Karga-karga niya si Tasya dahil marami ang tao sa airport. Si yaya Verlin naman ang nagtutulak sa cart na puno ng gamit nilang tatlo. Hindi naman sobrang dami ang binitbit nilang gamit dahil may mga damit na silang dalawa ni yaya Verlin sa bahay, si Tasya lang ang mas maraming gamit na hindi halata dahil maliliit lang naman ang damit nito. Balak niya na lang din mag-shopping ng iba pang kailangan na gamit nito sa susunod na araw.
Paglabas nila ng airport ay naramdaman niya kaagad ang init ng araw. Summer na rin kasi at bakasyon na ng mga estudyante, maraming tao ang nasa labas at gumagala.
Kumaway si yaya Verlin nang makita ang driver nila. Lumapit naman ito sa kanila para igaya sila sa naka-park na sasakyan.
Si yaya Verlin at ang driver nila ang nag-ayos ng gamit sa likod. Pumasok na sila sa sasakyan dahil pinagpapawisan na si Tasya. Tinanggal niya ng jacket nito para ma-preskuhan.
"Is it too hot?" nakangiting tanong niya sa anak.
"Yes, mommy. It's too hot here, but it's okay."
"You want milk?" Tasya shook her head. Kinuha nito sa maliit na bag ang biscuit niya at iyon ang kinain. Sumakay na rin sa harapan si yaya Verlin pati ang driver nila. Medyo traffic talaga dahil hapon na sila nakarating sa pilipinas. 5pm na at napakadaming sasakyan sa labas.
"Mommy I'm going to nursery school, right? I'm going to have a filipino friends na, 'di ba?" Tumango siya habang inaayos ang buhok ng anak.
"Tama po. You will attend school on August. Are you excited to have a filipino friends?" Uminom ito ng tubig habang tumatango.
"I'm super excited. I will bring my favorite chocolates, mommy. Can we buy a lot so I can give them?" Hinawakan niya ito ng lumuhok ito sa upuan.
"Of course, we can buy a lot of chocolates and snacks so you can share to your classmates." Ngumiti naman ito at halos nakapikit na dahil pati ang mata ay ngumingiti.
Dahil sa sobrang traffic ay huminto na lang sila sa mall para kumain ng dinner dahil nagugutom na rin siya. Siguradong mga 8pm pa sila makakarating kung deretso uwi sila. Ayaw naman niya malipasan sila ng gutom kaya nag-decide siya na kumain muna sa mall.
Nang makapasok sila sa mall ay magiliw na naglalakad si Tasya at tumitingin sa paligid lalo na sa mga taong nakatingin sa kaniya at humihinto pa para titigan ang anak.
Hindi niya masisisi ang mga tao dahil ang itsura kasi ng anak niya ay parang baby model. Mas light brown ang buhok nito na katulad sa mommy niya, siya kasi ay medyo mas dark pa. Maputi rin ito katulad niya kaya nangingibabaw rin ang kulay.
Anastacia is like a living doll and she's very proud.
"Grabe naman ang alaga ko parang artista!" natutuwang bulalas ni yaya Verlin. Pumunta sila sa asian restaurant at doon kumain.
Nag-order sila ng marami dahil nagugutom na rin siya. Mga filipino foods ang in-order niya dahil doon siya natatakam. Ang driver naman nila at si yaya Verlin ay nag korean foods at japanese foods. Marami kasing variety ng pagkain sa restaurant na 'yon.
Kumain ng kanin ang anak niya at nasarapan ito sa adobong baboy. Hindi pa kasi nito natitikman ang adobo. Ang filipino food na naluluto lang nila sa Canada ay tinola, sinigang at nilaga tapos madalang pa.
"Ang ganda naman ng baby, sana ganiyan din itsura ng baby natin paglabas." Napatingin siya sa kabilang table at nakita niya ang isang babae at isang lalaki na nakatingin kay Tasya. Malaki na ang tiyan ng babae at parang isang buwan na lang ay manganganak na ito sa tansya niya.
"Siyempre, maganda rin ang anak natin, maganda ang mommy eh."
Napangiti na lang siya nang maibalik ang tingin sa kinakain niya. Bigla siyang napaisip, paano kaya kung may supportive and loving husband din siya, siguro ay mas may isasaya pa ang buhay nila.
They are happy, she is happy. It just that, she sometimes thinks that it will be more extra happy when his ex-boyfriend didn't cheat and love her completely.
Matagal naman na siyang naka-move on sa ex-boyfriend niya at tinanggap niya na na hindi na siya nito mahal at may pamilya na itong iba. Hindi na niya ito nakakausap at wala na rin siyang balak ipakilala si Anastacia bilang anak nito. Ayaw niya na guluhin ang buhay nito dahil may sariling pamilya na ang ex niya.
Masaya naman siya na ang anak niya lang ang kasama niya. Pipilitin niyang maging ama at ina rito. Sa apat na taon na lumipas ay wala siyang lalaking pinapasok sa buhay niya. May mga nanliligaw pero agad niyang nire-reject. Ayaw niya muna dahil masakit masiyado ang nangyari sa kaniya.
Gusto niya munang mag focus kay Anastacia at sa trabaho niya dahil ngayo'y nagbabalik na siya.
Masaya siyang nakikita ang anak niya na hindi ito naghahanap ng ama o nagtatanong man lang tungkol doon. Uminom siya ng tubig nang matapos siya sa pagkain nila. Dahil nasa mall na sila ay napagdesisyonan nilang bumili na ng damit ni Anastacia. Nag-suggest din ang driver nila na pahupain muna nila ang rush hour dahil masiyado na talagang traffic ngayon sa daan.
Iyon talaga ang nagpapahiwatig na na sa pilipinas na talaga siya.
Binilhan niya ng mga damit si Tasya at tsinelas na rin para sa loob ng bahay. Dumaan na rin sila sa wine section para bumili ng wine na iiiwan sa puntod ng mama ni yaya Verlin. Pupunta sila bukas umaga at doon na rin mag-aalmusal, iyon ang balak nila dahil may meeting na siya sa hapon.
Binayaran niya ang mga pinamili at nang matapos na sila sa pamimili ay binuhat niya na si Tasya dahil naramdaman niyang pagod na ito. Lumabas sila ng department store at sumakay ng elevator pababa. Dahil transparent ang elevator ay dumapo ang tingin niya sa isang lalaki na nasa escalator.
Hindi niya sigurado kung kilala niya ba iyon dahil nakayuko ito at nakatingin sa cellphone pero parang kilala niya ang lalaki na 'yon. Hanggang sa nawala na lang sa paningin niya ay hindi niya nakita ang mukha.
"Ma'am, tara na po," ani sa kaniya ng driver dahil tumigil na pala ang elevator. Lumabas sila roon at dumeretso sa parking lot. Naramdaman niya na na inaantok na si Tasya kaya mabilis siyang naglakad at pumasok na sa sasakyan. Pinahiga niya ito sa upuan at pina-unan niya sa hita niya para maging komportable ito.
Medyo humupa na nga ang traffic at kahit papaano ay tuloy-tuloy ang andar nila. 10:30pm na sila nakarating sa bahay at pinapasok niya na lang ang mga luggage nila sa sala. Tuluyan nang nakatulog ang anak kaya pinalitan niya na lang ito ng damit bago iwanan sa kwarto.
Inayos niya ang mga gamit nila. Hindi muna lahat dahil pagod na rin siya kaya kinuha niya lang ang mga importanteng damit niya na dapat i-hanger na. Nilabas niya rin ang mga gamit ni Tasya at nilagay muna sa lamesa, lalo na ang mga gatas at baby bottles nito.
"Bukas na 'to, yaya Verlin. Magpahinga muna tayo at maaga pa tayo bukas para dumalaw sa puntod."
"Kahit hindi na bukas ma'am dahil pagod pa kayo."
"It's fine... excited na rin ako bisitahin si nana, tiyaka sigurado ako maaga magigising si Tasya." Iniwan muna nila ang mga gamit doon at nag-ayos na para matulog.
Mas nakakadagdag pa ng kaantukan ang busog na tiyan niya dahil nakarami talaga siya ng kain dahil na-miss niya ang filipino foods.
Ginawa niya ang night routine niya bago magpalit ng nighties at tumabi sa anak. Niyakap niya ito at pinikit ang mata. Nakatulog din naman siya kaagad dahil na rin sa pagod.