HE Chapter 8

3000 Words
Chapter 8 Bella's POV "Nako! Pagkagising ko kanina ay nakita ko agad 'yong text mo kaya nagulat ako. Hindi ko naman alam na nasa pinakadulo na pala ako ng kama. Gumulong ako kaya 'yon, good morning, Cassie! Ang bati sa akin ng sahig," tumatawang kuwento niya. "Bakit hindi ka man lang kasi nagsabi, friend? Para naman nakapaghanda ako. Ano ba ang atin ngayon." Tumigil muna ako sa pagtawa bago nagsalita. "Ganito kasi 'yon, friend..." Itinikom ko ang bibig nang itinaas niya ang kamay niya. Parang sign na tumigil muna ako dahil may sasabihin siya. "Wait, ano pala ang nangyari sa lakad mo kahapon?" nanlalaki ang mga matang tanong niya. "Nakaharap mo ba si Sir Kael Palma Calvin?" excited niyang tanong. "Oo. Kaya nga ako nandito para kausapin ka tungkol sa nangyari sa akin kahapon," sagot ko naman. "Wow! Bongga!" malakas niya sabi. "Oh, kumusta? Ano ang nangyari sa pagkikita n'yo?" naiinip niyang tanong. "Gusto niya kasi akong gawing sekretarya niya. Simula ngayong araw pero nag-aalangan pa ako..." Tumaas ang kilay ko sa pagkamangha sa huling sinabi. Dahan-dahan akong tumigil sa pagsasalita nang makita kong parang hindi na siya makahinga dahil sa kilig. "Talaga?" pasigaw niyang tanong. "Oh, my gosh! Friend, what an early gift from heaven!" tuwang-tuwa niyang wika. "Pumayag ka ba?" naiinip niyang tanong hindi nagtagal. "Oo," maikling sagot ko nang hindi ngumingiti. Natigilan naman siya nang mapansin siguro niyang kabaliktaran ng nararamdaman niya ang nararamdaman ko. "Oh, bakit ganiyan 'yang mukha mo? Parang ikaw pa ang nalugi, ah," nakangiting puna niya sa akin. "Baka mag-iba ang tingin mo sa akin kapag nalaman mo 'yong buong nangyari," malungkot kong sabi. "Wait, ano ba kasi ang buong nangyari, friend? Come on, tell me. Kahit hindi na ako papasok ng trabaho ngayon." Naiiyak akong lumapit sa kaniya saka ko siya niyakap nang mahigpit na mahigpit. "Sorry, friend. Sorry talaga. Sana mapatawad mo ako," hingi ko ng tawad sa pagitan ng mga hikbi at iyak ko. Naguguluhan man siya ay nagawa pa rin niya akong haplu-haplusin sa likod ko para patahanin. Nang medyo kumalma na ako ay siya na mismo ang unang kumalas sa pagkayayakap ko sa kaniya. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at seryosong tiningnan. "Ano ba ang nangyari, friend? Bakit ka nagso-sorry sa akin?" nagtataka niyang mga tanong. "Nagso-sorry ka ba kasi ikaw ang pinili at hindi ako? Nagso-sorry ka ba kasi ikaw ang nagwagi? Nagso-sorry ka ba kasi ikaw pa na walang interest sa Kael na 'yon ang nakasungkit sa korona? Friend, baka nakalilimutan mong may Chris na ako?" Imbis na maiyak pa lalo ay natawa na lang ako. Tumatawa habang pinupunasan ko ang mga luha ko nang bigla ulit siyang magsalita. "Make sure lang na literal na korona 'yang nakuha mo, ah. Hindi corona virus!" seryoso ang mukha niyang biro sa akin. "Kinakabahan ako sa 'yo! Baka korona galing sa China 'yan, ah! Nakaiiyak nga naman ang magkaroon ng corona virus, 'no!" Muli akong natawa habang napaiiling. Kahit papaano ay umatras na ang iba ko pang mga luha. Makapagsasalita na rin ako nang maayos. Two years ago noong sumiklab ang matinding pagsubok sa buong mundo, ang paglitaw ng isa sa pinakamabangis na viruses sa balat ng lupa, ang corona virus. Ngayong taon ay naramdaman na rin namin sa wakas ang hatid na kaligtasan ng bakunang itinurok sa bawat tao kaya paunti-unti ay nagiging normal na ang lahat. Free for mask na ang bansang Pilipinas. "Mabuti naman at tumigil ka na sa pag-iyak... Magkuwento ka na! From the top!" "Hindi ba ipinahiram mo sa akin ang flash drive sa bag mo kahapon?" umpisa kong tanong. "Yes, pero hindi akin 'yon. Napulot lang yata ni Janice 'yon. Basta hindi ko na matandaan kung sino sa kanila. Napunta lang sa akin kasi saktong ako ang may dalang bag. Pinatago lang muna nila sa akin," kuwento naman niya. "Ano pa ang nangyari? Ano naman ang kinalaman ng flash drive na iyon sa pag-iyak-iyak mo riyan?" nakataas ang kilay niyang tanong. Hindi ko tuloy alam kung itutuloy ko pa 'yong kuwento. Sensitive na kasi ang kasunod pero kailangan niyang malaman para maintindihan niya ako. "May scandal video si Sir Kael Calvin doon sa flash drive, friend," lakas ng loob kong sabi. Napanganga naman siya agad at tila hindi makapaniwala sa sumunod kong sinabi. Dahil ayaw ko na siyang mas magulat pa ay nagdesisyon akong sabihin na sa kaniya ang lahat. Para minsanan na lang na magugulat siya. "Ginamit ko 'yong scandal video nila para makakuha ng two million sa kaniya. Sorry, friend. Nagawa ko lang 'yon kasi nasa ospital si Abby. Kailangan namin ng malaking pera para maipagamot ko siya," lumuluha kong pahayag. "Sorry talaga. Huwag kang mag-alala, hindi kayo madadamay kung sakali. Ako ang sasalo lahat... Pangako ko iyan sa inyo. Ang gusto ko lang ay sana mapatawad n'yo ako, lalong-lalo ka na..." Pagkatapos kong ipagtapat sa kaniya ang lahat ay yumuko ako. Wala akong mukhang maiharap sa kaniya. Wala siyang ibang ipinakita sa akin kundi kabutihan tapos ito pa ang ginawa ko. Nakahihiya sa kaniya. Pakiramdam ko ay ibinabaon sa hukay 'tong puso ko dahil sa konsensiya. Naramdaman ko na lang ang mainit niyang mga kamay na humawak sa nanlalamig kong mga kamay ko. "Friend, bakit two million lang?" Mabilis akong nag-angat ng mukha dahil sa tanong niya. Magdidikit na yata 'tong mga kilay ko sa sobrang pagtataka. Napangiti ako nang tuluyang umalingawngaw ang kanina pa niya pinipigilang tawa. "Dapat ginawa mo na lang na five million para nalubos-lubos mo na kapag naisipan ka niyang ipakulong, 'no! Ang hina mo naman, friend! Oh, kahit ipakulong ka pa niya. Sabihin mo na lang na naubos mo na!" tumatawa niyang sabi. "Kaloka ka! Idol na sana kita, eh!" "Hindi ka galit sa akin?" nag-aalangan pa ring tanong ko. "Galit, hindi. Kinakabahan, oo," seryoso naman niyang sagot pero idinadaan lang sa patawa-tawa niya. "Hindi ka naman niya siguro gagantihan kasi kinuha ka niyang secretary, eh. Iba talaga ang kamandag mo, Bella! Pati si Sir Dylan hinahanap ka kahapon." Tumigil siya nang ma-realized niya ang sinabi. "Si Sir Dylan hinahanap ako?" Pansamantalang nawala ang kaba ko nang maalala ang kabutihan niya sa akin kahapon. "Oo, hinahanap ka niya sa lahat. Si Ma'am pusit naman, sinabi niyang tamad ka raw at demanding kasi ikaw pa raw ang nag-set ng duty hours mo. Kita mo kung gaano kabobo 'yong pusit na 'yon, 'no!" Nagpakawala siya ng hangin habang naiinis. "Pakialam naman niya kung four hours lang ang kaya mong ilagi sa Store. Pang-four hours din naman 'yong sahod mo, ah. Baka mas lalong mamatay 'yon sa inggit kapag nalaman niyang magiging secretary ka ni Sir Calvin. Anyway, talagang kinausap mo si Sir Kael? Grabe, may scandal pala siya. Nasaan 'yong flash drive? Dapat i-delete mo na 'yon para sure na hindi magkalat. Nakatatakot! Oo, pinapantasya ko siya pero ayaw ko naman ang makita siyang hubad at may kasamang iba! Hindi ko kaya, friend!" Nang bumaba ang tingin ko sa kaniyang mga braso ay nakataas na ang mga balahibo niya. Ganiyan na ganiyan din 'yong reaksiyon ko noong mapanood ko ang scandal video. Kinabahan din ako para sa mga taong sangkot sa video. Paano kung hindi ako ang unang nakakita? Paano kung napunta 'yong flash drive sa may masamang loob? Eh di, napahamak na sana sila, hindi lang sila kundi pati na rin ang mga pamilya nila. "Kinuha ni Sir Calvin. Hinablot niya mula sa mga kamay ko nang makakuha siya nang magandang tiyempo pagkatapos ay inilunod niya sa wine niya." "Whoa! Really? Paanong makakukuha ka pa rin ng pera, eh, sira na pala 'yong flash drive?" naguguluhan ulit niyang tanong. "Sinabi ko na may copies ako kahit wala naman," nahihiyang amin ko. "Wow! Ang witty mo roon, ah!" manghang tugon naman niya. "Ang galing mo sa part na 'yan! Tama lang ang sinabi mo." "Cassie, hindi ako masamang tao. Sana alam mo 'yan... Kaya nga ikaw ang una kong pinuntahan dahil alam kong maiintindihan mo ako... Nagawa ko lang 'yon dahil no choice na ako." Muling nanumbalik ang lumbay sa akin. "Hindi ako masaya sa ginawa ko pero kailangan kong gawin para maisalba ko ang buhay ng kapatid ko." "Well, hindi ka nagkamali ng nilapitan," nakangiti niyang sabi diretso sa aking mga mata. "Naiintindihan kita. Walang masama sa ginawa mo. Ginawa mo lang ang tama. Kung ako ang nasa kalagayan mo, ganiyan din ang gagawin ko. Wala akong pakialam magkasala man ako minsan. Kung kapalit niyon ay buhay, susugal ako. Sa takbo ng buhay ngayon ay mas mahalaga na ang buhay kaysa sa kahihiyan." "Salamat, Cass." Naiiyak na naman tuloy ako. "Salamat dahil nandiyan ka. Salamat dahil napakabuti mo sa akin." Pinalis ko ang mga luha ko at pilit na ngumiti sa kaniya. "Thank you..." "Ano ka ba naman, friend? Wala ka nang masabi! Pati salamat ini-english mo na!" Umasim bigla 'yong ekspresyon ng mukha niya. Natawa na lang din ako. Totoo naman ang sinabi niya. Wala na kasi akong ibang masabi kundi purong pasasalamat sa kaniya. End of Bella's POV Dylan's POV Napakunot-noo ako nang makita kong dumaan ang pamangkin kong si Kael sa tapat ng office ko. Wala sa sariling napatayo ako at naglakad palabas ng office. Mas nagtaka pa ako nang makita ko siyang tumigil sa tapat ng office ng Daddy niya. Napansin kong parang nag-aalangan pa siya kung kakatok siya o hindi. Ang pagkaaalam ko ay wala si Kuya roon dahil may meeting sila sa Pasig. Para mawakasan na ang pagkabalisa niya ay mabilis akong naglakad palapit sa kaniya. Para naman siyang nakakita ng artista nang makita niya ako. Gulat na gulat ang mga mata niya, eh. "Uncle, bakit ka ba nanggugulat diyan?" inis niyang tanong sa akin. Natawa lang ako nang marahan habang sinusulit kong pagmasdan ang mukha niyang parang hihimatayin sa gulat. "Hindi kita ginulat, nilapitan lang kita," pagtatama ko naman. "Parehas lang 'yon!" parang bata naman niyang tugon. "Manang-mana ka talaga sa kapatid mo. Bigla na lang susulpot sa kung saan-saan!" "Magkapatid nga kami, 'di ba? Malay mo naman kapag nagtagal ay mamana mo rin 'to. Anak ka pa rin naman ng Daddy mo that is why you are forever part of our DNA," nangingiti kong wika. Napakunot ng noo naman siya. "Baka naman mas malakas ang DNA ni Mommy kaysa sa inyo. Half of my DNA can save me from that." Ngumisi siya pagkasabi iyon. "Makikita natin kapag tumagal, pamangkin." "Stop calling me pamangkin, Uncle!" "Then stop calling me uncle too," balik ko naman na sabi sa kaniya. "Nirerespeto lang kita," dahilan naman niya. Napangiti ko dahil sa itsura niyang hindi na maipinta. "Nirerespeto rin kita." "You can call me Kael. Iyon lang ay sapat na." "Mas maganda pa ring pakinggan ang pamangkin." Ngumuwi siya. "Pantotoy naman 'yan. Diyos ko, magkaedad lang tayo, Uncle." Lumaki kaming sabay. Kung tutuusin ay para na kaming magkapatid lalong-lalo na noong maliliit pa kami. Ang mga laruan niya ay laruan ko rin, kung ano ang gupit niya ay iyon din ang gupit ko at kapag may bago siyang damit ay mayroon rin ako. Iyan ang ilan sa mga kinalakihan naming gawi dahil lumaki rin kaming sabay sa iisang bahay. Kahit may asawa na noon si Kuya ay hindi pa rin sila bumukod. Ayaw ni Mommy and Daddy dahil nga maaga silang nag-asawa. Wala pa silang alam tungkol sa pagpapamilya kaya nangyari ang arrangement na 'yon. Gusto lang silang gabayan ng mga magulang namin sa buhay mag-asawa nila at lalong-lalo na sa pagpapalaki nila sa kanilang unang apo na si Kael. Ayaw ni Ate Miara ang nangyaring iyon. Siya ang Mommy ni Kael. Wala lang siyang choice noon dahil fifteen years old lang siya noon at parang gusto pang itakwil ng pamilya niya dahil sa pagpapabuntis nito nang maaga. May kaya naman si Kuya at ang pamilya namin kaya unti-unting natatanggap ng pamilya niya ang nangyari. Lalaki si Kuya kaya siya dapat ang bumuhay sa asawa at kanilang anak. Iyon ang paniniwala ng pamilya ni Ate Miara kahit pa galing din siya sa mayamang pamilya. Noong matuto na sila sa buhay ay roon lang nagpasya sina Kuya na bumukod. Pinayagan naman sila ng mga magulang namin dahil ibibigay na rin sa kaniya ang kompanya noon. Muli siyang humarap sa pinto ng office ng Daddy niya. "Kauusapin ko pa si Dad. May mahalaga akong sasabihin sa kaniya." "Wala ang Daddy mo riyan sa office niya. May meeting siya sa Pasig," pagbibigay alam ko. "Gano'n ba? Bakit daw naroroon siya?" "May meeting nga siya," ulit ko namang sabi. "Kaya nga, Uncle. Para nga saan ang meeting niya roon?" "About sa Clevin company, malamang." Nagseryoso ako nang mapansin kong parang nadismaya siya. "Ano ba ang sasabihin mo sa kaniya? Sabihin mo na lang sa akin. Ako na lang ang magsasabi sa kaniya." "Usually naman nandito lang siya sa office niya, eh. Paanong sa ibang lugar siya nag-conduct ng meeting niya?" "Gusto niya lang i-check din 'yong bagong branch ng Clevin Store doon," katwiran ko naman. "Now tell me, why are you here?" Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita, "Uutang sana ako sa kaniya." "Magkano?" agad ko namang tanong. "Two million," walang kakurap-kurap naman niyang tugon. "Aanhin mo naman ang ganoon kalaking halaga? May pera ka naman, 'di ba?" "Nakapondo ang lahat ng pera ko sa Demerceds kaya uutang ako. Ayaw kong matigil ang renovation sa building kaya kakapalan ko na ang mukha ko. Ikaw ba? Baka may two million ka riyan, Uncle? Babayaran din kita agad. Inaayos pa ni Solenn ang bank records niya kaya hindi muna siya makawi-withdraw ngayon." "Saan mo nga gagamitin?" pangungulit ko namang tanong sa kaniya. "Hindi mo na 'yon dapat malaman pa, Uncle. Pautangan mo na lang ako kung mayroon," masungit niyang sabi pabalik. Siya lang 'yong nangungutang na masungit. "Kay Solenn ka pa talaga nangutang, ah," nanunukso ko pang saad. "Siya ang may kasalanan, eh di, siya rin ang maglabas ng pera," napipikon naman niyang sabi. Mas lalo tuloy nalukot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano ba ang nangyari?" "May ginawa lang siyang katangahan kaya kailangan namin ng pera." Pagkatapos niya akong sagutin ay tinalikuran na niya ako. "Saan ka pupunta?" ang malakas kong tanong sa kaniya. "Maghahanap ng uutangan," tugon naman niya nang hindi tumitingin sa akin. "Mag-usap tayo sa office," pasigaw kong sabi para marinig niya. Medyo nakalayo na rin kasi siya. Walang patumpik-tumpik siyang humarap nang mabilis. Naglalakad na siya ngayon palapit sa akin. "Wala ka bang cheque riyan, Uncle?" Tumigil siya at muli akong pinag-aralan. "Pauutangin mo ba ako? Baka tinawag mo lang ako para chikahin na naman, ah." Natawa ako nang pino. "Chismoso na pala ang tingin mo sa akin ngayon, pamangkin," nang-uuyam ko namang tugon. "Hindi naman. Syempre maghahanap pa ako ng uutangan ko kasi kailangan ko na 'yong pera ngayon," rason naman niya. "Ano ang oras mo ba kailangan?" "Ngayon. As in now." Tiningnan ko muna siya nang mataman bago hinugot ang cheque sa loob ng coat ko. Mabilis kong tinanggal ang pen na nakasabit sa bulsa ng coat ko sa dibdib. Agad kong isinulat ang halagang sinasabi niya at pinirmahan ito nang walang palya. Mukha naman siyang seryoso na kailangan niya talaga ng pera. Ngayon ay iniaabot ko na ito sa kaniya. "Thank you, Uncle!" nakangiting pasasalamat naman niya. "Babayaran din kita agad." "Sige. No problem," tugon ko naman. "Aalis na ako," paalam niya sa akin. Tumango ako. "Sige, ingat." Sinundan ko na lang siya ng tingin habang tumatakbo siya paalis. End of Dylan's POV Kael's POV After kong magpunta sa main office ng Clevin Company ay dumiretso na ako rito sa Demerceds para i-meet si Bella. I'm really sure that she will come here early because of the money she's asking me. Sometimes she is making me wonder why she ended up using my video to get some money from me. Is there something horrible that pushes her to do that? Being a fortune teller is not my thing but I know it makes sense sometimes. I can read people, even her. Seems like she was forced to do it. Hindi ko lang alam. Pero maaari din mamang mali ako. Puwede rin namang may nagtatagong mali sa kabila ng maamo niyang mukha. Ilang beses na akong napabalik-balik dito sa main entrance ng building pero wala pa ring Bella na dumarating. Saan na kaya nagpunta iyon? Dahil siya ang may kailangan at hindi ako, nagpasya akong bumalik na lang sa office ko. Mayamaya pa ay bigla na lang may kumakatok sa pintuan ko. "Come in!" malakas kong sabi habang hindi inaalis ang mga mata sa screen ng laptop. May pinag-aaralan kasi akong proposal after matapos ang renovation dito sa building. "Hon, dinalhan kita ng food. Mag-breakfast ka na," malambing na sabi ng pamilyar na tinig. Inuna ko muna'ng tumingin sa kaniya bago ang huminga. "What are you doing here, Solenn?" gulat at may halong inis kong tanong. "I brought you food," nakangiti naman niyang sagot. She's crazy and obsessed at the same time! "Nag-usap na tayo, Solenn. Now get out!" matigas kong utos sa kaniya. Inuusisa ang utak kung papaano siya nakapasok dito. End of Bella's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD