr. Agad akong sumunod sa kanya pero ilang minuto na siyang na doon bago siya lumabas ng naka ngiti at binalik sakin ang cellphone ko.
Tinext niya si Genesis at niyaya na magpunta sa isang amusement Park. Nag vibrate uli ang phone ko at text na naman ni Genesis ang rumehistro.
“Yes,” reply sa akin ni Genesis at itinago na ang cellphone ko. Nag-tagal lang ako nakatayo sa tapat ng cr dahil doon.
Wala akong karanasan sa pakikipag fling sa mga babae dahil simula noon hanggang ngayon, si Genesis lang ang nakakuha ng atensyon ko.
"Ilibre mo ko alak sa susunod!" sigaw niya sa hallway at nagkatinginan ang mga empleyado namin kaya kumunot ang noo ko.
Tumatawa tawa pa si Uno hanggang sa makapasok na siya sa opisina niya.
Bumalik na din ako sa opisina ko at agad ako nagpa book sa secretary ko ng ticket at nagsearch sa Internet ng magandang gawin during dates. I never thought I will do something like this. I feel so gay.
Inihilamos ko na naman ang kamay ko sa mukha ko at tumingin sa computer.
Pakiramdam ko ay ginayuma ako ni Genesis dahil nakakagawa ako ng bagay na hindi ko ginagawa noon. Isang anghel na may dalang gayuma. What have you done to me, Genesis?