Dalawang araw ang lumipas at natapos na ang paglalagay sa lahat ng gamit. Kasalukuyan siyang naririto sa orphanage dahil may dino-double check lang siya. Hawak-hawak niya ang Ipad niya dahil naroroon ang checklist na ginawa niya.
Mag-isa lang siya dahil tapos naman na ang trabaho ng lahat. Gusto niya lang masigurado na maayos ang lahat at pulido na. Napatigil siya sa pag-che-check nang tumunog ang cellphone niya. Agad naman niyang sinagot iyon nang makitang si yaya Verlin iyon, paniguradong gusto na naman siya kausapin ni Tasya.
Tama nga siya dahil si Tasya ang bumungad sa screen ng cellphone niya.
"Mommy!" Hindi pa siya nakakapagsalita nang may ipakita ito sa kaniya kaya natawa na lang siya.
"Heart shaped watermelon? Is that because you love me?" malambing na tanong niya.
"Yes, mommy... I love you! I made a lot of hear watermelons and a star one!" Pinakita nito ang star shaped na watermelon. Mukhang ginamit nito ang shape cutters niya na pang pastry. Nagpapaturo kasi siya gumawa ng mga basic na pastries and dessert kay Summer pag wala siyang ginagawa, o noong panahong buntis siya at halos nasa bahay lang kaya may mga gamit siya.
"Ang galing naman ng Tasya ko. Baka mabusog ka na naman sa watermelon ha? Huwag masiyadong marami ang kainin dahil kakain ka na mamayang dinner, okay?" Sunod-sunod itong tumango at nilantakan ang watermelon.
Hindi niya alam kung saan ito nagmana sa katakawan ng watermelon dahil hindi naman siya sobrang takaw sa prutas na 'yon at ang ex-boyfriend niya ay hindi kumakain no'n.
"Mommy will work na, ba-bye na," ani niya rito at ngumuso rito para ipakita na kiniss niya ito. Nagpaalam na ito kaya pinatay niya na ang tawag. Nilagay niya ang cellphone sa bulsa at tumalikod na nang bigla niyang makita si Riker na nakasandal sa may pinto.
Napapikit siya sa saglit at napabuga ng hangin.
"I'm sorry, did I scare you?" Mukhang nahalata nito na nagulat siya at inunahan na siya. Tumango siya rito bilang tugon bago siya lumapit sa binata dahil lalabas na siya ng kwarto at pupunta sa kabila.
"Why are you here, alone?"
"Dino-double check ko lang kung lahat ay ayos na ba," sagot niya. Pumasok siya sa isang at tiningnan ang buong kwarto. Napatingala pa siya para tingnan ang mga ilaw at napansin niya na parang nakatabingi ang isa. Hindi siya nagsalita at kinuha niya na lang ang hagdan na nasa tabi ng kwarto. Mukhang naiwan doon dahil nakatupi ito at nasa likod ng pintuan.
"What are you doing?"
"I'll just fix that," turo niya sa bulb na medyo nakatabingi. Nilapitan siya ni Riker at hinawakan nito ang nabuka niya ng hagdan.
"Ako na."
"No, it's fine. Madali lang naman 'yan. Pakihawak na lang ng hagdan." Hindi niya na hinintay ito at umakyat na kaagad. Hindi naman siya mahihirapan dahil naka sandals naman siya at hindi naka-heels.
Mabilis niya iyong tinanggal at inikot pabalik para maayos. "Okay na!" she giggled. Proud siya dahil hindi siya takot magkabit ng mga gano'n at kaya niya gawin 'yon.
Tumingin siya kay Riker na nakatingala sa kaniya. Bumaba na siya na isang kamay lang ang alalay niya sa hagdan dahil akala niya hindi siya madudulas pero doon siya nagkakamali. Nagkamali siya ng apak pababa at nadulas iyong isang paa niya kaya napabitaw siya sa hagdan.
Napapikit na lang siya at hinintay na bumagsak siya nang maramdaman niya ang pag yapos ng dalawang kamay sa maliit niyang baiwang.
Napadilat siya at laking gulat niya nang nasa ibabaw siya ni Riker at hindi lang 'yon, ang labi nilang dalawa ay magkadikit. Hindi siya makakilos tanging pagtibok ng puso niya lang ang nararamdaman niya marahil sa takot at kaba dahil sa paghulog niya.
Tinulak niya ang dibdib nito para makatayo siya pero hindi niya iyon nagawa nang gumapang ang isang kamay ng binata sa batok niya para pigilan siya.
Sa oras na 'yon ay napigilan niya ang paghinga niya nang gumalaw ito ang labi nito. Napadaing siya ng mahina nang kagatin nito ang ibabang labi niya dahilan para mapaawang ang bibig niya.
Unti-unti siyang napapikit nang maramdaman niya ang dila nitong lumilibot sa loob ng bibig niya. An electricity travel to her spine that made me shiver. She felt so hot and needy all of a sudden.
Dahil nakadag-an siya sa katawan ng binata ay ramdam niya ang pagkaipi ng malaki niyang dibdib sa malapad at matipuno nitong dibdib.
"Ahh," a little moan escape to her mouth.
Naidilat niya ang mata niya at agad na natauhan. Malakas niyang tinulak ang binata kaya napabangon siya. Magsasalita sana siya nito nang napapikit ito sa sakit.
"Fuck... shit..."
Naibaba niya ang tingin niya at nakita niya ang tuhod niyang mariin na dumag-an sa gitnang parte nito. Dali-dali siyang napatayo at naiayos ang buhok niya.
"Damn it. Did you just put my weight on my d**k?"
Iniwas niya ang tingin dito nang makabangon ito. Sobrang init na ng mukha niya at alam niyang halata na sa mukha niya ang kapulahan ng pisngi niya. Nag-iinit lalo ang pisngi niya dahil lantad nitong pinangalanan ang parte na naipit niya.
Dick... His huge d**k that she was sure it is huge.
Hindi niya alam kung paano ito kakausapin o paano ito haharapin dahil sa nangyari. Gusto niyang matuwa at sumigaw nang mag-ring ang cellphone niya. May dahilan na siya para hindi muna pansinin ang binata.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at sinagot iyon. Tinalikuran niya kaagad ang binata at kinuha ang Ipad niya na nilagay lang kanina sa tabi.
"Yes?" ani niya. Naglakad siya palabas ng kwarto na 'yon ng walang lingon lingon.
"Ma'am naayos na po ang sasakyan niyo. Ihahatid ko na lang po sa bahay niyo at ibibigay ko kay Verlin ang susi."
"Gano'n ba? Okay."
"M-ma'am, a-ayos lang po ba kayo?"
"Sige..." Pinakiramdaman niya ang likod niya kung susunod ba ito sa kaniya pero hindi na niya ito naramdaman. Bumaba na siya ng hagdan at doon lang nakahinga ng maluwag.
"Po?"
"Ay ano nga ulit 'yon kuya?" tanong niya dahil wala rito ang atensyon niya kanina. She should be professional with her client but look what they did today.
"Maayos na po ang sasakyan niyo at ihahatid ko na po sa bahay mo. Ibibigay ko na rin po ang susi kay Verlin."
"Ah, opo kuya. Salamat!"
"Okay po ma'am."
Nagpaalam na siya sa on-call driver niya na driver din ng mga employee nila sa Interior Designer Team branch sa philippines.
Pinaypayan niya ang sarili gamit ang kamay dahil sobrang init pa rin ng pisngi niya. Napapitlag naman siya nang marinig niya ang yabag nito na pababa na. Tumikhim siya at kunwaring busy siya sa Ipad niya.
"Agatha—"
"Ahhhhh! Manong! Diyos ko po! Tulong! Tulong!"
Hindi natuloy ni Riker ang sasabihin sa kaniya nang may magsisigaw sa labas. Dahil railings ang pinaka-main gate ay kita nila mula sa loob ang nakabagsak na bike at walang malay na matanda na nakahiga sa sahig.
Hindi pa siya nakaka-react nang mabilis na tumakbo si Riker palabas ng orphanage at dali-daling binuksan ang gate para makalabas. Pati siya ay napatakbo na dahil sa bilis ng binata.
"Sir? can you hear me?" tanong ni Riker nang makaluhod ito para kausapin ang matanda. Nakita niyang tuluyan itong nawalan ng malay. Nilabas ni Riker ang cellphone niya at may pinindot doon tiyaka binigay sa kaniya ang cellphone nang hindi man lang siya tinitingnan.
"W-what should I do?"
"Tell them that we need an ambulance now." Binaba niya ang tingin sa cellphone nito at nakita niyang Ford General Hospital Emergency Line ang tinatawagan nito.
"Shit... He's not breathing." Mas lalo siyang nataranta nang makitang sinimulan i-CPR ng binata ang matanda.
"Hello, Doc Riker—"
"Block 45 Halliwood street, baranggay makalangit, quezon city. Kailangan namin ng ambulance ngayon, nag C-CPR na si doc Riker sa walang malay na matanda sa daan! Pakibilisan po, please."
"Okay ma'am. Papunta na po."
"Do you know this man?" tanong ng binata sa matandang babae na nakakita.
"Ano hijo?" Lumapit siya sa matanda at siya na ang nagtanong.
"Kilala mo po ba si manong?" pagtatagalog niya sa tanong ni Riker.
"A-ah! Hindi ko naman siya kilala talaga, pero lagi kasi dito 'yan umiikot para sa mga kalat ng basura. Nasira ang cart niya kaya siguro naka-bike lang siya at hahakutin ang sako-sakong nakakaya niya. Nakita ko na kasi siya kanina pang tirik na tirik ang araw ay pabalik-balik siya sa kanila para ilagay roon ang mga sakong may laman ng napulot niya para sa kalakal."
"It's heatstroke," Riker stated. Napatakip siya sa bibig niya nang makitang gumalaw ang matanda. Sakto naman ang pagdating ng ambulansya at mabilis na binitbit ng mga nurse ang matanda.
Kinausap ng binata ang isang nurse, may mga sinabi ito na hindi niya masiyadong maintindihan dahil mga medical terms iyon, basta't ang tumatak lang sa isipan nito ang huli nitong bilin.
"I'll cover all of his medical expenses. You know what you'll do."
Napatitig siya sa binata na seryoso ang mukha habang pawis na pawis ang noo nito. Mahigpit niyang hawak ang cellphone nito at hindi inaalis ang tingin sa mukha nito.
He looks so intimidating and cold but he's has really a good heart...
Gumapang ang kamay niya sa tapat ng puso niya at pinakiramdaman niya muli ang sinasabi no'n.
Am I having a crush to that hot doctor?