HE Chapter 10

3000 Words
Chapter 10 Kael's POV "Hindi nga rin niya ako pinansin kaninang dumaan siya rito, Sir. Bad trip yata saka may malalim na iniisip," patuloy pa ni Manong bodyguard. Wala sa sariling napatingin ako sa store. "Gano'n ba? Sige, titingnan ko lang siya saglit doon. Thank you, Kuya!" Mabilis akong tumakbo patawid ng kalsada. Nang narito na ako sa loob ng store ay agad kong inilibot ang paningin ko sa buong paligid. Halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko nang makita ko siyang nakaupo habang tumatawang nakikipag-usap sa taong kaharap nito. Nalukot ang mukha ko sa pagkakatitig ko sa likod ng taong kausap niya. Pamilyar kasi sa akin ang build ng katawan at gupit nito. Nang lumapit pa ako at marinig ang tinig nito ay roon ko na siya nakilala nang tuluyan. Si Uncle Dylan nga! "Uncle!" malakas kong tawag sa kaniya. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Bella nang marinig niya ang tinig ko. Nagtatakang nagpalinga-linga siya at nanlaki ang mga mata nang makita na niya ako. Sumunod naman na lumingon si Uncle at malayang sinundan kung nasaan ang direksiyon ng mga mata ni Bella. Ano'ng ginagawa nila rito? Magkakilala sila? "Hey! Pamangkin, ikaw pala! Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtataka habang nangingiting tanong sa akin ni Uncle. "Ikaw ba? Ano ring ginagawa mo rito?" walang emosyon kong tanong pabalik sa kaniya. Humarap siya kay Bella pagkatapos ay muling lumingon sa akin. "Umupo ka nga muna. Nangangawit 'tong leeg ko. Come, sit with us." Wala sa sariling naglakad ako at umupo rito sa tabi ni Uncle. Tiningnan ko nang seryoso si Bella pero nag-iwas lang siya ng tingin. Kumagat siya ng dalawang beses sa siopao pagkatapos ay ngumunguya habang nakatingin sa labas. "I am talking to one of our employees at Clevin store, Mandaluyong branch," wika ni Uncle. "Wait, nagmeryenda ka na ba? Mag-order ka muna," nakangiti niyang sabi. "I am full," mabilis ko namang wika. Kunot na kunot ang noo akong tumingin sa mukha niya papunta kay Bella na ngayon ay nakatingin na kay Uncle. Paano naging empleyado si Bella sa kompanya ni Dad? Alam ba niyang anak ako ng may-ari ng Clevin Company? "Empleyado siya ni Dad?" naniningkit ang mga matang tanong ko. "Yes, saleslady siya roon," pagbibigay alam naman ni Uncle. Naglakbay ang alaala ko sa mga nakaraang araw ko. Nagpunta talaga kami ni Solenn noon sa branch sa Mandaluyong dahil launching ng mga bagong products ng Clevin. Dad told me to go there to meet some of my fans. That day also is I was with Solenn. Siguro doon nahulog ni Solenn ang flash drive kaya nakuha ni Miss Yaqub. And that day our story begins! And those are histories and now are the continuation! Matagal na pala naming pinapakain ang buong pamilya niya pagkatapos may gana pa siyang i-blackmail ako. I hate to use the word "Pinapakain" pero naiinis lang kasi ako to see her with my Uncle. "Really? Kailan ka pa nagtatrabaho roon, Miss Bella?" may bahid ng pang-uuyam kong tanong sa kaniya. Hindi naman siya nakasagot agad. Tumingin siya kay Uncle ulit. As if na kay Uncle naman ang sagot sa tanong ko. "Wait, magkilala na ba kayo?" naguguluhang tanong sa amin ni Uncle. "Yes," sagot ko naman agad. "Actually, siya ang ka-meet ko ngayong araw at ang taong pagbibigyan ko ng two millions na inutang ko sa 'yo kanina." Tinaliman ko ang tingin kay Bella para naman masaktan ko siya kahit sa pamamagitan man lang ng mga mata ko. Parang bigla naman siyang nahiya sa isiniwalat ko. Si Uncle naman ay parang sakto lang ang epekto sa kaniya, hindi galit at hindi rin naman nadismaya. "Mag-uusap sana kami ngayon sa office pero umalis lang siya," pagpapatuloy ko. "Sasamahan ko siya kapag nag-usap na kayo," aniya nang makita niyang parang hindi na makatingin sa kaniya si Bella. Nahiya na siguro dahil sa ginawa niya sa akin. Dapat lang na mahiya siya! Hindi ko lang alam, baka pati si Uncle ay gagawan niya nang masama! Judgmental na kung judgmental pero ito na ang naiisip ko. "Sa tingin mo'y kailangan ka sa usapan, Uncle? Sensitive ang mga pag-uusapan namin," pagbibigay alam ko sa kaniya. "Ganoon ba? Hihintayin ko na lang kayo hanggang sa matapos kayong mag-usap," muli niyang sabi. "She is blackmailing me, Uncle," mahinang sabi ko. Sapat lang na lakas para marinig naming tatlo. Biglang namula si Bella at napayuko na lang nang mabilis. Napakurap lang si Uncle pero wala pa ring nababago sa ekspresyon ng mukha niya. "That is why I am feeling nervous too because you are with someone whom I believe you still don't know wisely. Am I right, Bella?" Tiningnan ko siya nang nakaloloko. Mas lalo pa siyang yumuko. Hindi ko mapigilang mag-isip ng mga negatibo tungkol sa kaniya. Puwede rin namang mukhang pera lang talaga siya at mga mayayaman na lalaki ang target niya. Tama man o mali ang hinala ko, ang mahalaga ay naging handa ako. Ayaw kong dumating ang point na pati si Uncle ay mabiktima niya. "Kael, tama na 'yan," mahinahon na awat ni Uncle sa akin. "Puwede mo namang sabihin na mag-uusap na kayo. You don't have to say those in public," pangaral pa niya. "Kaya ko nga hininahan ang tinig ko, 'di ba? I told you also para maniwala kang nagsasabi ako sa 'yo nang totoo," rason ko naman pabalik. "Yes, I believe you," pagsuko niya. Muli siyang tumingin kay Bella. Naramdaman ko ang matinding pag-aalala niya rito. Maybe he just cared for her as their employee but I guess there is more than that. "Bella, ready ka na bang makipag-usap sa kaniya," malumanay niyang tanong rito. "Bakit siya ang tinatanong mo, Uncle?" naiinis kong tanong. "Relax ka lang diyan, Kael, 'cause I will ask you too." Nagseryoso na siya. "Tinatanong ko lang dahil baka hindi pa kayo prepared. Parang may nararamdaman kasi akong tensiyon sa pagitan n'yo." "Mayroon talaga," sagot ko naman. "Ikaw ba naman ang i-blackmail? Try to be here in my shoes," nangongonsensiya kong wika. "Ewan ko na lang kung hindi ka kabahan at ma-depress kapag sa 'yo 'to nangyari. Hindi ako makatulog at hindi makapag-focus sa work dahil dumagdag pa siya sa mga iniisip ko. Wala kang ideya kung anong klaseng babae siya, Uncle. Masama ba'ng balaan kita?" Atat na atat na talaga akong sabihin sa kaniya nang detalyado ang lahat pero nagdadalawang isip ako dahil kahihiyan ko ang sangkot dito. Ayaw ko namang sabihin na umiikot ang lahat ng mga ito dahil sa scandal video namin ni Solenn. Nakahihiya kay Uncle. Hindi pa ako handang malaman niya ang tungkol doon. End of Kael's POV Dylan's POV Naguguluhan akong napatingin kay Bella. Gustung-gusto ko mang malaman ang tinutukoy ni Kael ay naisip kong wala naman ako sa lugar para manghimasok. Mas lalo pa tuloy nailang si Bella at parang ayaw na rin magsalita. "Whatever it is, just keep it," ani ko para mabawasan man lang ang tensiyon sa pagitan nila. "No! You don't understand, Uncle," apela naman ni Kael. "Ano ba ang dapat kong maintindihan, Kael? Willing ka bang i-share kung ano talaga ang totoong nangyayari?" Huminga ako nang malalim. "Kung ako ang tatanungin n'yo, willing akong makinig at willing na isolbar ang gusot n'yo. Ang tanong, kaya n'yo bang sabihin? This is private issue, ayon sa iyo, Kael." Natahimik naman siya. Napagtanto niya siguro ang mga sinabi ko at kung ano'ng pinupunto ko. "Kung ano man ang issue n'yo, pag-usapan n'yo nang maayos," pinal kong wika. "Ano ba kasi'ng ginagawa mo rito, Uncle?" aburido niyang tanong. "Napadaan lang ako. Pupunta sana ako sa opisina mo pero naisipan ko muna'ng dumaan dito sa store," paliwanag ko na lang kahit wala naman akong dapat ipaliwanag. Lininga ko si Bella. "Are you okay?" nag-aalala kong tanong sa kaniya. Parang lutang naman siyang tumango. "Ako, hindi mo ba ako tatanungin, Uncle?" singit na tanong naman ni Kael. "Kael, mas maigi siguro'ng mag-usap na lang kayo sa office mo at hindi rito sa store," suhestiyon ko sa kaniya. "No, Uncle. Mas maganda kapag dito na lang mismo para marinig ng ilan ang ipinaglalaban ko. Tama ba, Bella?" patuya niyang tanong rito. Hindi ko na matimbang kung sa akin o kay Bella siya nagagalit. Ngayon ko lang siya narinig na magsalita sa akin nang ganito. Wala na ang dating Kael na cool lang kausap. Namasyal na lang muna kung saan siguro. Isa lang ang masasabi ko, hindi ko gusto ang Kael na kaharap ko ngayon. Naaapektuhan ako bawat reaksiyon ni Bella dahil sa mga pinagsasabi niya. "Sir, umalis na lang po kayo. Hindi n'yo po dapat marinig lahat ng mga sasabihin niya. Nakahihiya po..." Kahit halatang ayaw niya ay tumingin pa rin siya kay Kael. "Bakit? Nahihiya kang malaman ng Uncle ko ang ginawa mo sa akin?" hamon niyang tanong dito. "Hindi naman po sa gano'n, Sir. Sa pagitan lang naman natin 'yon, eh. Wala naman siyang kinalaman dito..." "Bella is right, Kael," mabilis kong sang-ayon. "Wala akong kinalaman dito. Bigyan mo naman ng privacy ang pag-uusap n'yo, kung iyon ang gusto ng isa sa inyo." Umiling siya at natatawang nag-iwas ng tingin. Sa tono ng tawa niya ay alam ko nang naiinis na siya. "Well, sasabihin ko pa rin dahil iyon ang gusto ng isa sa amin, Uncle." Pinagdiinan niya ang salitang 'Uncle' sa pagmumukha ko. Bigla namang nataranta si Bella. Hindi na kasi mapakali ang mga paa niya. Pati ang mga mata niya ay nangungusap na rin. Tila sinasabi ng mga itong umalis na lang ako. Hindi ko naman magawang umalis dahil nag-aalala ako para sa kaniya. End of Dylan's POV Solenn's POV "Ang aga mo yatang umuwi ngayon, sweety," bungad na sabi ni Daddy pagpasok ko rito sa bahay. "Hindi ba kayo nagkita ni Kael?" Tiningnan niya ako nang wala siyang mahintay na sagot mula sa akin. Mabuti na lang dahil nakapag-retouch muna ako ng makeup bago umuwi. Mukha tuloy akong fresh kahit hindi naman talaga. Ang tagal kong umiyak sa loob ng kotse kanina. Nagpapasalamat ako dahil hindi ako nabangga kanina. Halos hindi ko na makita ang daan kanina dahil sa mga luha kong ang goal ay gumawa ng swimming pool sa mismong loob ng mga mata ko. I am really in pain... Matagal ko nang inihanda ang sarili ko sa ganitong sitwasyon pero ang sakit-sakit pa rin talaga. Para na akong mababaliw. Dumating na ang araw na pinakakinatatakutan ko sa lahat... Hindi ko pa kayang mawala si Kael sa akin. Hindi pa... "Solenn, is there something you wanna say? Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko?" may bahid ng pag-aalala niyang tanong. Ngumiti ako at pilit na pinasigla ang awra. "Okay lang ako, Dad. Pagod lang ako sa work." Inoobserbahan niya ako nang maigi. "Nag-work ka? Ang aga mo kasing umuwi ngayon. Hindi ko naman umuuwi nang ganito kaaga, eh." "May project akong tinapos. Malapit lang 'yon kaya nakauwi ako agad," pagsisinungaling ko naman. "Ang init kasi sa site kanina. Kung alam ko lang na ganoon kainit, hindi ko na sana tinanggap ang project. Dapat pala ay i-consider to check muna ang setting bago pumirma ng projects." I am a model all my life. Suki talaga ako sa mga modelling agencies and companies. Nag-aaral pa lang ako ay nagtatrabaho na ako as model. Dahil sa career na mayroon ako ay nakilala ko si Kael. Naga-audition siya as male model sa isang agency kung saan ako nagtatrabaho noon. Unang tingin ko pa lang sa kaniya, alam ko nang gusto ko siya. He has the most charismatic eyes I have ever seen. Naging magkatrabaho kami noon pero hindi ko alam na isa siyang Calvin. Sa loob ng isang taon na magkakilala kami, hindi niya kailanman nabanggit ang tungkol sa totoong background niya. Isa lang siyang baguhan na model sa paningin ng lahat pero hindi kailanman sa akin. Nasa kaniya na ang lahat. He has the body, the looks, the charisma and talent to act and pose in front of the camera pero in the end, nare-reject pa rin siya. Ako ang unang naniwala sa kaniya na makakamtan din niya ang mga pangarap niya sa buhay. From the start, I never leave him. Ilang beses man niya akong saktan emotionally, hindi pa rin ako umalis. Kung sinu-sinong mga babae ang isinasabay niya sa akin pero lahat 'yon tiniis ko dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya... "Dapat sa studio na lang kayo nag-pictorial at hindi sa labas. Uso pa naman ang heat stroke ngayong summer. Nakatatakot ang pagtaas ng mga kaso ng nai-stoke ngayon." "Lagi naman akong may baon na tubig, Dad. Paminsan-minsan lang naman kaming lumalabas para sa mga shoots." Tumingala ako sa wall clock para alamin kung ano'ng oras na. Magtatanghalian pa lang pala. Kahit alam ko na ang makikita ko ay naglakas-loob pa rin akong silipin ang cell phone ko. Wala pa ring text galing kay Kael. Naiiyak na naman tuloy ako. "Mabuti naman. Iyan din sana ang sasabihin ko kanina kaso ang aga mong umalis. Always drink plenty of water!" "Yes, Dad. Magpapahinga na ako sa kuwarto ko. Huwag n'yo na lang din po akong kakatukin." Nagtataka naman siyang tumango. "Okay, sweety. Magpahinga ka na. Pero bago pala 'yan, kumain ka na ba?" "Tapos na po, Dad," agad ko namang sagot. "Okay," tumatango niyang sambit. Pagkarating ko rito sa kuwarto ay dahan-dahan akong napaupo rito sa sahig. Hindi ko mapigilan ang paglabas ng mga luha. Tuwing naaalala ko ang huling pag-uusap namin ni Kael ay nagiging emosyonal ako. "Sino na naman kaya ang bagong kinahuhumalingan mo ngayon, Kael? Sino na naman ba 'yang babaeng isusunod ko sa mga dating babae mo noon? Sino na naman ba?!" pasigaw kong tanong habang nagpapapadyak ako. "Gusto mo na naman bang kalbuhin ko kung sino man siya?" natatawa kong tanong sa hangin. "Huwag mo akong hintaying mademonyo, Kael..." Dahan-dahan akong tumayo pagkatapos ay naglakad palapit sa kama. Itinaas ko ang foam at kinuha ang flash drive na naglalaman ng copy ng scandal video namin ni Kael. I really planned to video ourselves while having s*x. Hindi ko lubos inakala na magagamit ko 'to balang araw. Gagamitin ko 'to kapag sinubukan niya'ng makipaghiwalay sa akin. Wala na akong pakialam kahit pa madamay ako. Tatakpan ko lang naman ang mukha ko rito pagkatapos mukha lang niya ang ipapakita. Kung kailangan kong gawin 'to para lang huwag siyang mawala ay gagawin ko. Alam naman niya 'yon kahit hindi ko sabihin. Desperada na talaga ako. Kinuha ko ang cell phone para tawagan si Miles. Siya ang best friend ko. Nagpapasalamat ako dahil sinagot niya agad ang tawag. "Oh, napatawag ka? May chika, 'no? Ano'ng mayroon?" sunod-sunod niyang tanong. "May nangyari na naman, 'no?" Huminga ako nang malalim. Humigpit ang pagkakahawak ko sa cell phone. Kailangan niyang malaman ang plano at ang mga pinagdadaanan ko bago pa ako mabaliw. "Miles, nakikipaghiwalay na sa akin si Kael," malungkot kong sumbong sa kaniya. Hindi naman siya nakapagsalita agad sa kabilang linya. Ngumiti ako nang malungkot. "Ano ba? Nakikiliti ako! Huwag nga riyan!" kinikilig na hindi ko maintindihang sabi niya sa kabilang linya. Nasa on the spot pala ang gaga kong kaibigan. Napapikit ako nang mariin nang marinig ko ang ungol ni Gorge. Wala pa ring makapapantay sa nakalalaglag panty na ungol ni Kael. "Wait lang, babe! May kausap ako! Kailangan ako ng best friend ko!" pagpapatuloy niyang wika. "Wait! I'll be back, babe!" Sumunod kong narinig ang mabilis niyang pagtakbo. "Oh, ano na ulit 'yong sinasabi mo?" "Sabihin mo lang kung tatawag na lang ako mamaya. Okay lang naman..." "Sus! Isinuko ko na nga 'yong romance moment ko para madamayan ka. Ang dami mo pang arte riyan! So, ano nga 'yon?" interesadong-interesado niyang tanong. "Nakikipaghiwalay sa akin si Kael." Natawa naman siya sa kabilang linya. Alam ko namang ganiyan ang magiging reaksiyon niya. Madalas naman kasi niyang naririnig ang mga salitang 'yon sa akin. "Seryoso na 'to, Miles. Talagang nakikipaghiwalay na siya sa akin. Ramdam ko sa klase ng pananalita niya kanina," humihikbi kong sabi. "Seryoso na talaga siya," miserable kong usal habang nakatingala sa itaas. Para na akong mauubusan ng hangin. Agad naman siyang tumigil sa kakatawa. "Nako! Huwag kang maniniwala roon. Hindi ka pa ba nasanay? Lagi naman 'yang bumabalik sa 'yo. Maghubad ka sa harapan niya. Ewan ko lang kung hindi pa 'yan bumalik!" "Iba ngayon... Ibang-ibang..." Unti-unti naman siyang natahimik. Nahalata na niya siguro sa klase ng pananalita at mga iyak ko na nagsasabi ako nang totoo. "So, ano'ng plano mo?" mahina niyang tanong. "Ilalabas ko ang scandal video namin kung iiwan niya ako," umiiyak kong turan. "Oh, my! Mayroon?" gulat na gulat niyang tanong. Hindi na niya ako hinintay na magsalita dahil alam niyang kapag may sinabi ako ay gagawin ko. "Mag-isip ka nga, Solenn! Hindi lang siya ang mapapahamak kundi pati ikaw! "Tatakpan ko naman ang mukha ko." "Hindi! Hindi pa rin tama! Imposibleng hindi ka madadamay riyan! Sino ba ang nakikita nilang kasa-kasama lagi ni Kael? Hindi ba't ikaw?" nanghahamon niyang tanong. "Mag-isip ka nang mabuti! Huwag puro galit ang pinapairal mo. Mabuti sana kung wala kang pangalan na inaalagaan at career na bukas na bukas sa publiko! Mabilis ka lang nilang maaamoy kahit pa tapalan mo 'yang mukha mo." Ramdam kong nai-stress na rin siya katulad ko. Naluha na lang ulit ako. Hindi ko na alam ang gagawin... End of Solenn's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD