PROLOGUE

1310 Words
Halos mahimatay na siya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay hinahati siya at gustong gusto niya na iyon mawala. Tanging iyak lang at sigaw ang nagagawa niya habang papunta sila ng hospital ni Yeonjin. Saktong naroroon ito sa bahay niya nang nawasak ang panubigan niya at nakaramdam siya ng sakit. Napaaga ang kaniyang panganganak kaya ngayon ay nabigla silang lahat lalo na siya. Narinig niya pang kausap ni Yeonjin si Summer pero hindi na niya pinansin ang mga ito. "Calm down, Agatha... You can do this, fighting!" Umiling siya kay Yeonjin dahil hindi niya na talaga kakayanin pa. Inihiga siya sa stretcher at kinumutan ang ibabang bahagi niya dahil naka-dress siya. Hindi na siya mapakali at hindi niya na alam ang gagawin niya. Hindi pa dumadating ang doktora na magpapaanak sa kaniya kaya mas lalo siyang kinakabahan habang iniinda ang sakit. "It hurts! Ayoko na!" sigaw niya. "What is happening here? Bakit nandidito pa siya?" "Doc Riker... Biglaan po kasi siyang manganganak na at napaaga ng ilang araw kaya hindi inaasahan pero papunta na po si doktora Emily." Inabot niya ang kamay ng doctor at hinawakan iyon ng mahigpit. "Paanakin mo na ako doc, hindi ko na kaya ang sakit," pagmamakaawa niya rito. Ang gusto niya na lang mangyari ay mailabas na ang anak niya at mawala na ang sakit na nararamdaman. "Calm down, misis—" "Hindi ako misis, wala akong asawa!" sigaw niya pa rito dahil sa pagkakamali nito. "Agatha, calm down," ani ni Summer na dumating na rin pala. Sa hirap ng sitwasyon niya ay hindi na niya ito napansin. Sinuklay nito ang buhok niya na magulo na. Humigpit lalo ang pagkapit niya sa kamay ng doctor, pinikit niya ang mata niya para pakalmahin ang sarili kahit papaano. "Where is Dra. Emily? Malapit na ba siya?" Muli niyang dinilat ang mata niya at nakita niyang nakatitig na sa kaniya ang doctor. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kamay niya para pakalmahin siya. Hindi niya binitawan ang kamay nito dahil kahit papaano ay parang nakakakuha siya ng lakas sa binata at naiinda niya ang sakit. "Yes, doc. 5 minutes na lang daw, medyo traffic sa way niya kaya natagalan lang." "Okay, what's your name? Agatha, right?" pagkokompirma nito na ikinatango niya dahil hindi na siya makapagsalita dahil kagat-kagat niya ang labi niya. "Breath with me, okay? Relax... Mawawala rin ang sakit... Breath in, breath out... Good... You're doing great, Agatha." Sinunod niya ang pinapagawa ng doctor at nag inhale - exhale lang. "Doc Riker, nandiyan na po si Dra. at nagbibihis na po. Ipapasok na po namin si ma'am sa delivery room." "Ma'am pakibitawan na po ang kamay ni Doc Riker," ani sa kaniya ng nurse pero hindi niya iyon sinunod. "Agatha, you need to let go of his hand—" pinutol niya ang sinasabi ni Summer. "A-ayoko... pakiramdam ko mas lalong masakit pag wala akong kinakapitan," iyak niya sa mga ito. Ayaw niya tanggalin ang pagkakahawak sa doctor dahil baka mas lalo na naman sumakit. "Miss Agatha, I'm here— Oh, Doc Riker? Why are you here?" Narinig niya ang boses ng doktora na magpapaanak sa kaniya. Sakto naman na parang naramdaman niya na ang paglabas ng anak niya. "Ahhhhhh, a-ang s-sakit na talaga, parang may lalabas na!" sigaw niya dahil hindi na niya kinaya. "Damn it. I'll accompany her inside, let's go!" Pinikit niya ang mata niya muli nang umandar ang stretcher at pumasok sila sa delivery room. Ang lalaking doctor ang nagbuhat sa kaniya para malipat siya sa kama na naroroon. Saglit niyang nabitawan ang kamay nito pero agad niya ulit hinablot iyon nang makahiga na siya at maiayos sa isang higaan. "Breath in, breath out," bulong sa kaniya nito at marahang hinahaplos ang buhok niya. "Whoo... a-ahhhh! M-masakit na talaga sobra... Ahhhhhhhhhhhhhh!" "Okay, continue, Agatha... Push! You can do it!" rinig niyang sambit ng doktora. Ang tanging nasa isip niya na lang ay umire ng umire para malabas na ang anak. Nakailang ire pa ata siya at tuluyan na niyang nailabas ang anak. Nanginginig siya habang nakatingin sa umiiyak na sanggol. Kumawala ang luha niya sa mga mata unti-unting nanlabo ang mata niya. "It's a baby girl! Congratulations, Miss Agatha!" Bago pa siya tuluyang kainin ng kadiliman ay naramdaman niya ang isang kamay ng doctor na pinunasan ang luha niya na tumulo sa kaniyang pisngi. "Anastacia..." She murmured her baby's name. Nagising siya nang mga nag-uusap malapit sa kaniya. Unti-unti niyang binuksan ang mata niya at nakita niyang nakapatay ang ilaw sa parteng bahagi niya pero nakabukas naman ang ilaw sa kabila kung saan niya nakikita si Yeonjin at Summer na nagk-kwentuhan. "Ang cute talaga ng mga babies doon sa ward!" ani ni Yeonjin at parang nanggigigil pa. "Akala ko ba ayaw mo magkaanak dahil nakakatakot?" taas kilay na sambit ni Summer.. "Ayaw nga pero, ang cute kasi. Tiyaka ano ka ba! Sinabi ko lang naman na cute 'no!" "Tss. Soon, tingnan mo, mag-aanak ka rin!" tawa ni Summer. Magsasalita sana siya nang mapatingin sa gawi niya si Yeonjin at halos manlaki ang mata nito nang makitang gising na siya. "Agatha!" halos pasigaw na ani nito at tumayo. Pati si Summer ay napatayo na at nilapitan siya. Ngumiti siya sa mga ito at pilit na umuupo pero hindi siya makaupo kaya tinaas na lang ni Summer ang kalahati ng bed niya. "Kumusta? anong feeling?" tanong sa kaniya ni Summer. "It feels... so weird? Parang gumaan na ang tiyan ko," she chuckled and scratched her nose. "Sobrang cute mo kanina umiyak at sumigaw! Kung normal lang talaga ang lahat ay inasar ka na namin," ani ni Yeonjin. Bigla tuloy siyang nahiya sa mga ito at nag init ang pisngi niya. Kung malakas magsalita ang dalawa ay kabaliktaran naman niya. She's very shy person. Iyong tipong nagbayad siya sa jeep ng pamasahe na may sukli pa pero dahil mahiyain siya ay hindi niya na lang kukunin hangga't hindi iyon nabibigay ng kusa sa kaniya. "Malapit na dumating sila tita at tito... Ilang oras na lang ay nandito na sila," tumango siya sa mga ito. "Thank you Yeonjin and Summer... the best kayong tita!" she giggled. Binantayan siya ng dalawa at kumain sila ng sabay dahil nakaramdam na siya ng gutom. Nagkwentuhan lang sila at pagkatapos ay nakatulog na naman siya. Dumating din ang mommy at daddy niya nang hating gabi at doon na nag-stay sa room niya kaya pinauwi niya na sila Yeonjin at Summer dahil alam niyang may mga importanteng work pa ito. Kinabukasan ay naghanda na sila sa pag-uwi nila sa bahay. Nililinga-linga niya ang ulo na baka sakaling makita ang doctor na lalaking sumama sa kaniya sa delivery room. Hindi niya makakalimutan ang pangalan nito. Riker... May lumapit sa kaniyang nurse para itulak na ang wheelchair na inuupuan niya. "Nasaan po si doc Riker?" tanong niya sa nurse. "Ay si doc po? Alam ko po may operation siya ngayon na naka-schedule. Nakapasok na po ata sa operation room," sagot nito sa kaniya habang tinutulak ang wheelchair. Ang anak niya naman ay naka-cart at ang mommy niya ang nakaalalay roon. Tango na lang ang tanging naitugon niya rito. Wala naman siyang magagawa kung hindi niya ito makikita ngayon dahil nasa operation pala. Magpapasalamat na lang siya kung makita niya man ito ulit. Umuwi na sila sa bahay at nag-focus siya sa anak niya. Sobrang saya niya nang mahawakan ito at mayakap. Sa ngayon ay ang anak niya lang muna ang iisipin niya at hindi ang ibang bagay. Ilang buwan lang silang nag-stay sa pilipinas at nang kinakailangan na umuwi ng magulang niya sa Canada dahil naroroon ang main branch ng Interior Designer Company nila ay sumama na rin siya. Hindi rin naman siya makakapagtrabaho sa kompanya na naririto sa pilipinas dahil mag-fo-focus muna siya sa anak niya. He left the Philippines without saying thank you and goodbye to the doctor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD