CHAPTER 1

1307 Words
-- 4 YEARS LATER --- Napangiti siya nang makita ang anak na malawak ang ngiti habang tumatakbo sa playground. Ito na ang nakasanayan nila lagi sa umaga pagkatapos nitong mag-breakfast ay maglalaro ito sa malapit na playground sa village nila. "Mommy! I have a stain on... my clothes!" natawa siya nang inisip pa nito ang tawag sa damit nito. "I'm sorry mommy... I'm sorry yaya," ani pa nito at tumingin sa kanilang dalawa ng yaya niya. Natawa naman si yaya Verlin at nilapitan ang anak niya. "It's okay, baby Tasya. Lalabhan 'yan ng mabuti ni yaya." "But...but, you'll get tired more..." Halos manlambot ang puso niya sa tuwing ganito ang anak. Four years old pa lang nito pero magaling na magsalita at higit sa lahat ay naiintindihan nito ang mga ginagawa ng bawat tao. Talagang nagmana ito sa kaniya na ayaw gumawa ng ikahihirap ng isang tao kung kaya naman. "No... hindi nga nahihirapan si yaya sa'yo dahil malinis ka lagi sa mga toys mo. Mas okay nga pag nadudumihan ang clothes mo kasi ibig sabihin no'n nag-e-enjoy ka!" paliwanag ni yaya Verlin kay Tasya. Nagningning naman ang mata nito at tiningnan siya kaya nag thumbs up siya rito. "Just play, Tasya. Don't mind anything but be careful on running around, okay? I don't want to see you hurting," ani niya sa anak. Sunod-sunod itong tumango at muling naglaro. May mga iilang bata roon na naging kalaro na ni Tasya. "Hay nako ma'am Agatha... Hindi talaga mapagkakaila na anak mo si Tasya. Ganiyan lagi ang kwento sa akin ni mama noong ikaw daw ang binabantayan niya. Lagi ka raw nag-aalala dahil baka madagdagan mo ang gawain niya kahit halos wala na siyang gawin bukod sa paglilinis dahil napakabait at masunurin mo ring bata," ani sa kaniya ni yaya Verlin. Yaya Verlin was 10 years older than her. Ang mama nito ang yaya niya dati noong nabubuhay pa ito pero dahil sa katandaan ay wala na ito ngayon. 8 years na nagta-trabaho sa kaniya si yaya Verlin at wala siyang reklamo rito dahil para itong mama nito na magaling talaga kumilos at mag-alaga. "I miss nana," wika niya nang maalala ang mama nito. "Ako rin ma'am... Dalawin po natin ang puntod pag-uwi natin sa pilipinas sa makalawa?" "Sure! I would love too... We'll buy her favorite wine!" excited na sambit niya. Their housemaids are their family, that's why they trust each other. Kalahating oras pa naglaro si Tasya bago ito umayaw at napagod na. Naglakad ito at hindi nagpabuhat kay yaya Verlin dahil baka mabigatan na raw ito. "Mommy, I want watermelon," sambit nito sa kaniya nang makauwi sila sa bahay. Chineck niya kaagad kung may watermelon pa pero ubos na pala. Favorite kasi iyon ng anak niya, para bang hindi ito nagsasawa sa watermelon. "We don't have a watermelon, Tasya..." Napanguso ito at nalungkot sa sinabi niya. "Can you wait? papabili tayo kay yaya?" "Is it okay to yaya?" "Of course, baby tasya! Ngayon na lang ako bibili ma'am para hindi matagal maghintay si baby Tasya. 9am pa lang naman, mabilis lang din naman ako bibili at may sasakyan naman." Nagpasalamat siya rito at kumuha ng pera pambili ng pakwan. Hindi kasi siya makakalabas at magluluto na siya. Hangga't maaari kasi ay siya ang nagluluto ng kakainin nila ni Tasya. Gusto niyang siya ang nakatutok sa kinakain nitong masustansiyang pagkain. Silang dalawa lang ang nagluluto ni yaya Verlin ng kakainin sa bahay. Pag busy sila pareho ay ang housemaid ng mommy niya ang nagluluto. Nag-ready na siya ng mga ingridients para sa lulutuin niya. Payapa siyang nakakapagluto dahil nanonood lang ang anak niya sa sala ng english cartoons. "Tasya, you want carrots?" sigaw niya para marinig siya nito. "Yes, mommy! Pahingi?" She chuckled when Tasya voice became lower. She knows that she understand tagalog but she barely speak so she's unsure sometimes. Naghiwa siya ng maninipis na carrots at hinugasan iyon bago ilagay sa hindi babasaging bowl nito. "Here, while you wait to your watermelon," wika niya nang makalapit dito. "Thank you mommy," she giggled. Tiningnan nito kung marami pa ang tubig nito sa baby bottle, nang makita niyang kalahati pa iyon ay hindi niya muna nilagyan. makalipas kalahating oras ay dumatin na ulit si yaya Verlin. Mabuti na lang natuto ito mag-drive dahil pag may mga kailangan bilhin ay magko-kotse lang ito gamit ang isa sa mga kotse nila na nasa bahay ng parents niya. Hindi na siya nagpatulong dito magluto dahil pinaasikaso niya na kaagad ang watermelon ni Tasya. Mabilis lang din naman siya natapos sa pagluluto. Umakyat muna siya papunta sa kwarto nila ni Tasya habang busy ang anak sa panonood kasama si yaya Verlin. Binuksan niya ang laptop niya at nakita niyang confirm na ang bagong project niya sa pilipinas. She will plan the design of a new orphanage in quezon city. Hindi niya pa kilala ang client niya at ma-me-meet niya lang ito pag nakabalik na siya ng pilipinas. Mukhang secretary kasi nito ang kausap niya. Tapos na niya ang design ng kabuuan ng orphanage at tinatapos niya na rin ang powerpoint na ipe-present niya pag na-meet niya na ang client niya. Namangha pa nga siya sa laki ng orpahange dahil parang isang mansyon na may malawak na garden sa labas at playground. Tumawag sa kaniya si Summer at agad naman niyang sinagod. Bumungad sa kaniya ang dalawang mukha ng kambal. "Hi, Blaze and Sunnie!" bati niya sa kambal. "Kumusta?" ani niya pa nang makita na ang mukha ni Summer. "I'm okay, kakatapos ko lang mag-workout at ito ngayon ay balik alaga sa dalawang makulit." Lumabas siya ng kwarto at bumaba para makita ni Tasya ang kambal. "Tasya! your tita Summer is in the video call, look at the twins," sambit niya sa anak at tinabihan ito sa sofa. "Hi," Tasya shyly greeted them. Yumakap sa kaniya ang anak at kumalong habang nakatingin sa cellphone niya. "Hi, baby Tasya namin! I'm excited to see you in person... sobrang laki mo na!" nakangiting ani ni Summer sa anak. "Hi tita Summer." "Sa makalawa ang flight niyo 'di ba? Bumisita ka'yo sa bahay ah. Next month na ang pangalawang kasal namin ni Flame. Magpho-photoshoot na kami next nextweek kaya nagpapa-sexy ako ng sobra," she laughed. Isa pa 'yon, sakto lang ang uwi nila dahil next month ay ikakasal muli ang dalawa at sa wakas ay makaka-attend na siya. Hindi na kasi siya naka-attend sa kasal nito at naintindihan naman ng kaibigan dahil sure na sure ito noon na may pangalawang kasal sila na hindi na malaki ang tiyan nito. "Beach wedding 'no? Ano palang susuotin namin nila Yeonjin?" "Color orange na dress pero kami na ang magpapagawa ng susuotin niyo. Papagawa ko na rin ng dress si Tasya at si yaya Verlin para matchy-matchy!" "Thank you ma'am Summer!" singit ni yaya Verlin kaya pinakita niya ito sa camera. "Kumusta pala si Yeonjin? Its still complicated?" tanong niya rito. "Yes... super complicated." Hinahayaan muna nila ito na makapag-isip isip dahil masiyadong complicated ang nangyayari sa buhay nito. Sinisigurado nila na pagkakausapin sila ni Yeonjin ay free sila. Alam nila ni Summer na gusto nito munang mapag-isa at naiintindihan nila iyon. Nagkwentuhan lang sila ni Summer hanggang sa magpaalam na ito dahil maghahanda na ito ng pagkain ng kambal. Nagpaalam na siya rito bago ibaba ang tawag. Nang tumungtong ang 11am ay kumain na sila ng tanghalian. 1am kasi ay natutulog si Tasya at nagigising ito ng 3pm. Pagnagigising na ito sa hapon ay hindi na ito naglalaro kun'di nag-aaral ng mga alphabets and words. Nagpa-practice na rin ito magsulat kaya hangang-hanga siya rito. Hindi ito sobrang hilig sa paglalaro dahil naka-balance sa paglalaro at pag-aaral ang hilig nito na ikinatuwa niya. Ang sinisigurado niya lang ay makapaglaro ito sa umaga at ma-exercise ang katawan sa pagtakbo at paglalakad. She's very proud mom because of Anastacia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD