Naging busy siya lalo dahil siya na ang umasikaso sa pagbili ng materials at furniture kasama ang team niya. Isang bagsakan kasi binigay ni Riker ang pera na pambili sa lahat. Kasama naman niya ang secretary nito para ma-note lahat at matabi ang mga resibo.
Kasalukuyan nang ini-install ang mga ilaw sa kwarto dahil napasok naman na ang mga double deck na kama. May ilaw naman na, pinalitan lang nila ang mga normal na bulb ng mas maganda. May dim lights din na nilagay para sa mga batang hindi makatulog ng sobrang dilim.
Medyo mabilis ang pagpapasok at paglalagay ng mga gamit dahil maraming mga tao na hinire si Riker bukod sa team lang niya. Inuna nila ang mga kwarto sa taas. Ang ginawa kasi nila sa taas muna tapos pababa para pag may mga kalat ay okay lang din na ibaba dahil hindi pa naman ayos sa unang palapag. Tatlong palapag kasi ang orphanage at sobrang lawak kaya nga manghang-mangha siya.
"Iusog mo pa kaunti," ani niya sa kasamahan na nagbubuhat ng lamesa na ilalagay sa library room. Tumango siya at nag-thumbs up nang pantay na ang mga lamesa. Nasa second floor na kasi sila ngayon at sa tingin niya bukas ay matatapos na ang pag-aayos ng lahat dahil sa rami nilang kumikilos.
Next week ay pwede na malipatan ito ng mga batang nasa lumang orphanage na ini-sponsor ni Riker.
"Wow... parang mas sosyal pa ang orphanage na 'to kaysa sa tinitirhan ko." Natawa siya sa narinig niya galing sa isang lalaking tagabuhat nila ng gamit.
Narinig niya ang samu't saring reaksyon ng iba na gano'n din pala ang nasa isip. Hindi kasi talaga simpleng orphanage ang itsura ng kabuuan.
Napalingon siya nang marinig ang mga bati ng ibang kasama niya ngayon at doon niya nakita si Riker na naglalakad papasok habang tinitingnan ang second floor. Simple lang naman ang suot nito pero napakalakas ng dating. Napatingin pa siya sa kamay nitong maugat dahil nakataas hanggang siko ang black button down longsleeve na suot nito.
"Tapos na at malinis na 'yong third floor, kaya nasa second floor na kami," ani niya rito nang makalapit sa binata.
Bumaling ito sa kaniya at agad siyang napaatras ng isang hakbang nang nasobrahan pala siya sa paglapit nito. Muli na naman siyang kinakabahan sa hindi malaman na dahilan.
"It's better... pwede nang lumipat ang mga bata sa susunod na linggo," sambit nito habang napapatango.
"Yes, doc. Possible dahil marami ang kumikilos kaya matatapos na 'to bukas. Tapos sa susunod na araw double check lang at linis ulit." She's very excited to show to the kids their new home. She wants to see them smiling and happy. Sigurado siyang lahat ng bata ay matutuwa at gaganahan mag-aral lalo na pag nakita ang library room.
"Can you please stop calling me doc? We're not in the hospital." Natigilan siya at napatingin dito, sinalubong niya ang tingin nito pero dahil para siyang hinihigop no'n ay siya na kaagad ang umiwas.
"D-doctor ka naman kasi kaya dapat lang na doc ang tawag," halos pabulong niyang ani dahil nahihiya siya.
Huminga ito ng malalim at pinatunog ang dila na parang hindi sang-ayon sa sinabi niya. Hindi na lang siya nagsalita dahil nahihiya na siya rito. Ilang oras pa silang nag-ayos doon bago matapos para sa araw na 'to. Mas bumilis ang kilos ng lahat dahil nanonood si Riker at paminsan na tumutulong magbuhat.
Nag-meeting lang sila saglit at sinabi niya kung ano ang mga dapat unahin bukas pagdating nila. May kaniya-kaniya namang naka-assign sa mga dapat gawin kaya madali lang din para sa lahat dahil ang bawat isa ay may focus na gagawin.
Nagpaalam na ang lahat at pati na siya.
"Doc, mauuna na po ako," magalang na sambit niya. Riker nodded his head and casually turn around to go straight where his car parked.
Napatingin siya sa kalangitan nang pumatak ang ulan at paunti-unting lumalakas. Mabilis niyang binuksan ang sasakyan niya at pumasok doon. Pinaandar niya ang makina ng kotse at nang handa na siyang mag-drive ay biglang namatay iyon.
"Huh?" kunot-noo niyang binuksan ulit ang makina pero segundo lang nabubuksan at namamatay rin kaagad. Tumingin siya sa likod ng upuan niya kung may payong ba roon pero wala siyang nakita.
Napabuga siya ng hangin at ini-start ulit ang sasakyan ng ilang beses pero hindi na bumubuhay ang makina.
Halos mapasigaw siya sa gulat nang biglang may kumatok sa bintana niya. Nakita niya si Riker na nakapayong na itim habang nakatapat sa pintuan niya. Agad niyang binuksan ang pinto para makausap ito.
"What happened? I saw your car's light on and off."
"Ayaw na bumukas ng makina? Kanina naman okay pa 'to, kaya nga ako nakarating dito," nakangusong ani niya. Namomroblema tuloy siya ngayon. Pinunasan niya ang pawis sa leeg dahil sa init sa loob ng sasakyan tapos maalinsangan pa dahil biglaan ang pag-ulan.
"Get out. Hold this umbrella." Sinunod niya kaagad ang sinabi nito at bumaba sa sasakyan. Hinawakan pa siya nito sa kamay para alalayan dahil madulas ang sahig tapos naka-heels pa siya.
Nilipat nito sa kaniya ang payong kaya hinawakan niya kaagad iyon. Ito ang pumasok sa sasakyan niya at muling pinaandar ang makina pero wala pa rin nangyari. Lumabas ito at agad niyang sinundan dahil nababasa na ito ng ulan.
Binuksan nito ang hood ng sasakyan at nang mabuksan nito ay halos lumuwa ang mata niya at agad na napatili nang makitang may daga roon.
"Ahhhh! Rats!" sigaw niya habang natataranta. Mas nataranta siya nang binugaw iyon ng binata kaya biglang nagtakbuhan at may tumalon pa. Wala sa sariling napatalong siya sa binata at kumapit dito. Nabitawan niya na ang payong dahil nakakapit na nag dalawang kamay niya sa leeg nito.
She also wrapped her legs around his waist. Wala na siyang pakialam kung mukha siyang bata na nagpakarga ngayon. Sinubsob niya ang mukha sa leeg nito dahil takot na takot siyang makita ang mga daga.
"Hey... t-the rats are gone now," ani nito sa kaniya at tinapik ang likod niya pero umiling lang siya. Nanginginig ang katawan niya dahil sa takot. Maarte man siya tingnan pero ang pinakaayaw niya talaga ay daga, palaka at butiki. Iiyak talaga siya ng malala at hindi makakatulog pag alam niyang may malapit sa kaniyang gano'n.
Napalunok siya at marahan na lumingon para tingnan kung wala na ba talaga. Nilibot niya ang paningin niya at nakita niyang wala na rin sa sahig. Nakahinga siya ng maluwag at kinakalma na ang sarili niya. Parang lalabas pa ang puso niya sa ribcage dahil sa takot na naramdaman.
"Can you get off now?"
"Huh?" Napatingin siya sa posisyon nila at doon lang niya napagtanto na nakahawak na ito sa pwetan niya para alalayan at mabuhat siya. Dali-dali siyang napahiwalay rito at bumaba.
"S-sorry... H-hindi ko sinasadiya... Takot talaga kasi ako sa daga at hindi ko kayang makita sila sa malapitan tapos tatalon banda sa akin? Hindi ko kaya," sunod-sunod na paliwanag niya habang hindi pa rin ito matingnan.
"Sorry, basa ka na tuloy," sambit niya pa at dali-daling kinuha ang payong na nasa sahig at pinayungan ang binata. Nasalubong niya ang mata nito dahil nakatingin din pala ito sa kaniya. Seryoso ang mukha nito at nakita niyang gumalaw pa ang adams apple nito.
Hindi ito nagsalita at sinarado na lang ang hood ng sasakyan niya. Inagaw nito ang payong sa kaniya at natulala naman siya nang maglakad ito kaya naiwan siya roon.
"Damn it. Why did you stop walking?" his forehead creased when he look back at her. Napabuga ito ng hangin nang pasadahan ang buong katawan niya na basang-basa na dahil sa ulan. Mabilis itong lumapit sa kaniya at pinayungan siya tiyaka siya nito hinawakan sa kamay.
Hindi niya naman kasi alam na pinapasunod pala siya nito. Inagaw na lang kasi sa kaniya basta-basta ang payong at naglakad.
"Get in. I'll drive you home." Binuksan nito ang pinto ng kotse pero agad siyang umiling dito.
"Huwag na doc, nakakahiya naman. Magta-taxi na lang ako, may cash naman ako sa sling bag ko," ani niya at tinuro ang suot niyang maliit na slingbag na nabasa na rin.
Riker pinched the bridge of his nose. "You are going to take a taxi at this hour? Baka hindi ka pa iuwi ng driver sa lagay mong 'yan."
"H-huh? bakit naman?"
"Miss... you are goddamn wet because of the rain and your white shirt is hugging your body."
"So?" alam naman niyang basang basa na siya dahil sa ulan pero hindi naman iyon problema para makakuha siya ng taxi sa ganitong oras. Hindi pa naman sobrang gabing-gabi.
He clenched his jaw and shut his eyes.
"So? I can see your f*****g bra and I can tell you have a f*****g big breast, Agatha. So? So?" Napatingin siya sa bintana ng kotse nito at napansin niya nga ang hapit na hapit na white shirt niya sa katawan niya. Naka-black bra naman siya at hindi naman 'yon masama tingnan pero dahil sa sinabi nito ay nahiya na siya ng husto.
Wala sa sariling napatakip siya sa parteng dibdib niya.
"Goddamnit... Get in!"