CHAPTER 3

1476 Words
Tama nga siya dahil 5am pa lang ay gising na si Tasya. Siya rin naman ay nagising ng kusa, dahil na rin siguro mabilis siyang nakakaramdam pag nagising na ang anak niya. Hindi naman siya puyat na puyat dahil sakto lang ang tulog niya. Naghilamos lang sila at hindi na muna naligo dahil malapit lang naman ang lugar kung nasaan ang puntod ng mama ni yaya Verlin. Kaya gusto niya rin maaga dahil masarap maglakad pag hindi pa mainit at tirik na tirik ang araw. Umagang-umaga at napaka-hyper ni Tasya. Tuwang-tuwa ito na maglakad nang makababa sila ng sasakyan. Siya na ang nag-drive dahil na-miss niya ang sasakyan niya. Nagagamit naman iyon dahil pinapagamit niya sa driver nila para hindi lang naka-stock sa bahay niya kaya maayos na maayos pa rin iyon. "Nakita ko 'yong masarap na mami at pares doon, bukas pa rin pala. Doon na tayo mag-breakfast mamaya tutal nahandaan mo naman ng baon si Tasya," ani niya kay yaya Verlin. "Oo ma'am, na-miss ko rin diyaan, pati 'yong goto nila! Hays, nakakagutom lalo." Hinimas nito ang tiyan at tumawa. Binuksan niya ang wine at sinalina ang plastic cup na dala. Nilagay niya iyon sa puntod ng nana niya pati na rin ang buong bote ng wine. Natutuwa siya nang makita ang puntod nito na malinis. May binabayaran kasi sila na taga linis sa puntod para naman pag may bumisita ay maayos tingnan. "Is that your yaya. mommy?" Lumapit sa kaniya ang anak at niyakap ang legs niya. "Yes, it's your yaya Verlin's mom." "That's why she looks like yaya Verlin," ani nito at tinuro ang malaking picture. Ngumiti siya at hinaplos ang ulo ni Tasya. Ilang minuto pa sila nagtagal doon at nag-pray bago umalis sa lugar. Tumungo sila sa malapit na mami at pares na kainan. Open ang restaurant kaya presko na rin dahil sa natural na hangin. Nag-order siya ng pares at si yaya Verlin naman ay goto at lumpiang togue. Pinatikim niya ng lumpiang togue si Tasya at nagustuhan naman nito. Bagong luto lang iyon at masarap pa ang sawsawan kaya napa-order ulit siya ng lumpia. Pagkatapos nila kumain ng umagahan ay umuwi na rin sila dahil magpe-prepare pa siya ng presentation niya at ng susuotin na damit. She should look like a professional. Si yaya Verlin ang nagluto ng tanghalian nila habang siya ay pinaliguan muna si Tasya bago siya maligo. Sabay ulit silang kumain na tatlo at nang matapos ay nag-ayos na siya ng sarili niya. Nag-makeup siya ng kaunti para maging presentable tingnan at muli niyang ni-review ang presentation niya. Umalis na rin siya ng alas-dos ng hapon. Tulog na si Tasya kaya naman hinalikan niya na lang ito sa noo bago umalis. Sumakay siya sa sasakyan niya at pinaandar iyon papunta sa destinasyon niya. Walang traffic kaya before 3pm ay nandoon na siya. 3:30pm pa ang meeting nila pero mas okay nang mas maaga siya kaysa naman na late. Nasa conference room na siya at kinabit niya na ang laptop para makita sa malaking screen ang powerpoint niya. Naroon na kasi nakalatag ang interior design ng orphanage at mga listahan ng materials at furniture na ilalagay ng team para maisagawa ang design niya. Nang matapos niya na ma-ready ang lahat ay lumabas muna siya ng conference room para mag-cr. Iginaya naman siya ng secretary ng client niya sa comfort room. Ginawa niya ang dapat gawin at inayos ang sarili at dinagdagan ang liptint niya. Salit lang naman siya at bumalik na kaagad sa conference room pero pagpasok niya may lalaki na sa loob. Nakatalikod ito at nakaharap sa glass window habang may kausap sa cellphone. "Yes... How many times I should tell you that I will be there at your second wedding day? Nasaktuhan lang noon na may emergency sa hospital at ako ang surgeon ng patient kaya hindi ako naka-attend... Fine... I have a meeting today, you fucker!" Nakakunot ang noo niya dahil sa napakapamilyar na boses nito pero mas lalong kumunot iyon nang humarap ito. Hindi siya nakapagsalita at maski ang binata sa harapan niya pero agad din itong nakabawi dahil naglakad ito papunta sa isang swivel chair para umupo. "Doc Riker?" "So you are the interior designer..." Seryoso ang mukha nito pati boses, ganito pa rin ito nang makita niya noon sa hospital. Mukhang palaging galit at nakaka-intimidate pero mabait naman talaga. "Natatandaan mo pa ako doc?" nakangiting ani niya. Hindi niya mapigilan dahil masaya siyang makita ito muli. "Of course... I won't forget that you didn't let go my hand until you deliver your baby. That's the first time that happened to my whole career years." Mahina siyang natawa pero nakaramdam din ng kahihiyan sa nagawa niya noon. "Can you start the presentation now? I have surgery later so, I need to rest for a bit." Hindi na siya nakapagsalita pa dahil muli itong nagsalita. Magpapasalamat pa sana siya at kakausapin ito pero nakalimutan niyang nasa trabaho pala sila. "Yes, doc." Nilapitan niya ang laptop niya at nakitang saktong 3:30pm na, doon niya lang napagtanto na napaka-importante talaga ng oras sa doctor na 'to. Napatingin siya rito nang magsuot ito ng salamin. Natulala siya sa ka-gwapuhan at kakisigan ng doctor. Hindi niya man lang na-realize na sobra-sobra pala ang guwapo ng doctor na 'to. "Are you okay? you can proceed now," seryosong sambit nito sa kaniya. Napapitlag naman siya dahil hindi niya namalayan na nakatitig na pala siya ng matagal sa binata. Dahil sa pagkataranta niya ay nautal pa siya noong una pero kalaunan din ay naging okay siya habang nagpapaliwanag dito. Pinakita niya ang nagawa niyang design sa buong orphanage. Simula sa design ng mga tutulugan ng bata, sa kitchen, sa sala at sa library room. Malawak masiyado ang orphanage kaya ang dami niyang na-plano sa kabuuan. "Ito 'yong listahan ng mga suggestion ko na furnitures at materials na gagamitin. Ito naman ang costing sa total ng magagastos," ani niya at may kinuhang papel sa folder niya at inabot sa binata. Hindi siya sigurado kung natutuwa ba ito o na-satisfied sa ginawa niya dahil seryoso lang ang mukha nito. "I'm good with this..." "P-po?" "Let's start this as soon as possible. Bilhin na lahat ng materials at ng mga furnitures na kailangan para maayos na kaagad ang orphanage. I like your idea. The kids will be comfortable to this cozy orphanage." Lumawak ang ngiti niya dahil wala itong pinabago kahit isa. Ibig sabihin lang no'n ay satisfied ito sa design niya. Habang dine-design niya iyon ay naisip niya talaga na dapat ang style ng orphanage ay mafe-feel ng mga bata na nasa bahay sila. Kaya simula sa mga material at furniture sinigurado niyang magandang klase na sakto pa rin sa budget. Naiimagine niya na nga ang loob ng orphanage at sigurado siyang maraming mamamangha na mga tao at parang gu-gustuhin na rin nila tumira roon dahil parang isang malaking mansyon na maraming kwarto. Parang dorm nga siya na may malaking canteen sa loob at library tapos sa labas ay may playground pa at malawak na tatakbuhan ng mga bata. "Thank you," ani niya sa binata. Tumayo ito at nakipagkamay naman siya pero agad niyang nabawi ang kamay at mukhang nagulat ito sa inasta niya. "M-may kuryente... sorry," nahihiyang sambit niya. Maski kasi siya ay nagulat kaya agad niyang nahatak ang kamay niya. Nakita niya ang pagtaas ng isang sulok ng labi nito pero agad ding nawala. Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya o ngumiti talaga ito. "A-ah, salamat nga pala sa ginawa mo noon... Alam kong naistorbo kita dahil bilang isang doctor at surgeon ay alam kong busy ka pero hindi mo binitawan ang kamay ko. Hindi na ako nakapagpasalamat sa'yo noon dahil hindi na kita nakita noong paalis na kami sa hospital," sambit niya at napaayos ng buhok. Napatingala naman siya dahil sa sobrang tangkad nito. "Patients, first... I don't have a surgery that time so it's nothing." "Salamat pa rin..." "You're a single parent, right? As far as I remember you shouted at me because... hmm... I called you misis?" Nanlaki ang mata niya at napayuko dahil sa kahihiyan. Nakalimutan niya na iyong part na 'yon pero bigla na naman niyang naalala dahil natandaan pa pala nito. "O-oo... k-kasi hindi naman ako misis... S-sorry, iba na kasi pakiramdam ko no'n—" "You don't need to explain, I just suddenly remember that... How's your kid?" "Malaki na, 4 years old na at mag-aaral na kaagad sa pasukan. Matalino 'yon doc at maganda pa," pagmamalaki niya. Maisip niya lang ang anak niya ay hindi siya nahihiyang ipagmalaki ito. "Well, if that's the case... You did a great job again, Agatha." Halos manigas siya nang maramdaman ang kamay nito sa ulo niya at marahan na ginalaw 'yon. Mas napayuko siya at hindi nakakilos at nakaimik. Bigla siyang nabingi at ang tanging naririnig niya lang ang pag-iingay ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD