HE Chapter 7

3000 Words
Chapter 7 Kael's POV Natigilan ako. Crush kasi niya rati si Solenn pero wala, eh. Siya, crush pa lang niya, ako, naikama ko na. Pero kung alam ko lang na type niya si Solenn noon, sana ibinigay ko na sa kaniya ang trono. "Maybe," I just answered. Lagi naman kasing hindi nawawala si Solenn sa tabi ko kahit ipagtabuyan ko pa siya. "Kayo na ulit?" kunot ang noo niyang tanong. "Nope," mabilis ko namang sagot. Hindi naman talaga kami ni Solenn. We are just f*****g each other. Tawag lang nang init ng katawan ang habol ko sa kaniya at alam naman niya iyon. Ewan ko lang sa kaniya sa ibang pagkakataon. "Kasama mo raw siya kahapon from a source?" "Yes, ewan ko sa babaeng 'yon. Ang lakas makadikit." "Sus!" ngiting-asong turan niya. "Ex with benefits ang tawag doon, Tito." Sinabi ko na lang na ex para hindi naman niya isipin na pinaglalaruan ko 'yong babaeng crush niya dati. Pinaglalaruan ko lang naman talaga. "Good luck then!" Tumayo na siya. "See you when I see you, Kael! Aasahan ko ang maayos at matagumpay na trabaho sa next project natin." "Oh, thank you for the support. I am rooting for that too, Uncle!" nakatawang tugon ko naman. "Laging bukas ang Demerceds sa Clevin. Always tell that to Dad." Napailing siya habang nandoon pa rin ang ngiti sa mga mata at labi. Nakatanaw lang ako sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas ng office ko. End of Kael's POV Bella's POV Humahangos akong naglalakad papunta sa room ni Abby. Agad ko siyang niyakap nang makita ko siya. Payapa siyang natutulog pero hindi ko na talaga mapigilan ang emosyon ko. Tumulo na rin ang mga luha ko dahil sa halo-halong nararamdaman ko. Masaya ako dahil may trabaho na ako, malungkot dahil sa nangyari kay Abby at naguguluhan dahil hanggang ngayon nakatanim pa rin sa isipan ko si Kael. "Ate, 'wag ka nang umiyak. Magiging maayos din ang lahat," alo sa akin ni Iza. Hinahagod niya ngayon ang likod ko. "Wala ito, Iza... Masaya lang ako dahil sa wakas may trabaho na akong malaki ang kita at maipapagamot na rin natin si Abby," naiiyak kong balita. "Talaga, Ate?" tuwang-tuwang tanong naman niya. Tumango naman ako sa kaniya bilang sagot. "Ang bait talaga ni Lord, Ate. Sabi sa 'yo, eh! Manalig lang tayo sa Kaniya. Hindi niya tayo pababayaan. Pero paano nangyari 'yon?" nagtatakang tanong niya. Ngumiti ako sa kaniya. Ayaw ko namang ipaalam ang kasamaang ginawa ko. Mahirap na, baka pamarisan pa niya. "Basta, Iza... 'Wag kang mag-alala, nakuha ko 'yon sa tamang paraan," pagsisinungaling ko. Patawarin ako ng Diyos... May tiwala ako kay Iza pero hindi iyon bagay na maipagmamalaki ko bilang ate na tinitingala nila. "Hay... Mabuti naman, Ate. Iyan lang naman ang gusto kong malaman, eh," tila nabunutan ng tinik niyang wika. "Si Nathan?" pag-iiba ko ng usapan. "Nasa school pa siya, Ate. Susunduin ko siya mamayang uwian nila," sagot naman niya. "Ikaw? Wala ka bang klase ngayon? Pumasok ka na. Ako na ang magbabantay kay Abby. Ako na rin ang susundo kay Nathan," sabi ko habang hinahaplos ang mga buhok ni Abby. Namumutla pa rin ang balat niya. "Mayroon sana, Ate, kaso nag-absent na ako dahil tumawag 'yong teacher niya kanina. 'Yon nga, nahimatay si Abby. Nagpa-excused na lang ako sa teacher ko. Syempre uunahin ko si Abby kaysa sa lesson namin ngayon. Naiintindihan naman ako ng professor ko," mahabang paliwanag niya. "Mabuti naman." "Kailan natin ipagagamot si Abby, Ate? Gusto ko sanang magamot na siya agad... Naaawa na kasi ako sa kaniya," malungkot niyang wika. "Sa lalong madaling panahon. Bukas na bukas, kauusapin ko ang Boss ko. Pahihiraman niya ako ng pera. Gagaling din si Abby..." Kung hindi ako tatawagan ng lalaking iyon, pupunta ulit ako sa Demerceds bukas. Dapat niyang tuparin ang kasunduan namin kung ayaw niyang kumalat ang baho niya. Magpupuyat ako para hintayin ang tawag niya. "Maraming salamat naman sa Diyos, Ate," emosyonal na usal niya. "Dito ka lang muna. Pupunta lang ako sa ibaba. Bibili lang ako ng mga prutas sa may highway. Kailangan ni Abby ng mga masusustansiyang pagkain," paalam ko sa kaniya. "Sige po, Ate. Mamaya pa naman 'yong next class ko, eh." Nagtungo ako agad dito sa may puwesto ng mga prutas. Dumampot ako ng saging, grapes, oranges, apples and pineapples. Inilagay ko ito lahat sa iisang basket. Inabot ko ito sa tindera para ipatimbang. Magbabayad na sana ako nang bigla kong mahagilap ang pamilyar na lalaki rito sa tabi ko. Siya ang lalaking kausap ni Ma'am Jellie kahapon. Si Sir Dylan. Nahihiyang umusog ako para maayos siyang makapili ng mga bibilhin niya. Nagsisi ako sa ginawa ko dahil naging dahilan tuloy 'yon para tingnan at mapansin niya ako. "Hey, ikaw 'yong isa sa mga salesladies sa Clevin Store, 'di ba?" nakangiting magiliw niyang tanong sa akin. Naiilang ko siyang tiningnan. "Hi po... Magandang tanghali po sa inyo. Opo, ako nga po 'yon." "Ano ang ginagawa mo rito sa malapit sa ospital? Tagarito ka ba?" Sasagutin ko na sana siya pero inaabot na sa akin ng tindera 'yong mga pinamili ko. Binuksan ko ang wallet ko para kumuha sana ng pera nang magsalita siya. "Ako na lang ang magbabayad sa mga binili niya, Miss." "Okay po, Sir," masayang tugon naman ng tindera. Mabilis akong nagtaas ng mukha. Napalunok ako nang may inabot na siyang one thousand dito. Masaya naman ako dahil nakalibre ako. Siya pa 'yong perang magagastos ko. Pambili ko na lang ng mga gamot ni Abby. Nahihiya rin naman ako dahil isa siya sa mga Bosses namin. "Nako, Sir... Huwag na po. Nakahihiya." "No, it's fine. Sige na, kunin mo na 'yan. Baka may gusto ka pang idagdag?" Pasimple akong tumingin sa naglalakihang mga manggang hilaw sa tray sa ibaba. Ang sarap! Nakalalaway naman. Daig ko pa ang buntis na naglilihi. "Gusto mo ng manggang hilaw?" dahan-dahan niyang tanong habang tila tinatantiya kung tama siya sa akala niya. "Hindi," wala sa sariling sagot ko. "Hindi po. Okay na po 'to." Bumaba ang tingin ko sa supot sa mga kamay ko. "Marami na po masyado. Thank you po, Sir." "Sure ka? Nakatingin ka yata sa mga mangga, eh. Huwag kang mahiya, kumuha ka lang," nakangiting aniya. Sobrang generous pala nitong isang Boss namin. Sino lang naman ako para pagmagandaan ng loob niya, 'di ba? Ang bait niya... "Sure po. Mauna na po ako sa inyo, Sir. Maraming salamat po ulit dito..." Tukoy ko sa mga prutas. "Welcome... Saan ka ba? Puwede kang makisabay sa akin," alok niya sa pormal na boses. Hindi pa ako nakamo-move on sa panlilibre niya sa akin ay inaalok na naman niya ako. "Diyan lang po ako sa ospital sa malapit, Sir," agad ko namang sabi. End of Bella's POV Kael's POV "Hon!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Solenn lang pala. Inisang lagok ko ang alak sa wine glass. Ang sarap ng mainit na paghagod ng alak sa lalamunan ko. Galit pa rin ako sa kaniya dahil sa katangahan niya. Nawala niya ang flash drive kung saan nakalagay ang scandal video namin. Thanks to her but still no thanks! Iniisip ko lang kung hindi si Bella ang nakapulot niyon. Hindi ako papayag na lumubog ang buhay ko dahil lang sa scandal video! "Solenn, I told you we're over!" Ilang beses ko nang sinabi ang salitang "we're over" sa kaniya pero over siya sa manhid. "Honey! Sinasabi mo lang 'yan dahil galit ka sa akin," malambing niyang sambit. "Ano, natapos mo na ba 'yong issue mo sa babaeng 'yon kanina?" She walked in front of me and gave me a peck on my lips. "Hmmm. Drinking again?" Kinagatgat niya ang tainga ko. "Solenn!" saway ko sa kaniya. Binubuhay na naman niya ang malandi kong katawan. She sat on my lap and then kiss me hard. Inilagay niya ang aking mga palad sa dibdib niya. Napasinghap siya sa ginawa kong pagdama sa mga ito. Itinaas ko ang tube niya habang gumagalaw-galaw siya sa ibabaw ko. This girl is so expert. Lagi na lang niya akong pinapainit. I'm playing both her n*****s now while she's caressing my abs. Ibinaba ko ulit ang tube niya nang may maalala ako. "Hon... Ano na naman ba?" reklamo niya. I just chuckled. Nagtaka rin ako sa sarili ko kung bakit nagawa kong magtimpi. Before, I just make her kneel down and f**k her hard. Iyan ang ginagawa ko sa kaniya agad kapag pinainit niya ako. Mas matamis kasi 'yong mga labi ni Bella kaysa sa kaniya. Hindi na yata maaalis sa isipan ko ang babaeng 'yon. I need to call her later. For now, I want Solenn to pay me. "Someone's blackmailing me," seryosong umpisa ko. Napadilat naman ang mga mata niya. "What do you mean?" takang tanong niya. Tumayo siya at inayos ang sarili. "I mean us... About the scandal video." Nagkunwari akong nag-aalala at natatakot. Napahawak siya sa noo niya habang naglalakad nang pabalik-balik. "Paano? Look, I'm trying to find the flash drive. Binabalik-balikan ko lahat ng mga lugar na pinuntahan ko para lang mahanap 'yon. 'Wag mo akong pinagloloko, Kael!" kinakabahang wika niya. Nababalisa siya at hindi na alam ang gagawin. "I'm not playing with you," madiin ko namang ani. "Kahapon pa 'yan nawawala. Sa rami ng tao rito sa Manila, sa tingin mo walang makapapansin doon?!" I shouted to her. "Hon..." Lumapit siya sa akin at hinawakan sa mga braso. "What did he said? I mean, sino ang nakapulot? Ano ang sabi niya?" garalgal ang boses niyang mga tanong. "Two million. Two million kapalit ng flash drive." May pera naman akong pambayad kay Bella pero hindi ko kasalanan kung bakit nawala ang flash drive. Dapat lang na si Solenn ang magbayad niyon. I already warned her to delete the video but she never did. Gusto niya talaga ng remembrance mula sa guwapo na katulad ko. Sinasabi ko ito hindi dahil kuripot ako. Mayaman din naman kasi si Solenn. Siguradong sisiw lang sa kaniya ang two million. "Two million? How cheap!" Nagawa pa niyang manglait. "I'll give two million. Para matapos na ang problema natin. Siguraduhin lang niyang tutupad siya sa usapan." Nakangiti pa siya niyan. Kahihiyan na kaya niya ang nakataya. I mean, namin. Kampante ako kay Bella. Pakiramdam ko, mabuti rin siyang tao. Napansin ko 'yon nang kaharap ko siya. Marunong din kasi akong umintindi ng body language. Sa klase ng pananalita at galaw niya ay parang hindi siya sanay sa mundo ng pamba-blackmail. Sa kama kaya, sanay rin kaya siya? I shook my head. Nagiging malandi na naman ako. "Ibigay mo sa akin iyong two million bukas. Ako lang ang puwedeng makipag-negotiate sa kaniya dahil 'yon ang usapan." Aapela pa sana siya nang mabilis akong tumayo at umalis ng office. Hinugot ko ang cell phone at ini-dial ang number ni Bella. "Let's meet tomorrow," I said to her while grinning. Pagkalabas ko ng office ay sumalubong agad si Solenn sa akin. Akala ko ay umalis na siya kanina pero hindi pa pala. Humawak siya agad sa braso ko nang makalapit siya. Napapikit na lang ako at napabuga ng hangin. "Saan ka ngayon?" magiliw niyang tanong na para bang walang nangyari. "Kumain ka na? Sasamahan kita kung hindi pa." Hinawakan ko siya sa kamay at ginamit lahat ng lakas ko para matanggal ang mga ito sa pagkakakapit niya sa braso ko. "Solenn, masakit ang ulo ko. Umalis ka na lang para gumaling na ako," seryoso kong sabi sa kaniya. Imbis na umalis ay mas lumapit pa siya sa akin. Ito ang dahilan kaya kahit kailangan ay hindi siya nawala sa landas ko. Manhid na siya at parang daily routine na niya ang paghahabol sa akin. Dahil single naman ako at wala namang masyadong ganap sa buhay, hinahayaan ko lang siya. Babaero ako at alam niya 'yon. Aware naman siyang marami sila pero she insisted na siya ang mananalo in the end. Ang premyo, walang iba kundi ako. Hindi ko alam kung bagay 'yon na dapat kong ikatuwa o ikainis. Hindi ako trophy! "Kung masakit ang ulo mo, nandito naman ako para pagalingin ka," nang-aakit niyang wika. "Tara sa condo ko?" "Kailan pa naging gamot o doktor 'yang kepyas mo?" inis kong tanong sa kaniya. Hindi ko mapigilang matawa sa loob ng isipan ko sa tanong ko sa kaniya. Kapag naman kasi wala ako sa mood, s*x agad 'yong naiisip niya gamot. "Iyon naman ang gusto mo, 'di ba? Ako ang doktora mo," malambing niyang turan at sinabayan pa ng kagat sa labi. Mabilis lang niya akong makuha sa paganiyan-ganiyan niya noon pero hindi na ngayon. Hindi ko alam. Maybe dahil sa babaeng na-meet ko kanina... "Pupunta ako kay Sophie," pagsisinungaling ko. "Kaya umuwi ka na." "I knew it!" masamang-masama ang loob niyang bulalas. "Nagkabalikan na naman kayo?" Sophie was my girl two days ago. I need to use Sophie to get rid of her. "Oo, may date kami ngayon. Huwag mo na akong sundan. Nakaiistorbo ka lang," madiin kong sinabi. "Susunduin kita after," desidido niya saad. See? Baliw na siya. Siya na ang pinakamanhid na tao sa buong mundo. "Make sure na mas magaling siya sa akin, ha?" Tumatawa siya pero hindi maitatagong nagseselos siya. "Alam mo, Solenn, hindi ko alam kung bakit pinag-aaksayahan mo pa ako ng panahon. Ang daming lalaki riyan na kaya kang mahalin nang higit pa sa inaakala mong pagmamahal na makukuha mo sa akin." Huminga ako nang malalim pagkatapos ay tiningnan siya nang seryoso. "Hindi kita mahal," diretso sa mga mata niyang bigkas ko. Kitang-kita ko naman sakit at pait sa mga mata niya dulot ng mga sinabi ko. Lagi naman kaming nandito sa senaryo na ganito pero kinabukasan ay nariyan na naman siya. Kauusapin na naman ako na parang walang nangyari. Nasabi ko na rin naman 'yong pinakamasakit na salita ay lulubos-lubusin ko na. "s*x lang ang namamagitan sa ating dalawa. At alam kong alam mo 'yan. Maawa ka naman sa sarili mo. Huwag kang nagpapaloko. Itigil mo na ang pagpapaloko mo. You know there's no permanent girl in my life. I'll gonna grow old with no one," pinal at hindi matitibag kong sinabi bago siya iniwan. End of Kael's POV Bella's POV Bago ako pumasok sa trabaho ay nagpasya akong pumunta rito sa apartment ni Cassie. Maaga akong gumising para makausap ko siya. Pakiramdam ko ay kailangan ko ng payo ng isang kaibigan bago pumasok sa bago kong trabaho. Hindi ako kumatok sa pintuan niya. Nandito lang ako sa labas habang hinihintay siyang magising. Maaga naman siyang nagigising dahil maaga rin ang trabaho niya. Nag-text na lang akong nandidito na ako sa harapan ng apartment niya. Mayamaya pa ay may narinig na akong malakas na kalabog sa loob. Nagulat ako kaya agad akong tumakbo patungo sa harapan ng pinto niya. Kakatok na sana ako nang bigla itong bumakas. "Bella!" malakas niyang bulalas sa pangalan ko. "Wait," aniya habang hinihingal. "Ang aga mo namang mamasyal!" Humupa ang kabang nararamdaman ko nang makitang parang wala namang nangyaring masama sa kaniya. "Ano ang nangyari sa 'yo? Ano 'yong kalabog na narinig ko?" sunud-sunod kong tanong sa kaniya habang hindi pa rin maitago ang pag-aalala. Natawa naman siya nang mahina sabay kamot banda sa pisngi ng puwet. "Nalaglag ako sa kama, friend," nahihiya pa niyang amin. "Huh!" gulat ko namang sambit. "Saan? Okay ka lang? Paanong nalaglag ka sa kama? Baka naitama 'yang ulo mo. Tingnan ko nga." Akmang hahawakan ko siya sa ulo nang hawakan niya ako sa kamay. "Okay lang ako. Wala namang nangyaring masama sa akin... May makapal akong carpet sa sahig ko sa kuwarto kaya hindi ako na paano." Nakahinga naman ako nang maayos sa sinabi niya. "Mabuti naman..." "Pumasok ka muna," alok niya sa akin. Mas binuksan pa niya lalo ang pinto para makapasok ako. Pumasok naman ako at naupo. Hindi ko maiwasang ilibot ang mga mata ko sa buong living room. Simple lang naman ang apartment niya pero kumpleto sa gamit. Well furnished lahat at malinis. May dalawang kuwarto rin, isang comfort room at isang kusina. Nasa labas na ang sampayan at laundry area, nakita ko kanina. Kahit ganito lang ang bahay ko ay solved na. Dumiretso siya sa kusina. Hindi nagtagal ay may naririnig na akong parang kumukulong tubig. Sumunod kong narinig ang tila mga tasang ipinatong sa mesa. Nang maamoy ko ang masarap at mabangong aroma ng kape na nagmumula roon sa kusina ay nakumpirma ko ang hinala ko. Pagbalik ni Cass ay may bitbit na siyang tray. Sa ibabaw nito ay may dalawang cups at mga nagsasarapang tinapay. "Kumain ka muna, friend," aya niya sa akin pagkalapag ng tray sa table. "Pasensiya ka na. Hindi ako nakapagluto. Alam mo naman ako, coffee lang sa umaga ay solved na. Wala na akong time pang magluto. Maligo nga wala, eh, ang magluto pa kaya," tumatawa niyang sabi. Natawa na lang din ako. "Ayos lang 'yan. Ako nga tinapa at one cup of rice lang ay okay na sa umaga," wika ko naman. "Ano ang lang? Ang mahal kaya ng tinapa ngayon! 'Yong minamaliit nilang mga ulam noon ay pang mayaman na ngayon! Idagdag mo na rin 'yong tuyo." Humagalapak siya ng tawa. "Oo nga," tumatawang sang-ayon ko. "Baka mas mura lang talaga ang tinapa sa amin." "Talaga? Pa-order nga ako ng tatlo kung mahaharap mong bumili." "Sure, friend," pagpayag ko naman. "Nga pala, ano ang nangyari sa 'yo kanina?" End of Bella's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD