bc

Genesis With The Killer

book_age18+
615
FOLLOW
1.0K
READ
revenge
twisted
bxg
serious
mystery
first love
lies
secrets
crime
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Author's Note: Ine-3dit ko po ito dahil maraming typo error. Salamat sa pagbabasa.

Pag - asa, ito ang nakita ni Genesis kay Aero ng makita niya itong muli pagkalipas ng ilang taon at bata pa siya ng una niyang makita ito at hindi na naalis sa isip niya ang binata hanggang sa magkita silang muli. Para sa kanya, kasiyahan ang dala ni Aero sa buhay niya kaya pinili niya itong mahalin. Nagawa niya pang iwanan ang kanyang tahimik at masayang buhay na tinatamasa niya para lang sumama kay Aero dahil sa pagmamahal na nararamdaman niya.

Dahil sa pag - asa na nakita niya ay naging bulag at bingi siya sa katotohanan at binaliwala ang lahat ng kanyang nalalaman dahil sa pag aakalang may kabutihan pa rin sa puso ng taong pinili niyang makasama habang buhay.

Lumaki si Aero na may dalang galit sa kanyang puso. Hindi niya magawang kalimutan ang lahat ng di magagandang karanasan sa pamilyang kinalakihan niya, ang mga Jaime. Bastardo ang turing sa kanya dahil sa hindi malaman kung sino ang kanyang ama. Lumaki siyang hindi alam ang salitang pagmamahal pero lahat ng ito ay nagbago dahil sa nakita niya si Genesis at nagsilbi itong liwanag sa kanyang madilim na mundo.

Kahit sa murang edad pa lang ay may dalang alindog na talaga si Genesis at iyon ang tumatak sa isip ni Aero, kahit kailan ay hindi na maalis sa isip niya ang dalagang ito.

Nagkita silang muli sa hindi inaasahang nangyayari, dumating muli si Genesis sa buhay niya. Sa paglipas ng panahon, unti - unti niyang nakalimutan ang nakaraan at si Genesis ang magiging dahilan ng kanyang pagbabago at ang magpupuno ng kakulangan sa kanyang pagkatao. Binigyan siya ni Genesis ng dahilan upang magkaroon ng magandang buhay.

Pero muli siyang hinihila ng kanyang madilim na nakaraan hanggang sa madala niya na mismo si Genesis sa putik na kanyang kinasasadlakan.

chap-preview
Free preview
Prologue
Masayang nag iinuman ang lahat sa mansion ng mga Jaime at walang kaalam alam na ito na ang huling pagsasama sama nila. "Masaya talaga ako at nabuo na kayong muli. Si Aeriella lang talaga ang kulang," sambit ni Don Jaime at nagkatinginan lang ang kanyang mga anak. "Papa, wag na natin ungkatin yan. Besides, nandito naman na si Aero," sagot ni John sa kanyang ama. "Apo, kung may kailangan ka ay wag kang mahiyang magsabi sakin o samin," sabi ni Don Jaime sa kanyang apo at itinaas ang kanyang baso, senyales na sila ay magsaya na muli. Nagpaalam na ang matanda at inalayan siya ng kanyang mga nurse at body guards. Makalipas ang ilang oras ay isa isa na silang nagsipag puntahan sa kani kanilang kwarto at nagpahinga. Pero lahat ay matatapos na dahil itong gabing ito ang umpisa ng lahat. ---- Maaga silang dumating sa Mansion dahil nagcheck in na lang muna siya sa isang hotel malapit sa mansion dahil nasiraan sila sa byahe. Nagtataka si Spiel dahil pagpasok niya ay napakadumi ng bahay. Nagkalat ang mga bote, upuan, plato at puro putik ang sahig. Narinig niyang may kumalakabog sa taas kaya agad siyang umakyat. Kasunod ang kanyang asawa. Inihahampas ni Aero ang kanyang ulo dahil nakatali siya at hindi nga mabuksan ang pinto. Hanggang sa abutan siya ni Spiel at tinanggal ang gapos niya. "Hindi pa nakakalayo ang gumawa nito," sigaw niya kay Spiel pero nung aktong tatakbo siya ay bigla siyang nahilo. "Wala ka ng mahahabol," sagot ni Spiel at inalalayan si Aero maupo sa hagdan. "Paki tawag si Hilda para sa first aid kit. Wag na din muna naten ipalinis tong bahay pansamantala," sabi ni Aero sa isang katulong na dumaan. "Nasaan ang Papa?" tanong ni Spiel at walang maisagot sa kanya si Aero kundi pagtataka din. Agad silang nagpunta sa mga kwarto ng kanilang mga magulang pero wala silang nakita kahit anino ng mga ito. "Sandali, gigisingin ko lang sila Uno," sabi ni Spiel sa kanyang pamangkin pero hinawakan ni Aero ang kanyang braso. "Wag na. Baka nasa paligid lang ang gumawa nito at mapahamak pa sila. Hintayin na lang natin ang mga pulis na maghanap sa kanila," sabi ni Aero. Inilabas ni Spiel ang kanyang cellphone at tumawag sa malapit na police station. Ginising na din ni Spiel ang iba niya pang pamangkin at inaya ang mga ito pababa sa dining table. Nakatingin lang ang mga ito kay Aero habang tinatakpan nya ng bulak ang kanyang sugat sa ulo. "Kagabi, may nagtangka na patayin kayong lahat. Si Aero ay muntikan ng mamatay. Buti ay nakatakas siya," sabi ni Spiel sa kanyang mga pamangkin. "Nasaan ang mama at ang mga tito?" tanong ni Natasha at tingnan ang kanyang mga pinsan na lalaki. Pare parehas silang walang alam sa nangyari at nagkibit balikat lang ang mga ito. Maya maya pa ay dumating na ang mga pulis kasama ang ambulansya. Pinagamot agad ni Spiel si Aero dahil sa dumugong ulo nito. Kinausap ng masisinan ni Spiel ang mga pulis at itinuro kung saan nakita si Aero na nakatali at duguan. Inutusan ng kausap ni Spiel ang mga kasamahan na mag search operation sa labas ng mansion at umalis na si Spiel kasama ang police officer. Bumalik si Spiel sa hapag kainan at isa isang tinitigan ang mga ito. May posibilidad na isa sa kanila ay ang suspek. "Tito, wala talaga kaming idea sa kung anong nangyari. Ni hindi nga namin narinig ang kalabog na gawa ni Aero," sabi ni Lukas sa kanyang tiyuhin. Tumayo si Spiel at pinagmasdan muli ang mga gamit. Humingi siya ng iilang gamit para tingnan din ang mga ito. Dahil isa din siyang police officer. Sila ng kanyang asawa. Lahat sila ay nasa hapag kainan at pinagmamasdan lang si Spiel habang inuusisa ang parte ng bahay kung saan sila nagkasiyahan. Maya maya pa ay dumating na ang inspector at agad itong nagpakilala kay Spiel. Inilabas naman niya ang kanyang ID at nakipag handshake sa inspector. Nag asikaso na ang inspector at pinagmasdan ang mga gamit na nagkalat. "Inspector, may nahanap kami," sabi ng imbestigador at agad nagpuntahan sila Spiel at and Inspector. Pagkapasok nila sa kwarto at bumungad sa kanila ang bulletin noard na puro litrato ng buong lahi ni Don Jaime. Tonitigan lang ni Spiel ang ito at sinundan ang mga tali na naguugnay sa bawat isa. Nakasentro ang litrato ni Don Jaime. Kasama din ang litrato niya at natigil siya sa litrato ng isang babae. Bumulong si Spiel sa imbestigador at agad tumungo ito sa kanya. Ilang minuto pa ay dumating ang mga pamangkin niya itunuro niya ang bulletin board. "Bakit wala ang litrato niyo dito. Pero si Aero at si Aeriella ay nandito?" tanong ni Spiel pero puro pagtataka lang ang sagot ng mga pamangkin niya. Hindi lingid sa kanya na lahat ng mga nandito ay may lihim na galit sa mga magulang nila. Si Aero. Ang panganay na apo pero hindi buong apo. Dahil adopted child si Aeriella at biktima ito ng rape pero sa lahat, si Aeriella ang pinakamabait at pinaka mapagmahal sa kanila kaya mahal na mahal ito ni Don Jaime. Biktima ng rape si Aeriella at namatay pagkatapos manganak kay Aero. Si Uno, pangalawang apo. Anak ni John, ang panganay na anak ni Don Jaime. Galit ito sa kanyang ama at lolo dahil sa sugarol ang mga ito at pinabayaan ang kanyang kapatid at ina. Kinuha siya ng kanyang lolo noong 4 taon na gulang siya at hinayaan ang kanyang ina at kapatid na babae na mamatay sa gutom. Si Skye, ang unang apo na babae. Anak ni Phillip. Sa murang edad ay naaabuso na siya at walang nagawa ang kanyang mga magulang dahil sariling ama ang gumagawa nito. Pero naabutan ni Aero ang kababuyan ni Don Jaime pati sa kanyang kapatid na lalaki. Sinubukan ni Aero na magsumbong pero walang gustong makinig sa kanya dahil sa takot na baka sa kanila magalit si Don Jaime. Pinilit ni Aero na itago na lang din ito. Sa murang edad ay mulat siya sa kamunduhan. Si Lukas, pang apat. Nag iisang anak at isang binabae. Nalaman ito ni Marc kaya lagi niyang binubugbog. Madalas niya ring kinukuha si Aero dahil wala itong magulang at lagi naman nasasaksihan ni Aero ang ginagawa niya sa kanyang anak. Si Spiel. Ang anak ni Don Jaime pero kaedad nilang lahat. Ito ang naging sumbungan ni Aero sa lahat ng nalalaman niya pero nalaman ni Don Jaime ito kaya pinadala niya sa ibang bansa ang kanyang anak dahil sa takot na magsumbong ito. Natasha. Malayo sa kanyang pinsan pero kapag may salo salo ay hindi naman iba ang turing nito sa kanila. Nag iisang anak ni Mary. Dahil perfectionist ang kanya ina ay pinipilit niyang iplease ito lagi pero kulang pa rin. Lahat na ginawa niya pero laging kulang. Naaalala lahat ni Spiel ito at naisip na kung lahat sila ay may dahilan, dapat niyang idaan ito sa maayos na proseso. "Tito, I swear. Wala po kaming alam sa mga nangyayari dito. Biktima din po kame. Dahil habang nag iinuman kami sa master bedroom ay nakaamoy kami ng gas hanggang sa mawalan na ako ng malay," sabi ni Lukas at boses babae dahil hindi naman lingid sa lahat na isa siyang binabae. "Halika na, guys. Umalis na tayo dito," pag - aaya ni Uno sa kanyang mga pinsan at sumunod naman ang lahat. Nasa hapag kainan lang ang mga ito at nagtitigan. "Manang Hilda. Pakihanda na po ang almusal at sa terrace niyo na lang po dalhin. Don na po kami mag aalmusal," utos ni Natasha at tumango lang ang matanda sa kanya. Tumayo siya sa hapagkainan at tinitigan ang mga pinsan niya bago siya nagdesisyong umalis. "Saan ka pupunta?" tanong sa kanya ni Skye at nagpapahiwatig na gusto niyang sumama. "Maliligo. Aalis na ako dito at hahayaan na silang mahanap kung sino ang gumawa nito," sagot niya at nagsimula ng maglakad. Hindi pa nakakalayo si Natasha ng sumigaw si Aero. "Hindi ka man lang mag aalala kung nasaan ang magulang mo?" sigaw ni Aero at hindi lang para kay Natasha ang sinasabi niya. Sa kanilang lahat, wala man lang siya narinig na naghanap sa mga magulang nila at puro pag iisip kung sino sa kanila ang gumawa nito. Isa isa na silang umalis dahil doon. May galit din silang lahat kay Aero dahil alam nito ang nangyari at kasa kasama nila itong maglabas ng sama ng loob pati si Spiel. Pero parehas silang iniwan ng taong akala nila ay makakatulong sa kanila. "Wag mo kaming gagaguhin," bulong ni Uno kay Aero at tinapik pa sa balikat bago ito umalis at unakyat din ng kwarto. Magkakasama sila Uno, Lukas, Natasha at Skye sa kwarto at nag uusap sa pamamagitan ng pagtitinginan. Sila sila lang ang magkakakampi sa lugar na yon at alam nilang hindi nila iiwan ang isat isa. "Magsialisan na tayo dito," sabi sa kanila ni Uno pero umiling lang si Lukas. "Wag. Mas mainam kung magkakasama tayo para mas malapit tayo sa suspek. May hinala na ako sa kung sino ang may gawa nito pero hindi ko muna sasabihin," sagot niya at ngumiti. Lumapit siya sa kabinet kung nasaan ang gamit niya at kumuha ng isang pares ng damit tsaka pumuntang cr. Nagsimula na din nag ayos ang tatlong naiwan pero may halong pag iingat sa bawat galaw. Maya maya pa ay nagsimula na silang kumain pero binabalot sila ng katahimikan. Lumapit si Hilda at nagsabing paalis na ang mga pulis. Sabay sabay silang sumilip sa terrace habang pinagmamasdan ang sunod sunod na pag alis ng mga sasakyan. Sila na ang naglinis ng mga pinagkainan nila at nag ayos din ng kanilang gamit para makaalis na sa lugar na yon. Sa isang banda, sa ilalim nilang lahat, may mga naghihintay ng kanilang tulong.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wanted Perfect Yaya

read
243.8K
bc

Stubborn Love

read
100.1K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.6K
bc

Chasing Cold Heart (Completed)

read
290.0K
bc

My Last (Tagalog)

read
489.5K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Married to a Hot Magnate

read
358.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook