HE Chapter 9

3000 Words
Chapter 9 Kael's POV Ngumiti lang siya pabalik bago naglakad palapit sa akin. She's gently swaying her hip from side to side while walking towards me. Eyes are looking seductive while her tongue is lusciously licking her lower lip. Trying to make me hotter than my normal body temperature. She failed, I still feel my body in thirty-seven degree celsius. Very normal compared to my previous body temperatures that she intentionally made before. Seeing her directly in the eyes made me see a burning lust. I was about to stand up when she grabbed me on the shoulder and pushed me down back to the seat. And without a blink she's now sitting on my lap. Nailing na lang ako. It's too early to have s*x in the morning. Kung papipiliin man ako kung siya o ang food na dinala niya ay mas pipiliin kong kainin 'yong food at hindi siya. Bigla akong nawalan ng gana. Masama na kung masama but that's the truth! Telling her to stay away with a calm voice or in harsh ways is no difference. She will just laugh at me and tomorrow she's her again, just like little noob that lacks common sense! She played dumb but she always knew! "Hon, I miss you inside me," mapang-akit niya wika sabay tulak pa lalo ng katawan niya sa akin. Sa laki ng mga hinaharap niya ay puwede na akong magpalibing sa mga ito. She is gifted with fuller breasts that most men love. Nag-iba na ang pakiramdam ko. Hindi ko mawari sa sarili ko. Parang nawalan na ako ng gana sa s*x. Maybe because of Bella or what. Gusto kong paniwalain ang sarili kong hindi siya ang may gawa nito sa akin, eh, but her face keeps popping inside my head. Hindi ko siya makalimutan... Para akong kriminal na gumagawa ng kasalanan nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Bella. Katulad ko ay gulat na gulat din siyang napatingin kay Solenn papunta ulit sa aking mukha. "I am sorry!" natataranta niyang paumanhin at saka mabilis na isinara ang pintuan. Napangiti naman si Solenn. Hindi ko nagustuhan ang naging reaksiyon niya. Inipon ko ang lahat ng lakas ko para buhatin siya at itulak paalis sa katawan ko. "Honey," malambing niyang tawag sa akin. Parang gusto pa niya'ng umapela. "Ang mundo ay hindi lang umiikot sa s*x, Solenn," seryoso kong wika. "Wow! Galing talaga sa 'yo," tila nang-iinsulto naman niyang turan. "May meeting ako kaya lumabas ka na," kalma ngunit madiin kong utos. "What is wrong with you?" naiiyak niyang tanong sa akin. "Ginawa ko lahat para sa 'yo. Halos magpakatanga ako araw-araw makasama ka lang. Okay lang kahit magmukha na akong aso kahahabol sa 'yo! Okay lang kahit ilang beses mo akong isabay sa kung sinu-sinong babae riyan! Okay lang kahit ang sasakit ng mga sinasabi ng mga tao tungkol sa akin. Wala akong pakialam! Kasi mahal kita," umiiyak niyang sumbat sa magkahalong galit at pagkahapo. Sa tagal ng panahon na nakalipas ay parang ngayon lang niya nararamdaman ang mga sugat na idinulot ko sa kaniya. At hindi ko inaasahan na ako rin mismo ang makapagpasasariwa ng mga iyon. Sa isang iglap ay gusto ko nang tuldukan ang lahat sa amin. Para siyang bagahe sa likod ko, nabibigatan na ako. "Tama na, Solenn. Alam ko ilang beses mo na itong narinig mula sa akin pero sana sa pagkakataong ito ay maniwala ka na. Hindi ka na kailanman makapapasok sa building na ito. Ito na ang huling araw na makaaapak ka rito sa office ko," titig na titig sa mga mata niyang pahayag ko. "I can't believe you are doing these and saying all of that to my face!" masamang-masama ang loob niyang sumbat sa akin. "Wala akong hindi ginawa para sa 'yo! I almost forgot that I am woman who should act with decency and dignity! Kinalimutan ko ang sarili ko para sa 'yo! At ito pa talaga ang mapapala ko!" "I never asked you to give all of that, Solenn. I even told you earlier to stop playing b***h in front of me because you know I won't catch you if ever I had mistaken to cut your wings. And now you are falling like a wounded angel lost in a fight you started with. You had just won if you guard yourself earlier." Huminga ako nang malalim. "Binalaan na kita noon. Hindi ka lang nakinig. Sino'ng may kasalanan ngayon?" Tiningnan lang niya ako na parang ako na ang pinakamasamang tao sa buong mundo. Ramdam ko ang apoy ng galit at sakit na kasalukuyang nakapalibot sa kaniya. Handa akong mapaso mawakasan lang ang kabaliwan niya. "Umalis ka na," ang huli kong sabi bago lumabas ng office ko. Tumakbo ako nang mabilis papunta sa may entrance para itanong sa bodyguard kung napansin niya si Bella. Ngayon ko pinagsisisihan kung bakit ibinilin ko agad sa bodyguard na papasukin agad si Bella kapag dumating. Nahuli niya tuloy kami ni Solenn sa office. Baka isipin pa niyang gumagawa na naman kami ng panibagong scandal video. "Honey!" Napapikit na lang ako nang mariin nang marinig ko ulit ang pagtawag sa akin ni Solenn. Nakayayanig ng laman ang kakulitan at kamanhidan niya. Hindi ko matanggap na ako rin ang may kagagawan kung bakit siya ganiyan ngayon. Dapat ay noong ma-realized kong obsessed na siya sa akin ay tinanggal ko na siya sa landas ko. Wala, eh, inuna ko ang pagiging babaero ko kaysa ang mag-isip. Naaawa naman talaga ako sa kaniya. Wala siyang kasalanan dahil minahal lang niya ako. Simula noong maging kami ay iyon lang ang ginawa niya. Ang kaso ay kausapin ko man siya nang maayos o hindi, alam kong hindi siya makikinig sa akin. Bago pa siya makalapit sa akin ay nagmamadali na akong naglakad at sumakay ng escalator. Habang umaandar ito paakyat ay humahakbang din ako paakyat para mapabilis. Pagkarating ko rito sa opisina ko ay tumingin ako agad sa pinto. "One, two, three, four and five." Sakto namang bumukas ang pintuan at inuluwa si Solenn. Huminga ako nang malalim. Nagbuka siya ng bibig ngunit itinikom din niya agad. "Honey," malambing niyang saad. "Can I be honest to you just once? And can you please take it seriously just once too?" seryoso ngunit malumanay kong tanong. "I don't know what is happening to me. You, yourself don't understand this either. Hahayaan kitang maghabol sa akin kung iyan ang gusto mo. But I am telling you this almost everyday, hanggang dito lang tayo. Wala nang hihigit pa sa mayroon tayo ngayon." Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang naramdaman ang fulfillment sa mga salitang binitiwan ko. Maybe because I meant it this time. "Hindi ikaw ang babaeng nakikita ko in the future, Solenn. Punch me, yell at me and so on and so forth. Do whatever you want. I'll be glad to receive those from you." Humugot ako nang malalim na hinga at nang unti-unting kumalat ang hangin sa aking mga baga ay saka lang ako nakaramdam ng ginhawa. Bawat salitang binitiwan ko ay katumbas nang malalim na sugat sa kaniyang puso. I admire her for enduring the pain I have cause to her all this time. Parang ngayon lang ako napagod at nakonsensiya. Bella had proven to me that not everything I want will be mine in one swift. Akala ko lahat ng gusto kong babae ay makukuha ko pero hindi. May mga babae rin talaga na hindi bumabase sa itsura at fame ng isang lalaki. She is more even concern about my money than me. Ni hindi ko nga alam kung sapat na 'yon na dahilan para itapon ko si Solenn nang ganito kadali. Gusto ko lang sigurong gawin 'to dahil makapag-iisip ako nang mabuti kapag nawala ang presensiya niya sa akin. "Sinasabi mo lang 'yan dahil pagod ka. Lagi mo namang sinasabi 'yan, eh. Hindi na ako magtataka dahil sanay na ako." Naglakad siya palapit. Nang makarating siya rito sa table ko ay inilabas niya isa-isa ang laman ng paper bag. As usual, puro nagsasarapang pagkain lahat ang laman. "Iuwi mo na lahat 'yan, Solenn. Hindi ako gutom," mahinang ani ko. Natigilan naman siya sa paglalabas ng mga pagkain. Nagpatuloy ulit siya nang makabawi. Kahit hindi siya magsalita ay alam kong kinikimkim niya ang sakit sa dibdib. "Saka ka lang siguro matatauhan kapag ikinasal na ako tapos hindi ikaw ang bride ko." Natawa ako nang mapakla. "Hindi ka naman talaga manhid sa pagkakaalam ko. Nararamdaman mo lahat-lahat pero in denial ka lang. Ikaw na ang inililigtas ko pero ikaw naman 'tong gusto pa ring magpakamatay." "I died a lot of times," mahinang anas niya saka tumawa nang mapait. "And I chose to die several times. Because the man who killed me many times is the one who keeps me alive too. You made me endure these too. Ikaw ang kahinaan at kalakasan ko. I may look dumb, I may sound crazy and weird but being this is the only way and my way to be with you," umiiyak niyang sabi. "I love you more than my life, Kael," nasasaktan niyang wika. "Pasensiya na kung hindi ko pa kaya... Hindi pa ako handang mawala ka sa buhay ko," sabi niya na halos papunta na sa makaawa. "Matagal na tayong wala... Alam mo 'yan. Kaya kung masaktan man kita ulit, hindi ko na 'yon kasalanan. I warned you million times. So never ever blame me in the end," ang huling sinabi ko bago tumayo at lumabas ng office. Dala sa isip na hindi na babalik pa roon. End of Kael's POV Bella's POV Hindi ko inaasahan ang nasaksihan ko kanina pagpasok ng office ni Kael. Napakababaero niya talaga! Kung alam ko lang sanang hahalikan niya ako noon, sana ay nailagan ko rin ang mapangahas niyang mga labi. Ngayon ko pinagsisisihan ang naramdaman kong pagkagusto sa paghalik niya sa akin. Maling-mali ang magkagusto sa taong katulad niya. Katatapos pa lang na lumabas ang scandal video nila pero parang may ginagawa na naman sila. Hindi ko lang sure kung part two na 'yon ng scandal video nila. Ang sama ko man pero hindi ko lang mapigilang mag-isip. Dapat kumatok muna ako bago pumasok. Dapat hinarap ko silang dalawa pero wala akong lakas ng loob. Iniisip ko pa lang ang itsura ni Solenn ay nai-stress na ako. "Miss, nakita n'yo po ba si Sir?" tanong sa akin ng bodyguard nang matapat ako sa kaniya pero hindi ko lang siya pinansin. Iniisip ko kung ano'ng oras matatapos ang dalawa sa office para makausap ko na sila at makuha na rin ang hinihingi kong pera. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako rito sa store. "Bella..." Napatingin ako agad sa lalaking abala ngayon na nagbabayad sa counter. Kumunot ang noo niya nang makita niya ako. "Sir Dylan," gulat kong sambit. Naglitawan ang mapuputi niyang mga ngipin nang ngumiti siya nang malapad. Ewan ko ba? Sa tuwing ngumingiti siya ay nawawala ang inis ko sa mundo. "Ano'ng ginagawa mo rito? Wala ka bang trabaho ngayon," nagtataka niyang tanong. Bigla tuloy akong nahiya. Paano ko ba ipaliliwanag na lumiban ako sa trabaho dahil may kukunin akong malaking pera? Lumunok muna ako bago nagpasyang magsalita. "Um-absent po ako, Sir. May importante po kasi akong gagawin," rason ko naman. Tumango-tango naman siya. "Ah... So, rito sa Pasig ang sadya mo?" "Opo, Sir." "Saan?" Naglakad na siya patungo sa akin pagkatapos niyang magbayad. "Diyan lang po sa Demerceds," sagot ko naman. "Really!" manghang wika niya. "Sakto sa pamangkin ko 'yang Demerceds. Puwede kitang samahan sa kaniya mamaya." "Ano po, Sir? Pamangkin mo ang may-ari sa Demerceds?" naninigurong tanong ko. Wala sa sariling tumango siya. Alam ko naman 'yon dahil nabanggit na sa akin Cassie noon. Ang nakapapanibago lang ay ang katotohanang sa kaniya na mismo nanggaling. Ano na lang ang iisipin niya sa akin kapag nalaman niya ang ginawa ko sa pamangkin niya? Ayaw ko na lang munang isipin ang tungkol doon. Kailangan kong mag-focus kay Kael at sa pera. Saka ko na lang iisipin ang magiging bunga ng mga hakbang ko kapag nakalabas na ng hospital si Abby. "Yes. He's Kael Palma Calvin. Kapatid ko ang Daddy niya, si Sir Anton," paliwanag naman niya. "Oh..." nasambit ko na lang. Napalunok na lang ako ng laway ko. Nagtatakang tiningnan niya ako. "Maga-apply ka ba ng trabaho roon?" biglang tanong niya sa akin. Hindi naman ako nakasagot agad. "Ah... Eh..." Natawa ako nang alanganin. "Kung may available lang po sana." "Paano mo nalaman ang tungkol sa Demerceds?" sumunod niyang tanong. Hindi ako na informed na palatanong din pala si Sir. "Nagtatrabaho na po ako rati sa kompanyang 'yon, Sir. Isa po akong janitress... Natanggal lang po kami kaya noong nalaman kong magbubukas muli ito ay hindi po ako nagdalawang isip na magbakasakali." Nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko. Wala naman akong ibang choice. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya na bina-blackmail ko ang pamangkin niya, 'di ba? Alam ko namang malalaman din niya pero ayaw kong manggaling mismo sa akin. "Okay," aniya habang tumatango. "Pero alam mo rin ba na ibang tao na ang nagmamay-ari ng Demerceds? Binili na 'yon ng pamangkin kong si Kael. Gusto mo pa rin ba'ng magtrabaho riyan kahit iba na ang Boss mo?" Natawa siya nang marahan. Parang naguluhan din yata siya sa sinabi niya. "I mean, hindi naman na siguro bago sa 'yo ang nangyaring gulo sa pagitan ng mga dating manggagawa ng Dermerceds at ang bumili nito. Iyon nga, si Kael 'yon. Maraming mga nagkalat na mga haka-haka tungkol sa pamangkin ko. Kesyo nilugi raw niya ang kompanya ng Boss nila kaya napunta sa kaniya ang Demerceds." Tumigil siya at nahihiyang tumingin kay Ate na nasa counter. Kanina pa kasi kami rito. Tahimik lang siyang nanonood sa amin. Mabuti na lang dahil walang nakapilang mga customers. "Why don't we sit first?" Tumawa siya nang malakas sabay tingin kay Ate. "Pasensiya ka na, Miss. Nawala sa isip ko. Napasarap yata ang kuwentuhan namin." Nangingiti namang kumurap-kurap si Ate. Halatang guwapong-guwapo siya kay Sir Dylan. Nagniningning ang mga mata niya. Parang pati ang mga mata niya ay sinuplayan ni Meralco. Ang liwanag ng mukha, eh. Puwede na yatang gawing flashlight sa liwanag. "Okay lang po 'yon, Sir. Magkuwentuhan lang po kayo wala pa naman pong nakapila, eh," sabi niya saka tumawa nang mahinhin. "Pero baka po gusto ninyong umupo muna para hindi kayo mangalay. Marami po tayong available na seats and chairs diyan, Sir." "Yes. Thank you," ang sabi naman ni Sir. "Pabili na lang kami ng dalawang siopao and two bottled water." Iniabot niya ang card niya. "Diyan na lang. Wala kasi akong cash ngayon." "No, problem, Sir. One minute to wait po, Sir. Ipapainit lang po saglit ang mga siopaos." "Sure! Take time," sagot naman ni Sir. Napalunok ako nang bigla siyang tumingin sa akin. "May gusto ka pa bang kainin, Bella?" "Po!" gulat kong turan. "Mauna na lang po kayo, Sir. Bibili lang po sana ako ng bumble gums, eh." Bukod sa bubble gums ay wala naman na akong ibang gustong bilhin. Gusto ko lang na mabango ang hininga ko kapag nagkaharap muli kami ni Kael. Pinaghahandaan mo lang, eh! Baka kasi halikan ka na naman ulit! Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng utak ko! "Para sa atin na 'yong binili ko. Ikaw, baka may gusto ka pang iba." "Wala na po, Sir. Okay lang po ako. Nag-abala pa kayo..." "Okay lang 'yon." Tumingin siya kay Ate. "Idagdag mo na lang sa card ko 'yong bubble gums niya." "Copy, Sir!" tugon naman ni Ate. Pagkatapos niyang abutin ang card niya ay naglakad na siya papunta sa pinakadulong table. Nahihiya naman ako kapag aalis na lang ako bigla kaya nagpasya akong sundan na lang siya. Mayamaya pa ay dumating na ang umuusok na siopaos namin kasama ang dalawang bottled water. "Thank you," pasasalamat niya sa naghatid. "Welcome, Sir." Dinampot na niya ang isang siopao at nag-umpisang kagatin ito. Nag-aalangan tuloy ako kung kukunin ko ang natira. Nakatatakam pa naman ang amoy. Para akong magkakasakit kapag hindi ko natikman ang lintik na siopao na 'yan. "Kunin mo na 'yong isa, Bella. Para sa 'yo talaga 'yan." Nahihiya pa rin talaga akong kunin kaya ang ending, nakatulala pa rin ako sa siopao. Kung may buhay lang siguro ito ay baka kanina pa siya nagpakain sa akin. Mararamdaman talaga niyang takam na takam na ako sa kaniya. Naputol ang pagi-imagine ko nang may bigla na lang nagpakitang siopao sa tapat ng mukha ko. Para tuloy akong pusa na sumisinghot-singhot dito. Kaya kong singhutin 'tong siopao na 'to kapag itinodo kong suminghot. "Mabango,'no? Kunin mo na. Alam ko namang nagugutom ka na." Nangingiming tiningnan ko si Sir Dylan. Choosy pa ba ako? Iniaabot na nga sa akin. Nahihiya ko itong tinanggap. Natuwa naman siya nang tanggapin ko ito. 'Thank you, Sir. Oo nga po. Amoy pa lang ay masarap na." Bakit kaya ang bait niya sa akin? Mabait din kaya siya sa lahat? "Hindi lang parang. Masarap talaga siya," tuwang-tuwa naman niya sabi habang ngumunguya. End of Bella's POV Kael's POV "Kuya, may nakita ka bang dumadaan na babae kanina?" ang tanong ko sa bodyguard dito sa main entrance ng building. "Iyong makulit na babae na tinutukoy n'yo noon. Siya rin 'yong babaeng gumawa ng eksena kanina." "Ah, si Miss Bella po ba, Sir?" naniniguro naman niyang tanong. "Yes, siya nga," agad ko namang sagot. Humarap siya sa labas at parang may tiningnan muna sa store sa kabilang kalsada bago muling tumingin sa akin. Kumakamot siya habang napapaisip. "Dumiretso po siya riyan, Sir. Hindi ko lang sure kung nandiyan pa rin siya." End of Kael's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD